Share

STEP INTO MY HEART
STEP INTO MY HEART
Author: Daylan

Kabanata 1

Author: Daylan
last update Last Updated: 2022-02-02 10:22:23

Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.

Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.

Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagtingin niya sa binata hanggang sa nauwi na nga ito sa pag-ibig. Ngunit mukhang pagtinging kapatid lamang ang nararamdaman nito sa kanya na labis niyang tinututulan. Ayaw niyang maging kapatid ito dahil gusto niyang maging mag-asawa sila. Noong debut niya ay inamin niya rito ang kanyang nararamdaman ngunit pinagtawanan lamang siya nito't sinabihang magbabago pa ang kanyang nararamdaman kapag lubusan na siyang magdalaga. Ngunit siya ay sigurado sa kanyang sarili na hindi na magbabago pa ang pagtinging nararamdaman niya rito.

Nang ipinakilala ni Bradz sa kanila ang nobyang si Carla na pinsan niya sa mother side ay sobra siyang nagdamdam. Hindi niya ito pinansin ng isang buwan. Kahit anong panunuyo nito sa kanya ay talagang hindi niya ito kinausap.

Spoiled siya kay Bradz. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito at lahat ng mga ipinapagawa niya ay ginagawa nito. Dahil do'n ay naisip niya na may pagtingin din sa kanya ang binata ngunit itinatago lamang nito dahil sa kanyang mga magulang na itinuturing nitong sariling mga magulang.

Ang mga magulang niya ang nagpa-aral kay Bradz magmula nang sabay na naaksidente at namatay ang mga magulang nito na malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang. Pagkatapos nitong makapagtapos ng pag-aaral ay pinili nitong magtrabaho sa kompanya ng kanyang daddy kahit na may magandang offer itong natanggap mula sa isang malaking kompanya. Siguro'y tumatanaw ito ng utang-na-loob sa kanyang mga magulang kaya tinanggihan nito ang magandang offer at piniling magtrabaho sa kanyang daddy. Mas pabor sa kanya iyon dahil makikita niya ito palagi kapag pupunta siya sa kompanya ng daddy niya. At nagdesisyon din siya na pagkatapos niyang mag-aral ay sa kompanya nila siya magtatrabaho para palagi silang magkikita araw-araw.

Ngayon kasi ay hindi na sila madalas magkita ni Bradz dahil hindi na ito nakatira sa bahay nila. Bumukod na kasi ito sa kanila dahil nakabili ito ng sariling condo unit. Bihira na lang tuloy silang magkita. Nagkikita na lamang sila kapag pumapasyal ito sa bahay nila at sa tuwing may okasyon na tulad ngayon. Kaya excited siyang makita ito ngayon. Nagpaganda siya ng husto dahil gusto niyang makita nito kung gaano siya kaganda at ma-realized nito hindi lang pala isang kapatid ang nararamdaman nito para sa kanya.

"Birthday na birthday mo pero nakasimangot ang hitsura mo. Ngumiti ka naman diyan para hindi masayang ang maganda mong make-up." Napalingon siya sa babaeng nagsalita sa kanyang likuran na walang iba kundi ang bestfriend niyang si Chelli. May dala itong dalawang baso na may lamang alak at ibinigay sa kanya.

"Paano naman ako hindi sisimangot, eh, hanggang ngayon ay wala pa si Bradz. Mukhang hindi yata siya darating ngayon," kuntodo simangot na sagot niya. Kinuha niya ang iniaabot nitong baso na may alak at pagkatapos ay deretsong ininom.

"Hey! Dahan-dahan lang. Baka malasing ka." Inagaw ni Chelli sa kanyang kamay ang basong wala nang laman. Alam kasi nito mabilis siyang malasing kahit konti pa lang ang naiinom niyang alak. Mahina kasi ang tolerance ng kanyang katawan pagdating sa alak kaya ganoon.

Biglang nagliwanag ang kanyang mukha at napangiti siya ng matamis nang matanaw niya sa labas ng gate nila ang pagdating ng kotse ni Bradz. Ngunit ang matamis niyang ngiti ay dagling nabura nang makita niyang bumaba sa kotse nito ang pinsan niyang si Carla. Todo alalay pa rito ang binata na para bang babasaging crystal ang kasama at ingat na ingat na huwag mabasag. Lalo tuloy sumama ang mukha niya.

