FIVE UNTI-unting iminulat ni Addie ang kaniyang mga mata at tila ba pagod na pagod siya, tila walang-wala siyang lakas. Ramdam na ramdam niyang nanghihina ang katawan niya. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay, naigalaw niya naman ito ngunit halos ayaw nitong kumilos dahil totoong napakasakit ng buong katawan niya. Tila ba ang pakiramdam niya ay binugbog siya ng ilang tao dahil tila nagkandalasog-lasog ang kanyang katawan. Wala siyang magawa kundi ang tumitig sa kisame ng kwarto kung nasaan siya at napatanong sa kanyang isip. Bakit ako? At nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata, hindi niya lubos maisip kung bakit nasa ganoong sitwa
Last Updated : 2021-07-20 Read more