Pero paano siya matutulog kung nandito pa rin ang lalaki sa tabi niya at nakatitig lang sa kanya.Hindi man lang siya naglakas loob na huminga, dahil kung gagawin niya ito ay mapapansin nito ang kaba niya.“Julliane…” Bulong ni Ismael dahil hindi nito mapigilan ang sarili na hindi magsalita.Bigla siyang naiinip kaya tinawag niya si Julliane at dahan-dahang yumuko.Parang kulog naman ang tibok ng puso ni Julliane.Nang makita siyang palapit nang palapit, naaamoy niya ang bahagyang malamig na hininga nito, muli niyang ibinaling ang kanyang ulo.Dito ay kinubabawan na siya ni Ismael at nagulat siya ng husto sa ginawa nito.Ang kanyang dalawang kamay ay napahawak ng mahigpit sa kanyang kumot, at ang labi nito ay dumampi sa sulok ng kanyang mga labi, at sa wakas ay napabuntong-hininga sa pagkabigo."Ang bango ng hininga mo Julliane.“ Bulong ni Ismael at hindi siya umalis, at lalo pang diniinan ang katawan nito sa katawan niya.Gustong magpahinga ni Julliane, ngunit naramdaman niyang dinur
Dahil sa kagustuhan na muling tumangi si Julliane ay nagsalita na naman siya.“Pero Ismael, hindi mo dapat ito ginagawa dahil lang inutusan ka nila.“ Mayamaya na turan ni Julliane dito, binilang niya ang bawat kataga na sinasabi niya at pigil ang sarili na hindi na madagdagan pa ang sasabihin.Napakunot naman ang noo ni Ismael at nagsalin ng sopas sa bowl nito.“Wag ka nang kumontra, ginagawa ko ito sa ayon sa kagustuhan ko hindi lang dahil inutos ito ng pamilya ko.“ Sabi ni Ismael sabay titig sa kanya.Napayukong muli si Julliane dahil hindi niya kayang salubungin ang titig ng lalaki.Pero pinirmahan na ni Julliane ang kasunduan sa annulment nila, at nadama niya na talagang hindi na ito angkop para magkasama pa sila.Iniisip rin ni Julliane na sigurado siya na magagalit na sa kanya ng tuluyan ang nobya nito.Si Crissia na kahit nagmamakaawa sa oras ni Ismael ay hindi pa rin makita ni Julliane ang pagmamahal o pang-unawa sa mga mata nito.Anong nangyayari? Bakit biglang umayon sa sitw
Hindi maiwasan na hindi kabahan si Julliane dahil sa paraan ng pagtitig ni Ismael sa kanyang labi.Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso at kung hindi lalo pa silang magtatagal sa ganitong sitwasyon ay baka mabaliw na siya. Ibinaba ni Julliane ang kanyang ulo at tumigil sa pagsasalita ng mahabang sandali.Kinuha ni Ismaelang mangkok na ginamit niya at muling nilagyan ang kanyang mangkok ng sopas, pagkatapos ay matikas na sinimulang kainin ang kanyang hapunan, at sinabi sa kanya na.Muli ay nagulat pa rin siya sa ginawa nito dahil talagang hindi nito iniisip ang ginamit niyang kutsara at mangkok."Ipapadala ko na lang ang iyong maleta mamaya, pero palitan mo na ang mga damit mo. Magpapadala ako ng tao para personal kang makapamili ng mga bago mong damit.“ Sabi ni Ismael sa kaswal na boses habang magana pa rin na kumakain.Sa isip ni Julliane ay pati ang kanyang kasuotan ay balak na rin nitong pakialaman, ang mga damit niya ay maayos pa naman.Hindi pa luma ang mga ito, at isa pa ay n
Dahil naramdaman niya na nakaalis na si Ismael ay saka siya lumabas ng kanyang silid.At saka siya lumipat ng kwarto ng kanyang ina at ama at napatingin sa buong silid.Nasa bedside table ang mga larawan nilang mag-ina na kuha ilang taon na ang nakararaan.Mayroon rin sa kanilang mag-anak.Kinuha ito ni Julliane at saka pinagmasdan ng mabuti.Nakatitig sa kanyang mga magulang na pwang ngiti sa mga labi habang yakap siya ng mga ito.Kuha ito nong nasa second year highschool pa lang siya at sa bansang Japan pa ito kinuha.Nong bata pa siya ay taon-taon silang mag-anak na nagbabakasyon sa ibang bansa.Pero mula nong magsimulang magkaroon ng problema ang ama ay hindi na sila naging masaya pa.Nilagay ni Julliane ang litrato sa kanyang dibdib at kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mata.“Mama, papa ko, pangako magiging masaya ako kahit pareho na kayong wala." Turan ni Julliane sa mahinang boses.Saka siya umupo sa kama napahiga siya, iniisip ang mga panahong magkakasama pa silang pamilya
Sandaling natahimik sila kaya napailing na lang si Ismael.Naisip niya na kung nasa bahay pa nito si Julliane, ano kaya ang ginagawa nito.“Matanong ko lang ngayon na nakauwi na dito si Lian, saan siya magtatrabaho? Sa kumpanya niyo?“ Tanong ni Mirko sa kanya.Tumingin dito si Ismael at naalala ang sinabi ni Julliane sa kanya nong sinabihan niya ang babae na pwede itong magtrabaho sa kanilang kumpanya."May nahanap siyang trabaho, at ayaw niyang magtrabaho sa kumpanya namin.“ Sagot dito ni Ismael kaya tumango lang ang lalaki.May sasabihin pa sana si Mirko nang tumunog ang cellphone ni Ismael.Sinagot ito agad ni Ismael at tumayo bago kausapin si Crissia na siyang tumawag sa kanya.“Sasagutin ko lang ito.“ Sabi ni Ismael sa dalawang kaibigan na agad naman tumango, saka siya lumabas ng resto.Nagkatinginan sina Mirko at Allen at tinanong si Allen. "Gusto mo bang tumaya?" Nakatawa nitong tanong sa kaibigan na agad rin na ngumisi. "Ang iyong bagong sports car!" Sabi ni Allen kaya agad
Nakauwi si Julliane sa bahay nila ng wala sa loob, tinawagan na lang niya si Marco na sumama ang pakiramdam niya.Nag-alala pa ito pero sinabi niya na magpapahinga na lang siya o iinom ng gamot.Nang makauwi siya ay napaupo siya sa sofa nila at napatingala sa kisame pero agad rin na bumangon dahil kailangan niyang ayusin ang mga gamit niya.Pinadala na ni Ismael ang maleta niya kaya iaakyat na niya ito at aayusin sa kanyang kwarto.Napatigil si Julliane sakto nang paglabas niya sa kwarto niya at nakita niya sa orasan na alas-syete na ng gabi.Pababa na siya at nakita niya si Ismael na papasok rin sa pinto at nagkatinginan sila at hindi ito pinansin.Pero may dala itong paper bags at pumunta ito sa kusina.“I bought your dinner, alam ko kasi na hindi ka pa kumakain.“ Sabi nito nang sumunod siya dito pero hindi siya nagsalita.“Salamat, iwan mo na lang diyan at iinitin ko mamaya.“ Sabi dito ni Julliane kaya napakunot noo si Ismael sa inasta niya.“Kumain na tayo, sasaluhan kita.“ Sabi p
Nang matapos na maligo si Julliane ay nagbihis siya ng pormal na bistida na plain white na hangang tuhod niya. Pagkatapos ay pinatuyo ang buhok gamit ang blower sa harap ng kanya salamin sa vanity. May mahaba at kulay itim na buhok si Julliane at bagay ito sa kulay ng brown niyang mga mata. Maluti siya na namana niya sa ina, kahit na bumabad pa siya sa sikat ng araw ay hindi siya umiitim. Imbes na mangitim ay namumula lang ang kanyang balat. Nang matapos siya sa pagpapatuyo ng kanyang buhok ay naglagay lang siya ng lipgloss at pulbo sa mukha. Hindi sanay na mag-make up si Julliane dahil natural na mamula-mula na ang kanyang pisngi. Saktong alas-onse ng umaga ay dumating ang sasakyan na susundo sa kanya. Nang makarating siya sa mansyon ng mga Sandoval ay kinabahan pero huminga pa rin ng maluwag. Nasa bungad na ng sala ang kanyamg byenan at ang dalawang matandang mag-asawa. “Hello, hija i miss you my darling.“ Ito agad ang bati ni Mama Ana na agad siyang niyakap ng ma
