Share

Kabanata

Author: Daylan
last update Huling Na-update: 2022-02-02 10:24:28

Hilong-hilo na ang pakiramdam ni Lyra dahil hindi na niya mabilang kung gaano na karami ang nainom niyang alak. Umiikot na ang kanyang pakiramdam. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya nakainom ng ganito karaming alak. Hindi kasi siya pinapayagang ng kanyang mga magulang na uminom ng maraming alak dahil mabilis nga siyang malasing. Hindi naman siya nagpipilit na uminom ng alak dahil ayaw niya ang pakiramdam nang may hangover. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto niyang lunurin ang kanyang sarili ng alak para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Abala ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa mga amiga nito at nagsasayaw naman sa dance floor si Chelli kasama ang boyfriend nito kaya walang pipigil sa kanya sa nais niyang pagpapakalasing.

Muling kumuha ng baso na may laman na alak si Lyra at mabilis na dinala sa kanyang bibig. Ngunit bago pa man niya iyon magawang inumin ay may malakas na kamay ang humawak sa kanyang braso at pinigilan siya sa tangka niyang pag-inom.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako," asik niya sa taong pumipigil sa kanya. Sino ba itong pakialamerong ito? Ang lakas ng loob nito para sawayin siya. Siya? Si Lyra Dela Serna, mayaman, maganda, matalino at lahat ng nais niya ay nasusunod tapos may taong pipigil sa kanya sa kagustuhan niyang uminom ng alak? Makakatikim sa kanya ang sinumang taong ito malakas ang loob na pigilan siya.

"Stop ot, Lyra! Lasing na lasing ka na," pigil ang galit sa boses na saway sa kanya ng taong pumigil sa tangka niyang pag-inom ng alak. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Bradz. Si Bradz na kapatid lamang ang turing sa kanya. Si Bradz na isang spoiled brat ang tingin sa kanya.

"Wala kang pakialam! Balikan mo na lamang ang girlfriend mong santa-santita." Singhal niya rito. Ipiniksi niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay na may hawak namang baso ng alak.

"Huwag mo siyang idadamay, Lyra. Wala siya rito. Nananahimik siya sa loob ng bahay ninyo," matigas ang boses na saad nito. Pilit nitong inaagaw sa kanya ang hawak niyang baso.

Kahit lasing si Lyra ay naramdaman pa rin niya ang munting kirot sa kanyang dibdib dahil sa ginawang pagtatanggol ng binata sa kanyang pinsan. Ano ba ang nakita nito kay Carla at mahal na mahal nito ang babaeng iyon? Hindi ba nito nakikita na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan nito at kapag nakatalikod ito ay lumalabas ang totoong sungay?

Sa halip na sagutin at makipagtalo pa sa binata ay minabuti ni Lyra na iwanan na lamang ito. Ayaw niyang makarinig pa ng mga salita na makakasakit lamang sa kanya. Birthday niya ngayon. Hindi ba puwedeng pasayahin siya nito sa gabing iyon?

"Saan ka pupunta, Lyra? Lasing na lasing ka. Baka kung mapaano ka?" tanong ni Bradz na sinundan siya. Naabutan siya nito sa gilid ng kanilang swimming pool.

"Wala kang pakialam! Kahit anong mangyari sa akin ay wala kang pakialam. Si Carla lang naman ang mahalaga sa'yo kaya doon ka na lang sa kanya. Siya na lang ang asikasuhin mo," hindi niya napigilan ang mapaiyak sa sobrang sama ng loob. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nagmukhang kawawa sa harap ng isang lalaki. At si Bradz pa ang lalaking iyon.

"I'm sorry. Lasing ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto mo," biglang naging malumanay ang boses nito. Nang tangkain nitong hawakan siya sa braso ay pumiksi siya. Ngunit hindi siya nakapalag nang bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. "I'm sorry. Please don't cry. Ayokong nakikita kang malungkot at umiiyak."

Dala marahil ng kalasingan kung kaya't lalo lamang siyang napaiyak nang marinig ang mga sinabi nito. Ayaw nitong makita na malungkot siya at umiiyak ngunit ito naman ang nagpapaiyak sa kanya. Gaganti sana siya ng yakap dito ngunit tukso namang pumasok sa kanyang isip ang mga sinabi nito sa kanya kanina. Na isa siyang spoiled brat at lahat ng gusto niya ay kailangang masunod. Although totoo iyon ay masakit pa ring pakinggan kapag sa bibig ng lalaking minamahal mo oyon maririnig. Sa isiping iyon ay muling bumalik ang kanyang pagdaramdam dito. Itinulak niya ito ng malakas. At dahil lasing siya at mabuway na ang pagkakatayo ay bigla siyang natumba at nahulog sa swimming pool nang itinulak niya si Bradz. Dahil doon ay napatili siya ng malakas.

Bago niya naramdaman ang pagbagsak ng katawan niya sa malamig na tubig ay narinig pa niya ang malakas na sigaw ni Bradz na puno ng pag-aalala. Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang pagbulusok ng katawan niya papunta sa ilalim ng kanilang swimming pool. Six feet ang lalim ng swimming pool nila kaya hindi niya kayang sukatin dahil five feet and four inches tall lamang siya maliban sa hindi rin siya marunong lumangoy. May swimming pool sila ngunit si Bradz at ang mga magulang lamang niya ang naliligo roon. Natakot na kasi siyang lumangoy sa swimming pool dahil muntikan na siyang malunod. Mabuti na lamang at agad siyang nasagip ng binata at mabilis na naiahon mula sa tubig. Iyon ang unang beses na nakita at nakilala niya ito. At iyon din ang unang beses na tumibok ang kanyang puso para sa isang lalaki.

Mula sa ilalim ng tubig ay naramdaman ni Lyra ay malakas na mga braso na pumalibot sa kanyang baywang at hinila siya paitaas. Gusto niyang dumilat para tingnan si Bradz. Alam naman niya kasi na ito at wala nang iba ang taong sumagip sa kanya sa mula sa pagkalunod at sa pangalawang pagkakataon din. Gusto niyang dumilat ngunit hindi niya magawa. Para kasing ang bigat-bigat ng kanyang mga mata. At nang maiahon na siya ng binata sa gilid ng pool ay agad siyang inihiga at binigyan ng mouth to mouth resuscitation kahit nan hindi na kailangan pa dahil hindi lang naman siya nagtagal sa ilalim ng tubig kaya hindi siya naubusan ng hininga. Ngunit hindi niya ito pinigilan. Gusto niyang maramdman ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Gusto niyang maranasan ang mahalikan nito kahit sabihin pang ginagawa lamang nito iyon para bigyan siya ng hangin.

Nang maramdaman niya ang mainit-init nitong mga labi ay kusa niyang ibinuka ang kanyang mga labi. Nagulat ito sa ginawa niya at nagtangkang umalis sa ibabaw niya ngunit mabilis niyang naikawit ang dalawa niyang mga braso sa leeg nito para hindi ito makatayo. Sinamantala niya ang pagkabigla nito at sinibasib ng halik ang mga labi nito na bahagyang nakaawang. Ilang segundo rin ang lumipas na nananatili ito na parang tuod at hindi gumagalaw bago niya naramdaman ang marahang paggalaw ng mga labi nito. Nakaramdam siya ng tuwa nang maramdaman na ginagantihan na nito ng mapusok na halik ang kanyang mga halik.

"Ano ang ibig sabihin nito?" galit at malakas ang boses na tanong ng isang lalaki na walang iba kundi ang kanyang ama. Sa likuran nito ay ang kanyang mommy na shock ang hitsura at mga bisita nila na may kanya-kanyang kuha ng video at litrato sa kanilang dalawa ni Bradz. Naroon din sa tabi ng kanyang daddy si Carla na magkahalo-halong expression ang nasa mukha. Gulat, sakit at galit ang nakabalatay sa mukha nito.

Makahulugang tiningnan ni Lyra ang hindi makapagsalitang pinsan. Sinabi ko naman sa'yo na hindi ako papayag na hindi ako ang mananalo. Lahat ng gusto ko ay makukuha ko, anang mensahe ng makahulugan niyang tingin para sa kay Carla.

Kaugnay na kabanata

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 4

    Ten minutes nang late si Bradz sa kasal nila at nagsisimula nang umugong ang anasan sa loob ng simbahan. Nagsisimula na ring kabahan si Lyra. Nag-aalala siya na baka biglang umatras sa kasal nila ang binata. Hindi lang siya ang mapapahiya kundi mas lalo na ang kanyang mga magulang. Nag-aalala siya sa para sa kalusugan ng kanyang ama. May sakit kasi ito sa puso at nangangamba siya na atakehin ito kapag hindi matuloy ang kasal nila ni Bradz.Kahit umuugong na ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan na hindi raw darating si Bradz dahil shotgun wedding daw ang magaganap ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob. Naniniwala pa rin siya na hindi makakayang ipahiya ng binata ang mga taong tumulong dito para makapag-aral at maging CEO ng J-Fashion Industry, kung saan ang daddy naman niya ang chairman. At alam naman ni Bradz na may sakit sa puso amg daddy niya kaya mag-aalinlangan ito na hindi sumipot sa kasal nila dahil baka kung mapaano

