Sa nakalipas na dalawang araw ay walang naging problema si Julliane, walang Ismael na nagpakita sa kanya.Bagay na pinagpapasalamat niya.Araw ng linggo ngayon at nandito si Alexis ang kanyang kaibigan, may dala itong pagkain para sa pananghalian nila.Si Alexis ay kaklase niya mula elementarya hangang sa tumunton sila ng highschool at sabay na naka-graduate, dangan nga lang ay naghiwalay sila sa koliheyo dahil unuwi ito sa kanilang probinsya sa Bicol at doon nag-aral.Lumuwas ito dito sa Manila para bisitahin siya at makita.“Kung ganon ay basbas na lang ng batas ang magpapasawalang bisa ng kasal niyo ni Ismael.“ Sabi nito ss kanya habang nagkukwentuhan sila.“Oo, hindi na rin tumutol pa ang mga magulang niya.“ Sagot niya rito na napa-ismid na lang.“Sigurado ako na magbubunyi ang Crissia na iyon.“ Pasaring nito kaya napatitig si Julliane dito at sumangayon.Kinwento niya ang nangyari sa nagdaan na byernes nong masayang pumunta dito si Crissia.“Ang kapal ng mukha niya, hindi nakakat
Nagising ng maaga si Julliane kinabukasan, maganda na ulit ang panahon sa labis niyang pasasalamat.May pasok siya ng alas nuwebe, ang unang araw niya sa trabaho.Alas singko pa lang ay bumangon na siya para umuwi ng maaga sa bahay.Pagbaba niya ay abala na ang mga katulong sa paglilinis, napatingin ang iba sa kanya at binati siya ng mga ito.Si Mama Ana ay laging maagang nagiging ay napangiti at binati siya ng masigla.Dito ka na mag-almusal hija, sabayan mo kami ng papa mo.“ Sabi nito kaya hindi ko na ito tinangihan pa.Binati rin ako ng masigla ni Papa Isagani na naka-suit and tie at kamukhang-kamukha talaga ito ni Ismael.“Anong oras ang trabaho mo sa opisina hija?“ Kaswal na tanong ni Mama Ana kaya napatingin ako dito.“Alas-nuwebe po, malapit lang ang opisina dito kaya hindi ko kailangan na magmadali sa pagpasok.“ Sagot ko dito kaya napangiti lang ito at binigyan ako ng mushroom soup kaya nagpasalamat ako dito at magana akong kumain.Nang matapos siyang kumain ay naalala niya an
Natapos ang araw ni Julliane na may productive, nakakapagod dahil lahat ay abala at may hinahabol na qouta. Pero masaya pa rin siya.“Pasensya ka na Julliane, ang unang araw mo sa trabaho ay nakakapagod agad.“ Ito ang paghingi ng paumanhin sa kanya ni Miss Alora.Ngumiti lang si Julliane sa babae at bahagyang umiling, saka niya inayos ang kanyang gamit.Alas singko ang tapos ng kanilang trabaho, kaya maaga pa ito para kay Julliane.Nagpaalam na sa kanya si Miss Alora kaya magalang siyang tumango dito.Napatingin si Julliane kay Mayi at Dina na kapwa niya editor.“Ang sakit ng likod ko.“ Reklamo ni Mayi kaya napangiti lang si Julliane.“Ikaw Julie, napagod ka ba?“ Tanong ni Dina kaya napangiti lang siya rito.“Nakakapagod pero worth it naman.“ Sagot ni Julliane dito kaya napangiti lang ang dalawang babae.“By the saan ka nakatira?“ Kaswal na tanong ni Mayi kaya sinabi niya rito na sa isang subdivision siya nakatira malapit lang dito, at pwede siyang maglakad pauwi dahil alsmost ten mun