Sa bahay pa rin ng mga Sandoval, nang sumapit ang gabi ay nasa silid na nila ang mag-asawang Ibrahim at Katarina.Marahang pinalo ni Katarina ang braso ng asawa na ikinagulat naman nito.“Bakit napakakalmado mo kanina? May binabalak ka na naman sa mga apo mo!?“ Inis nitong sabi sa asawa na tumawa lang ng mahina.Si Ibrahim ay anim na pu't siyam na taong gulang na ngunit malakas pa rin at aktibo pa rin bilang chairman ng kumpanya ng kanilang pamilya.“Ginawa ko naman at sinabi ang napagusapan niyo ni Analou, hinayaan ko na ang mga bata sa kung ano ang gusto nila.“ Ito ang sabi ni Ibrahim sa asawa niya.Napaisip ang don sa nangyari kanina, nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Ismael.Kaya nasisiyahan ito sa mga nangyayari, ngayon maghihintay na lang siya na ito na mismo ang hahabol kay Julliane.At tatawa na lang siya ng malakas kapag bumalik ang kanyang suwail na apo sa harap at hingin ang kanyang tulong.——Hindi mapigilan na hindi maging balisa ni Julliane nang makauwi siya mula sa
Nang matapos ang masaya nilang hapunan ng mga in-laws ni Julliane ay muli silang bumalik sa lanai.Ayaw pa ng mga ito na umuwi agad si Julliane kaya pinagbigyan na lang niya ang mga ito.Nagpaalam sandali si Julliane sa mga ito na pupunta siya ng banyo kaya pumunta siya sa powder room.Paglabas niya ay nakaabang si Ismael na nakatitig ng madiin sa kanya.“May kailangan ka ba?“ Tanong ni Julliane dito.“I am sorry, i ask you a question i know you are mad at me.“ Bulong nito kaya napatingala siya rito at napailong.“It's okay Ismael, hindi ako galit.“ Malumanay niyang turan dito pero napahinga ito ng malalim."Bakit ka tila nag-aalangan? Parang hindi mo naman ako pinapatawad pa.“ Biglang humakbang pasulong si Ismael sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.Agad naman na binawi ang kamay ni Julliane dito pero mahigpit itong hinawakan ni Ismael."Kalimutan na natin ito okay, tulad ng sinabi ko kanina ay ako na ang bahala sa lahat!" Tiningnan siya ni Ismael gamit ang kanyang malumbay na it
Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane dahil hindi nga siya nagkamali ng pandinig.Oo naman tama na, nangyari na ang dapat mangyari.Pinandilatan siya ng mga mata ni Ismael at diretso siyang tinanong. "Ano? Nagi-guilty ka ba?"Tumingin naman si Julliane sa kanya at tinanong siya. "Bakit ako magi-guilty? Hindi ko naman sinabi sa kanya na humingi siya ng tawad at hindi ko hiniling na lumuhod siya!“ "Hindi mo ba siya pinaluhod? Pero nandoon pa rin ang video!" Patuloy na tanong ni Ismael.Ang matatanda ay nakikinig lang sa palitan nila salita at nakakaramdam na ng inis si Julliane sa lalaki.Ano na naman kaya ang kasinungalingan na narinig nito kag Crissia.Biglang napagtanto ni Julliane na sinasadya ni Ismael na tanungin siya sa harap ng kanyang in-laws.Gusto nito na makuha ang paliwanag niya.Gayunpaman, tungkulin niyang protektahan ang mahal niya, at hindi niya hinayaang makipagtalo sa kanya.Mas matinik si Ismael dahil sa kanyang kawalang-interes."Nasabi ko na ba na wala siya sa m
Tahimik lang si Julliane habang nakasakay sa kotse ni Allen dahil sinundo siya nito pagkatapos ng trabaho nito ngayong araw.Malamang iisipin na naman ng mga nakakita dito na bago na naman ang lalaki niya.Hindi ito pinansin ni Julliane at napatingin na lang sa labas ng bintana.“Saan mo gustong kumain? Mag-miryenda muna tayo.“ Tanong ni Allen mayamaya kaya napatingin siya rito.“Kahit saan.“ Sagot dito ni Julliane, napansin agad ng lalaki na wala ito sa mood.Naaawa siya rito at nakita nito ang matamlay nitong katawan.Hindi naman sila nag-away ni Ismael, dahil si Ismael nga mismo ang nagsabi dito na sunduin ngayon si Julliane.Dinala ni Allen si Julliane sa isang kainan na overlooking ang view sa dagat ng Manila Bay.Isang restaurant na madalas nitong puntahan kung gusto nito na mapag-isa o magmuni-muni.“Nasaan tayo?“ Tanong ni Julliane dito kaya napatingin si Allen dito.“Nandito pa rin tayo sa Manila, halika ka na baba na tayo.“ Sabi ni Allen kay Julliane kaya tumango lang ito.N
Hindi halos maisubo ni Julliane ang pagkain sa kanyang bibig dahil wala siyang gana.Dagdag pa ang mga nabasa niyang komento sa internet tungkol sa kanya.“Don't mind the social media Miracle!“ Napatingin si Julliane kay Ismael na nakakunot ang noo.“Paano hindi kung lahat ng halos nababasa ko ay pabor sa babae mo!“ Hindi napigilan na sabi nito sa lalaki na napakunot ang noo.“I told you to don't mind it okay, hangga't hindi ka nagsasalita wala silang magagawa hangang salita lang sila.“ Sabi naman ni Ismael kaya hindi na nakipagtalo pa si Julliane dito at pinilit na kumain kahit ilang subo lang.“Magpapahinga na ako may pasok pa ako bukas.“ Sabi ni Julliane dito kaya napatitig sa kanya si Ismael at hindi na nagsalita pa.“Good night.“ Bulong lang ng lalaki sa kanya kaya naglakad na siya palabas ng kusina.Kinabukasan ay maagang pumasok sa opisina si Julliane, sinalubong siya ni Mayi at Dina na nag-aalala sa kanya.“Okay ka lang ba? Napanood namin yong ginawa ng babae.“ Bulong ni Mayi
Napatingin si Gilan sa among babae na kanina pa sigaw ng sigaw sa likod ng sasakyan.Nagda-drive na ito pabalik sa ospital dahil tapos na ang palabas kanina.Nagwawala ito at tila baliw na nagwawala, panay ang mura nito at panay bangit sa pangalan ni Julliane.Gustong sawayin nito ang babae pero tiyak na madadamay lang siya sa galit nito.“Nasaan ang cellphone ko!“ Sigaw nito habang panay pa rin ang sigaw at mura.Hindi nito inaasahan na ganon ang magiging outcome ng kalokohan nito.Siya mismo sa sarili ay imposible na kagatin ni Julliane ang pag-papaawa nito dito kanina.Kahit sino naman ay hindi maniniwala dito kung alam ang totoo nitong ugali, nagpapangap na lang din itong may sakit.Pero sa isip ni Gilan ay mas makabubuting si Ismael mismo ang makakahuli sa kasinungalingan nito.At kapag dumating ang araw na iyon ay tatawa na lang siya sa isang sulok.—“Anong ginagawa mo? Halika ka dito at mag-usap tayo.“ Sabi ni Ismael kay Julliane.Seryoso ang boses ni Ismael, pero kailangan ni
Gusto nang mapatawa ni Julliane sa kadramahan ng babae.Noon nakakaramdam pa siya ng takot o awa dito dahil hindi na niya alam ang totoo nitong ugali.Takot pa siya na makapagsalita dito ng hindi maganda, dahil natatakot pa siya sa sasabihin ni Ismael.Pero ngayon halos wala siyang maramdaman dito.Lumingon si Gilan sa kanya sa pagkakaalala sa pangalan ng lalaki at tumingin kay Crissia matapos itong marinig.Nandito na rin si Miss Alora na nakiusyoso na rin sa kanila, napatingin ito kay Crissia at sa kanya.Sa isip ng babae ay ito ba ang nobya ni Mr. Sandoval? Ito ang nagmukhang kabit dahil asawang legal ng nobyo kuno nito si Julliane.Now she understand, why Julliane hiding her marriage to Mr. Sandoval from the public.Artista at modelo ang babaeng ito na magaling umarte sa harap ng ibang tao, may mga narinig na siya na totoong ugali ng babaeng ito.Masyadong mataas ang tingin sa sarili, pero isang araw bigla na lang itong nawala sa limelight.Hangang sa nag-announce ito na may malub
Ilang sandali pa silang magkayakap ni Ismael, pinapakiramdaman ang bawat isa. Minsan naisip pa rin ni Julliane na maaaring gumawa siya ng hindi nararapat. Nang dahan-dahang dumikit ang dalawang manipis nitong labi sa labi niya, sinalubong niya ito. Walang pakialam kung bagong gising sila, at hindi pa nagto-toothbrush. Galit si Ismael sa maduming bagay, pero pagdating sa mga labi ni Julliane na tila hinihigop siya ay walang itong pakialam. Ang napakatamis nitong mga labi ay talagang nagbibigay ng ginhawa sa kanyang damdamin. Mayamaya lang ay si Julliane na ang kusang nagtulak kay Ismael, hindi na naman kasi ito makahinga. Matapos nito ay bumangon na sila pero umupo lang muna sa kama si Ismael. Si Julliane ay kinuha ang panli sa buhok at basta lang tinali ang buhok nito. Pinanood lang ni Ismael ang asawa nito na nagbubukas na ng kurtina, at saka inayos ang kanyang jacket na basta lang niyang tinapin sa sofa. "Do you want to come with me? To have lunch with her?“ Tanong ni Isma
Naging maayos na lagi naman sa maghapon ang trabaho ni Julliane, medyo pagod nga lang siya habang nagliligpit na ng mga gamit.Kanina pagpasok niya ay normal naman ang lahat, tila walang nangyari kahapon.Bagay na ikinapanatag ng loob ni Julliane.“Okay ka na ba?“ Tanong ni Miss Alora sa kanya kaya agad naman na napatango at ngumiti si Julliane dito.“I am fine now Miss Alora.“ Nakangiti niyang sagot dito kaya napangiti lang ito at saka na ito umalis.Ngayon na alam na rin nito ang tungkol sa kanya bilang may asawa ay nagpapasalamat si Julliane dahil hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya.Mas naunawaan pa siya nito at sapat na iyon para sa kanya.Nakatangap ng tawag si Julliane habang pababa na sila ng dalawang kaibigan, lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil si Ismael ito.“I am already here babe.“ Sabi nito sa kabilang linya kaya napangiti na lang siya.Tinudyo siya ng dalawang kaibigan kaya lalo siyang namula.“Ang swerte mo sa asawa mo Julie, gwapo na, matyaga ka pang sinusun
Hindi alam ni Julliane kung paano haharapin si Ismael sa araw na iyon.Nagising ito na magaan ang pakiramdam pero kabado pa rin.Bumangon na lang ito at agad na pumunta ng banyo para maligo, may pasok pa ito at maaga na lang itong pupunta ng opisina.Maraming kailangan na tapusin si Julliane, kailangan lang nito na abalahin ang sarili para hindi maalala ang nangyari kahapon.Nakatapos na si Julliane magbihis ng may kumatok sa kanyang kwarto.Ni-lock niya ang kwarto kanina bago maligo kaya malamang si Ismael iyon.“Good morning gising ka na pala.“ Nakangiting bati ni Ismael sa kanya kaya binati niya rin ito.“Ihahatid ko ang pagkain mo dito sa taas, dito ka na muna.“ Sabi nito na ipinagtaka ni Julliane.“Teka bakit? Bababa na lang ako.“ Sabi dito ni Julliane pero kinuha nito ang cellphone at sumenyas na sandali lang.Hindi maintindihan ni Julliane kung bakit ganito ang inaasta nito ngayon pero umupo na lang siya sa kama.Nang gusto niyang magtanong muli ay narinig niyang tumunog ang ce