Share

Chapter 7.7

Ilang minuto na ang nakalipas pagkatapos niyang mapainom si Andrei ng dala niya ngunit halos mabagot na siya dahil parang ang tagal naman yata ng epekto ng gamot na binili niya. Hindi kaya expire na iyon? O kaya ay hindi naman talaga iyon effective at sinasabi lang nilang effective ito.

Magkaharap sila ng mga oras na iyon. Ito ay abala sa pagkutingting sa cellphone nito samantalang siya ay nakatitig lamang ito at hinihintay na umepekto ang gamot. Idagdag pa na halos hindi siya kumurap dahil kailangan niyang makita kung may pagbabago nga ba rito. Maging ang paghinga nito ay pinapakiramdaman niya ng mga oras na iyon ngunit pakiramdam niya ay tila ba wala talagang epekto.

Abala siyang tumitig rito nang bigla na lamang itong nag- angat ng ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Sa puntong iyon ay nakaramdam siya ng pag- asa ngunit nawala ang pag- asa niya na tila isang bula nang itaas nito ang kanang kamay nito kung saan nakasuot doon ang relo.

“Ten minutes more…” sabi nito at pagkatapos ay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sapongen Mercy
pa update nmn po please ......
goodnovel comment avatar
Sapongen Mercy
update please ...️...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status