Share

Kabanata 2

Author: Daylan
last update Last Updated: 2022-02-02 10:23:11

Hindi na mapigilan ni Lyra ang panibughong nararamdaman habang nakatingin sa kina Carla at Bradz na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna ng pinaka-dance floor. Nagsasaya ang dalawa habang siya ay tila hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib sa labis na sakit na kanyang nararamdaman.

Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit bakit hindi niya makuha-kuha ang nag-iisang lalaki na minahal niya? Marami siyang manliligaw ngunit isa man sa kanila ay walang nakabihag sa kanyang puso. Nagkaroon siya ng nobyo at hindi lang isa o dalawa kundi marami. Sa dami ng mga naging boyfriend niya ay hindi na niya mabilang at hindi nna rin niya matandaan kung sino-sino ang mga pangalan ng naging boyfriend niya. Ngunit lahat sila ay umabot lamang ng araw ang pakikipag-relasyon sa kanya. Agad din kasi siyang nakikipaghiwalay kapag nakita niya na walang epekto kay Bradz kung may bago man siyang boyfriend. Pinapaalalahanan lamang siya nito na huwag pababayaan ang kanyang pag-aaral kahitan boyfriend na siya. Mas para pa itong magulang kung magpayo sa kanya kaysa sa kanyang mga magulang.

"Huwag kang magpakalasing, Lyra. Maaga pa ang gabi."

Napalingon siya sa babaeng nagsalita na walang iba kundi ang pinsan niya. Malalim ang kanyang iniisip kanina kaya hindi niya namalayang huminto na pala ang dalawa sa ginagawang sweet na sweet na pagsasaya.

"Okay lang. Nandito naman ako sa bahay ko kaya ayos lang na malasing ako. Ikaw, uminom ka ba ng alak? Huwag ka masyadong magpakalasing at malayo pa ang bahay ninyo. Alam mo na, squatter's area. Maraming sabik sa karangyaan sa lugar ninyo." Nakangisi niyang sabi rito. Sinadya niyang langkapan ng pang-iinsulto ang kanyang tono.

Sa loob ng squatter kasi ang bahay nila Carla. Sugarol ang mga magulang nito kaya nauwi sa pagtira sa squatter's area ang pamilya nito na dati'y nakatira sa malaking bahay.

"Pinapatamaan mo ba ako?" madilim ang mukhang tanong ni Carla. Halatado sa expression nito na nagpipigil lamang ito ng sarili na huwag siyang buhusan ng alak na malapit sa kanila.

Muli siyang ngumiti ng nakakaloko. "Oppss, natamaan ka ba? Sorry. Ang ibig ko lang namang sabihin ay baka manakawan ang kotse ni Brads kapag inihatid ka niya sa bahay ninyo."

Natutuwa siya na makitang nawawala ang composure nito kapag nagagalit sa kanya. Asyang mahinhin kasi ito kapag kaharap si Bradz kaya naiinis siya. At ewan kay Bradz kung ano ang nagustuhan nito sa pinsan niya at ito ang pinili kaysa sa kanya. Samantalang lahat ng katangian na magugustuhan ng isang lalaki ay nasa kanya. Maganda, matalino at mayaman. Ngunit mas pinili nito ang mahinhin, hindi kagandahan at mahirap na pinsan niya. Malaking insulto iyon para sa kanya.

"Ah, nag-aalala ka na baka manakawan ang kotse ni Bradz kapag inihatid niya ako sa bahay namin?" tanong nito na may makahulugang ngiti sa mga labi. Tila nakaisip ito ng ipanlalaban sa kanya kaya biglang umaliwalas ang mukha. "Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako uuwi sa bahay namin dahil sa condo unit niya ako matutulog. Maraming salamat sa paalala mo, ha."

Bigla siyang napasimangot nang marinig ang sinabi nito. Nakaramdam siya ng selos sa ideyang magkasama ang dalawa sa iisang kuwarto at magkatabing natutulog sa kama. Palihim niyang naikuyom ang kanyang kamao na walang hawak na baso. Mayama ay biglang lumapit ito sa kanya at sa pagkabigla niya ay pilit nitong kinukuha sa kanya ang hawak niyang baso na may laman na alak. Nakipag-agawan siya rito kaya ang labas ay tumapon ang alak sa suot nitong damit. Ngunit bakit may pakiramdam siya na tila sinadya nitong matapunan ang suot nitong damit?

"Hindi ko kasalanan 'yon. Ikaw itong basta na lang nang-aagaw ng ba—"

"Anong nangyari at basa ang damit mo, Honey?" boses ni Bradz na mula sa kanilang likuran. Magkasabay sila ni Carla na napatingin dito.

"Hindi sinasadyang natapunan ni Lyra ng alak ang damit ko. Pinipilit niya kasi akong uminom pero ayoko kaya 'ayan at natapon tuloy," nagpapaawa amg hitsurang sumbong nito kay Bradz.

"Ano ka ba, Lyra? Bakit mo naman pinipilit itong pinsan mong uminom ng alak? Alam mong hindi siya puwede niyan dahil alergy siya sa alak," madilim ang mukha na sita sa kanya ng binata. Lihim naman siyang tinapunan ng isang tagumpay na ngiti ng kanyang pinsan nang hindi nakatingin dito si Bradz.

Ngayon au alam na niya kung bakit bigla na lamang nitong inagaw sa kanya ang basong may laman na alak. Dahil may maitim pala itong binabalak. Damn! Naisahan siya nito. Nagmukha tuloy siyang masama sa paningin ng binata. Hindi niya naiwasan ang pagsama ng kanyang loob dito. Alam naman niyang may alergy sa alak si Carla kaya hindi nga niya ito inaalok na uminom kaya bakit naniwala agad ito sa sinabi ng girlfriend nito? Ganoon ba ka sama ang tingin nito sa kanya?

"Hindi ko ginawa ang sinabi niya. Bigla na lamang niyang inagaw ang baso ko na may laman na alak at nakipag-agawan siya sa akin pagkatapos ay kunwari'y natapon bigla sa damitan niya," pagtatanggol niya sa kanyang sarili. "Umaarte lamang siya, Bradz."

"Stop your lies, Lyra. Kilala kita. You're a spoiled brat. Gusto mo na masusunod ang lahat ng gusto mo. At pinipilit mong painumin ng alak ang pinsan mo ngunit ayaw niya kaya itinapon mo na lang sa damit niya at kunawari'y hindi mo sinasadya," nakatiim ang mga bagang na saad nito.

Hindi niya inaasahan na maririnig sa mga labi ng binata ang mga salitang iyon kaya hindi siya nakapagsalita. Spoiled brat pala ang tingin nito sa kanya. Kaya ba hindi siya nito magustuhan dahil hindi maganda ang impression nito sa kanya? Biglang bumigat ang kanyang pakiramdam sa isiping iyon.

"Tama, Honey. Huwag mo nang pagalitan si Lyra. I'm sure na hindi naman niya talaga sinasadyang matapunan ng alak amg damit ko. Pumasok na lamang tayo sa loob para humiram ng damit kay Tita Alona," tila anghel sa kabaitang wika ni Carla. Pagkatapos ay hinila na nito ang binata papasok sa bahay nila. Ngunit bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay ay tinapunan siya ng isang makahulugang ngiti.

Wala kang laban sa akin, Lyra kahit maganda at mayaman ka pa. Ako lamang ang babaeng mahalin ni Bradz, anang mensahe ng makahulugang ngiti ni Carla sa kanya.

Makikita natin, nagpupuyos ang kalooban na sabi niya sa kanyang isip. Mapapasakanya si Bradz, by hook or by crook!

Related chapters

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata

    Hilong-hilo na ang pakiramdam ni Lyra dahil hindi na niya mabilang kung gaano na karami ang nainom niyang alak. Umiikot na ang kanyang pakiramdam. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya nakainom ng ganito karaming alak. Hindi kasi siya pinapayagang ng kanyang mga magulang na uminom ng maraming alak dahil mabilis nga siyang malasing. Hindi naman siya nagpipilit na uminom ng alak dahil ayaw niya ang pakiramdam nang may hangover. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto niyang lunurin ang kanyang sarili ng alak para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Abala ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa mga amiga nito at nagsasayaw naman sa dance floor si Chelli kasama ang boyfriend nito kaya walang pipigil sa kanya sa nais niyang pagpapakalasing.Muling kumuha ng baso na may laman na alak si Lyra at mabilis na dinala sa kanyang bibig. Ngunit bago pa man niya iyon magawang inumin ay may malakas na kamay

    Last Updated : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 4

    Ten minutes nang late si Bradz sa kasal nila at nagsisimula nang umugong ang anasan sa loob ng simbahan. Nagsisimula na ring kabahan si Lyra. Nag-aalala siya na baka biglang umatras sa kasal nila ang binata. Hindi lang siya ang mapapahiya kundi mas lalo na ang kanyang mga magulang. Nag-aalala siya sa para sa kalusugan ng kanyang ama. May sakit kasi ito sa puso at nangangamba siya na atakehin ito kapag hindi matuloy ang kasal nila ni Bradz.Kahit umuugong na ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan na hindi raw darating si Bradz dahil shotgun wedding daw ang magaganap ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob. Naniniwala pa rin siya na hindi makakayang ipahiya ng binata ang mga taong tumulong dito para makapag-aral at maging CEO ng J-Fashion Industry, kung saan ang daddy naman niya ang chairman. At alam naman ni Bradz na may sakit sa puso amg daddy niya kaya mag-aalinlangan ito na hindi sumipot sa kasal nila dahil baka kung mapaano

    Last Updated : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 1

    Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lu

    Last Updated : 2022-02-02

Latest chapter

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 2

    Hindi na mapigilan ni Lyra ang panibughong nararamdaman habang nakatingin sa kina Carla at Bradz na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna ng pinaka-dance floor. Nagsasaya ang dalawa habang siya ay tila hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit bakit hindi niya makuha-kuha ang nag-iisang lalaki na minahal niya? Marami siyang manliligaw ngunit isa man sa kanila ay walang nakabihag sa kanyang puso. Nagkaroon siya ng nobyo at hindi lang isa o dalawa kundi marami. Sa dami ng mga naging boyfriend niya ay hindi na niya mabilang at hindi nna rin niya matandaan kung sino-sino ang mga pangalan ng naging boyfriend niya. Ngunit lahat sila ay umabot lamang ng araw ang pakikipag-relasyon sa kanya. Agad din kasi siyang nakikipaghiwalay kapag nakita niya na walang epekto kay Bradz kung may bago man siyang boyfriend. Pinapaalalahanan lamang siya nito na hu

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 1

    Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status