Kahit tila tinutusok ng maliliit na karayom ang kanyang dibdib ay sinalubong pa rin niya ang dalawa at may pilit na ngiti sa kanyang mga labi. At dahil naakainom na siya ng alak ay naging mabuway ang kanyang paglalakad. Nang malapit na siya sa dalawa ay bigla ay muntik na siyang matumba kung hindi lamang siya maagap na nasalo ni Bradz. Mabilis naman niyang naipulupot sa leeg nito ang kanyang mga braso. Kitang-kita niya ang ginawang pagsimangot ni Carla sa likuran ng binata.

"Be careful. Baka-nakainom ka na ng alak? Kumain ka na ba?" tanong nito nang maamoy sa kanyang hininga ang ininom niyang alak.

Ngumuso siya na parang bata at umiling. "Hindi pa. Hinihintay ko ang pagdating mo, eh," kahit nakatayo na siya ay hindi pa rin siya lumalayo sa binata. Nakapulupot pa rin sa leeg nito ang kanyang mga kamay. Ayaw pa niyang lumayo. Gusto niya kasi ang kakaibang init at kiliti na hatid ng simpleng pagdidikit ng kanilang mga katawan. Naghahatid iyon sa kanya ng kaiga-igayang pakiramdam.

"Uminom ka ng alak tapos walang laman ang iyong sikmura? Ano ka ba naman, Lyra? Dapat ingatan mo ang sarili mo," panenermon nito.

Kahit sinesermunan siya ni Bradz ay nakangiti pa rin siya. Gusto niya ang ginagawa nitong panenermon dahil ang ibig sabihin lang no'n ay concern ito sa kanya.

"Sinermunan mo na ako pero hindi mo pa nga ako binabati." Nakairap niyang sabi. Kunwari'y nilangkapan niya ng pagtatampo ang kanyang tono. "Saka nasaan ang regalo ko?"

Napangiti ng maluwang si Bradz nang marinig ang kanyang sinabi. "Para ka pa ring bata. Happy birthday. Heto ang regalo ko sa'yo." Iniabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon na nakabalot ng pulang gift wrap.

Matamis ang pagkakangiti na kinuha niya ang regalong ibinibigay nito at pagkatapos ay tumingkayad siya at dinampian ng halik sa pisngi ng binata. Ngunit sinuguro niya na madadampian ng mga labi niya ang gilid ng mga labi ng binata.

"Thank you," nakangiti niyang sabi rito pagkatapos niya itong halikan. Kitang-kita niya kung paano nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ni Bradz at pagkatapos ay napatitig sa mukha niya. Tila nagulat ito at hindi inaasahan ang ginawa niyang kapangahasan. Bigla tuloy itong napalayo sa kanya na ikinasimangot naman niya.

Hindi sinasadyang napatingin siya sa mukha ng pinsan niya. Nakita niya ang ginawa nitong pag-irap at pagsimangot sa kanya. Marahil ay nakita nito ang ginawa niyang pagdampi ng kanyang mga labi sa gilid ng mga labi ng boyfriend nito at hindi nito nagustuhan iyon. Batid niya na kahit hindi niya sabihin dito na may pagtingin siya sa binata ay alam nito ang kanyang nararamdaman. Masyado naman kasing obvious ang kanyang mga kilos at kahit ang mga magulang niya ay alam din ang nararamdaman niya para kay Bradz. Mukhang ang binata lamang ang hindi naniniwala na tunay ang nararamdaman niya para rito.

Sa halip na kabahan si Lyra dahil nakita ni Carla ang ginawa niya ay tinaasan pa niya ito ng kilay at binigyan ng isang makahulugan ngiti. Balang-araw ay magiging akin si Bradz. Maaagaw ko siya mula sa'yo, ang mensahe ng makahulugang ngiti niya para kay Carla.

Hindi ko hahayaang mangyari iyon, ang makahulugang tingin naman ni Carla para sa kanya na nabasa ang kanyang mensahe na nais niya iparating dito.

Tingnan lang natin kung sino ang magtatagumpay, huling mensahe ng kanyang tingin bago nagpatiunang naglakad palapit sa mga nakahilerang pagkain.

Related chapters

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 2

    Hindi na mapigilan ni Lyra ang panibughong nararamdaman habang nakatingin sa kina Carla at Bradz na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna ng pinaka-dance floor. Nagsasaya ang dalawa habang siya ay tila hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang dibdib sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ngunit bakit hindi niya makuha-kuha ang nag-iisang lalaki na minahal niya? Marami siyang manliligaw ngunit isa man sa kanila ay walang nakabihag sa kanyang puso. Nagkaroon siya ng nobyo at hindi lang isa o dalawa kundi marami. Sa dami ng mga naging boyfriend niya ay hindi na niya mabilang at hindi nna rin niya matandaan kung sino-sino ang mga pangalan ng naging boyfriend niya. Ngunit lahat sila ay umabot lamang ng araw ang pakikipag-relasyon sa kanya. Agad din kasi siyang nakikipaghiwalay kapag nakita niya na walang epekto kay Bradz kung may bago man siyang boyfriend. Pinapaalalahanan lamang siya nito na hu

    Last Updated : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata

    Hilong-hilo na ang pakiramdam ni Lyra dahil hindi na niya mabilang kung gaano na karami ang nainom niyang alak. Umiikot na ang kanyang pakiramdam. Sa buong buhay niya ay ngayon pa lamang siya nakainom ng ganito karaming alak. Hindi kasi siya pinapayagang ng kanyang mga magulang na uminom ng maraming alak dahil mabilis nga siyang malasing. Hindi naman siya nagpipilit na uminom ng alak dahil ayaw niya ang pakiramdam nang may hangover. Ngunit sa mga oras na iyon ay gusto niyang lunurin ang kanyang sarili ng alak para kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Abala ang kanyang mga magulang sa pakikipag-usap sa mga amiga nito at nagsasayaw naman sa dance floor si Chelli kasama ang boyfriend nito kaya walang pipigil sa kanya sa nais niyang pagpapakalasing.Muling kumuha ng baso na may laman na alak si Lyra at mabilis na dinala sa kanyang bibig. Ngunit bago pa man niya iyon magawang inumin ay may malakas na kamay

    Last Updated : 2022-02-02
  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 4

    Ten minutes nang late si Bradz sa kasal nila at nagsisimula nang umugong ang anasan sa loob ng simbahan. Nagsisimula na ring kabahan si Lyra. Nag-aalala siya na baka biglang umatras sa kasal nila ang binata. Hindi lang siya ang mapapahiya kundi mas lalo na ang kanyang mga magulang. Nag-aalala siya sa para sa kalusugan ng kanyang ama. May sakit kasi ito sa puso at nangangamba siya na atakehin ito kapag hindi matuloy ang kasal nila ni Bradz.Kahit umuugong na ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan na hindi raw darating si Bradz dahil shotgun wedding daw ang magaganap ay nilalakasan niya pa rin ang kanyang loob. Naniniwala pa rin siya na hindi makakayang ipahiya ng binata ang mga taong tumulong dito para makapag-aral at maging CEO ng J-Fashion Industry, kung saan ang daddy naman niya ang chairman. At alam naman ni Bradz na may sakit sa puso amg daddy niya kaya mag-aalinlangan ito na hindi sumipot sa kasal nila dahil baka kung mapaano

    Last Updated : 2022-02-02

Latest chapter

  • STEP INTO MY HEART   Kabanata 1

    Nagliliwanag ang malawak na hardin ng mansion ng mga Dela Serna. Maraming magaganda at makukulay na bombilya ang nakakabit sa paligid ng kanilang hardin. May live band pang tumutugtog sa gitna na ginawan pa ng stage. Bumabaha ang ng mga pagkain, inumin at regalo. Kahit sinong may kaarawan ay talagang matutuwa kung ganoong karangya ang handaan. Ngunit hindi si Lyra. Dahil kanina pa siya nakasimangot habang walang tigil ang pagsilip sa gate ng kanilang malaking bahay.Wala siyang pakialam kung marami siyang natanggap na regalo at kung maraming tao ang dumating para dumalo sa kanyang ika-dalawampung kaarawan. Dahil ang tanging tao na kanina pa niya hinihintay dahil hindi pa dumarating ay walang iba kundi si Bradz Santillan. Ang nag-iisang lalaki na nagmamay-ari ng kanyang puso.Ten years old pa lamang siya ay crush na niya si Bradz na noo'y eighteen years old naman. Habang tumatagal ay lalong lu

DMCA.com Protection Status