Share

Kabanata 4

Author: Daylan
last update Last Updated: 2022-02-02 10:25:36

Ten minutes nang late si Bradz sa kasal nila at nagsisimula nang umugong ang anasan sa loob ng simbahan. Nagsisimula na ring kabahan si Lyra. Nag-aalala siya na baka biglang umatras sa kasal nila ang binata. Hindi lang siya ang mapapahiya kundi mas lalo na ang kanyang mga magulang. Nag-aalala siya sa para sa kalusugan ng kanyang ama. May sakit kasi ito sa puso at nangangamba siya na atakehin ito kapag hindi matuloy ang kasal nila ni Bradz.

Kahit umuugong na ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan na hindi raw darating si Bradz dahil shotgun wedding daw ang magaganap ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob. Naniniwala pa rin siya na hindi makakayang ipahiya ng binata ang mga taong tumulong dito para makapag-aral at maging CEO ng J-Fashion Industry, kung saan ang daddy naman niya ang chairman. At alam naman ni Bradz na may sakit sa puso amg daddy niya kaya mag-aalinlangan ito na hindi sumipot sa kasal nila dahil baka kung mapaano ang ama niya. Hindi niya lang alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ito ngunit naniniwala siya na hindi ito sisira sa ipinangako nito sa kanyang ama noong gabing maabutan silang naghahalikan sa gilid ng swimming pool.

Pagkatapos ng nakakahiyang eksena nang gabing iyon ay agad natapos ang party niya. Inihatid naman ni Bradz ang umiiyak na si Carla sa bahay ng mga magulang nito at pagkatapos ay bumalik sa bahay nila para pag-usapan ang nangyari.

Hindi pumayag ang daddy niya na mapag-tsismisan siya ng mga taong um-attend sa kanyang birthday party. Hiniling nito na pakasalan siya ni Bradz sa lalong madaling panahon. Wala naman siyang narinig narinig na pagtutol mula sa binata nang mag-demand ang ama niya na pakasalan ito para maiwas siya sa malaking kahihiyan. Nangako ito na pakakasalan siya kapag naayos nito ang tungkol dito at sa pinsan niya. Kaya pagkalipas lamang ng dalawang Linggo ay naitakda ang kanilang kasal. Siyempre, dahil na rin sa tulong ng koneksiyon ng daddy niya kaya napabilis ang proseso ng kasal nila ni Bradz.

"Hindi na yata darating ang groom mo, Lyra," hindi nakatiis na komento ng isa sa mga kamag-anak niyang nasa loob ng simbahan. Nasa mukha nito ang pagkainip sa kasal na 'di matuloy-tuloy.

Nakita ni Lyra na biglang dumilim ang anyo ng kanyang ama at pagkatapos ay bigla itong napahawak sa dibdib. Gusto na niyang umiyak nang mga sandaling iyon. Mukhang hindi yata talaga siya sisiputin ng binata sa araw ng kasal nila.

"Relax lang po kayo, Tito Andy. Siguradong darating si Bradz. Nakausap ko siya kani-kanina at sinabi niyang papunta na siya," biglang singit ng matalik na kaibigan ni Bradz na si James.

"Baka naman nagtanan na 'yon kasama ang totoong girlfriend niya," komento ng isang babae na nakita niyang kausap ni Carla noong gabi ng kanyang birthday party. At kung pagbabasehan ang paraan ng pag-uusap ng dalawa ay masasabi niyang malapit na magkaibigan ang mga ito. Kaya tiyak na alam nito na may ibang girlfriend si Bradz at hindi siya.

"Kung wala kang magandang sasabihin ay malaya kang lumabas ng simbahan," mataray niyang sita sa babaeng nagsalita. Inirapan lang siya ng babae at hindi na nagsalita.

"Narinig mo, Andy? Papunta na rito si Bradz kaya i-relax mo lang ang puso mo," nag-aalalang sabi ng mommy niya sa kanyang daddy. Hinimas-himas nito ang dibdib ng kanyang ama.

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Bradz na patakbong pumapasok sa loob ng simbahan. Hindi maayos ang suot nitong damit at gulo-gulo ang buhok na tila ba kagigising lamang. Tinapunan niya ng masamang tingin si James na bahagyang nakangiti habang nakangiwi ang mukha. Ang sabi nito kanina ay papunta na si Bradz ngunit bakit tila kagigising pa lamang nito at mukhang hindi na nga nagawang maligo sa sobrang pagmamadali.

