Naalimpungatan si Vena nang tamaan ang kaniyang mukha ng sikat ng araw. Awtomatiko siyang napabiling ng wala sa oras at pagkatapos ay bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala niya ang nangyari kagabi. O panaginip lang lahat ng iyon?Iginala niya ang kaniyang mga mata sa buong silid at hindi pamilyar sa kaniyang ang paligid. Niyuko niya ang kaniyang sarili at pagkatapos ay sinilip ang loob ng kumot na nakatakip sa katawan niya. She was naked! Unti- unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi na tila ewan.Hindi panaginip ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Andrei, it was real! Isa pa ay ramdam niya ang bigat ng katawan niya na tila ba pakiramdam niya ay sumakit ang kasu- kasuhan niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Para bang nabugbog ang pakiramdam niya.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Para bang pakiramdam niya ay kahapon lang ay pinapangarap niya pa iyon pero ngayon ay nangyari na nga. Napalingon siya sa kaniya
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa kaniyang narinig. Tama ba siya ng narinig o nagkamali lamang siya ng pandinig?“What?” halos mag- isang linya ang kilay niyang tanong rito.Ano bang sinasabi nito? Aalis? Saan ito pupunta? Wala naman itong naikwento sa kanila ni Sam na aalis ito, isa pa ay wala naman itong dahilan na umalis kaya bakit? Hindi niya maiwasang hindi magtaka.Nag- iwas ito ng tingin sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga kamay niya at nilaro- laro. Nakayuko ito at pinapanuod niya lamang ito, hinihintay ang susunod na sasabihin nito sa kaniya dahil sa totoo lang ay na- curious siya.“Vena i’m leaving…” ulit nito sa sinabi nito kanina.“Leaving? What do you mean? Mamamatay ka na ba?” hindi niya alam kung bakit iyon ang nasabi niya ng mga oras na yon kahit na wala naman sana siyang intensiyon na sabihin iyon.Bigla naman siya nitong sinamaan ng tingin at pagkatapos ay tinampal sa kaniyang balikat.“Really Vena?” sarkistong saad nito sa kaniya.“Well, an
Nagpupunas na ng luha si Maxene ng mga oras na iyon. Medyo nahimasmasan na ito at hindi naman na ito umiiyak na katulad nang kanina dahil medyo humupa na ang nararamdaman nito nang bigla itong nagsalita na nakapagpalingon sa kaniya.“Sam and Mike are together again.” sabi nito.Awtomatikong nagdikit ang kaniyang mga kilay at pagkatapos ay napalingon rito na halos hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.“What?” “Yes, Sam told me over the phone last night.” sagot nito sa kaniya na sumisinghot- singhot pa at hindi siya nito nilingon dahil nga bala ito sa pagpupunas ng sipon nito.“Anong pumasok sa utak ni Sam at binalikan niya pa ang lalaking iyon?” halos magdikit ang kilay niyang tanong rito.Wala siyang natanggap na tawag galing kay Sam kagabi dahil busy siya kagabi at isa pa ay hindi naman tumunog ang cellphone niya, ni isang text ay wala naman siyang natanggap kaya hindi niya alam na nagkabalikan na ang mga ito.Kung siya lang ang nakausap nito kagabi ay baka naaway niya ito dahil l
Napalingon si Vena sa pinto nang muling bumukas iyon at nakita niya si Maxene na pumasok sa kaniyang silid at pagkatapos ay nagmartsa papunta sa tabi niya. Ibinagsak nito ang sarili sa tabi niya. “Ikaw naman kasi Vena dapat hindi mo sinabi yun.” sita nito sa kaniya at pagkatapos ay nakita niyang napahilot ito sa sentido nito. “Pero Maxene diba tama naman ako? Hindi niya na dapat iyon binalikan pa.” sabi niya rito. Bigla naman itong napabuntung- hininga at pagkatapos ay humarap sa kaniya. “Alam mo kasi Vena, kapag ang isang tao ay nagmahal, kahit anong sabihin mo dun hindi niya iyon pakikinggan. Wala siyang pakikinggan kundi sarili niya lang kasi puro puso ang paiiralin nun. Tapos magiging masama ka lang kapag pinagsabihan mo siya, katulad niyan. Tingnan mo kung anong nangyari.” mahabang lintaya nito sa kaniya at pagkatapos ay napasandal sa kinauupuan nila. Narinig niya ang muling paghugot nito ng isang malalim na buntung- hininga. Mukhang may tama naman ito, pero hindi naman siya
Alas sais na ng hapon nang umuwi si Andrei sa condo niya paano ba naman ay napahaba ang kwentuhan nila dahil sa pagdating ni Zake. Isa pa ay wala din naman sana siyang balak na mag- open up tungkol sa problema ng kompanya nila ngunit pinilit siya ng mga ito.Kinonsensiya na anong silbi nila na kaibigan kung hindi niya sasabihin ang problema niya sa mga ito kaya nawalan siya ng choice kundi sabihin sa mga ito ang totoo. Kaagad naman na nag- offer si Zake ng tulong sa kaniya na tinanggihan niya dahil masyado na itong maraming naitulong sa kaniya at nahihiya na siya.Pabagsak siyang napaupo sa kaniyang sofa at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. Medyo nahihilo siya dahil sa epekto ng beer na ininom nila kanina dahil nakailang beer sila dahil napasarap ang kanilang kwentuhan. Napabuga siya ng hangin. Mabuti na lamang at nakumbinsi niya ang mga ito na iyong tungkol nga sa kompanya ng daddy niya ang problema niya.Napamulat siya ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay nakita ang mga
