ELEVEN NAGISING siyang masakit ang katawan dahil sa walang katapusang pagniniig. Hindi niya alam kung anong oras na sila natapos at kung ilang beses nilang inabot pareho ang langit. Hindi na siya nanlaban pagkatapos noong una niyang naabot ang rurok ng kaligayahan dahil tama ito, wala siyang laban. Wala siyang laban sa mga haplos at halik nito, dahil habang nanlalaban siya ay tila naman tinutunaw ng halik nito at mga haplos lahat ng panlalaban niya. Hindi niya na lubos maintindihan ang kanyang sarili, pilit nilalabanan ng kanyang isip kagabi ang kanyang sariling katawan dahil sobra itong naaapektuhan sa init ng apoy na ginagawa ng mga haplos nitong nag-iiwan ng mainit na pakiramdam sa bawat dinadapuan nito.
Last Updated : 2021-11-29 Read more