FOURPABAGSAK siyang binitawan nito pagkatapos ng mainit na sandaling namagitan sa kanila. Tumayo ito at nagbihis. At pagkatapos ay tumingin sa kaniya. He smirk. At tinanggal ang pagkakatali sa mga kamay niya. Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, hindi na niya nagawang takpan ang kaniyang hubad na katawan and she saw a glint of desire on his eyes. "Walang maghahatid sayo ng pagkain dito. If you want to eat go get food on the fridge." At tumaas ang isang sulok ng labi nito bago siya tinalikuran. Wala siyang nagawa kundi ang sundan lamang ito ng tingin habang palabas ng silid na iyon.
FIVEUNTI-unting iminulat ni Addie ang kaniyang mga mata at tila ba pagod na pagod siya, tila walang-wala siyang lakas. Ramdam na ramdam niyang nanghihina ang katawan niya. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay, naigalaw niya naman ito ngunit halos ayaw nitong kumilos dahil totoong napakasakit ng buong katawan niya. Tila ba ang pakiramdam niya ay binugbog siya ng ilang tao dahil tila nagkandalasog-lasog ang kanyang katawan.Wala siyang magawa kundi ang tumitig sa kisame ng kwarto kung nasaan siya at napatanong sa kanyang isip.Bakit ako?At nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata, hindi niya lubos maisip kung bakit nasa ganoong sitwa
SIX:typos and grammar errors ahead.HALOS isang oras pa itong nakasalampak sa dalampasigan, hindi siya umalis sa kanyang kinatatayuan at nakatanaw lamang rito. Nakaupo lang ito sa buhanginan at nakatanaw sa karagatan. Nakaunat ang mga paa nito na inaabot na ng maliliit na mga alon kung kayat ang shorts nito ay basa na. Papadilim na ng oras na iyon, kulay kahel na ang kalangitan at nagrereflect ito sa dagat kung kayat napakaganda itong pagmasdan. Tanging sa palubog na araw na lamang ang may liwanag kaya halos madilim na rin ang paligid. Tila sa pakiwari niya ay wala pa itong balak na tumayo doon. Napa
SEVENNAKATANAW siya sa kawalan habang hawak-hawak ang baso na may lamang alak.Napabuga siya ng hangin at ibinaba ang hawak na baso at itinukod ang kamay sa barandilya ng kanyang teresa.Hindi mawaglit sa isip niya ang nangyari kanina sa kanila ni Addriane sa tabing dagat. Alam niya sa sarili niya na nasaktan niya ito dahil sa sobrang karahasan ng kilos niya pero hindi siya nagsisisi na ginawa niya ito dahil gusto niyang matakot ito sa kanya para hindi na ito gumawa ng ikagagalit niya.Napapikit siya at hinayaan ang sariling haplusin ng pang-gabing simoy ng hangin. Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin siya, pinipilit niyang matulog ngunit ayaw matulog ng utak niya kaya bumangon na lamang siya at pumunta sa kanyang teresa na may dalang alak.Napabuga siya ng hangin bago tumalikod at dinampot ang
EIGHTNAPASANDAL siya sa upuan at napahugot ng isang buntung-hininga. Bakit ayaw nitong maniwala sa kanya? Kasabwat kaya siya ng lalaking iyon? Pero hindi, dahil sa nakita niyang mga reaksiyon nito ay tila wala itong alam sa totoong nangyayari sa kanya.Pero bakit ayaw nitong maniwala? Napapikit siya at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan. Anong gagawin ko? She asked to herself.Isa pa muling buntung-hininga ang pinakawalan niya bago dumilat at nag-umpisa ng kumain.Walang-gana niyang pinulot ang kutsara at isinandok sa sinangag na nasa plato niya. Tinitigan n
NINEHAPON na nang magising si Addie, bago siya bumangon ay tumunganga muna siya sa kawalan ng ilang minuto bago tumayo sa kanyang kama.Dahan-dahan siyang nag-inat at naglakad papunta sa bintana ng kanyang kwarto upang tumanaw sa karagatan.Napangiti siya dahil napakaganda ng tanawin sa lugar na iyon, kung siguro naroon siya upang magbakasyon ay malamang na sobrang saya niya dahil ibang-iba ang ambience dito.Itinukod niya ang kanyang kamay sa barandilya ng teresa at pumikit. Hinayaan niya ang kanyang sarili na hampasin ng simoy ng hangin. Ibang-iba talaga ang simoy ng hangin sa lugar na ganito, hindi katulad sa syudad
TENNote: Sa mga bata please don't read this if ever name meron man. Masyadong Bulgar ang mga salitang ginamit ko rito na hindi angkop sa mga edad ninyo. Thank you.---------------NAGISING si Addie dahil hindi siya makahinga. Kinakapos siya ng hangin. Nanlalaki ang mga mata niya nang magmulat siya ng kanyang mga mata, sa malamlam na ilaw na nagmumula sa buwan na tumatagos sa bukas niyang bintana ay nakita niya ang mukha nito. Agad na inilayo nito
ELEVENNAGISING siyang masakit ang katawan dahil sa walang katapusang pagniniig. Hindi niya alam kung anong oras na sila natapos at kung ilang beses nilang inabot pareho ang langit. Hindi na siya nanlaban pagkatapos noong una niyang naabot ang rurok ng kaligayahan dahil tama ito, wala siyang laban.Wala siyang laban sa mga haplos at halik nito, dahil habang nanlalaban siya ay tila naman tinutunaw ng halik nito at mga haplos lahat ng panlalaban niya.Hindi niya na lubos maintindihan ang kanyang sarili, pilit nilalabanan ng kanyang isip kagabi ang kanyang sariling katawan dahil sobra itong naaapektuhan sa init ng apoy na ginagawa ng mga haplos nitong nag-iiwan ng mainit na pakiramdam sa bawat dinadapuan nito.
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya. Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama. Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan. Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag s
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin