Ashley Umaga na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Mama. Nangungumusta lang naman siya. Marami siyang paalala tungkol sa buhay-may-asawa. At bigla ay bumundol ang kaba ko nang banggitin ni Mama ang tungkol sa honesty.“Be honest always. Be honest to your husband. Ang tiwala ay hindi basta-basta nakukuha o naibabalik sa dati kapag nasira na.”Napaluha akong bigla sa narinig. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa guilt o sa takot.Gustong-gusto kong ipagtapat kay Mama ang totoong sitwasyon. Ang totoong dahilan ng pagpapakasal namin ni Gem. Hindi man sila magtanong, alam kong nagtataka sila na bigla ay nagpakasal kami. Gusto kong sabihin kay Mama ang lahat kaya lang ay ayokong mamroblema siya sa akin. Ginawa ko ito at ako ang dapat na umayos. Hindi pa nga lang ngayon. Hindi ko pa kayang magtapat. At hindi ko alam kung kailan ko kakayanin.“Ashley?”Napalingon ako bigla. Nakasilip si Gem sa sliding door na naghahati sa veranda at master bedroom. Agad akong nagpaalam kay Mama habang pin
Ashley “What is that, wifey?” Isang pares ng malalaking braso ang lumingkis sa baywang ko.“I am cooking,” sabi ko naman na tumingala at binigyan siya ng mabilisang halik sa gilid ng mga labi.Madaling-araw na at nakaramdam ako ng gutom. Nasa Catanduanes na kami para sa aming honeymoon vacation. Naka-check in kami sa hotel na nasa gitnang bahagi ng Virac. Dapat magtu-tour kami sa buong island pero hindi naman matuloy-tuloy. Ang magkulong sa suite namin ay sapat na. Pero bukas ay baka matuloy na nga kami sa pagsa-sightseeing. Sa Balacay Point o Binurong Point, hindi ko pa masigurado.Nag-offer ang parents ni Gem ng out-of-the-country tour pero tinanggihan ko na. Hindi dahil ayokong makasama nang matagal si Gem—in fact ay kabaligtaran pa nga—kundi dahil alam kong marami siyang trabaho sa opisina kaya hindi siya puwedeng mawala nang matagal. Okay na ang isang linggong pagpapasarap-buhay. At palagay ko naman, it was more than fine that we spent more time in bed than exploring the beautif
Ashley Natuloy pa rin ang pagsa-sightseeing namin ni Gem sa Balacay at Binurong Point bago natapos ang isang linggong bakasyon. Nagpunta rin kami sa Hitoma Lake, pero hindi na natuloy ang island hopping. Sabi ni Gem ay kulang daw ang isang linggo para sa bakasyon namin sa Catanduanes. Paanong hindi, we spent most of our time in the hotel suite, sa halip na i-enjoy ang kagandahan ng Catanduanes. Hindi naman ako nagrereklamo. I enjoyed wherever we were as long as Gem and I were together.Everything went nicely and smoothly from there. Masaya ako sa buhay namin ngayon ni Gem. Napaka-supportive niyang asawa. Lahat ng gusto ko at plano ko, nandoon siya—nag-a-advise at sumusuporta.Bisita ko si Sherry sa bahay namin ni Gem nang weekend na iyon. Wala si Gem dahil may biglaang urgent meeting daw with the other executives. Pareho kaming naging busy ni Sherry sa trabaho kaya nawalan ng pagkakataon para makapagkuwentuhan kami. Masaya ako na sa wakas ay may mapaghihingahan na ako ng problemang s
Ashley“You lying bitch! How dare you!” galit na singhal sa akin ni Gem pagkaalis na pagkaalis ni Sherry.Kinabahan at natakot ako sa anyo niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito katindi ang galit. “Gem… please, let me explain,” pagmamakaawa ko.“At ano’ng sasabihin mo sa akin? Are you going to stitch some lies again? Are you going to make a fool out of me again? What?” Yamot na hinimas niya ang sariling batok. “Oh, wait. I think I know now. You are going to play meek and innocent on me. Right. Iyon lang naman ang weapon mo laban sa akin, `di ba?” mapait niyang sambit.I shook my head in despair. “No, please,” samo ko, “just let me explain. I did not—”“Cindy was right. Napakalaki kong tanga na nagpaloko at nagpauto sa mapagpanggap na babaeng katulad mo! A wolf in a sheep’s clothing.”Gem turned his back on me before I could say a word. He went straight to the master bedroom.Naiwan akong humahagulhol. Napasalampak na lang ako sa sahig habang umiiyak. Naiintindihan kong magiging nap
Ashley Gem didn’t come back home the next day. I couldn’t get in touch with him on the phone.Lumipas pa ang mga araw at wala pa rin akong balita sa kanya. Hindi ko matawagan ang in-laws ko dahil hindi ko alam kung may alam ba sila sa nangyayari. Ayoko namang pangunahan si Gem. Kakakasal lang namin at ayokong magdala ng eskandalo sa pamilya nila.I couldn’t focus on my job because he was all over my head. Iniisip ko kung ano ang ginagawa niya, kung nakakakain ba siya ng maayos, kung saan ba siya umuuwi nitong mga nakaraang araw at kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.Goddamn, I was going crazy just thinking about him!“Ashley?” Isang katok sa mesa ko ang pumutol sa pag-iisip ko.Agad akong tumayo nang makita ko si Ms. Lalaine. “Yes, Ms. Lalaine?”Ngumiti agad ang lady boss. “Well, I came here to tell you na may dalawang big project na sa inyo ni Art ko ipapa-handle. Alam kong mas magiging maganda ang proposal kapag nag-team up kayo.”“Okay, Ms. Lalaine, but how about our own teams
Ashley Gem pressed himself to the middle of my thighs. He was as hard as an iron. And he was so big—bigger than I could ever imagine—na hindi ko mapigilan ang panlalaki ng aking mga mata. His manhood was like a raging bull that made me think he mustn’t have gotten laid for the past week. Sa isiping iyon, nakaramdam ako ng tuwa na hindi siya nag-attempt na mag-cheat sa akin sa kabila ng galit niya. Maski paano, gusto kong isipin na may pagpapahalaga siya sa marriage namin.Gem started to move above me. The flaming sensation was raining down on me every time his hardness bumped into my wet entrance.He kissed me wildly. He released my mouth for a second and swept it with his tongue before claiming it again. This time it was so harsh that my swollen lips stung in pain while his hands didn’t stop from wandering all over my body. He thrust savagely in an imaginary lovemaking. My back automatically arched to meet his thrust.Umangat ang guwapong mukha ni Gem para titigan akong mabuti. Nagb
Gem Ilang araw akong hindi umuwi sa bahay at sa penthouse na lang ng Zenith natutulog. Ayokong umuwi dahil baka may magawa na naman akong hindi maganda sa asawa ko.Anger and desire overtook me whenever I saw her. I couldn’t control myself. I was afraid I might hurt her again. I still felt bad at what I had done to her, but I kept trying to convince myself that she deserved it.Naka-block si Ashley sa phone ko sa kasalukuyan. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko siya pakikiharapan. Nandito sa loob ko ang kagustuhang maibalik ang relasyon namin sa dati, pero aaminin kong napipigilan ako ng takot.Ayokong basta na lang siya patawarin at kalimutan ang lahat. Ayokong makasanayan niyang niloloko ako. Ayokong dahil sa nararamdaman ko ay maging bulag ako sa katotohanan. Minsan nang nangyari iyon. Minsan nang hindi ko nakita ang totoo dahil lang nangingibabaw ang pagmamahal ko.Kay Cindy.Dahil masyado ko siyang minahal, hindi ko nakita ang mali. Hinayaan kong mabulag ako ng pangarap at pagm
AshleyWalang salitang hinila ako ni Gem palabas ng office matapos tapunan ng tingin si Cindy. Nakita ko ang pagtatagisan ng mga bagang niya at nahulaan kong nagagalit siya sa akin dahil nahuli niyang sinasaktan ko ang pinakamamahal niyang si Cindy!Hindi naman ako nag-abala pang mag-explain. Para saan? Sa nakikita ko kay Gem, sira na ang tiwala niya sa salita ko.Sumakay kami sa elevator at bumaba rooftop.“What is wrong with you, Ashley!” galit na sita ni Gem sa akin.“What is wrong with me? Huh! Hindi dahil iyon ang nakita mo, iyon na talaga iyon,” galit ding balik ko.“Kilala ko si Cindy.”“Oh, yes. Kilala mo ang pinakamamahal mong babae. Kilala mo rin ako, `di ba? Tinatawag mo pa nga aking sinungaling. So, bakit pa ako mag-e-explain, eh, alam ko namang iisipin mo lang na nagsisinungaling ako para makuha ang gusto ko?”Malakas ang ihip ng hangin sa rooftop. Nakatulong iyon para hindi mapansin ni Gem na napapasinghap ako sa tindi ng sama ng loob. I had just been trying to defend my
AshleyParang bigla akong natauhan. Masarap sa pandinig ang mga salitang narinig ko, pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa mga iyon? Totoo ba ang mga salitang iyon?“Dahil ba sa baby?” lakas-loob na tanong ko maski pa hindi naman ako nakakasigurado na makakakuha ako ng totoong sagot.“I want you, with or without the baby. And don’t mistake my words for anything else. When I say I want you, I want all of you—heart, body and soul.”Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paraan niya ba ito para makuha ang loob ko at pagkatapos ay saka niya sasabihing amanos na kami? No, I wouldn’t let that happen. Sapat na iyong sakit na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman. Ayoko nang madagdagan pa. Ayoko nang patuloy na magpakatanga.“Ashley…” Ipinihit ako ni Gem paharap, saka marahang kinabig palapit sa katawan niya. “Kahit minsan ba talaga, hindi ko naiparamdam sa `yo na mahalaga ka sa akin?”Impit na kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nananakit na naman ang lalamunan ko sa pagpipigil na maluha. Na
Ashley Tinanghali ako ng gising mula sa halos magdamag na pag-iyak. Akala ko, kapag pinaalis ko si Gem ay tapos na ang lahat at hindi na ako masasaktan. Pero mas masakit pala ang isiping hindi ko na siya makikita pang muli. Hindi ko na maintindihan ang sarili. Itinaboy ko siya, pero ako naman ang nasaktan sa ginawa ko.Nagsusuklay ako ng buhok nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura. Tumakbo ako papunta sa banyong malapit sa kusina. Nagkandaduwal ako sa toilet bowl habang nakasalampak sa sahig. Ganito na lang ako tuwing umaga; masusuka maski wala pang laman ang tiyan. Pulos laway lang naman ang inilalabas ko.Naramdaman ko na may humawi sa mahaba kong buhok at itinaas iyon, kasunod ang magaang paghagod sa likod ko hanggang sa tumigil ako sa pagduwal. May nagpunas ng tissue sa bibig ko at nagulat na lang ako nang makilala kung sino iyon.“Ano’ng ginagawa mo rito? Sino’ng nagpapasok sa `yo?”Hindi ako sinagot ni Gem. Sa halip, kinarga niya ako at dinala sa couch sa sala. Nagpunta uli
