Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mag-abroad siya sa ikalawang araw ng kanyang kasal. Tanda ko pa ang araw na iyon na napilitan ako na iwan ang lahat ng naiwan ko dito sa Pilipinas. Pero dahil sa isang sirkumtansya ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas.Siya ay nakabalik sa pagkakataong ito dahil ang kanyang ina ay na-diagnose na may advanced na kanser sa baga.Tatlong taon pagkatapos ng kanilang kasal ngayon na lang ulit nakatuntong ng Pilipinas si Julliane.Ipinadala siya ng kanyang asawa sa ibang bansa sa kadahilanang doon niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.Kahit labag ito sa kalooban niya ay wala siyang nagawa. Iniwan niya rin ang kanyang ina at ngayon kung kailan may sakit na ito ay saka lang siya makakauwi.Ngunit sa totoo ay may isa pa na bagay at dahilan ang kanyang asawa, natatakot lang ang lalake na guluhin niya ang mundo ng dalawang taong nagmamahalan ng totoo, si Ismael at ang girlfriend nito na totoong minamahal ng lalake.Napahinga siya ng malalim at napa
Isinantabi ni Julliane ang kasunduan nang makita niyang hind pa ito pinirmahan ni Ismael, at sumang-ayon na nakayuko."Okay!" Sabi na lang dito ng babae na napakuyom ng kamao.“Kung tatanungin ka niya kung may boyfriend ka na, oo ang isagot mo." Sabi nito sa seryosong boses. "Okay." Maikli pa rin na sagot ni Julliane. "Kailangan mo siyang paniwalain at intindihin.“ Isa pa ulit na sabi ng lalake sa kanya, kaya medyo nainis na siya dito."Okay!" Namamanhid nang tugon ni Julliane, at hindi maiwasang tumingin muli sa kasunduan sa tabi niya.Sa sandaling iyon, nagkaroon siya ng isang walang katotohanan na ideya, o nag-aatubili din ba itong talikuran ang kasal na ito?Mahal talaga nito ang nobya nito para kahit ang magsalita sa harap ng babae ay kailangan niyang sundin ang sinasabi nito."Maaari mo ba akong tulungang punuin ang tubig sa bathtub?" Malamig na tanong nito bigla.Nagulat si Julliane nong una, ngunit nang makita niya ang kawalang-interes sa mukha nito, sa wakas ay napagtanto n
Bahagyang napangiti si Julliane matapos itong marinig. Minahal niya ang lalake mula pa noong bata siya, ngunit isa siyang bituin sa langit.Mahirap abutin at hindi kailanman matutupad ang pangarap niya dahil may mahal nang iba ang lalake. "Will you move out after the annulment? Gusto mo tulungan kitang maghanap ng matitirhan?" Tanong ng kaibigan niya sa kanya. Napabuntong-hininga si Julliane, tamad na lumingon sa gilid, sumandal sa bintana, at mahinang sinabi. "Dapat akong lumipat sa lugar ng aking ina." Sagot niya sa kaibigan.Akmang magsasalita ulit ang kanyanh kaibigan nang marinig nito ang boses ng lalake.“Julliane!" Narinig nito na tinawag ito ng lalake."Ibaba ko muna ang tawag, saka na lang tayo mag-usap." Sabi nito sa kaibigan at agad na pinatay ang cellphone.Nakita ni Julliane ang taong bumababa sa hagdan mula sa gilid ng kanyang mata.Silver nightgown lang ang suot niya. Hindi siya naglakas-loob na tumingin sa lalake ng seryoso at mabilis na nilagay sa gilid niya ang ce