Ilang minuto ng nanunuod sina Andrei at Lizzy ng pelikula. Dumating na rin ang inorder ni Lizzy na pagkain at ang hinihintay na lamang niya na dumating ay ang order niya. Hindi niya alma kung anong oras ito darating ngunit nasisiguro niya na ilang sandali na nga lamang ay darating na iyon.Katulad nga ng inaasahan niya ay pagkaraan lamang ng ilang minuto ay agad ng tumunog ang doorbell ng kaniyang condo. Nasisiguro niyang iyon na ang order niya kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupuan nila ni Lizzy. Nagtatakang pinanuod siya ni Lizzy na lumapit sa kaniyang pinto.Pagbukas nga niya ng pinto ay kaagad niyang nakita ang delivery boy na hawak- hawak na ang isang pumpon ng bulaklak na inorder niya at sa isang kamay naman nito ay hawak nito ang naka- box na cake. Mabilis niya itong inabot at pagkatapos ay nagpasalamat rito.Bayad naman na iyon dahil nang pag- order pa lamang niya ay binayaran na niya. Napangiti siya ng tuluyang umalis ang delivery boy. Siguradong magiging masaya si Lizzy
Late ng nagising si Vena ng araw na iyon dahil sa hindi niya malamang dahilan. Siguro ay sa daming iniisip niya kaya hindi siya nagising ng maaga. Isa pa ay kagigising niya lang pero nakapag- isip na siya kaagad ng plano niya sa araw na iyon. Kailangan niyang makausap si Andrei lalo pa at isang araw na niya itong hindi nakikita.Hindi niya ito mapupuntahan bukas dahil ihahatid niya si Maxene sa airport. Sasama siya para hindi naman magtampo si Maxene sa kaniya, hindi niya naman papayagan na pati ito ay magtampo pa pati sa kaniya dahil nga nagtampo na sa kaniya si Sam at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa niya ito natatawagan at hindi pa siya nakahingi ng tawad rito.Sasadyain na lamang niya ito sa bahay nito para personal na humingi ng tawad rito sa ngayon ay si Andrei na muna ang aasikasuhin niya dahil kailangan niya itong makausap.Mabilis siyang bumangon mula sa kaniyang kama at dali- daling pumasok sa kaniyang banyo upang maligo. Hindi naman siya pwedeng magpakita kay Andrei
Agad niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng gusaling pinuntahan niya. Dahil nga tanghali na ng mga oras na iyon ay nasisiguro niyang nasa opisina na nito si Andrei kaya doon na siya dumiretso at hindi na sa condo nito. Bago siya lumabas ng kotse ay napairap siya sa hangin, paano ba naman ay makikita na naman niya ang impaktang sekretarya ni Andrei na kinaiinisan niya ng sobra- sobra.Napabuga na lamang siya ng malalim na buntung- hininga upang kahit papano ay mabawasan ang stress niya kahit hindi pa man sila nagkikita nito. Ilang sandali pa nga ay mabilis siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay taas ang nooong naglakad papasok sa gusali.Kitang- kita niya ang mga tinginan sa kaniya na hindi niya naman pinansin. Ang iba ay punong- puno ng paghanga ngunit ang iba ay syempre pagka- disgusto ang makikita sa mga mukha nila marahil siguro sa inggit o kung ano pa man. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin at nagtuloy- tuloy sa kung nasaan ang elevator at m
AGAD NA lumayo muna si Finn kina Zake para nga sagutin ang tawag ni Beatrice ang kanyang girlfriend. Hindi niya akalain na tatawag ito ng mga oras na iyon. Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang magsalita ay narinig na niya ang tinig ni Beatrice sa kabilang linya. “Baby, will you come pick me up at the airport later?” malambing na tanong nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya bigla nang ma-realize niya ang sinabi nito, sunduin? Sa airport? Bakit? Uuwi na ba ito ng bansa? Hindi ba at ang sabi nito ay mga next month pa ito uuwi? Bakit parang napaaga yata? “Baby, are you still there?” muli nitong tanong sa kaniya nang hindi niya magawang sumagot sa tanong nito.“Ah, yes. Bakit parang napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba next month pa?” hindi niya naiwasang itanong dito dahil sa gulat na rin niya.Sa kabilang banda ay napanguso naman si Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Finn. “hindi ka ba masaya baby na umuwi na ako? Hindi mo ba
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya. Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama. Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan. Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag s