Natapos ang araw ni Julliane na may productive, nakakapagod dahil lahat ay abala at may hinahabol na qouta. Pero masaya pa rin siya.“Pasensya ka na Julliane, ang unang araw mo sa trabaho ay nakakapagod agad.“ Ito ang paghingi ng paumanhin sa kanya ni Miss Alora.Ngumiti lang si Julliane sa babae at bahagyang umiling, saka niya inayos ang kanyang gamit.Alas singko ang tapos ng kanilang trabaho, kaya maaga pa ito para kay Julliane.Nagpaalam na sa kanya si Miss Alora kaya magalang siyang tumango dito.Napatingin si Julliane kay Mayi at Dina na kapwa niya editor.“Ang sakit ng likod ko.“ Reklamo ni Mayi kaya napangiti lang si Julliane.“Ikaw Julie, napagod ka ba?“ Tanong ni Dina kaya napangiti lang siya rito.“Nakakapagod pero worth it naman.“ Sagot ni Julliane dito kaya napangiti lang ang dalawang babae.“By the saan ka nakatira?“ Kaswal na tanong ni Mayi kaya sinabi niya rito na sa isang subdivision siya nakatira malapit lang dito, at pwede siyang maglakad pauwi dahil alsmost ten mun
Isang linggo ang matulin na lumipas, naging abala si Julliane sa kanyang bagong trabaho. Naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang team sa department b, pero sa isang normal na araw at trabaho ay hindi maiiwasan ang magkaroon siya na kaalitan. Hindi naman kaalitan pero ang pakikialam ng kabilang departamento sa kanila ay hindi maganda para sa kanyang trabaho. “Hayaan mo na lang sila Julie, hindi maganda ang pumatol pa tayo sa kanila.“ Ito ang sabi ni Dina sa akin, sumangayon rin naman si Mayi. Bukod pagpaparinig ng babae kahapon at kanina sa kabilang department habang nanananghalian kami ay simple lang ito para kay Julliane. “Hindi naman ako papatol, sa kanya pero kapag sumobra na siya ay hindi ako magsasawalang kibo na lang.“ Bulong ko kaya napatango na lang ang dalawa. Saan nga ba magsimula ang ang lahat ng ito? Si Mr. Gary Sullivan ay ang Senior Editor sa deparment nina Julliane. Isa itong hearttrob dito sa Pub house, lahat ng babae dito ay may gusto dito. At si E
Isang linggo pa ulit ang matulin na lumipas, mula nong huling pagpunta ni Julliane sa condo ni Ismael. Wala na siyang balita ulit sa lalaki at nakahinga siya ng maluwag sa bagay na iyon. Naging mas maayos ang araw niya, laging abala si Julliane sa trabaho at ito ang pabor sa kanya dahil hindi ito nag-iisip ng husto. Pero nandito pa rin ang may pailalim na pagpuna sa kanya ni Evelyn sa kabilang department. Ayaw niya itong patulan dahil kung gagawin niya ito ay, sinabi na rin nito pikon siya. “Magta-tanghalian na ba kayo?“ Napatingin kami ni Mayi sa SE namin na si Mr. Sullivan kaya kinabahan si Julliane. “We are, sir.“ Sagot ni Dina na alam na kung ano ang susunod na sasabihin nito. Ilang beses na nila itong tinangihan, pero ngayon nandito na naman ito. Huminga ng malalim si Julliane at nilakasan nito ang loob para makausap ang lalaki. “Sir Gary, pwede ba tayong mag-usap mamaya after work?“ Ito ang sabi ni Julliane sa lalaki na tila nagliwanag ang mukha at agad na tumango. “I
Huwag mo siyang tingnan. Wag mo siyang pansinin! Ito ang bulong ni Julliane sa isip niya.Awkward pa rin sila habang nagda-drive si Ismae.Tumingin si Ismael sa kanya ng ilang beses, pero iwas talaga ang kanyang tingin dito.Nakasandal lang siya ng mahina sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana, walang imik kanina pa.Pero napamura ito dahil may bigla na lang na nagmaneobra na sasakyan sa kanya.Medyo nataranta siya at hindi niya maiwasang tumingin ulit sa kanya.Ano kaya ang nasa isip nito? Kailangan ba na alamin pa ito ni Julliane sa mga sandaling ito, hinalikan siya nito.Ang first kiss niya na hindi niya inaasahan, oo inaasam na niya mula pa man noon na ito ang maging first kiss niya.Minamahal niya ito ng palihim at minsan nang gustong maramdaman sa labi niya ang labi nito.Dumating ang sasakyan sa ibaba ng kanyang bahay, at walang umimik sa kanila.Si Julliane ay bumalik sa kanyang katinuan, tumalikod at tumango para pasalamatan siya."Salamat sa paghatid sa akin, mag-ingat k
Inuwi na lang ni Julliane ang agahan niya at kinuha ito sa counter at nagpasalamat sa cashier.Pero bago ito ay pinadala muna nito ang pagkain ni Crissia kung saan ito nakaupo.Pagkauwi ni Julliane sa bahay niya ay may kotse na naman na nakaparada sa tapat ng bahay niya.“Goodmorning.“ Bati ni Ismael na lumabas ng sasakyan nito kaya napahinga ng malalim si Julliane.“Anong kailangan mo?“ Tanong nito sa lalaki imbes na batiiin rin niya ito na tinignan ang dala niya kaya napangiti ito.“Hindi pa ako kumakain pwede mo ba akong papasukin sa loob?“ Tanong nito kaya tumango na lang si Julliane.Naalala nito si Crissia na ilang beses na siyang sinabihan na iwasan ang lalaking ito, pero ano ang magagawa nito? Hindi kayang pigilan ni Julliane ang lalaking ito.Ayaw niya bang makipaghiwalay? Ito ang nasa isip na tanong ni Julliane.Naguguluhan si Julliane pero pumasok na ito sa loob ng bahay.Naramdaman ni Julliane na sumunod na ang lalaki sa kanya papasok.Dimeretso sila sa kusina at nilapag n
Habang nagta-trabaho na si Julliane ay may natangap siyang tawag mula kay Allen.Nang sagutin nito ang lalaki ay sinabi nito na iniimbitahan siya nito mamayang gabi sa isang dinner.“May bago akong bukas na restaurant, please pumunta ka. I want you to try our food.“ Napangiti si Julliane sa sinabi ng lalaki kaya naman napatango siya.“Oo naman, pupunta ako.“ Nakangiting sagot nito kay Allen, habang ang lalaki sa kabilang linya ay napasuntok pa sa hangin dahil napapayag nito si Julliane.Nang mamatay ang tawag ay napahinga na lang ng malalim si Julliane.Dinner party iyon, malamang nandoon rin si Ismael at syempre makakaharap na naman niya ang babaeng iyon.Ayaw nang mag-isip ni Julliane dahil naiinis lang ito.Nang sumapit ang tanghalian ay nagluto lang ng korean noddles si Julliane, nabili niya ito sa isang korean store kamakailan lang.Mahilig sa mga ganitong pagkain si Mayi at Dina kaya nang matikman niya ito ay napabili na rin si Julliane.Isa pa ay may dinner naman mamayang gabi
The dinner party is went pretty well, nag-enjoy si Julliane ng husto sa gabing iyon. May mga masasarap na pagkain ang hinain sa kanilang lamesa, lahat ng iyon ay hindi napigilan na tikman lahat ni Julliane. Kahit isa-isang piraso lang ng bawat putahe ay nakain naman nito. Nang matapos ang dinner ay busog siya dahil si Allen ay hindi siya hinayaan na hindi makakain ng tama. Dagdag pa ang dessert na pinatikim rin sa kanya ni Allen. Samantala ay nasa kabilang lamesa rin si Ismael at si Crissia, inaasikaso rin nito ang babae at walang pakialam si Julliane sa bagay na iyon. Nang matapos ang kanilang masarap na dessert ay may mga alak naman na hinain sa kanila. Hindi umiinom ng alak si Julliane, kaya isang non-alcoholic wine ang binigay sa kanya ni Allen. “Gusto mo ba ang lasa?“ Tanong nito ng tikman niya ito kaya natango siya sa lalaki. “Matamis, walang pait at hindi rin mapakla. Parang grape juice lang.“ Nakangiting sagot ni Julliane sa lalaki kaya napangiti na rin ito. Sa kabil
Sakto na nakauwi si Julliane ay saka umulan kaya napatanaw na lang ito sa labas mula sa bintana.Sinarado nito ang mga bintana at inalis ang basahan na nasa labas pa ng sampayan.Naalala nito ang nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Ismael.Ang halik na muli nilang pinagsaluhan, hindi makapaniwala si Julliane na mahahalikan siyang muli ni Ismael.Ang lalaking ayaw madikitan ng dumi o kahit sino ay dalawang beses na siyang hinalikan.At nagustuhan niya iyon, ang matagal niyang ninanais na halik mula sa lalaking minamahal niya ng lihim.Napahiga na lang si Julliane sa kama niya matapos magbihis ng pantulog at napahinga ng malalim.Kinaumagahan, huminto na ang ulan, at ang masaganang sikat ng araw sa labas ay sumikat sa bintana.Pero pagkababa ni Julliane ay nagulat siya sa lalaking natutulog sa kanyang sofa.Oo nga pala, may susi ito ng kanyang bahay kaya hindi malabo na makapasok nga ito dito.Tinitigan saglit ni Julliane ang lalaki na tila napakabait na tao habang bahagyang nakabuka
Nagtagal pa ng ilang minuto ang halikan nila ni Isamel at halos hindi na naman siya makahinga.Pero binitiwan na siya ni Ismael dahil naghahabol na rin ito ng hininga.Everytime this man kissing Julliane, it's like her whole body is melting.“Ikaw na muna ang maligo, lalabas lang ako sandali may kakausapin pa ako.“ Sabi ni Ismael mayamaya kaya napatitig siya dito saka tumango.Nang makalabas si Ismael ay agad nang kumuha ng pantulog si Julliane saka nilabas ang tuwalya at saka pumunta ng napakagandang banyo.Ilang minuto ang nilagi ni Julliane sa banyo dahil nawili itong maligo, pero baka naghihintay na si Ismael kaya agad na itong nagbihis at saka lumabas ng banyo.Wala pa sa loob ang lalaki kaya umupo si Julliane sa vanity mirror at saka pinatuyo ang buhok gamit ang nanditong blow dryer.Nang matapos su Julliane ay saka pumasok si Ismael, nagkatinginan sila at napatingin ito sa suot niya.Isang pares ng pajama na violet ang suot niya, nakalugay ang mahaba niyang buhok.Iniisip ba ni
Nakauwi agad si Julliane at saka siya nagpasalamat sa driver niya.Habang paakyat ng hagdan papunta sa kwarto nito ay tumawag si Ismael.“Nasa bahay ka na ba?“ Tanong nito sa kabilang linya kaya napangiti si Julliane at sumagot dito.“Oo, kadarating ko lang.“ Sagot nito sa asawa.“Buti naman, pauwi na rin ako nasa byahe na ako anong gusto mong miryenda?“ Tanong nito kaya napangiti na naman si Julliane habang nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan.“Kahit ano na lang kung ano ang gusto mo, mag-eempake akl ng mga dadalhin ko.“ Sabi ni Julliane dito samantala sa kabilang linya ay nakangiti lang si Ismael.Habang nagda-drive ito ay nakakita siya ng mga nagbebenta sa gilid ng daan.Naalala nito na mahilig sa mga pagkain na tinitinda lang sa daan si Julliane.Kaya maghahanap na lang ito ng pwedeng miryendahin ng asawa.“Sige na hinatiyin mo na lang ako.“ Sabi ni Ismael kay Julliane kaya napatango lang ito at saka na pinatay ang tawag.Pagkapasok ni Julliane sa kwarto ay agad siyang nagbihis ng p
Nagising kinabukasan si Julliane na madilim pa. Maaga siyang nakatulog kagabi kaya maaga rin siyang nagising.Naligo muna siya bago nagbihis, napatingin siya sa mga pinamili kagabi kasama ang dalawang kaibigan.Napangiti si Julliane dahil ngayon lang siya gumastos ng malaki para sa sarili.Well, ang sweldo niya sa trabaho ay nabawasan niya ng ilang libo.Nilibre pa niya ang dalawang kaibigan, may pera siya sa bangko na buwan-buwan na hinuhulugan ni Ismael.Pero hindi niya ito ginagastos, naipon na ito at wala siyang balak na galawin.Minsan na sila nitong nag-away dahil hindi nalaman nito na hindi niya ginagalaw ang pera na binibigay nito, sa malaon ay hindi na ito nagtanong pa sa kanya tungkol sa bagay na iyon.Pagbaba niya ay maingay sa kusina, nandito na ito pero narinig niya na may kausap ito.“Yeah, i bought the publising where my wife is working. Ah she didn't know this i am looking for a perpect time to tell her.“ Nagulat si Julliane sa sinasabi ni Ismael.Hindi siya makapaniwa
Awkward ang salitang ilalarawan sa tatlong tao na nakaupo dito sa isang cafe.Niyaya ni Allen si Julliane at Ismael na magkape, at pumayag naman ang dalawa.“Alam ko na nagkagulatan tayo pareho, pero baka pwede na wag na kayong mag-isip pa ng kung ano.“ Sabi ni Allen na wala sa hulog ang sinasabi sabay tawa.“Ang nakita mo ay totoo, inaayos namin ang pagsasama namin bilang mag-asawa.“ Madiin na turan ni Ismael sa kaibigan nito na natigilan at napatitig kay Julliane.“Alam ko naman.“ Sabi na lang ni Allen habang nakangiti.Si Julliane ay hindi alam kung kukunin ba ang tasa ng kape na nasa harap nito o ano.Si Ismael ay inasikaso ang paghiwa ng cake para sa asawa na namumula pa rin ang pisngi.Nahihiya ito dahil nahuli sila ni Allen kaya naman hindi niya alam kung paano kumilos ng normal sa harap nito.“Oo nga pala pupunta ako ng Singapore this weekend, may ipapabili ka ba?“ Tanong ni Allen kay Ismael na nakatitig sa kaibigan.Nag-isip naman ito at naalala na gusto pala nito na ipatikim
Nakalipas ang ilang araw ay naging tahimik na ang buhay ni Julliane, nawala na ang mga nagkalat na video ni Crissia sa internet. Mabilis itong nawala at tila wala nang mga tao ang nagtangka pa na gumawa ng kung ano-anong kwento. Naglabas kasi ng warning ang abogado ni Ismael Sandoval sa publiko at nagbabala na kapag muling magsalita ang mga ito ng hindi magandang kwento ay ipapakulong nila ang mga ito. Alam ng mga tao na hindi lang basta nagsasalita ang mga ito, ginagawa nila ang bagay na iyon. Tulad nong nangyari sa kapatid ni Ismael noon, nagpakalat ang mga kaibigan nito ng masamang kwento tungkol sa nag-iisang anak na babae ng mga Sandoval. Dahil wala itong katotohanan ay isa-isang hinanap ng magagaling na pulisya ang mga taong sangkot dito. Ito ang ginawang basehan ng abogado sa balita kahapon. Gagawin nila ito at walang sinasanto ang mga Sandoval, lalo na si Ibrahim Sandoval ang chairman at leader ng Sandoval clan. Nasa kalagitnaan ng pagkain si Julliane ng tanghal
Nang matapos ang masaya nilang hapunan ng mga in-laws ni Julliane ay muli silang bumalik sa lanai.Ayaw pa ng mga ito na umuwi agad si Julliane kaya pinagbigyan na lang niya ang mga ito.Nagpaalam sandali si Julliane sa mga ito na pupunta siya ng banyo kaya pumunta siya sa powder room.Paglabas niya ay nakaabang si Ismael na nakatitig ng madiin sa kanya.“May kailangan ka ba?“ Tanong ni Julliane dito.“I am sorry, i ask you a question i know you are mad at me.“ Bulong nito kaya napatingala siya rito at napailong.“It's okay Ismael, hindi ako galit.“ Malumanay niyang turan dito pero napahinga ito ng malalim."Bakit ka tila nag-aalangan? Parang hindi mo naman ako pinapatawad pa.“ Biglang humakbang pasulong si Ismael sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.Agad naman na binawi ang kamay ni Julliane dito pero mahigpit itong hinawakan ni Ismael."Kalimutan na natin ito okay, tulad ng sinabi ko kanina ay ako na ang bahala sa lahat!" Tiningnan siya ni Ismael gamit ang kanyang malumbay na it
Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane dahil hindi nga siya nagkamali ng pandinig.Oo naman tama na, nangyari na ang dapat mangyari.Pinandilatan siya ng mga mata ni Ismael at diretso siyang tinanong. "Ano? Nagi-guilty ka ba?"Tumingin naman si Julliane sa kanya at tinanong siya. "Bakit ako magi-guilty? Hindi ko naman sinabi sa kanya na humingi siya ng tawad at hindi ko hiniling na lumuhod siya!“ "Hindi mo ba siya pinaluhod? Pero nandoon pa rin ang video!" Patuloy na tanong ni Ismael.Ang matatanda ay nakikinig lang sa palitan nila salita at nakakaramdam na ng inis si Julliane sa lalaki.Ano na naman kaya ang kasinungalingan na narinig nito kag Crissia.Biglang napagtanto ni Julliane na sinasadya ni Ismael na tanungin siya sa harap ng kanyang in-laws.Gusto nito na makuha ang paliwanag niya.Gayunpaman, tungkulin niyang protektahan ang mahal niya, at hindi niya hinayaang makipagtalo sa kanya.Mas matinik si Ismael dahil sa kanyang kawalang-interes."Nasabi ko na ba na wala siya sa m
Tahimik lang si Julliane habang nakasakay sa kotse ni Allen dahil sinundo siya nito pagkatapos ng trabaho nito ngayong araw.Malamang iisipin na naman ng mga nakakita dito na bago na naman ang lalaki niya.Hindi ito pinansin ni Julliane at napatingin na lang sa labas ng bintana.“Saan mo gustong kumain? Mag-miryenda muna tayo.“ Tanong ni Allen mayamaya kaya napatingin siya rito.“Kahit saan.“ Sagot dito ni Julliane, napansin agad ng lalaki na wala ito sa mood.Naaawa siya rito at nakita nito ang matamlay nitong katawan.Hindi naman sila nag-away ni Ismael, dahil si Ismael nga mismo ang nagsabi dito na sunduin ngayon si Julliane.Dinala ni Allen si Julliane sa isang kainan na overlooking ang view sa dagat ng Manila Bay.Isang restaurant na madalas nitong puntahan kung gusto nito na mapag-isa o magmuni-muni.“Nasaan tayo?“ Tanong ni Julliane dito kaya napatingin si Allen dito.“Nandito pa rin tayo sa Manila, halika ka na baba na tayo.“ Sabi ni Allen kay Julliane kaya tumango lang ito.N
Hindi halos maisubo ni Julliane ang pagkain sa kanyang bibig dahil wala siyang gana.Dagdag pa ang mga nabasa niyang komento sa internet tungkol sa kanya.“Don't mind the social media Miracle!“ Napatingin si Julliane kay Ismael na nakakunot ang noo.“Paano hindi kung lahat ng halos nababasa ko ay pabor sa babae mo!“ Hindi napigilan na sabi nito sa lalaki na napakunot ang noo.“I told you to don't mind it okay, hangga't hindi ka nagsasalita wala silang magagawa hangang salita lang sila.“ Sabi naman ni Ismael kaya hindi na nakipagtalo pa si Julliane dito at pinilit na kumain kahit ilang subo lang.“Magpapahinga na ako may pasok pa ako bukas.“ Sabi ni Julliane dito kaya napatitig sa kanya si Ismael at hindi na nagsalita pa.“Good night.“ Bulong lang ng lalaki sa kanya kaya naglakad na siya palabas ng kusina.Kinabukasan ay maagang pumasok sa opisina si Julliane, sinalubong siya ni Mayi at Dina na nag-aalala sa kanya.“Okay ka lang ba? Napanood namin yong ginawa ng babae.“ Bulong ni Mayi