Ilang minuto nga lang ang nakalipas at pumarada na siya sa harap ng isa sa mga matatayog na building sa lugar na iyon. Mabuti na lang at medyo madilim na ang paligid. Dinampot na lamang niya ang kaniyang shades na nasa harap ng kaniyang kotse upang kahit papano ay mayroon siyang pantakip sa kaniyang mukha.Kinuha na rin niya ang kaniyang dala at pagkatapos ay lumabas na siya ng kaniyang kotse. Ilang sandali pa ay papasok na siya ng building kung saan taas noo siyang naglakad papasok sa loob ng gusali. Bago nga siya makapasok ay may guard sa harap kung saan ay nakabantay doon. Hindi naman siya nito sinita kundi tiningnan lang siya nito.Pagkapasok niya sa loob ay lobby kaagad ang bumungad sa kaniya kung saan ay naroon ang ilang staff. Nang pumasok siya ay eksaktong wala siyang kasabay na pumasok sa loob kaya ang tingin nila ay sa kaniya napako. Biglang nag- angatan ang kilay ng dalawang staff sa kaniya at pagkatapos ay kitang- kita talaga niya ang pagsuyod ng mga ito ng tingin sa kaniy
Napasandal si Vena sa dingding ng elevator habang nakatitig sa kaniyang repleksiyon na nasa kaniyang harapan at pagkatapos wala sa sariling napairap. Paano ba naman kasi iyon pa lamang ang unang beses niyang pumasok doon tapos ay ganuon na kaagad ang naging experience niya.Napakapangit kaagad ng bungad sa kaniya, ano kayang akala ng mga ito sa kaniya? Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil ayaw niyang ma- stress nang dahil sa mga taong kagaya ng iyon. Isa pa ay baka pumangit siya at sa halip na mahulog na ang loob sa kaniya ng tuluyan ni Andrei ay mas pandirihan lamang siya nito.Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng bumukas ang elevator at pagkatapos ay mabilis din naman siyang lumabas mula doon at pagkatapos ay kaagad niyang inilibot ang kaniyang paningin sa kaniyang paligid upang hanapin ang sinabing number ng room na tinutuluyan nga ni Andrei at mabilis niya din naman iyong nakita.Agad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niya ito ng tuluyan at pagkatapos a
Ilang minuto na ang nakalipas pagkatapos niyang mapainom si Andrei ng dala niya ngunit halos mabagot na siya dahil parang ang tagal naman yata ng epekto ng gamot na binili niya. Hindi kaya expire na iyon? O kaya ay hindi naman talaga iyon effective at sinasabi lang nilang effective ito.Magkaharap sila ng mga oras na iyon. Ito ay abala sa pagkutingting sa cellphone nito samantalang siya ay nakatitig lamang ito at hinihintay na umepekto ang gamot. Idagdag pa na halos hindi siya kumurap dahil kailangan niyang makita kung may pagbabago nga ba rito. Maging ang paghinga nito ay pinapakiramdaman niya ng mga oras na iyon ngunit pakiramdam niya ay tila ba wala talagang epekto.Abala siyang tumitig rito nang bigla na lamang itong nag- angat ng ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Sa puntong iyon ay nakaramdam siya ng pag- asa ngunit nawala ang pag- asa niya na tila isang bula nang itaas nito ang kanang kamay nito kung saan nakasuot doon ang relo.“Ten minutes more…” sabi nito at pagkatapos ay
Nanlaki ang mga mata ni Vena nang bigla na lamang siya nitong hinalikan at hindi lang basta halik kundi isang marahas na halik. Ngunit ganun pa man ay mabilis din siyang nakabawi sa kaniyang pagkabigla at hinayaan niya itong isandal siya sa pader. Kahit hindi nito hinawakan ang kaniyang mga kamay upang itaas ay siya na mismo ang nagkusang magtaas ng kaniyang mga kamay sa balikat nito. She started to open her mouth as he nibble her lower lip. Nag- umpisa ring maglagablab ang apoy sa pagitan nilang dalawa. His kiss was rough, pero hindi iyon naging hadlang para mag- apoy ang pakiramdam niya.She’s on fire. Sinagot niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito, kasing diin ng kung paano siya nito halikan. Ngayon niya masasabing napaka- effective nga pala talaga ng gamot na ipinainom niya rito. Ramdam na ramdam niya ang lamig ng pader sa kaniyang likod ngunit wala siyang pakialam.Isa pa natabunan iyon ng init na nararamdaman niya. Ang mga kamay nito ay nag- impisang pumailalim sa kaniyang s
Naalimpungatan si Vena nang tamaan ang kaniyang mukha ng sikat ng araw. Awtomatiko siyang napabiling ng wala sa oras at pagkatapos ay bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala niya ang nangyari kagabi. O panaginip lang lahat ng iyon?Iginala niya ang kaniyang mga mata sa buong silid at hindi pamilyar sa kaniyang ang paligid. Niyuko niya ang kaniyang sarili at pagkatapos ay sinilip ang loob ng kumot na nakatakip sa katawan niya. She was naked! Unti- unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi na tila ewan.Hindi panaginip ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Andrei, it was real! Isa pa ay ramdam niya ang bigat ng katawan niya na tila ba pakiramdam niya ay sumakit ang kasu- kasuhan niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Para bang nabugbog ang pakiramdam niya.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Para bang pakiramdam niya ay kahapon lang ay pinapangarap niya pa iyon pero ngayon ay nangyari na nga. Napalingon siya sa kaniya