AshleyI made him mad again. Pero bakit ba siya nagagalit? Ano ang solusyon niya kung hindi annulment? Plano ba niyang manatili kaming kasal habang nagbabahay-bahayan sila ni Cindy? Was that the punishment he wanted to give me?No! I couldn’t take it anymore. Kaya kong i-tolerate ang mga sarcasm at insulto dahil alam ko namang galit siya sa akin. But cheating was another story. Hindi ko mapapayagan iyon. Especially now that we were going to be parents already. Ayokong makita ng anak ko ang harap-harapang panloloko niya sa akin. Ayokong kamuhian siya ng anak namin kapag nakita nito na hindi normal ang setup namin. Higit sa lahat, I didn’t want my child to get hurt knowing that his father didn’t love his mother. So we’d better part ways now, before our child was born.“Look, Gem. Alam kong galit ka sa akin. Malinaw na malinaw sa akin at naiparating mo sa akin nang maayos iyon. At natauhan na ako. Pagod na rin naman akong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi ako kayang mahalin.” I c
Gem It had been ten days and I felt like going crazy. Gabi-gabi na akong laman ng bar, katulad na lang ngayon. Alak na lang ang karamay ko. Hindi ko na alam kung saan hahanapin si Ashley. Maski ang parents niya na wala palang kaalam-alam na umalis si Ashley ay nagawa kong pagtanungan.Alam kong magagalit si Ashley kapag nalaman niyang pinag-alala ko pa ang parents niya. Pero mas mabuti na iyon para lumabas siya agad mula sa kung saang pinagtataguan niya.Sadly, hindi rin alam ng parents niya kung saan siya nagpunta. Gusto ko nang mawalan ng pag-asa. Saan puwedeng magpunta si Ashley? Dinadala niya ang anak ko at nakita ko naman kung gaano kahirap ang pagbubuntis niya. Dapat ay kasama niya ako at karamay sa mga mahihirap na sandaling iyon. Kung nalaman ko lang, hindi ko sana inuna ang trabaho at ang pride ko. Hindi sana ako naging makasarili.“Damn it!” Yamot na nagsalin ako ng whiskey sa baso at deretsong tinungga iyon.Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumingkis ng yakap sa akin mul
Ashley “Indefinite leave? So, how long will it be? Two weeks? Three? A month?” Ngiti ang isinagot ko kay Art. “I don’t know either,” sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. In-endorse ko na rin sa kanya ang materials para sa next project namin. “Depende kung kailan ako papayagan ni Gem na bumalik sa work. You know, he is concerned with the baby. I am so sorry I have to leave the team like this—” “Ash…” concerned niyang sabi. “Don’t try to hide it. You can be real in front of me. You can cry on my shoulder. And I swear I’ll never judge you.” “Huh?” Inilayo ko ang tingin sa kanya. “What are you talking about?” “I know the real score between you and Gem. Hindi ka na umuuwi sa bahay n’yo.” Bigla akong napabaling kay Art. “I’m sorry, hindi ko sinasadyang sundan ka kahapon. I was just going to check on you, pero nakita kong umalis ka dala ang maraming gamit. Sa hotel ka tumuloy. And I’m guessing na nandoon pa rin ang mga gamit mo ngayon.” Napalingon ako sa paligid. Luckily, walang
AshleyThe next time I opened my eyes, sina Art at Ms. Lalaine ang nakita ko. Agad akong bumangon.“Nasaan tayo? Ang event? Sino ang nandoon?”“Don’t think about it. Maayos na natapos ang event. Everybody enjoyed the party. Nandito tayo sa infirmary ng hotel,” sabi ni Ms. Lalaine. “You shouldn’t push yourself too hard, lalo at ganyan na may dinadala ka na pala.” Magkahalo ang pag-aalala at saya sa boses niya.“Ano ba’ng nangyari pala?” tanong ko.“You fainted. Good thing Art was there to catch you. God! Ashley, be more careful. Ano’ng sasabihin ko kay Gem kung may nangyaring hindi maganda sa`yo? Hindi mo man lang sinabi sa akin ang kondisyon mo. I would have lessened your workload.”Na-confuse akong lalo sa sinabi ng boss ko. Napalingon ako kay Art na nakatitig lang din sa akin. Anong kondisyon ba ang sinasabi nila? May nakita ba ang doktor na tumingin sa akin na malalang sakit kaya madalas akong nahihilo?“Gem deserves a scolding, too. He was so secretive he didn’t tell me you were p
Ashley Tulog pa si Gem nang umalis ako sa bahay. Naging maayos ang pakiramdam ko sa buong magdamag at nagawa ko ding tapusin ang iniuwing trabaho nang nakaraang gabi. Sinigang lang pala ang makapagpapagaan ng pakiramdam ko, sana ay naisipan kong magluto niyon. But I doubted if I could cook. Kung hindi dahil kay Gem, baka maski hapunan ay hindi ako nakakain. Talagang wala akong lakas at maging ang pagpunta sa banyo ay effort pa.Sa weekend nga ay magpapa-check up na talaga ako dahil sa madalas na pagsusuka at atake ng pagkahilo.“Okay ka na ba talaga at pumasok ka na? Namumutla ka pa rin.”Ngiti ang isinagot ko kay Sherry. Talagang dinayo niya ako sa puwesto ko para kumustahin. Na-appreciate ko iyon nang sobra. Alam ko, maski hindi siya magsalita, gusto niyang pagaanin ang loob ko.“You know, girl, dapat mag-loosen up ka rin minsan. Kaya ka siguro madalas magkasakit kasi hindi na healthy na dala-dala mo araw-araw iyong bigat ng problema at stress. Kung sumama ka kaya sa akin mamayang
Ashley Mabigat ang pakiramdam ko kinabukasan. Hindi ko yata kayang pumasok sa trabaho. Sa kaunting pagkilos ay nahihilo ako.Tahimik sa buong bahay. Mag-isa na naman ako. Sa tuwing gigising ako, palaging mag-isa lang ako. Dapat sanay na ako. Simula nang magtrabaho ako, nag-independent living na ako. Ang matulog mag-isa at gumising mag-isa ay dapat na natural na lang.Pero ipinaranas kasi sa akin ni Gem kung gaano kasarap ang matulog na katabi at kayakap siya. At kung gaano kasaya sa pakiramdam na magising na siya ang una kong makikita. Kung gaano kasaya na siya ang babati sa akin sa pagmulat ng mga mata ko. Kaya lang, sandali lang iyon. Sandali lang niyang ipinalasap ang maliligayang araw na iyon.I felt a stinging pain in my heart. Agad kong isinalya sa labas ng bintana ang hindi magandang damdamin. Why was I being too emotional lately? Madalas kong balikan at iyakan ang masasayang alaala namin ni Gem.Pagkatapos ma-compose ang sarili, bigla ang desisyon na hindi na ako muling magpa
Gem “I'll go ahead, pare,” sabi ni Art.Palakaibigan ang tono niya, pero hindi ko magawang maging friendly. So, may deceitful wife was true to her words when she said she’d be with another man kapag hindi ako umuwi. At kailan pa niya ito ginagawa? Kapag nauuhaw siya sa tawag ng laman dahil hindi ko ginagampanan ang obligasyon ko bilang asawa niya?It was a hard blow to my ego. Ah! Hindi lang sa ego ko masakit. Para akong sinuntok nang maraming beses pagkakita sa unfamiliar na sasakyan na tumigil sa tapat ng gate namin at makitang may ibang kasama si Ashley.Magpahanggang ngayon ay hindi matanggap ng isip at damdamin ko na ibang-ibang Ashley ang nakakasama ko ngayon. Kung hindi ko naagapan ang nakakita sa nangyari kanina, malamang na laman na ng social media sina Cindy at Ashley.At nasaan na ba iyong Ashley na kilala ko? Iyong Ashley na pinakaiingat-ingatan ko. Ang babaeng ni ayaw kong mahawakan ng ibang lalaki dahil alam kong hindi siya katulad ng iba. Ganito ba talaga ang tunay na