"I'm sorry, I'm late. Napasarap kasi ang inom namin kagabi kaya tinanghali ako ng gising," mabilis na paumanhin ng binata. Sa kanyang mga magulang ito nakaharap habang nagsasalita.

Nakadama siya ng pinong kurot sa dibdib nang hindi man lang siya nito tiningnan at hindi rin ito nag-abalang magpaliwanag sa kanya. Parang balewala rito kung anuman ang isipin niya. Ngunit hindi na lamang niya iyon masyadong binigyan ng pansin. Ang mahalaga ay dumating ito at hindi ipinahiya ang pamilya niya.

***

Maraming um-attend sa kasal nila kaya naman buong maghapon na pagod si Lyra. Pagkatapos ng reception ng kasal nila ay sa condo ni Bradz na siya umuwi. Nailipat naman sa condo nito ang mga gamit niya noong isang araw pa.

Dapat ay magha-honeymoon sila sa Thailand dahil iyon ang ibinigay na regalo sa kanila ng kanyang mga magulang ngunit tinanggihan nito dahil masyadong busy raw ito sa kompanya para mag-leave. Saka na lang daw nila itutuloy ang honeymoon kapag maayos na ang schedule nito.

Batid niyang galit sa kanya si Bradz dahil lumalabas na pinikot lamang niya ito kaya siya pinakasalan. At alam niya na nagdadahilan lamang ito na busy ito sa trabaho kaya umalis para mag-honeymoon sa ibang bansa. Ngunit hinayaan na niya ito sa nais nito at hindi na ipinagpilitan na umalis sila. Sa ngayon ay galit ito sa kanya ngunit ngayong mag-asawa na sila ay gagawin niya ang lahat para matututunan siyang mahalin nito.

Nagbibihis siya ng suot niyang wedding dress nang biglang pumasok si Bradz sa kuwarto. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Hindi niya malaman kung paano tatakpan sa mga mata nito ang kanyang kahubdan. Hindi kasi siya sanay na may ibang tao na nakakakita sa kanyang katawan.

"Hindi mo kailangang itago iyan dahil wala naman akong interes diyan," seryoso ang anyo na sabi nito sa kanya. Balewalang naglakad ito papunta sa closet at kumuha ng malinis na damit. Tila hindi ito apektado sa nakitang kariktan niya.

Lihim na nakadama ng sakit si Lyra nang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. Hindi ba siya maganda sa mga mata nito? Mabigat ang dibdib na mabilisan siyang nagbihis. Tutal ay hindi naman ito apektado sa halos h***d niyang katawan ay hindi na siya nag-abala pang takpan ang kanyang sarili.

Wala man siyang dating dito at hindi man siya mahal ay gagawin niya ang lahat para makuha niya ang puso nito at makalimutan nito ang ex-girlfriend.

Nang makita niyang nagsusuot ito ng t-shirt na kinuha sa closet ay mabilis niya itong tinulungan ngunit pumiksi ito at dumistansiya sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng yaya. Kaya kong magsuot ng sariling damit."

Yaya? Yaya ba ang tingin nito sa kanya porke't nais niya itong tulungang magbihis?

Pagkatapos magbihis ay kinuha nito ang cellphone na kanina pa nagri-ring at sinagot. Mayamaya ay biglang nag-iba ang expression ng mukha nito. Tila ba may pag-aalala sa tono nito habang kausap ang nasa kabilang linya. Ang hula niya ay si Carla ang kausap nito. Medyo naririnig niya kasi ang boses ng isang babae na nagsasalita sa kabilang linya. At sino pa nga bang babae ay kakausapin nito kundi ang Carla na iyon?

Pagkatapos nitong makipag-usap saglit sa babae ay nagmamadaling kinuha nito ang itim na jacket na nakasabit sa likuran ng closet at isinuot.

"Aalis ka? Unang gabi pa lamang natin bilang mag-asawa ay iiwan mo ako?" inis niyang tanong dito nang maglakad ito palabas ng pintuan.

Madilim ang anyo na nilapitan siya at mahigpit na hinawakan sa kanyang mga balikat.

"Hindi porke't mag-asawa na tayo ay babalewalain ko si Carla. Girlfriend ko pa rin siya. At kung  hindi mo ginawa ang bagay na iyon ay baka kami ni Carla na pinsan mo ang mag-asawa ngayon at hindi ikaw. Tandaan mo na kaya lamang kita pinakasalan ay dahil sa utan na loob na tinatanaw ko sa mga magulang mo. Dahil kung hindi ay 'di ko kayang magpakasal sa isang selfish at spoiled brat na katulad mo," matigas ang tono ng boses na saad nito. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na itinulak siya pahiga sa ibabaw ng kama at walang paalam na iniwan siya.

Naiwan si Lyra na umiiyak at nasasaktan. Ngunit hindi siya susuko. Gagawin niya ang lahat makuha niya lamang ang pag-ibig at puso ng kanyang asawa. Dahil wala siyang ginusto na hindi niya nakuha kasama na roon si Bradz. At ipinapangako niya sa kanyang sarili na balang-araw ay siya na ang mamahalin nito at hindi ang mapagpanggap niyang pinsan.

***

Parang nilalamukos ang puso ni Lyra habang tinitingnan sina Bradz at Carla na magkayakap. Nasa loob siya ng bar kung saan naroon ang dalawa. Sinundan niya kasi ang asawa niya pagkalabas nito ng condo. Gusto niya masiguro na ang pinsan niya nga ang pupuntahan nito. At tama siya. Si Carla nga ang pinuntahan nito sa bar na iyon dahil naglasing ang babae.

Agad na sinalubong ng yakap ni Carla ang kanyang asawa. Pagkatapos ay walang pakialam sa paligid na hinalikan nito sa mga labi si Bradz kahit na maraming tao sa paligid. Gusto niyang sugurin ang dalawa at pagkakalmutin sa mukha ang pinsan niya. Ngunit alam niya na hindi siya kakampihan ni Bradz dahil inagaw lamang niya ito kay Carla kaya hindi niya ginawa. Umiiyak na lumabas na lamang siya ng bar at tulalang naglakad sa kalsada. Parang ngayon pa lang ay nais na niyang sumuko. Ngunit hindi siya si Lyra Delas Serna kung susuko agad siya. Dahil si Lyra ay palaban at hindi susuko hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Hindi nga ba't nagtagumpay siyang mapakasalan siya ng binata? Kaya pasasa'n ba't makukuha rin niya ang puso nito. Kung kailan ay hindi niya pa alam.

Mahigit kalahating oras na ang nalalakad niya mula sa bar nang biglang may huminto sasakyan sa tapat niya at lumabas ang dalawang lalaki na lasing at mukhang hindi mapagkakatiwalaan.

"Hi, Miss. Nag-iisa ka yata? Gusto mo bang ihatid ka namin sa pupuntahan mo?" Nakangising tanong ng lalaking maitim at namumula ang mga mata na tila hindi lamang lango sa alak kundi maging sa ipinagbabawal na gamot.

Nakaramdam si Lyra ng kaba at panganib. Nagpalingon-lingon siya sa kanyang paligid at umaasang may makikita siyang ibang tao na puwede niyang mahingan ng tulong sakaling gawan siya ng masama ng dalawang lalaking ito. Ngunit sa malas ay wala siyang nakitang tao maski isa man lang.

"Bakit mo pa itinatanong, Kardo? Bitbitin na natin 'yan," utos ng kasama nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.

Napatili siya ng malakas nang bigla na lamang siyang hawakan sa braso ng dalawang lalaki at pilit na isinasakay sa bulok na van na sasakyan ng mga ito. Nagtitili siya. Nangalmot. Nanipa. Sa inis ng isa sa dalawang lalaki nang makalmot niya ito sa mukha ay bigla na lamang siyang inundayan ng malakas na suntok sa kanyang sikmura. Saglit na huminto siya sa paghinga dahil sa sakit ng ginawa nitong pagsuntok sa kanyang sikmura at tila nauupos na kandilang napaupo siya sa kalsada. Dala marahil ng pinaghalo-halong takot, pagod, mapa-emosyonal o pisikal at isama pa ang ginawang pagsuntok sa kanyang sikmura kaya unti-unting nagdilim ang kanyang mga paningin. Ito na ba ang karma ko dahil sa ginawa kong pamimikot kay Bradz? Ang bilis namang dumating ng karma.

Related chapters

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 1

    Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lu

    Last Updated : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 2

    Hindi na mapigilan ni Lyra ang panibughong nararamdaman habang nakatingin sa kina Carla at Bradz na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna ng pinaka-dance floor. Nagsasaya ang dalawa habang siya ay tila hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit bakit hindi niya makuha-kuha ang nag-iisang lalaki na minahal niya? Marami siyang manliligaw ngunit isa man sa kanila ay walang nakabihag sa kanyang puso. Nagkaroon siya ng nobyo at hindi lang isa o dalawa kundi marami. Sa dami ng mga naging boyfriend niya ay hindi na niya mabilang at hindi nna rin niya matandaan kung sino-sino ang mga pangalan ng naging boyfriend niya. Ngunit lahat sila ay umabot lamang ng araw ang pakikipag-relasyon sa kanya. Agad din kasi siyang nakikipaghiwalay kapag nakita niya na walang epekto kay Bradz kung may bago man siyang boyfriend. Pinapaalalahanan lamang siya nito na hu

    Last Updated : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata

    Hilong-hilo na ang pakiramdam ni Lyra dahil hindi na niya mabilang kung gaano na karami ang nainom niyang alak. Umiikot na ang kanyang pakiramdam. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya nakainom ng ganito karaming alak. Hindi kasi siya pinapayagang ng kanyang mga magulang na uminom ng maraming alak dahil mabilis nga siyang malasing. Hindi naman siya nagpipilit na uminom ng alak dahil ayaw niya ang pakiramdam nang may hangover. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto niyang lunurin ang kanyang sarili ng alak para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Abala ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa mga amiga nito at nagsasayaw naman sa dance floor si Chelli kasama ang boyfriend nito kaya walang pipigil sa kanya sa nais niyang pagpapakalasing.Muling kumuha ng baso na may laman na alak si Lyra at mabilis na dinala sa kanyang bibig. Ngunit bago pa man niya iyon magawang inumin ay may malakas na kamay

    Last Updated : 2022-02-02

Latest chapter

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 4

    Ten minutes nang late si Bradz sa kasal nila at nagsisimula nang umugong ang anasan sa loob ng simbahan. Nagsisimula na ring kabahan si Lyra. Nag-aalala siya na baka biglang umatras sa kasal nila ang binata. Hindi lang siya ang mapapahiya kundi mas lalo na ang kanyang mga magulang. Nag-aalala siya sa para sa kalusugan ng kanyang ama. May sakit kasi ito sa puso at nangangamba siya na atakehin ito kapag hindi matuloy ang kasal nila ni Bradz.Kahit umuugong na ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan na hindi raw darating si Bradz dahil shotgun wedding daw ang magaganap ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob. Naniniwala pa rin siya na hindi makakayang ipahiya ng binata ang mga taong tumulong dito para makapag-aral at maging CEO ng J-Fashion Industry, kung saan ang daddy naman niya ang chairman. At alam naman ni Bradz na may sakit sa puso amg daddy niya kaya mag-aalinlangan ito na hindi sumipot sa kasal nila dahil baka kung mapaano

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata

    Hilong-hilo na ang pakiramdam ni Lyra dahil hindi na niya mabilang kung gaano na karami ang nainom niyang alak. Umiikot na ang kanyang pakiramdam. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya nakainom ng ganito karaming alak. Hindi kasi siya pinapayagang ng kanyang mga magulang na uminom ng maraming alak dahil mabilis nga siyang malasing. Hindi naman siya nagpipilit na uminom ng alak dahil ayaw niya ang pakiramdam nang may hangover. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto niyang lunurin ang kanyang sarili ng alak para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Abala ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa mga amiga nito at nagsasayaw naman sa dance floor si Chelli kasama ang boyfriend nito kaya walang pipigil sa kanya sa nais niyang pagpapakalasing.Muling kumuha ng baso na may laman na alak si Lyra at mabilis na dinala sa kanyang bibig. Ngunit bago pa man niya iyon magawang inumin ay may malakas na kamay

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 2

    Hindi na mapigilan ni Lyra ang panibughong nararamdaman habang nakatingin sa kina Carla at Bradz na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna ng pinaka-dance floor. Nagsasaya ang dalawa habang siya ay tila hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit bakit hindi niya makuha-kuha ang nag-iisang lalaki na minahal niya? Marami siyang manliligaw ngunit isa man sa kanila ay walang nakabihag sa kanyang puso. Nagkaroon siya ng nobyo at hindi lang isa o dalawa kundi marami. Sa dami ng mga naging boyfriend niya ay hindi na niya mabilang at hindi nna rin niya matandaan kung sino-sino ang mga pangalan ng naging boyfriend niya. Ngunit lahat sila ay umabot lamang ng araw ang pakikipag-relasyon sa kanya. Agad din kasi siyang nakikipaghiwalay kapag nakita niya na walang epekto kay Bradz kung may bago man siyang boyfriend. Pinapaalalahanan lamang siya nito na hu

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 1

    Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lu

DMCA.com Protection Status