Agad na ngumiti si Julliane at nagpatuloy sa pagsasalita matapos mapansin na hindi tama ang mga ekspresyon ni Crissia at Ismael.“Isa siyang senior na mas matanda sa akin ng isang taon." Agad niyang sabi sa dalawa habang nakangiti pa rin, hindi nito gustong ipakita sa kaharap na may ibig sabihin sa sinabi niya kanina. "Oh! Senior, mabait ba siya sayo?"Halatang gumaan ang loob ni Crissia at nagpatuloy sa pagtatanong sa kanya.Sa pagkakataong ito ay nakaupo na silang tatlo.Nakatutok ang mga mata ni Ismael sa mukha ni Julliane at tila naghihintay rin ng kanyang sagot.Tinignan ni Julliane ang magandang pinggan sa mesa at hindi naglakas-loob na magsabi ng maling salita. "Ayos lang. Lahat ng babae sa paaralan ay gusto siya, pero sabi niya ako ang pinaka-espesyal at ako lang ang gusto niya!" Masigla niyang muling sagot sa babae."Ang galing! Saka dapat mahal ka talaga niya, dapat samantalahin mo ang pagkakataon." Sabi naman ng babae na nakangiti pero may kakaibang napansin ang dalaga sa
Matapos mapanood ni Julliane ang kanilang sasakyan na umalis, tumalikod siya at naglakad patungo sa kung saan.Ang tawagin ang asawa niyang bayaw, napatawa na lang siya sa sarili dahil sa kabaliwang iyon.Sumuko ka na! Hinding-hindi siya mai-inlove sayo!Bumulong siya sa kanyang sarili at nagbabala. "Julliane, kapag sumuko ka na, huwag nang lumingon pa!"Kahit magmahal ka ulit.——Habang nasa sasakyan sila ng nobya ay hindi mapigilan ng lalake na magsalita dito.“Sumobra ka naman yata sa ganong bagay Crissia, asawa ko ps rin si Julliane.“ Sabi dito ni Ismael na tumingin lang ang babae dito.“Hindi mo ba gusto ang sinabi ko? Babawiin ko na lang.“ Tila napakalungkot nitong turan kaya humigpit ang hawak ng lalake sa manibela.“Isang insulto ang sinabi mo sa babe yon lang ang gusto kong ipahiwatig sa'yo.“ Madiin pa rin na sabi ni Ismael kaya nagsimula na naman na umiyak ang babae.Hindi na nagsalita pa ang lalake dahil nakaramdam ito ng kaunting inis sa nobya.Sabay ng pagbalik ni Ismael
Lalong nagalit si Ismael, napabuntong-hininga at hindi na nagsalita. Napahiya rin si Julliane, ibinaba ang kanyang ulo at tumigil sa pagsasalita. “Ito lang ang masasabi ko sa'yo Ismael, don't think I don't know what you are thinking. I tell you, hangga't nandito ako, hinding-hindi makakapasok ang babaeng 'yon sa bahay natin. Anyway, hindi ko matatangap ang babaeng iyon kahit na kailan.“ Ito ang galit na turan ng ina ng lalaki at kaya diretsong binalaan siya nito. Mas lalo naman na nagalit si Ismael dahil sa sinabi ng ina. At dahil mas gusto ng kanyang ina at lola ang babaeng nasa tabi ng mga ito, dito siya lalong nanlumo. Sa pagkakataong ito ay walang laban ang babaeng gusto niyang pakasalan, laban sa dalawang babaeng ito. Natahimik sandali ang paligid dahil sa nagpapakiramdaman pa sila ng kanyang ina sa kung sino ang muling magsasalita. Napatingin ang lalaki sa cellphone nito at ang tumatawag sa kanya ay si Crissia, napaisip siya kung sasagutin ba niya ito o hindi, ngunit hina
Nakakita na siya ng maraming halimbawa ng mga taong nagtagumpay sa sakit na cancer. "Anak…" Isang mahinang boses ang pumukaw kay Julliane, nagising ang ina nito na nasa kama at mahina suyang tinawag. “Ma, gising ka na pala!" Hinawakan ni Julliane ang kamay ng ina at sumandal sa kanyang harapan upang makita niya ito ng malinaw. "Huwag kang matakot, ang huling hantungan ng lahat ng tao ay kamatayan." Mahinang turan nito na medyo ikinainis niya. “Mama naman wag kang magsalita ng ganyan." Walang ibang masabi si Julliane, hinawakan lang niya ng mahigpit ang kamay nito. "Ang mabait kong anak, kung mamumuhay ka nang maayos, makakaalis ako nang may kapayapaan ng isip." Sabi pa nito ulit kaya napailing na lang ang dalaga. Ayaw niyang makarinig ng mga ganitong salita! Hindi niya nais na mag-isa sa mundo sa hinaharap, tama na yong mag-isa siyang nanirahan sa Amerika ng ilang taon. "Sabihin mo sa akin, humingi ba ng annulment si Ismael sa iyo?" Pag-iiba na lang nito sa usapan at ito pa a
Pilit na inalis ni Julliane ang kamay na hawak ni Ismael. "Bitaw na Ismael.“ Sabi niya sa lalake na tila wala naman narinig mula sa sinabi niya. Ngunit gaano man kainit ang mga kamay nito, hindi ito nakatuling sa kung ano ang nararamdaman niyang lungkot. Hindi inaasahan ni Ismael na ganoon kalakas ang magiging reaksyon niya, at kumunot ang noo niya. Huminga muna ng mahinahon si Julliane, at pagkatapos ay dahan-dahang nagsalita pagkatapos huminahon. "Mabubuhay ako nang maayos anumang oras, ngunit kailangan mo ring ipangako sa akin na hindi ka maaaring sumuko hanggang sa huling sandali!" Sabi nito sa ina na agad na tumango at bahagyang ngumiti. "Alam ni nanay anak ko.“ Sabi ng ginang sa anak na alam nilang dalawa na walang kasigaruduhan sa sinabi nito. Tiningnan ng ina ni Julliane ang anak na alam nito na hindi naniniwala sa sinabi nito, at ang pagpipigil ng anak na hindi umiyak. “Lalabas na muna ako Mama Juanita, Julliane.“ Paalam ni Ismael sa mag-ina at para na run mabigyan n
Isang linggo pa ulit ang matulin na lumipas, mula nong huling pagpunta ni Julliane sa condo ni Ismael. Wala na siyang balita ulit sa lalaki at nakahinga siya ng maluwag sa bagay na iyon. Naging mas maayos ang araw niya, laging abala si Julliane sa trabaho at ito ang pabor sa kanya dahil hindi ito nag-iisip ng husto. Pero nandito pa rin ang may pailalim na pagpuna sa kanya ni Evelyn sa kabilang department. Ayaw niya itong patulan dahil kung gagawin niya ito ay, sinabi na rin nito pikon siya. “Magta-tanghalian na ba kayo?“ Napatingin kami ni Mayi sa SE namin na si Mr. Sullivan kaya kinabahan si Julliane. “We are, sir.“ Sagot ni Dina na alam na kung ano ang susunod na sasabihin nito. Ilang beses na nila itong tinangihan, pero ngayon nandito na naman ito. Huminga ng malalim si Julliane at nilakasan nito ang loob para makausap ang lalaki. “Sir Gary, pwede ba tayong mag-usap mamaya after work?“ Ito ang sabi ni Julliane sa lalaki na tila nagliwanag ang mukha at agad na tumango. “I
Isang linggo ang matulin na lumipas, naging abala si Julliane sa kanyang bagong trabaho. Naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang team sa department b, pero sa isang normal na araw at trabaho ay hindi maiiwasan ang magkaroon siya na kaalitan. Hindi naman kaalitan pero ang pakikialam ng kabilang departamento sa kanila ay hindi maganda para sa kanyang trabaho. “Hayaan mo na lang sila Julie, hindi maganda ang pumatol pa tayo sa kanila.“ Ito ang sabi ni Dina sa akin, sumangayon rin naman si Mayi. Bukod pagpaparinig ng babae kahapon at kanina sa kabilang department habang nanananghalian kami ay simple lang ito para kay Julliane. “Hindi naman ako papatol, sa kanya pero kapag sumobra na siya ay hindi ako magsasawalang kibo na lang.“ Bulong ko kaya napatango na lang ang dalawa. Saan nga ba magsimula ang ang lahat ng ito? Si Mr. Gary Sullivan ay ang Senior Editor sa deparment nina Julliane. Isa itong hearttrob dito sa Pub house, lahat ng babae dito ay may gusto dito. At si E