    Huling Na-update : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 1

    Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lu

    Huling Na-update : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 2

    Hindi na mapigilan ni Lyra ang panibughong nararamdaman habang nakatingin sa kina Carla at Bradz na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna ng pinaka-dance floor. Nagsasaya ang dalawa habang siya ay tila hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit bakit hindi niya makuha-kuha ang nag-iisang lalaki na minahal niya? Marami siyang manliligaw ngunit isa man sa kanila ay walang nakabihag sa kanyang puso. Nagkaroon siya ng nobyo at hindi lang isa o dalawa kundi marami. Sa dami ng mga naging boyfriend niya ay hindi na niya mabilang at hindi nna rin niya matandaan kung sino-sino ang mga pangalan ng naging boyfriend niya. Ngunit lahat sila ay umabot lamang ng araw ang pakikipag-relasyon sa kanya. Agad din kasi siyang nakikipaghiwalay kapag nakita niya na walang epekto kay Bradz kung may bago man siyang boyfriend. Pinapaalalahanan lamang siya nito na hu

    Huling Na-update : 2022-02-02

Pinakabagong kabanata

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 4

    Ten minutes nang late si Bradz sa kasal nila at nagsisimula nang umugong ang anasan sa loob ng simbahan. Nagsisimula na ring kabahan si Lyra. Nag-aalala siya na baka biglang umatras sa kasal nila ang binata. Hindi lang siya ang mapapahiya kundi mas lalo na ang kanyang mga magulang. Nag-aalala siya sa para sa kalusugan ng kanyang ama. May sakit kasi ito sa puso at nangangamba siya na atakehin ito kapag hindi matuloy ang kasal nila ni Bradz.Kahit umuugong na ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan na hindi raw darating si Bradz dahil shotgun wedding daw ang magaganap ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob. Naniniwala pa rin siya na hindi makakayang ipahiya ng binata ang mga taong tumulong dito para makapag-aral at maging CEO ng J-Fashion Industry, kung saan ang daddy naman niya ang chairman. At alam naman ni Bradz na may sakit sa puso amg daddy niya kaya mag-aalinlangan ito na hindi sumipot sa kasal nila dahil baka kung mapaano

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata

    Hilong-hilo na ang pakiramdam ni Lyra dahil hindi na niya mabilang kung gaano na karami ang nainom niyang alak. Umiikot na ang kanyang pakiramdam. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya nakainom ng ganito karaming alak. Hindi kasi siya pinapayagang ng kanyang mga magulang na uminom ng maraming alak dahil mabilis nga siyang malasing. Hindi naman siya nagpipilit na uminom ng alak dahil ayaw niya ang pakiramdam nang may hangover. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto niyang lunurin ang kanyang sarili ng alak para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Abala ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa mga amiga nito at nagsasayaw naman sa dance floor si Chelli kasama ang boyfriend nito kaya walang pipigil sa kanya sa nais niyang pagpapakalasing.Muling kumuha ng baso na may laman na alak si Lyra at mabilis na dinala sa kanyang bibig. Ngunit bago pa man niya iyon magawang inumin ay may malakas na kamay

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 2

    Hindi na mapigilan ni Lyra ang panibughong nararamdaman habang nakatingin sa kina Carla at Bradz na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna ng pinaka-dance floor. Nagsasaya ang dalawa habang siya ay tila hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit bakit hindi niya makuha-kuha ang nag-iisang lalaki na minahal niya? Marami siyang manliligaw ngunit isa man sa kanila ay walang nakabihag sa kanyang puso. Nagkaroon siya ng nobyo at hindi lang isa o dalawa kundi marami. Sa dami ng mga naging boyfriend niya ay hindi na niya mabilang at hindi nna rin niya matandaan kung sino-sino ang mga pangalan ng naging boyfriend niya. Ngunit lahat sila ay umabot lamang ng araw ang pakikipag-relasyon sa kanya. Agad din kasi siyang nakikipaghiwalay kapag nakita niya na walang epekto kay Bradz kung may bago man siyang boyfriend. Pinapaalalahanan lamang siya nito na hu

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 1

    Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lu

DMCA.com Protection Status