Hindi maiwasan na hindi kabahan si Julliane dahil sa paraan ng pagtitig ni Ismael sa kanyang labi.Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso at kung hindi lalo pa silang magtatagal sa ganitong sitwasyon ay baka mabaliw na siya. Ibinaba ni Julliane ang kanyang ulo at tumigil sa pagsasalita ng mahabang sandali.Kinuha ni Ismaelang mangkok na ginamit niya at muling nilagyan ang kanyang mangkok ng sopas, pagkatapos ay matikas na sinimulang kainin ang kanyang hapunan, at sinabi sa kanya na.Muli ay nagulat pa rin siya sa ginawa nito dahil talagang hindi nito iniisip ang ginamit niyang kutsara at mangkok."Ipapadala ko na lang ang iyong maleta mamaya, pero palitan mo na ang mga damit mo. Magpapadala ako ng tao para personal kang makapamili ng mga bago mong damit.“ Sabi ni Ismael sa kaswal na boses habang magana pa rin na kumakain.Sa isip ni Julliane ay pati ang kanyang kasuotan ay balak na rin nitong pakialaman, ang mga damit niya ay maayos pa naman.Hindi pa luma ang mga ito, at isa pa ay n
Dahil naramdaman niya na nakaalis na si Ismael ay saka siya lumabas ng kanyang silid.At saka siya lumipat ng kwarto ng kanyang ina at ama at napatingin sa buong silid.Nasa bedside table ang mga larawan nilang mag-ina na kuha ilang taon na ang nakararaan.Mayroon rin sa kanilang mag-anak.Kinuha ito ni Julliane at saka pinagmasdan ng mabuti.Nakatitig sa kanyang mga magulang na pwang ngiti sa mga labi habang yakap siya ng mga ito.Kuha ito nong nasa second year highschool pa lang siya at sa bansang Japan pa ito kinuha.Nong bata pa siya ay taon-taon silang mag-anak na nagbabakasyon sa ibang bansa.Pero mula nong magsimulang magkaroon ng problema ang ama ay hindi na sila naging masaya pa.Nilagay ni Julliane ang litrato sa kanyang dibdib at kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mata.“Mama, papa ko, pangako magiging masaya ako kahit pareho na kayong wala." Turan ni Julliane sa mahinang boses.Saka siya umupo sa kama napahiga siya, iniisip ang mga panahong magkakasama pa silang pamilya
Sandaling natahimik sila kaya napailing na lang si Ismael.Naisip niya na kung nasa bahay pa nito si Julliane, ano kaya ang ginagawa nito.“Matanong ko lang ngayon na nakauwi na dito si Lian, saan siya magtatrabaho? Sa kumpanya niyo?“ Tanong ni Mirko sa kanya.Tumingin dito si Ismael at naalala ang sinabi ni Julliane sa kanya nong sinabihan niya ang babae na pwede itong magtrabaho sa kanilang kumpanya."May nahanap siyang trabaho, at ayaw niyang magtrabaho sa kumpanya namin.“ Sagot dito ni Ismael kaya tumango lang ang lalaki.May sasabihin pa sana si Mirko nang tumunog ang cellphone ni Ismael.Sinagot ito agad ni Ismael at tumayo bago kausapin si Crissia na siyang tumawag sa kanya.“Sasagutin ko lang ito.“ Sabi ni Ismael sa dalawang kaibigan na agad naman tumango, saka siya lumabas ng resto.Nagkatinginan sina Mirko at Allen at tinanong si Allen. "Gusto mo bang tumaya?" Nakatawa nitong tanong sa kaibigan na agad rin na ngumisi. "Ang iyong bagong sports car!" Sabi ni Allen kaya agad
Nakauwi si Julliane sa bahay nila ng wala sa loob, tinawagan na lang niya si Marco na sumama ang pakiramdam niya.Nag-alala pa ito pero sinabi niya na magpapahinga na lang siya o iinom ng gamot.Nang makauwi siya ay napaupo siya sa sofa nila at napatingala sa kisame pero agad rin na bumangon dahil kailangan niyang ayusin ang mga gamit niya.Pinadala na ni Ismael ang maleta niya kaya iaakyat na niya ito at aayusin sa kanyang kwarto.Napatigil si Julliane sakto nang paglabas niya sa kwarto niya at nakita niya sa orasan na alas-syete na ng gabi.Pababa na siya at nakita niya si Ismael na papasok rin sa pinto at nagkatinginan sila at hindi ito pinansin.Pero may dala itong paper bags at pumunta ito sa kusina.“I bought your dinner, alam ko kasi na hindi ka pa kumakain.“ Sabi nito nang sumunod siya dito pero hindi siya nagsalita.“Salamat, iwan mo na lang diyan at iinitin ko mamaya.“ Sabi dito ni Julliane kaya napakunot noo si Ismael sa inasta niya.“Kumain na tayo, sasaluhan kita.“ Sabi p
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mag-abroad siya sa ikalawang araw ng kanyang kasal. Tanda ko pa ang araw na iyon na napilitan ako na iwan ang lahat ng naiwan ko dito sa Pilipinas. Pero dahil sa isang sirkumtansya ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas.Siya ay nakabalik sa pagkakataong ito dahil ang kanyang ina ay na-diagnose na may advanced na kanser sa baga.Tatlong taon pagkatapos ng kanilang kasal ngayon na lang ulit nakatuntong ng Pilipinas si Julliane.Ipinadala siya ng kanyang asawa sa ibang bansa sa kadahilanang doon niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.Kahit labag ito sa kalooban niya ay wala siyang nagawa. Iniwan niya rin ang kanyang ina at ngayon kung kailan may sakit na ito ay saka lang siya makakauwi.Ngunit sa totoo ay may isa pa na bagay at dahilan ang kanyang asawa, natatakot lang ang lalake na guluhin niya ang mundo ng dalawang taong nagmamahalan ng totoo, si Ismael at ang girlfriend nito na totoong minamahal ng lalake.Napahinga siya ng malalim at napa
Isinantabi ni Julliane ang kasunduan nang makita niyang hind pa ito pinirmahan ni Ismael, at sumang-ayon na nakayuko."Okay!" Sabi na lang dito ng babae na napakuyom ng kamao.“Kung tatanungin ka niya kung may boyfriend ka na, oo ang isagot mo." Sabi nito sa seryosong boses. "Okay." Maikli pa rin na sagot ni Julliane. "Kailangan mo siyang paniwalain at intindihin.“ Isa pa ulit na sabi ng lalake sa kanya, kaya medyo nainis na siya dito."Okay!" Namamanhid nang tugon ni Julliane, at hindi maiwasang tumingin muli sa kasunduan sa tabi niya.Sa sandaling iyon, nagkaroon siya ng isang walang katotohanan na ideya, o nag-aatubili din ba itong talikuran ang kasal na ito?Mahal talaga nito ang nobya nito para kahit ang magsalita sa harap ng babae ay kailangan niyang sundin ang sinasabi nito."Maaari mo ba akong tulungang punuin ang tubig sa bathtub?" Malamig na tanong nito bigla.Nagulat si Julliane nong una, ngunit nang makita niya ang kawalang-interes sa mukha nito, sa wakas ay napagtanto n
Bahagyang napangiti si Julliane matapos itong marinig. Minahal niya ang lalake mula pa noong bata siya, ngunit isa siyang bituin sa langit.Mahirap abutin at hindi kailanman matutupad ang pangarap niya dahil may mahal nang iba ang lalake. "Will you move out after the annulment? Gusto mo tulungan kitang maghanap ng matitirhan?" Tanong ng kaibigan niya sa kanya. Napabuntong-hininga si Julliane, tamad na lumingon sa gilid, sumandal sa bintana, at mahinang sinabi. "Dapat akong lumipat sa lugar ng aking ina." Sagot niya sa kaibigan.Akmang magsasalita ulit ang kanyanh kaibigan nang marinig nito ang boses ng lalake.“Julliane!" Narinig nito na tinawag ito ng lalake."Ibaba ko muna ang tawag, saka na lang tayo mag-usap." Sabi nito sa kaibigan at agad na pinatay ang cellphone.Nakita ni Julliane ang taong bumababa sa hagdan mula sa gilid ng kanyang mata.Silver nightgown lang ang suot niya. Hindi siya naglakas-loob na tumingin sa lalake ng seryoso at mabilis na nilagay sa gilid niya ang ce
Agad na ngumiti si Julliane at nagpatuloy sa pagsasalita matapos mapansin na hindi tama ang mga ekspresyon ni Crissia at Ismael.“Isa siyang senior na mas matanda sa akin ng isang taon." Agad niyang sabi sa dalawa habang nakangiti pa rin, hindi nito gustong ipakita sa kaharap na may ibig sabihin sa sinabi niya kanina. "Oh! Senior, mabait ba siya sayo?"Halatang gumaan ang loob ni Crissia at nagpatuloy sa pagtatanong sa kanya.Sa pagkakataong ito ay nakaupo na silang tatlo.Nakatutok ang mga mata ni Ismael sa mukha ni Julliane at tila naghihintay rin ng kanyang sagot.Tinignan ni Julliane ang magandang pinggan sa mesa at hindi naglakas-loob na magsabi ng maling salita. "Ayos lang. Lahat ng babae sa paaralan ay gusto siya, pero sabi niya ako ang pinaka-espesyal at ako lang ang gusto niya!" Masigla niyang muling sagot sa babae."Ang galing! Saka dapat mahal ka talaga niya, dapat samantalahin mo ang pagkakataon." Sabi naman ng babae na nakangiti pero may kakaibang napansin ang dalaga sa
Nakauwi si Julliane sa bahay nila ng wala sa loob, tinawagan na lang niya si Marco na sumama ang pakiramdam niya.Nag-alala pa ito pero sinabi niya na magpapahinga na lang siya o iinom ng gamot.Nang makauwi siya ay napaupo siya sa sofa nila at napatingala sa kisame pero agad rin na bumangon dahil kailangan niyang ayusin ang mga gamit niya.Pinadala na ni Ismael ang maleta niya kaya iaakyat na niya ito at aayusin sa kanyang kwarto.Napatigil si Julliane sakto nang paglabas niya sa kwarto niya at nakita niya sa orasan na alas-syete na ng gabi.Pababa na siya at nakita niya si Ismael na papasok rin sa pinto at nagkatinginan sila at hindi ito pinansin.Pero may dala itong paper bags at pumunta ito sa kusina.“I bought your dinner, alam ko kasi na hindi ka pa kumakain.“ Sabi nito nang sumunod siya dito pero hindi siya nagsalita.“Salamat, iwan mo na lang diyan at iinitin ko mamaya.“ Sabi dito ni Julliane kaya napakunot noo si Ismael sa inasta niya.“Kumain na tayo, sasaluhan kita.“ Sabi p
Sandaling natahimik sila kaya napailing na lang si Ismael.Naisip niya na kung nasa bahay pa nito si Julliane, ano kaya ang ginagawa nito.“Matanong ko lang ngayon na nakauwi na dito si Lian, saan siya magtatrabaho? Sa kumpanya niyo?“ Tanong ni Mirko sa kanya.Tumingin dito si Ismael at naalala ang sinabi ni Julliane sa kanya nong sinabihan niya ang babae na pwede itong magtrabaho sa kanilang kumpanya."May nahanap siyang trabaho, at ayaw niyang magtrabaho sa kumpanya namin.“ Sagot dito ni Ismael kaya tumango lang ang lalaki.May sasabihin pa sana si Mirko nang tumunog ang cellphone ni Ismael.Sinagot ito agad ni Ismael at tumayo bago kausapin si Crissia na siyang tumawag sa kanya.“Sasagutin ko lang ito.“ Sabi ni Ismael sa dalawang kaibigan na agad naman tumango, saka siya lumabas ng resto.Nagkatinginan sina Mirko at Allen at tinanong si Allen. "Gusto mo bang tumaya?" Nakatawa nitong tanong sa kaibigan na agad rin na ngumisi. "Ang iyong bagong sports car!" Sabi ni Allen kaya agad
Dahil naramdaman niya na nakaalis na si Ismael ay saka siya lumabas ng kanyang silid.At saka siya lumipat ng kwarto ng kanyang ina at ama at napatingin sa buong silid.Nasa bedside table ang mga larawan nilang mag-ina na kuha ilang taon na ang nakararaan.Mayroon rin sa kanilang mag-anak.Kinuha ito ni Julliane at saka pinagmasdan ng mabuti.Nakatitig sa kanyang mga magulang na pwang ngiti sa mga labi habang yakap siya ng mga ito.Kuha ito nong nasa second year highschool pa lang siya at sa bansang Japan pa ito kinuha.Nong bata pa siya ay taon-taon silang mag-anak na nagbabakasyon sa ibang bansa.Pero mula nong magsimulang magkaroon ng problema ang ama ay hindi na sila naging masaya pa.Nilagay ni Julliane ang litrato sa kanyang dibdib at kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mata.“Mama, papa ko, pangako magiging masaya ako kahit pareho na kayong wala." Turan ni Julliane sa mahinang boses.Saka siya umupo sa kama napahiga siya, iniisip ang mga panahong magkakasama pa silang pamilya
Hindi maiwasan na hindi kabahan si Julliane dahil sa paraan ng pagtitig ni Ismael sa kanyang labi.Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso at kung hindi lalo pa silang magtatagal sa ganitong sitwasyon ay baka mabaliw na siya. Ibinaba ni Julliane ang kanyang ulo at tumigil sa pagsasalita ng mahabang sandali.Kinuha ni Ismaelang mangkok na ginamit niya at muling nilagyan ang kanyang mangkok ng sopas, pagkatapos ay matikas na sinimulang kainin ang kanyang hapunan, at sinabi sa kanya na.Muli ay nagulat pa rin siya sa ginawa nito dahil talagang hindi nito iniisip ang ginamit niyang kutsara at mangkok."Ipapadala ko na lang ang iyong maleta mamaya, pero palitan mo na ang mga damit mo. Magpapadala ako ng tao para personal kang makapamili ng mga bago mong damit.“ Sabi ni Ismael sa kaswal na boses habang magana pa rin na kumakain.Sa isip ni Julliane ay pati ang kanyang kasuotan ay balak na rin nitong pakialaman, ang mga damit niya ay maayos pa naman.Hindi pa luma ang mga ito, at isa pa ay n
Dahil sa kagustuhan na muling tumangi si Julliane ay nagsalita na naman siya.“Pero Ismael, hindi mo dapat ito ginagawa dahil lang inutusan ka nila.“ Mayamaya na turan ni Julliane dito, binilang niya ang bawat kataga na sinasabi niya at pigil ang sarili na hindi na madagdagan pa ang sasabihin.Napakunot naman ang noo ni Ismael at nagsalin ng sopas sa bowl nito.“Wag ka nang kumontra, ginagawa ko ito sa ayon sa kagustuhan ko hindi lang dahil inutos ito ng pamilya ko.“ Sabi ni Ismael sabay titig sa kanya.Napayukong muli si Julliane dahil hindi niya kayang salubungin ang titig ng lalaki.Pero pinirmahan na ni Julliane ang kasunduan sa annulment nila, at nadama niya na talagang hindi na ito angkop para magkasama pa sila.Iniisip rin ni Julliane na sigurado siya na magagalit na sa kanya ng tuluyan ang nobya nito.Si Crissia na kahit nagmamakaawa sa oras ni Ismael ay hindi pa rin makita ni Julliane ang pagmamahal o pang-unawa sa mga mata nito.Anong nangyayari? Bakit biglang umayon sa sitw
Pero paano siya matutulog kung nandito pa rin ang lalaki sa tabi niya at nakatitig lang sa kanya.Hindi man lang siya naglakas loob na huminga, dahil kung gagawin niya ito ay mapapansin nito ang kaba niya.“Julliane…” Bulong ni Ismael dahil hindi nito mapigilan ang sarili na hindi magsalita.Bigla siyang naiinip kaya tinawag niya si Julliane at dahan-dahang yumuko.Parang kulog naman ang tibok ng puso ni Julliane.Nang makita siyang palapit nang palapit, naaamoy niya ang bahagyang malamig na hininga nito, muli niyang ibinaling ang kanyang ulo.Dito ay kinubabawan na siya ni Ismael at nagulat siya ng husto sa ginawa nito.Ang kanyang dalawang kamay ay napahawak ng mahigpit sa kanyang kumot, at ang labi nito ay dumampi sa sulok ng kanyang mga labi, at sa wakas ay napabuntong-hininga sa pagkabigo."Ang bango ng hininga mo Julliane.“ Bulong ni Ismael at hindi siya umalis, at lalo pang diniinan ang katawan nito sa katawan niya.Gustong magpahinga ni Julliane, ngunit naramdaman niyang dinur
Ang pakiramdam ng pagkawala ng kanyang ina at pagkahulog sa walang katapusang kadiliman ay nagpanginig sa kanya ng husto.Tatlong araw nakalibing ang kanyang ina dahil wala naman silang kamag-anak ang darating, ang ilan sa mga naging kaibigan ni Juanita na galing pang Tarlac ay ang siyang huli nilang inaasahan na bisita.Ito ang huling gabi ng ina ni Julliane at lalo siyang nalungkot sa isipin na hindi na niya makikita pa ng tuluyan ang ina.Si Ismael ay palaging nasa tabi niya, at ang pamilya Sandoval ay palaging nasa tabi niya.Hindi siya ng mga ito iniwan, si Mama Ana ay laging rin na nasa tabi niya at inaalalayan siya katulad ng anak nito.Kinabukasan ay ang araw ng libing ng ina, mga puting bulaklak ang hawak ng mga nakilibing at si Julliane ay nakasuot ng puting bestida.Nasa tabi nito si Ismael at sa kabila naman ay si Analou na kanina pa umiiyak.Kahit napakasakit ay pinilit na makapaglakad ni Julliane at hindi siya halos makahinga dahil sa pag-iyak.Nang matapos ang padasal s
Alas sais na ng umaga ng araw na iyon, at madilim pa rin. Ang driver ay natutulog sa kotse, at biglang nakarinig ng kalabog, at iminulat ang kanyang mga mata at tumingin sa labas. Nagmamadaling lumabas ang amo nito na palabas ng bahay at agad na kumatok sa kotse nito. Hindi pa niya nakitang tumatakbo nang ganoon kabalisa ang kanyang amo! Samantala sa ospital ay nagising ng maaga si Julliane, tahimik na pinagmasdan ang ina na mahimbing ang tulog. Naging magaan ang pakiramdam niya kinaumagahan, at pinanood ang nurse na ayusin ang IV fluid ng ina. Maayos ang pintig ng puso ng ina sa monitor kaya gumaan pa lalo ang pakiramdam ni Julliane. Naisipan nito na bumaba muna at para makapag-almusal at saka muling babalik, dapat bago magising ang ina ay nakabalik na ulit si Julliane. Maagang nakabukas ang canteen dito sa ospital at naghahanda na ang mga cook ng almusal para sa mga pasyente. Nag-order siya ng sinangag, itlog at tocino, may kasama na rin na pineapple juice. Patapos na siy
Nang makaakyat sa third floor si Julliane ay nasalubong nito ang nurse ng ina. “Magandang gabi Julliane, binigyan ko ng huling session ang iyong ina. Gising pa siya.“ Nakangiting sabi nito sa kanya kaya agad naman na nagpasalamat si Julliane. Eksaktong alas onse y medya ang huling gamot para sa ina kaya gising pa ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ng ina. “Hello mama ko.“ Masiglang bati dito ni Julliane kaya napangiti naman ang ginang. “Bakit ka nandito anak? Sabi ko naman sa'yo na okay lang ako.“ Mahinang turan nito sa anak na agad na hinalikan siya sa noo. “Gusto kitang makasama hindi ba pwede?“ Nakangiting turan ni Julliane sa ina. “Ikaw talaga, napakalambing pa rin ng pinakamamahal kong anak.“ Bulong nito na binigay ang kamay kay Julliane na agad naman na hinawakan nito. “Pasensya ka na mama, ngayon lang ulit tayo nagkita at nagkasama.“ Biglang turan ni Julliane habang mahigpit na hawak ang kamay ng ina. “Ikaw na bata ka, nauunawaan ni mama. At isa pa ay