Isang linggo ang matulin na lumipas, naging abala si Julliane sa kanyang bagong trabaho. Naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang team sa department b, pero sa isang normal na araw at trabaho ay hindi maiiwasan ang magkaroon siya na kaalitan. Hindi naman kaalitan pero ang pakikialam ng kabilang departamento sa kanila ay hindi maganda para sa kanyang trabaho. “Hayaan mo na lang sila Julie, hindi maganda ang pumatol pa tayo sa kanila.“ Ito ang sabi ni Dina sa akin, sumangayon rin naman si Mayi. Bukod pagpaparinig ng babae kahapon at kanina sa kabilang department habang nanananghalian kami ay simple lang ito para kay Julliane. “Hindi naman ako papatol, sa kanya pero kapag sumobra na siya ay hindi ako magsasawalang kibo na lang.“ Bulong ko kaya napatango na lang ang dalawa. Saan nga ba magsimula ang ang lahat ng ito? Si Mr. Gary Sullivan ay ang Senior Editor sa deparment nina Julliane. Isa itong hearttrob dito sa Pub house, lahat ng babae dito ay may gusto dito. At si E
Isang linggo pa ulit ang matulin na lumipas, mula nong huling pagpunta ni Julliane sa condo ni Ismael. Wala na siyang balita ulit sa lalaki at nakahinga siya ng maluwag sa bagay na iyon. Naging mas maayos ang araw niya, laging abala si Julliane sa trabaho at ito ang pabor sa kanya dahil hindi ito nag-iisip ng husto. Pero nandito pa rin ang may pailalim na pagpuna sa kanya ni Evelyn sa kabilang department. Ayaw niya itong patulan dahil kung gagawin niya ito ay, sinabi na rin nito pikon siya. “Magta-tanghalian na ba kayo?“ Napatingin kami ni Mayi sa SE namin na si Mr. Sullivan kaya kinabahan si Julliane. “We are, sir.“ Sagot ni Dina na alam na kung ano ang susunod na sasabihin nito. Ilang beses na nila itong tinangihan, pero ngayon nandito na naman ito. Huminga ng malalim si Julliane at nilakasan nito ang loob para makausap ang lalaki. “Sir Gary, pwede ba tayong mag-usap mamaya after work?“ Ito ang sabi ni Julliane sa lalaki na tila nagliwanag ang mukha at agad na tumango. “I
Huwag mo siyang tingnan. Wag mo siyang pansinin! Ito ang bulong ni Julliane sa isip niya.Awkward pa rin sila habang nagda-drive si Ismae.Tumingin si Ismael sa kanya ng ilang beses, pero iwas talaga ang kanyang tingin dito.Nakasandal lang siya ng mahina sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana, walang imik kanina pa.Pero napamura ito dahil may bigla na lang na nagmaneobra na sasakyan sa kanya.Medyo nataranta siya at hindi niya maiwasang tumingin ulit sa kanya.Ano kaya ang nasa isip nito? Kailangan ba na alamin pa ito ni Julliane sa mga sandaling ito, hinalikan siya nito.Ang first kiss niya na hindi niya inaasahan, oo inaasam na niya mula pa man noon na ito ang maging first kiss niya.Minamahal niya ito ng palihim at minsan nang gustong maramdaman sa labi niya ang labi nito.Dumating ang sasakyan sa ibaba ng kanyang bahay, at walang umimik sa kanila.Si Julliane ay bumalik sa kanyang katinuan, tumalikod at tumango para pasalamatan siya."Salamat sa paghatid sa akin, mag-ingat k
Inuwi na lang ni Julliane ang agahan niya at kinuha ito sa counter at nagpasalamat sa cashier.Pero bago ito ay pinadala muna nito ang pagkain ni Crissia kung saan ito nakaupo.Pagkauwi ni Julliane sa bahay niya ay may kotse na naman na nakaparada sa tapat ng bahay niya.“Goodmorning.“ Bati ni Ismael na lumabas ng sasakyan nito kaya napahinga ng malalim si Julliane.“Anong kailangan mo?“ Tanong nito sa lalaki imbes na batiiin rin niya ito na tinignan ang dala niya kaya napangiti ito.“Hindi pa ako kumakain pwede mo ba akong papasukin sa loob?“ Tanong nito kaya tumango na lang si Julliane.Naalala nito si Crissia na ilang beses na siyang sinabihan na iwasan ang lalaking ito, pero ano ang magagawa nito? Hindi kayang pigilan ni Julliane ang lalaking ito.Ayaw niya bang makipaghiwalay? Ito ang nasa isip na tanong ni Julliane.Naguguluhan si Julliane pero pumasok na ito sa loob ng bahay.Naramdaman ni Julliane na sumunod na ang lalaki sa kanya papasok.Dimeretso sila sa kusina at nilapag n
Habang nagta-trabaho na si Julliane ay may natangap siyang tawag mula kay Allen.Nang sagutin nito ang lalaki ay sinabi nito na iniimbitahan siya nito mamayang gabi sa isang dinner.“May bago akong bukas na restaurant, please pumunta ka. I want you to try our food.“ Napangiti si Julliane sa sinabi ng lalaki kaya naman napatango siya.“Oo naman, pupunta ako.“ Nakangiting sagot nito kay Allen, habang ang lalaki sa kabilang linya ay napasuntok pa sa hangin dahil napapayag nito si Julliane.Nang mamatay ang tawag ay napahinga na lang ng malalim si Julliane.Dinner party iyon, malamang nandoon rin si Ismael at syempre makakaharap na naman niya ang babaeng iyon.Ayaw nang mag-isip ni Julliane dahil naiinis lang ito.Nang sumapit ang tanghalian ay nagluto lang ng korean noddles si Julliane, nabili niya ito sa isang korean store kamakailan lang.Mahilig sa mga ganitong pagkain si Mayi at Dina kaya nang matikman niya ito ay napabili na rin si Julliane.Isa pa ay may dinner naman mamayang gabi
Napatingin si Julliane kay Miss Alora na tila masama na naman ang araw, kaninang umaga lang ay maganda pa ang mood nito.“Sino ba kasi nagsabi na ipadala nila agad ang kopya!?“ Galit nitong turan sa designer nila na nakatayo na at tila kabado pa ito.“Yong sa kabilang department, sinabi kasi nila na maayos na at last print out na lang ang kailangan.“ Paliwanag nito kaya napahilot ng noo ang babae.“Pero nagreklamo ang writer, may kopya siyang natangap pero mali-mali at sabog ang limang print na napadala sa kanya! Tapos ngayon tignan mo nilagay niya sa social media at maraming nag-react!“ Sigaw nito kaya nataranta na sila.Dito lumabas si Mr. Sullivan na pinakalma ang pinsan nito.“Huminahon ka Alora, hindi natin ito kasalanan. Dapat doon sila magreklamo sa distribution department.“ Sabi nito sa pinsan kaya nagkatinginan na lang si Julliane at Mayi.Agad binuksan ni Julliane ang kanyang cellphone at nagbukas ng social media, napahinga siya ng malalim.Sikat ang isa sa writer na ito, pe
Nakabalik na sa Manila ang pamilya Sandoval sa maikling bakasyon nila mula sa Tagaytay, bago ito ay niyakap muna ng dalawang ginang si Julliane.“Bumisita ka sa bahay hija, kahit isang beses lang sa isang linggo.“ Lambing ni Katarina sa apo na babae.Napangiti lang si Julliane at saka tumango dito, na kumaway sa mga magulang, habang nasa tabi nito si Ismael na magaan ang pakiramdam.“Tara na, ihahatid na kita sa bahay mo at para makapagpahinga ka na.“ Sabi ni Ismael dito kaya tumango lang si Julliane.Kumain muna sila ng hapunan at alas otso na rin ng gabi.Wala nang imik pa ang dalawa at nagkasya na si Julliane sa mahinang paghimig ni Ismael habang nagda-drive.Nang makarating sila sa tapat ng bahay ni Julliane ay napatingin siya kay Ismael.“Salamat sa paghatid.“ Sabi nito sa lalaki.“Salamat lang?“ Tanong nito na nakakunot ang noo.Agad naman naintindihan ni Julliane ang sinasabi nito kaya agad niyang tinangal ang seatbelt at hinalikan sa labi si Ismael ng magaan saka nagmamadaling
Nagkulitan lang silang dalawa ni Ismael hangang sa matapos sila sa kusina.Dahil may mga labahin si Julliane ay maglalaba na muna siya at si Ismael naman ay kinuha ang laptop nito at umupo sa sala.“Tatapusin ko lang ang ilan sa trabaho ko.“ Sabi nito sa kanya kaya napatango lang si Julliane at tumango dito.Umakyat sa taas si Julliane at kinuha ang marumi nitong mga damit, pero naisipan na rin nito na palitan ang sapin sa kama at punda ng unan kaya kumuna na siya ng bagong pamalit.Nang matapos ay bumaba na ito dala ang basket na may laman na maruruming damit.Napatingin sa kanya si Ismael na nakasuot ng salamin.Napakagwapo talaga nito kapag nakasuot ng salamin sa isip ni Julliane.“Maglalaba ka?“ Tanong nito kaya bahagyang tumango si Julliane ag tumango rin si Ismael.Naging magaan ang ilang oras kay Julliane, naglinis siya sa silid niya habang hinihintay na matapos ang labahin nito.Maging ang sala sa taas ay nilinis ri niya, hindi naman gaanong madumi sa taas kaya hindi nahirapan
Dahan-dahan na tinulak ni Julliane si Ismael at umupo naman si Ismael at saka sila napahinga ng malalim pareho.“Ayos ka lang ba?“ Biglang tanong ni Ismael sa kanya.Napatango lang siya at inayos ang sarili at akmang tatayo pero pinigilan siya nito.Pakiramdam ni Julliane ay aatakehin siya sa puso dahil sa kanya, hanggang sa tumingala siya at nakita niya ang panunukso sa kanyang mga mata.Biglang natuwa si Ismael dahil sa nakikita nitong itsura ni Julliane."Nakakatuwa ang itsura mo sweetheart." Pabiro niyang sabi dito kaya lalo itong namula.Ang pisngi nito ay nagkukulay rosas sa tuwing namumula ito ng husto."Tumigil ka, bitiwan mo na nga ako, magbibihis lang ako!" Biglang sabi ni Julliane kay Ismael.Hindi nakayanan ni Julliane ang kanyang paulit-ulit na panunukso, at sa wakas ay nagsabi ng kumpletong pangungusap sa kanya.Hinayaan na siya nitong makatayo kaya napailing na lang si Ismael.“Bilisan mo ipaghahanda kita ng masarap sa tanghalian, nagpabili ako ng ingridients sa sekreta
Dalawang araw nang abala sa trabaho si Ismael at lagi itong nasa labas ng bansa, may mga proyekto ang kumpanya nila na kailangan talaga ang prisensya niya.Hindi niya makontak si Julliane kahapon pa, may nagbabantay naman dito na mga tauhan niya.Kaya lang ay hindi siya nito sinasagot, araw ngayon ng sabado kaya alam nito na walang pasok ang asawa.Dumiretso siya sa kanilang bahay dahil balak niyang kumustahin ang lola niya.“Hello lola, kumusta ang pakiramdam mo?“ Bati ni Ismael sa abuela na nakaupo sa sala at nanonood ng palabas sa telebisyon.“Apo, ilang kitang hindi nakita. Maayos naman na ang pakiramdam ko.“ Nakangiti nitong sagot sa apo na mukhang may problema na naman.“Anong problema at nakakunot na naman yang noo mo?“ Tanong nito kay Ismael kaya sinabi nito dito ang hinaing nito.Tumawa ng malakas ang matandang babae at kinuha ang cellphone nito.Bago ito nagdial ay sinabihan muna nito ang apo na tawagan ang asawa.Nakailang ring na pero hindi ito sinasagot ni Julliane.Dinia
Hindi siya iniwan ni Ismael lahabi at dito natulog ang lalaki.Nag-away pa sila kagabi, dahil gusto nito na matulog sa sofa sa sala pero si Julliane ay ayaw pumayag.Pero nanalo pa rin ang lalaki kaya natulog na naman silang magkaaway.Nagising siya ng maaga at mabilis na nag-ayos ng sarili.Pagbaba ni Julliane ay nasa kusina na si Ismael at naghahanda ng almusal.“Good morning.“ Bati nito sa lalaki kaya nakangiti ito na binati rin si Julliane na nakabihis na at lalo itong gumaganda sa paningin ni Ismael.“Gumawa ako ng almusal para sa'yo.“ Sabi ni Ismael kay Julliane na nilapag ang sinangag, may bacon, itlog at longanisa.“Salamat.“ Mahina lang na turan ni Julliane dito.Tahimik silang kumain at wlaang nagsalita ni isa man, pero nasa isip pa rin ni Julliane ang nangyari kagabi.“Ihahatid kita sa trabaho mo, at papasok na rin ako.“ Sabi ni Ismael mayamaya, gustong tumangi ni Julliane pero naisip niya na wala naman siyang laban dito.Tumango na lang ito at maganang kumain, ang pagkain
Sa nakalipas na araw ay naging tahimik ang buhay ni Julliane, wala na rin ang mga tanong ng katrabaho niya sa kanya.Ang post sa social media ay nawala na rin at pinalabas na wala itong katotohanan.Natakot na rin ang mga nakisawsaw sa tsismis na magsasampa ng kaso ang mga Sandoval sa ganitong pangyayari.Kilalang walang kinikilingan ang pamilya Sandoval, may isang salita sila kaya natakot na ang mga ito.So basically tahimik na naman ang mundo ni Julliane.Pagod na umuwi sa bahay niya si Julliane at napakunot noo dahil may isang box na nakalagay sa harap ng gate niya.Mukhang may nag-iwan nito dito at sa kanya nakapangalan kaya binitbit niya ito papasok sa loob.Napatitig siya sa kahon at kumuha ng gunting sa kusina para buksan ito.Na-curious si Julliane sa laman nito kaya maingat nitong binuksan ang kahon.Maayos ang pagkakabalot ng kahon at hindi tinipid sa plastic tape.Pero nang maalis na nito ang tape at binuksan ay napahiyaw siya sa laman nito at agad na napaupo sa sahig.Tako
Nang makarating sila sa hospital ni Ismael ay pinauna na siya nito.May tumawag kasi dito na kailangan nitong sagutin.Dala ang bulaklak ay agad na pumasok sa elevator si Julliane at pinindot ang fifth floor kung na saan ang private room ng kanyang mahal na lola.Hindi pa raw ito pinayagan na makauwi, ayon sa doktor ay binabantayan pa nila ang puso nito.Binati siya ng ilan sa kasama niya sa elevator na nurse at doktor kays napangiti na lang din si Julliane.Ang ospital na ito ay ang kaparehong ospital kung saan naratay ang kanyang ina.Hindi maisip ni Julliane na muli siyang babalik dito, pero dahil ang lola niya ang nandito ay kailangan niyang bisitahin ang matanda.Kumatok muna siya dahil baka nagpapahinga ang lola nila.Pero mayamaya lang ay nagbukas ng pinto si Analou na nakangiting pinapasok si Julliane at hinalikan sa magkabilang pisngi.“Ang napakabait kong apo ay dinalaw ulit ako.“ Nakangiting sabi ng matandang babae na nakabuka na ang mga braso para kay Julliane.Lumapit siy
Kakaiba ang nasa paligid ni Julliane ngayong araw dahil lahat ay nakatingin sa kanya pagpasok pa lang nito sa trabaho.Hindi nito alam kung ano ang problema pero kinakabahan siya na hindi mawari.“Julliane halika dito.“ Tawag sa kanya ni Mayi at Dina kaya agad siyang sumunod dito.“May problema ba?“ Tanong nito sa dalawa na si Mayi ay hawak ang cellphone at pabalik-balik na nakatingin sa kanya at sa cellphone nito.“Magkamukha talaga sila diba?“ Tanong ni Mayi kay Dina na agad naman na tumango.“Ikaw ang nasa internet Julliane.“ Sabi ni Karen na lumapit sa kanila kaya napakunot ng noo si Julliane.“Ito oh, may blind item kilala naman talaga ang mga Sandoval na pinakamayamang angkan sa buong bansa. At ito si Ismael Sandoval ay namataan na may ka-date na hindi kilalang babae kagabi.“ Mahabang sabi ni Mayi na pinakita sa akin ang nasa isang post ng isang hindi kilalang tao.Biglang kinabahan si Julliane dahil siya nga ang babae na naka-side view, pero ang mukha ni Ismael ay kitang-kita s