Pinatay na nga ni Vena ang makina ng kaniyang sasakyan pagkatapos niyang pumarada sa harapan ng bahay ni Sam. Bago nga siya bumaba ng kaniyang sasakyan ay tiningan niya muna ang kaniyang sarili sa rearview mirror ng sasakyan niya. Napasinghot pa siya nang makitang mugto na ang knaiyang mga mata dahil sa pag- iyak.Nagpunas muna siya ng mga tira pang luha sa gilid ng kaniyang mga mata bago siya lumabas dahil pakiramdam niya ay ang pangit- pangit na niya dahil sa pag- iyak niya. Nag- retouch din siya ng kaniyang light make- up upang matakpan ang pagiging devastated niya ng mga oras na iyon.Pagkatapos nga niyang iayos ang kaniyang sarili ay mabilis na siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay nagmartsa na papasok sa bahay ni Sam. bakit na naman kaya nito tinawag si Maxene? Huwag nitong sabihin na nagka- problema na naman silang dalawa ni Mike samantalang kakabalikan lang nilang dalawa.Nasa front door pa lamang siya ay rinig na rinig na niya ang malakas na palahaw ni Sam k
“Isipin mo na lang si Sam yung girlfriend ng lalaking yun tapos pinili ka ng lalaki na yun, o tingnan mo nga kung gaano nasasaktan si Sam.” dagdag pa nito.Bigla naman siyang nakaramdam ng guilt sa kaniyang dibdib dahil sa sinabi ni Maxene. Tama rin naman ito, pero kasalanan niya ba na pagkakitang- pagkakita pa lamang niya kay Andrei ay tumibok na agad ang puso niya.Nagpunas siya ng kaniyang mga mata at tinuyo ang kaniyang pisngi. Siguro nga ay tama ito na dapat ay naghanap na lamang siya ng lalaking walang girlfriend, yung tipong wala siyang kaagaw at yung lalaking handa siyang mahalin. Ngunit sa dami ng lalaki na niyang nakilala ay bukod tanging kay Andrei lang talaga tumibok ang puso niya.Hindi niya naman gugustuhing makipag- relasyon sa mga lalaking wala naman siyang nararamdaman dahil sino sana ang niloko niya kapag ginawa niya iyon? Sarili niya rin naman diba? Isa pa ay gusto niyang maranasan sana yung salitang mahal ka ng taong mahal mo, pero ang naranasan niya lang muna sa m
Isang mahinang yugyog sa balikat ni Vena ang dahilan kung bakit siya nagising. Napa- ingit siya ng wala sa oras. Kulang na kulang pa ang tulog niya. Pakiramdam niya ay katutulog lamang niya. Napatakip siya sa kaniyang mukha dahil nasisilaw siya.“Ngayong araw na yung flight ko kaya gumising na kayong dalawa.” narinig niya saad ni Maxene sa kanilang dalawa ni Sam.Hindi siya sumagot rito at nanatili pa ring nakapikit ang mga mata niya. Hanggang sa hindi na siguro nakatiis si Maxene ay tuluyan na nitong hinatak ang kumot nila ni Sam.Sabay silang napa- ingit ni Sam dahil sa ginawa nito. “Bumangon na kayo diyan at baka mahuli pa ako sa flight ko dahil lang sa kalasingan ninyong dalawa.” sabi nito at pagkatapos ay pinagpag na ang kumot na ginamit nila. Wala pa sana siyang balak na bumangon ngunit bigla na lamang niyang naramdaman ang tila ba gustong umahon mula sa kaniyang tiyan kaya mabilis siyang napabangon at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang bibig. Mabilis siyang nagtatakbo papunt
Habang nagkakape sila ay walang umiimik sa kanilang tatlo. Tahimik lamang sila pare- pareho at tila ba may kaniya- kaniyang malalim na iniisip. Hanggang sa may isang bagay na pumasok sa utak niya. Iyon lamang ang magiging paraan para makapag move- on siya ng mabilis.Tumingin siya kay Maxene na abalang nakatulala habang nagkakape. Alam niya na kapag sinabi niya rito ang knaiyang plano ay bigla itong magulat. Nagtanggal muna siya ng bara sa kaniyang lalamunan kaya napalingon ito sa kaniya.“Cancel your flight today.” seryosong saad niya rito.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa sinabi niya at syempre ay labis- labis ang pagtataka. Sino ba naman kasi ang may matinong pag- iisip naipapa- cancel ang flight dahil lang sa sinabi ng kaibigan mo hindi ba?’“What?” gulat nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay inilapag nito ang tasa sa lamesa sa labis na pagtataka. “I can’t.” sabi nito na may kasama pang pag- iling.Pero syempre, siya si Vena Silvestre isang spoiled brat, grown