Natapos ang araw ni Julliane na may productive, nakakapagod dahil lahat ay abala at may hinahabol na qouta. Pero masaya pa rin siya.“Pasensya ka na Julliane, ang unang araw mo sa trabaho ay nakakapagod agad.“ Ito ang paghingi ng paumanhin sa kanya ni Miss Alora.Ngumiti lang si Julliane sa babae at bahagyang umiling, saka niya inayos ang kanyang gamit.Alas singko ang tapos ng kanilang trabaho, kaya maaga pa ito para kay Julliane.Nagpaalam na sa kanya si Miss Alora kaya magalang siyang tumango dito.Napatingin si Julliane kay Mayi at Dina na kapwa niya editor.“Ang sakit ng likod ko.“ Reklamo ni Mayi kaya napangiti lang si Julliane.“Ikaw Julie, napagod ka ba?“ Tanong ni Dina kaya napangiti lang siya rito.“Nakakapagod pero worth it naman.“ Sagot ni Julliane dito kaya napangiti lang ang dalawang babae.“By the saan ka nakatira?“ Kaswal na tanong ni Mayi kaya sinabi niya rito na sa isang subdivision siya nakatira malapit lang dito, at pwede siyang maglakad pauwi dahil alsmost ten mun
Nagising ng maaga si Julliane kinabukasan, maganda na ulit ang panahon sa labis niyang pasasalamat.May pasok siya ng alas nuwebe, ang unang araw niya sa trabaho.Alas singko pa lang ay bumangon na siya para umuwi ng maaga sa bahay.Pagbaba niya ay abala na ang mga katulong sa paglilinis, napatingin ang iba sa kanya at binati siya ng mga ito.Si Mama Ana ay laging maagang nagiging ay napangiti at binati siya ng masigla.Dito ka na mag-almusal hija, sabayan mo kami ng papa mo.“ Sabi nito kaya hindi ko na ito tinangihan pa.Binati rin ako ng masigla ni Papa Isagani na naka-suit and tie at kamukhang-kamukha talaga ito ni Ismael.“Anong oras ang trabaho mo sa opisina hija?“ Kaswal na tanong ni Mama Ana kaya napatingin ako dito.“Alas-nuwebe po, malapit lang ang opisina dito kaya hindi ko kailangan na magmadali sa pagpasok.“ Sagot ko dito kaya napangiti lang ito at binigyan ako ng mushroom soup kaya nagpasalamat ako dito at magana akong kumain.Nang matapos siyang kumain ay naalala niya an
Sa nakalipas na dalawang araw ay walang naging problema si Julliane, walang Ismael na nagpakita sa kanya.Bagay na pinagpapasalamat niya.Araw ng linggo ngayon at nandito si Alexis ang kanyang kaibigan, may dala itong pagkain para sa pananghalian nila.Si Alexis ay kaklase niya mula elementarya hangang sa tumunton sila ng highschool at sabay na naka-graduate, dangan nga lang ay naghiwalay sila sa koliheyo dahil unuwi ito sa kanilang probinsya sa Bicol at doon nag-aral.Lumuwas ito dito sa Manila para bisitahin siya at makita.“Kung ganon ay basbas na lang ng batas ang magpapasawalang bisa ng kasal niyo ni Ismael.“ Sabi nito ss kanya habang nagkukwentuhan sila.“Oo, hindi na rin tumutol pa ang mga magulang niya.“ Sagot niya rito na napa-ismid na lang.“Sigurado ako na magbubunyi ang Crissia na iyon.“ Pasaring nito kaya napatitig si Julliane dito at sumangayon.Kinwento niya ang nangyari sa nagdaan na byernes nong masayang pumunta dito si Crissia.“Ang kapal ng mukha niya, hindi nakakat
Sa bahay pa rin ng mga Sandoval, nang sumapit ang gabi ay nasa silid na nila ang mag-asawang Ibrahim at Katarina.Marahang pinalo ni Katarina ang braso ng asawa na ikinagulat naman nito.“Bakit napakakalmado mo kanina? May binabalak ka na naman sa mga apo mo!?“ Inis nitong sabi sa asawa na tumawa lang ng mahina.Si Ibrahim ay anim na pu't siyam na taong gulang na ngunit malakas pa rin at aktibo pa rin bilang chairman ng kumpanya ng kanilang pamilya.“Ginawa ko naman at sinabi ang napagusapan niyo ni Analou, hinayaan ko na ang mga bata sa kung ano ang gusto nila.“ Ito ang sabi ni Ibrahim sa asawa niya.Napaisip ang don sa nangyari kanina, nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Ismael.Kaya nasisiyahan ito sa mga nangyayari, ngayon maghihintay na lang siya na ito na mismo ang hahabol kay Julliane.At tatawa na lang siya ng malakas kapag bumalik ang kanyang suwail na apo sa harap at hingin ang kanyang tulong.——Hindi mapigilan na hindi maging balisa ni Julliane nang makauwi siya mula sa