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa kaniyang narinig. Tama ba siya ng narinig o nagkamali lamang siya ng pandinig?“What?” halos mag- isang linya ang kilay niyang tanong rito.Ano bang sinasabi nito? Aalis? Saan ito pupunta? Wala naman itong naikwento sa kanila ni Sam na aalis ito, isa pa ay wala naman itong dahilan na umalis kaya bakit? Hindi niya maiwasang hindi magtaka.Nag- iwas ito ng tingin sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga kamay niya at nilaro- laro. Nakayuko ito at pinapanuod niya lamang ito, hinihintay ang susunod na sasabihin nito sa kaniya dahil sa totoo lang ay na- curious siya.“Vena i’m leaving…” ulit nito sa sinabi nito kanina.“Leaving? What do you mean? Mamamatay ka na ba?” hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya ng mga oras na yon kahit na wala naman sana siyang intensiyon na sabihin iyon.Bigla naman siya nitong sinamaan ng tingin at pagkatapos ay tinampal sa kaniyang balikat.“Really Vena?” sarkistong saad nito sa kaniya.“Well, an
Nagpupunas na ng luha si Maxene ng mga oras na iyon. Medyo nahimasmasan na ito at hindi naman na ito umiiyak na katulad nang kanina dahil medyo humupa na ang nararamdaman nito nang bigla itong nagsalita na nakapagpalingon sa kaniya.“Sam and Mike are together again.” sabi nito.Awtomatikong nagdikit ang kaniyang mga kilay at pagkatapos ay napalingon rito na halos hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.“What?” “Yes, Sam told me over the phone last night.” sagot nito sa kaniya na sumisinghot- singhot pa at hindi siya nito nilingon dahil nga bala ito sa pagpupunas ng sipon nito.“Anong pumasok sa utak ni Sam at binalikan niya pa ang lalaking iyon?” halos magdikit ang kilay niyang tanong rito.Wala siyang natanggap na tawag galing kay Sam kagabi dahil busy siya kagabi at isa pa ay hindi naman tumunog ang cellphone niya, ni isang text ay wala naman siyang natanggap kaya hindi niya alam na nagkabalikan na ang mga ito.Kung siya lang ang nakausap nito kagabi ay baka naaway niya ito dahil l
Napalingon si Vena sa pinto nang muling bumukas iyon at nakita niya si Maxene na pumasok sa kaniyang silid at pagkatapos ay nagmartsa papunta sa tabi niya. Ibinagsak nito ang sarili sa tabi niya. “Ikaw naman kasi Vena dapat hindi mo sinabi yun.” sita nito sa kaniya at pagkatapos ay nakita niyang napahilot ito sa sentido nito. “Pero Maxene diba tama naman ako? Hindi niya na dapat iyon binalikan pa.” sabi niya rito. Bigla naman itong napabuntung- hininga at pagkatapos ay humarap sa kaniya. “Alam mo kasi Vena, kapag ang isang tao ay nagmahal, kahit anong sabihin mo dun hindi niya iyon pakikinggan. Wala siyang pakikinggan kundi sarili niya lang kasi puro puso ang paiiralin nun. Tapos magiging masama ka lang kapag pinagsabihan mo siya, katulad niyan. Tingnan mo kung anong nangyari.” mahabang lintaya nito sa kaniya at pagkatapos ay napasandal sa kinauupuan nila. Narinig niya ang muling paghugot nito ng isang malalim na buntung- hininga. Mukhang may tama naman ito, pero hindi naman siya
AGAD NA lumayo muna si Finn kina Zake para nga sagutin ang tawag ni Beatrice ang kanyang girlfriend. Hindi niya akalain na tatawag ito ng mga oras na iyon. Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang magsalita ay narinig na niya ang tinig ni Beatrice sa kabilang linya. “Baby, will you come pick me up at the airport later?” malambing na tanong nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya bigla nang ma-realize niya ang sinabi nito, sunduin? Sa airport? Bakit? Uuwi na ba ito ng bansa? Hindi ba at ang sabi nito ay mga next month pa ito uuwi? Bakit parang napaaga yata? “Baby, are you still there?” muli nitong tanong sa kaniya nang hindi niya magawang sumagot sa tanong nito.“Ah, yes. Bakit parang napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba next month pa?” hindi niya naiwasang itanong dito dahil sa gulat na rin niya.Sa kabilang banda ay napanguso naman si Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Finn. “hindi ka ba masaya baby na umuwi na ako? Hindi mo ba
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya. Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama. Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan. Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag s