Napalingon si Vena sa pinto nang muling bumukas iyon at nakita niya si Maxene na pumasok sa kaniyang silid at pagkatapos ay nagmartsa papunta sa tabi niya. Ibinagsak nito ang sarili sa tabi niya. “Ikaw naman kasi Vena dapat hindi mo sinabi yun.” sita nito sa kaniya at pagkatapos ay nakita niyang napahilot ito sa sentido nito. “Pero Maxene diba tama naman ako? Hindi niya na dapat iyon binalikan pa.” sabi niya rito. Bigla naman itong napabuntung- hininga at pagkatapos ay humarap sa kaniya. “Alam mo kasi Vena, kapag ang isang tao ay nagmahal, kahit anong sabihin mo dun hindi niya iyon pakikinggan. Wala siyang pakikinggan kundi sarili niya lang kasi puro puso ang paiiralin nun. Tapos magiging masama ka lang kapag pinagsabihan mo siya, katulad niyan. Tingnan mo kung anong nangyari.” mahabang lintaya nito sa kaniya at pagkatapos ay napasandal sa kinauupuan nila. Narinig niya ang muling paghugot nito ng isang malalim na buntung- hininga. Mukhang may tama naman ito, pero hindi naman siya
Alas sais na ng hapon nang umuwi si Andrei sa condo niya paano ba naman ay napahaba ang kwentuhan nila dahil sa pagdating ni Zake. Isa pa ay wala din naman sana siyang balak na mag- open up tungkol sa problema ng kompanya nila ngunit pinilit siya ng mga ito.Kinonsensiya na anong silbi nila na kaibigan kung hindi niya sasabihin ang problema niya sa mga ito kaya nawalan siya ng choice kundi sabihin sa mga ito ang totoo. Kaagad naman na nag- offer si Zake ng tulong sa kaniya na tinanggihan niya dahil masyado na itong maraming naitulong sa kaniya at nahihiya na siya.Pabagsak siyang napaupo sa kaniyang sofa at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. Medyo nahihilo siya dahil sa epekto ng beer na ininom nila kanina dahil nakailang beer sila dahil napasarap ang kanilang kwentuhan. Napabuga siya ng hangin. Mabuti na lamang at nakumbinsi niya ang mga ito na iyong tungkol nga sa kompanya ng daddy niya ang problema niya.Napamulat siya ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay nakita ang mga
Ilang minuto ng nanunuod sina Andrei at Lizzy ng pelikula. Dumating na rin ang inorder ni Lizzy na pagkain at ang hinihintay na lamang niya na dumating ay ang order niya. Hindi niya alma kung anong oras ito darating ngunit nasisiguro niya na ilang sandali na nga lamang ay darating na iyon.Katulad nga ng inaasahan niya ay pagkaraan lamang ng ilang minuto ay agad ng tumunog ang doorbell ng kaniyang condo. Nasisiguro niyang iyon na ang order niya kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupuan nila ni Lizzy. Nagtatakang pinanuod siya ni Lizzy na lumapit sa kaniyang pinto.Pagbukas nga niya ng pinto ay kaagad niyang nakita ang delivery boy na hawak- hawak na ang isang pumpon ng bulaklak na inorder niya at sa isang kamay naman nito ay hawak nito ang naka- box na cake. Mabilis niya itong inabot at pagkatapos ay nagpasalamat rito.Bayad naman na iyon dahil nang pag- order pa lamang niya ay binayaran na niya. Napangiti siya ng tuluyang umalis ang delivery boy. Siguradong magiging masaya si Lizzy
Late ng nagising si Vena ng araw na iyon dahil sa hindi niya malamang dahilan. Siguro ay sa daming iniisip niya kaya hindi siya nagising ng maaga. Isa pa ay kagigising niya lang pero nakapag- isip na siya kaagad ng plano niya sa araw na iyon. Kailangan niyang makausap si Andrei lalo pa at isang araw na niya itong hindi nakikita.Hindi niya ito mapupuntahan bukas dahil ihahatid niya si Maxene sa airport. Sasama siya para hindi naman magtampo si Maxene sa kaniya, hindi niya naman papayagan na pati ito ay magtampo pa pati sa kaniya dahil nga nagtampo na sa kaniya si Sam at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa niya ito natatawagan at hindi pa siya nakahingi ng tawad rito.Sasadyain na lamang niya ito sa bahay nito para personal na humingi ng tawad rito sa ngayon ay si Andrei na muna ang aasikasuhin niya dahil kailangan niya itong makausap.Mabilis siyang bumangon mula sa kaniyang kama at dali- daling pumasok sa kaniyang banyo upang maligo. Hindi naman siya pwedeng magpakita kay Andrei