Nang matapos na maligo si Julliane ay nagbihis siya ng pormal na bistida na plain white na hangang tuhod niya.Pagkatapos ay pinatuyo ang buhok gamit ang blower sa harap ng kanya salamin sa vanity.May mahaba at kulay itim na buhok si Julliane at bagay ito sa kulay ng brown niyang mga mata.Maluti siya na namana niya sa ina, kahit na bumabad pa siya sa sikat ng araw ay hindi siya umiitim.Imbes na mangitim ay namumula lang ang kanyang balat.Nang matapos siya sa pagpapatuyo ng kanyang buhok ay naglagay lang siya ng lipgloss at pulbo sa mukha.Hindi sanay na mag-make up si Julliane dahil natural na mamula-mula na ang kanyang pisngi.Saktong alas-onse ng umaga ay dumating ang sasakyan na susundo sa kanya.Nang makarating siya sa mansyon ng mga Sandoval ay kinabahan pero huminga pa rin ng maluwag.Nasa bungad na ng sala ang kanyamg byenan at ang dalawang matandang mag-asawa.“Hello, hija i miss you my darling.“ Ito agad ang bati ni Mama Ana na agad siyang niyakap ng mahigpit at hinalikan
Nakauwi si Julliane sa bahay nila ng wala sa loob, tinawagan na lang niya si Marco na sumama ang pakiramdam niya.Nag-alala pa ito pero sinabi niya na magpapahinga na lang siya o iinom ng gamot.Nang makauwi siya ay napaupo siya sa sofa nila at napatingala sa kisame pero agad rin na bumangon dahil kailangan niyang ayusin ang mga gamit niya.Pinadala na ni Ismael ang maleta niya kaya iaakyat na niya ito at aayusin sa kanyang kwarto.Napatigil si Julliane sakto nang paglabas niya sa kwarto niya at nakita niya sa orasan na alas-syete na ng gabi.Pababa na siya at nakita niya si Ismael na papasok rin sa pinto at nagkatinginan sila at hindi ito pinansin.Pero may dala itong paper bags at pumunta ito sa kusina.“I bought your dinner, alam ko kasi na hindi ka pa kumakain.“ Sabi nito nang sumunod siya dito pero hindi siya nagsalita.“Salamat, iwan mo na lang diyan at iinitin ko mamaya.“ Sabi dito ni Julliane kaya napakunot noo si Ismael sa inasta niya.“Kumain na tayo, sasaluhan kita.“ Sabi p
Sandaling natahimik sila kaya napailing na lang si Ismael.Naisip niya na kung nasa bahay pa nito si Julliane, ano kaya ang ginagawa nito.“Matanong ko lang ngayon na nakauwi na dito si Lian, saan siya magtatrabaho? Sa kumpanya niyo?“ Tanong ni Mirko sa kanya.Tumingin dito si Ismael at naalala ang sinabi ni Julliane sa kanya nong sinabihan niya ang babae na pwede itong magtrabaho sa kanilang kumpanya."May nahanap siyang trabaho, at ayaw niyang magtrabaho sa kumpanya namin.“ Sagot dito ni Ismael kaya tumango lang ang lalaki.May sasabihin pa sana si Mirko nang tumunog ang cellphone ni Ismael.Sinagot ito agad ni Ismael at tumayo bago kausapin si Crissia na siyang tumawag sa kanya.“Sasagutin ko lang ito.“ Sabi ni Ismael sa dalawang kaibigan na agad naman tumango, saka siya lumabas ng resto.Nagkatinginan sina Mirko at Allen at tinanong si Allen. "Gusto mo bang tumaya?" Nakatawa nitong tanong sa kaibigan na agad rin na ngumisi. "Ang iyong bagong sports car!" Sabi ni Allen kaya agad