Pagdating ni Vena sa bahay nila ay kaagad siyang dumiretso sa kaniyang silid upang mag- empake. Oo nga at pina- delay nila ang flight ni Maxene pero syempre ay kailangan niyang tumakas mula sa Daddy niya. Naisip nga niya na ilang pares lamang ng damit ang idadala niya at doon na lamang siya bibili ng damit niya para hindi siya mahirapan sa pagbibitbit.Isa pa ay para hindi magtaka ang kaniyang ama kung bakit saan siya pupunta. Habang pauwi pa lamang siya kanina ay naplano na niya kaagad ang mga gagawin niya pagdating niya. Sinabi niya rin sa mga ito na bilisan nila ang paghahanda nila ng mga gamit dahili gusto niya ay aalis sila kaagad.Baka mamaya kasi ay pigilan na naman siya ng kaniyang ama sa plano niya. Abala siya sa pamimili kung anong damit ang mga dadalhin niya nang bigla na lamang siyang nakarinig ng marahang pagkatapok sa kaniyang pinto. Ini- lock niya iyon para hindi makapasok ang sinuman at makita nila ang ginagawa niyang pag- iimpake.“Sino yan?” tanong niya habang namimi
“What?!” malakas ang naging boses ng ama ni Vena dahil sa kaniyang narinig.Nasa harap sila ng hapag kainan ng mga oras na iyon at kaharap niya ang mga anak niyang lalaki. Sa hapag lang sila talaga nkukumpleto ngunit madalas ay may kulang sa kanila lagi at katulad ngayon, si Vena ang wala. Pinapatawag niya ito sa kaniyang silid upang tawagin at kumain na ngunit sinabi ng isa sa mga kaharap niya na wala daw ito roon dahil umalis daw ito ng bansa.Hindi pa man siya nakakapag- umpisang kumain ay tila ba nawalan na siya kaagad ng gana dahil sa narinig niya. Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon dahil sa inis. Wala na talaga itong ginawa sa buhay nito kundi magliwaliw. “Ilang beses ko siyang pinapatawag para pumunta sa akin at may importante akong sasabihin sa kaniya pero hindi siya nagpupunta at ngayon nasa ibang bansa na siya?” hindi makapaniwalang bulalas niya na may kasama pang pag- iling.“Parang hindi mo naman kilala ang anak niyong iyon Daddy.” komento na
Napabuga ng hangin si Vena at pagkatapos ay tinanggal niya ng kaniyang suot na shades. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang makarating sila doon at wala silang ginawa kundi ang mamasyal na sagot niya syempre. Hindi naman ikahihirap ng pamilya niya gagastos siya ng ilang daang libo o ng ilang milyon pa dahil mayaman naman sila at masasabi niyang sobra- sobra ang pera nila.Bago siya umalis ng bansa ay ininform niya lang ang isa sa mga kapatid niya na aalis siya ng bansa para kung sakaling hanapin man siya ng kaniyang ama ay alam ng mga ito kung nasaan siya. Isa pa ay tyaka lang niya sinabi sa mga ito na aalis siya ay noong nakasakay na siya mismo sa eroplano bago ito mag- take off para hindi na siya mapigilan pa ng mga ito at simula ng araw na iyon ay hindi niya pa binubuhay ang cellphone niya dahil ayaw niyang tawagan siya ng tawagan ng kaniyang ama.Kilalang- kilala na niya ito at alam na alam na niya ang ugali nito lalo na at sa ibang bansa na siya pumunta. Kung sa bahay lang
Biglang nanlaki ang mga mata ni Vena dahil sa kaniyang narinig. Una pa lang pala ay alam na nito kung bakit siya sumama doon pagkatapos ay hinayaan siya nitong sumama kahit wala naman pala doon si Andrei. Unti- unting napakuyom ang mga kamay niya dahil sa labis na inis.Nag- aksaya lang pala siya ng oras sa pagpunta doon at wala naman pala doon ang gusto niyang makita sana. Sinamaan niya ito ng tingin. Unti- unti naman umarko ang isang ngisi sa mga labi nito.“Alam ko namang siya lang ang pinunta mo rito.” natatawang sabi nito at pagkatapos ay napailing. “He’s busy as of the moment. Hindi nga namin siya napilit na isama e.” sabi nito sa kaniya.Kitang- kita naman niya ang pagkalito sa mukha ng babae na nag- aasikaso sa mga dalawang bata na naroon.“Asshole.” iyon na lamanga ng nasabi niya at pagkatapos ay inis na tumabi rito.Natawa lang naman ito dahil sa naging reaksiyon niya. Wala siyang nagawa ng mga oras na iyon kundi ang mapabuntung- hininga na lamang. Akala pa naman niya ay mak