Agad niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng gusaling pinuntahan niya. Dahil nga tanghali na ng mga oras na iyon ay nasisiguro niyang nasa opisina na nito si Andrei kaya doon na siya dumiretso at hindi na sa condo nito. Bago siya lumabas ng kotse ay napairap siya sa hangin, paano ba naman ay makikita na naman niya ang impaktang sekretarya ni Andrei na kinaiinisan niya ng sobra- sobra.Napabuga na lamang siya ng malalim na buntung- hininga upang kahit papano ay mabawasan ang stress niya kahit hindi pa man sila nagkikita nito. Ilang sandali pa nga ay mabilis siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay taas ang nooong naglakad papasok sa gusali.Kitang- kita niya ang mga tinginan sa kaniya na hindi niya naman pinansin. Ang iba ay punong- puno ng paghanga ngunit ang iba ay syempre pagka- disgusto ang makikita sa mga mukha nila marahil siguro sa inggit o kung ano pa man. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin at nagtuloy- tuloy sa kung nasaan ang elevator at m
Pagkalabas na pagkalabas ni Vena sa opisina ni Andrei ay napatitig siya sa pinto kung saan lumabas ang dalaga. Kitang- kita niya sa mga mata nito kung paano gumuhit ang sakit dahil lang sa mga salitang binitawan niya na sa totoo lang ay wala naman sana siyang balak na sabihin ang mga iyon.Maging siya sa sarili niya ay nabigla rin dahil sa sinabi niya ngunit huli na para bawiin niya pa ang mga iyon. Sa tanang buhay niya ay nagyon lamang siya nakunsensiya para sa isang babae. Hindi niya alam pero parang may kung anong kumurot sa puso niya dahil sa ginawa niya.Pero wala siyang ibang choice kundi ang gawin ang bagay na iyon. Alam niyang iyon lang din naman talaga ang paraan para maitaboy niya ito pero hindi naging maganda iyon. Bigla siyang napasandal sa kaniyang swivel chair at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido.Ano bang pumasok sa utak niya at bigla- bigla na lamang niya iyong nasabi ng hindi nag- iisip? Bakit hindi na lang niya nagawang pag- isipan ang mga sasabihin niya da
Pinatay na nga ni Vena ang makina ng kaniyang sasakyan pagkatapos niyang pumarada sa harapan ng bahay ni Sam. Bago nga siya bumaba ng kaniyang sasakyan ay tiningan niya muna ang kaniyang sarili sa rearview mirror ng sasakyan niya. Napasinghot pa siya nang makitang mugto na ang knaiyang mga mata dahil sa pag- iyak.Nagpunas muna siya ng mga tira pang luha sa gilid ng kaniyang mga mata bago siya lumabas dahil pakiramdam niya ay ang pangit- pangit na niya dahil sa pag- iyak niya. Nag- retouch din siya ng kaniyang light make- up upang matakpan ang pagiging devastated niya ng mga oras na iyon.Pagkatapos nga niyang iayos ang kaniyang sarili ay mabilis na siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay nagmartsa na papasok sa bahay ni Sam. bakit na naman kaya nito tinawag si Maxene? Huwag nitong sabihin na nagka- problema na naman silang dalawa ni Mike samantalang kakabalikan lang nilang dalawa.Nasa front door pa lamang siya ay rinig na rinig na niya ang malakas na palahaw ni Sam k
“Isipin mo na lang si Sam yung girlfriend ng lalaking yun tapos pinili ka ng lalaki na yun, o tingnan mo nga kung gaano nasasaktan si Sam.” dagdag pa nito.Bigla naman siyang nakaramdam ng guilt sa kaniyang dibdib dahil sa sinabi ni Maxene. Tama rin naman ito, pero kasalanan niya ba na pagkakitang- pagkakita pa lamang niya kay Andrei ay tumibok na agad ang puso niya.Nagpunas siya ng kaniyang mga mata at tinuyo ang kaniyang pisngi. Siguro nga ay tama ito na dapat ay naghanap na lamang siya ng lalaking walang girlfriend, yung tipong wala siyang kaagaw at yung lalaking handa siyang mahalin. Ngunit sa dami ng lalaki na niyang nakilala ay bukod tanging kay Andrei lang talaga tumibok ang puso niya.Hindi niya naman gugustuhing makipag- relasyon sa mga lalaking wala naman siyang nararamdaman dahil sino sana ang niloko niya kapag ginawa niya iyon? Sarili niya rin naman diba? Isa pa ay gusto niyang maranasan sana yung salitang mahal ka ng taong mahal mo, pero ang naranasan niya lang muna sa m