Anong oras na ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Vena hanggang sa mga oras na iyon. Hindi man lang siya dalawin ng antok kahit na pakiramdam niya ay pagod na pagod ang katawan niya dahil sa maghapon na pag- upo at pagbabasa ng kung ano- anong mga papeles.Isa pa ay hanggang sa mga oras na iyon ay nanginginig pa rin kasi ang katawan niya dahil sa labis na takot. Ni hindi nga siya lumabas kanina upang maghapunan dahil sa sobrang takot niya. Pakiramdam niya kasi pag lumabas siya ng kaniyang silid ay baka kung ano ang posibleng mangyari sa kaniya.Idagdag pa na hindi pa rin nawawala sa isip niya ang narinig niyang sinabi ng impostor na nagpapanggap sa katauhan ng Kuya Vin niya. Kung noong una ay nagdadalawang isip pa siya na maniwala sa kaniyang ama ngayon ay sigurado na siya na tama nga ito. Ang isa pang gumugulo sa isip niya ay ang sinabi nito na isinalin na sa kaniya ang lahat na dapat ay mamanahin ng Kuya Vin niya.Tama nga ba ang narinig niya? Gusto niyang tanungin ang knaiyang
Unti- unting napamulat ng mga mata si Andrei nang marinig niya ang tunog ng alarm clock niya. Agad niya iyong inabot na nasa ibabaw ng kaniyang drawer sa tabi ng knaiyang kama at pagkatapos ay napahilamos ng kaniyang mukha. Napapikit siya at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido dahil sa kirot ng kaniyang ulo.Napadami ang nainom niya kagabi dahil an rin sa sobrang stress niya idagdag pa na anong oras na rin dumating si Finn at hindi ito pumayag na hindi sila makapag- inom pa bago siya nito pinauwi. Hindi na nga niya matandaan kung paano pa siya nakauwi dahil sa sobrang kalasingan niya o kung nakauwi nga ba siya.Unti- unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang tingnan kung nasaan siya at ang pamilyar na kisame ang kinamulatan niya. Nasa loob siya ng silid niya sa bahay nila. Nagawa niya pa rin palang makauwi kahit papano, mabuti na lang at hindi pa siya nadisgrasya.Dahan- dahan siyang bumangon at pagkatapos ay naupo muna sa ibabaw ng kaniyang kama. Matagal- tagal na rin
Muling napabuntung- hininga si Andrei nang tuluyan na niyang mai- park ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng hotel kung saan niya kukuhanin ang mga papeles. Kung hindi lang talaga importante ang mga iyon ay hinding- hindi niya talaga iyon personal na sasadyain.Ilang sandali pa nga ay pinatay na niya ang makina ng sasakyan at pagkatapos ay dinampot na ang susi na nasa harapan ng kaniyang sasakyan dahil inilagay niya iyon doon kanina dahil baka makalimutan niya. Dahil nga iyon lang naman ang kukunin niya doon ay hindi na niya kailangan pang magtagal at sandali lang naman ang kailangan niyang ubusing oras dahil ipapakita niya lang naman sa lobby ang kaniyang dala- dalang susi na may numero.Mabilis nga siyang lumabas ng kaniyang sasakyan at pagkatapos ay naglakad na papasok ng entrance ng hotel. Hawak- hawak niya sa kanang kamay niya ang susi at pagkatapos ay nakakunot ang noong pumasok sa hotel. Sa totoo lang ay hindi niya maiwasang hindi magtaka kung bakit iniwan ni Mr. Smith ang na
Kasalakuyan na slang nasa labas ng hotel at halos patapos na rin gamutin ang natamo niyang sugat sa kaniyang noo. Mabuti na lamang at bilang lang sa daliri ang naging sugatan sa pagsabog. Isa lang din ang natagpuang patay at nasisiguro niya na iyon ang lalaking pumasok sa cr.“Ano ang pagkakakilanlan ng biktima?” narinig niyang tanong ng pulis sa mga staff ng hotel na nasa front desk.“Hindi namin alam sir kasi kumuha lang siya ng attache case na ang number ay,” biglang napatigil ito at tila ba napaisip at pilit na inaalala ang numero na kinuha nito. “Parang number 17 iyon sir at galing sa…” Ilang sandali itong tumigil sa pagsasalita kaya nilingon niya ito at nag- iisip pa rin.“Pwede naman natin i- check mamaya sa mga records niyo e.” sagot ng Pulis sa kaniya na kaagad naman nitong ikinatango at pagkatapos ay nagpaalam na ito sa dalawang pulis na nagtatanong rito.“Ibig sabihin ay galing sa attcahe case ang bomba na sumabog.” sabi ng isang pulis sa kasama nito.“Sa tingin mo buddy?
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ng ama ni Vena pagkatapos niyang isalaysay ang nangyari sa kaniya. Mula sa plano niyang pagkuha sa mga papeles na galing kay Mr. Smith at sa hindi inaasahang pagkakataon na may nakabangga syang isang lalaki na nakasuot nga ng itim na suit kung saan naging dahilan ng pagkakapalit nila ng susi.“Malakas ang kutob ko na dahil iyon sa pagbabago ko ng testamento.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi siya agad na sumagot dito dahil iyon rin naman talaga ang iniisip niya. Ibig sabihin lang ay inuuna siyang idispatsa ng mga ito bago si Vena. Ang iniisip niya pa kanina ay kung siya nga ay kayang patayin ng mga ito paano na lang kaya si Vena na siya mismo ang nakapangalan sa mga ari- arian ng pamilya nito?“Hindi na kayo ligtas ni Vena rito.” muling saad nito sa kaniya.Napailing siya. Bakit sila lang ni Vena ang inaalala nito at hindi ang sarili nito? Kung meron man silang dapat mas unahin ay ito iyon dahil sa ginawa nitong pagbabago ng last will ni
Napasandal si Vena sa kaniyang swivel chair. Pilit siyang nagco- concentrate sa kaniyang trabaho ngunit hindi siya mapakali. Isa pa ay inaantok din siya ng mga oras na iyon dahil halos wala siyang tulog dahil sumunod sila kagabi sa ospital. Hindi siya pumayag na hindi rin siya magpunta doon dahil sa sobrang pag- aalala niya sa kaniyang ama.Mabuti na lamang at naagapan ang pagka- atake nito at agad itong naisugod sa ospital. Kung hindi daw ito naagapan ay may posibilidad daw na baka namatay na ang kaniyang ama. Sa totoo lang ay ayaw pa nga sana niyang umalis doon ngunit pinilit na siya nitong umalis doon at pumasok na lamang daw siya sa opisina upang tuluyan na niyang matutunan kung paano magpalakad ng mga kumpanya. Isa pa ay hindi niya pa ito nakakausap ng pormal tungkol sa narinig nyang dahilan kung bakit nagtalo sila ng impostor na iyon. Pinilit ng kaniyang ama na ialis na siya doon ng Kuya Luke niya at inihatid sa bahay nila. Ito na lamang daw ang magbabantay sa kaniyang ama na p
Isa pa ay tila ba pakiramdam nito ay welcome na welcome ito sa opisina niya samantalang alam naman nitong inis siya rito. Alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi niya ito kinakausap kaya siya na ang sumuko. Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay isinara ang kaniyang pinapasadahang report. Sumandal siya sa kaniyang upuan at napatitig rito.“What do you want?” nakakunot ang noong tanong niya rito at pagkatapos ay muli na namang napatitig sa mga galos nito. Nadi- distract siya habang nakatingin sa mga ito at hindi na niya magawang iiwas pa ang kaniyang tingin mula sa mga iyon. Bakit ba kasi may galos ang mga ito? Saan nito nakuha ang mga iyon? Teka, bakit ano bang pakialam niya rito? Hindi ba at galit siya rito pero bakit tila ba nag- aalala siya rito?Napapikit siya at pagkatapos ay napailing. Ano bang iniisip niya at ano bang pumasok sa utak niya at kung ano- ano ang iniisip niya. Nahilot tuloy siya ng kaniyang sentido ng wala sa oras ng mga oras na iyon. Epekto siguro iyon ng
Naiwan si Andrei na tulala sa loob ng opisina ni Vena. inasahan niya na iyon dahil alma niyang matigas talaga ang ulo nito at hindi it basta- basta makikinig sa kaniya. Akala pa naman niya ay madadaan niya pa ito sa magandang usapan ngunit nagkakamali pala siya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang pilitin itong umalis doon sa ayaw at sa gusto nito.Napalingon sa pinto kung saan lumabas ang galit na galit na si Vena. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung ano ang iniisip nito at kung ano ang tumatakbo sa isip nito o kung nagpaplano na ba ito ng gagawin nito. Nasisigur niya na hindi rin ito matatahimik dahil sa mga sinabi niya.Kailangan na niyang gumawa ng paraan upang maialis si Vena doon. Kung hindi ito mapakiusapan ng maayos ay wala na talaga siyang ibang pagpipilian pa kundi ang daanin ito sa sapilitan at sa wala na itong magagawa pa.Napabuntung- hininga na lamang sya at pagkatapos ay lumabas na ng silid na iyon.…Dumiretso sa cr si Vena at pagkatapos ay mabilis na pu
HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at
“AYOS ka lang ba?” muli niyang narinig na tanong nito at sa sumunod na sandali ay nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hawakan sa magkabila niyang balikat. Hinawakan din nito ang kanyang baba dahilan para magtama muli ang mga mata nito. Ang kanyang dibdib ay malakas pa rin ang pagtibok at natatakot siya na baka marinig nito iyon.Umawang ang kanyang bibig ngunit walang salita ang lumabas mula doon. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang baba ay nagdulot ng libo-libong boltaheng kuryente na kumalat sa buong katawan at pagkatao niya. Hindi siya makagalaw o ni matanggal ang kamay nito. Hindi niya rin maiiwas ang kanyang mga mata mula sa mata nito na para ba siyang hini-hipnotismo. Kapag tumagal pa siya sa harap nito ay baka kung ano na ang mangyari. Wala na siyang kontrol sa sarili niya dahil paulit-ulit niya namang sinasabihan ang isip niya na igalaw na ang kanyang mga paa ngunit wala iyong epekto.SA KABILANG banda ay napalunok si Finn habang nakatitig sa nakaawang nitong labi.
PAGKATAPOS NIYA LANG KUMAIN ay nagulat siya nang magsalita si Dorie habang inililigpit ang kanilang pinagkainang dalawa. “Siya nga pala ma’am Maxene, ibinilin ni sir Finn na pumunta ka raw sa study room pagkagising na pagkagising mo at may sasabihin daw siya sayo.” sabi nito.Nang marinig niya na naman ang pangalan ng lalaki ay hindi niya mapigilan na mapahinga ng marahas. Paano niya haharapin ang lalaking iyon mag-isa? Kaya niya ba na harapin ito pagkatapos ng lahat? Paano kung lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kaniya o paano kung sampalin siya nito?“Ma’am Maxene…” muling tawag sa kaniya ni Dorie na ikinabalik ng isip niya. “Okay lang ba kayo?” dagdag nitong tanong nang makita niyang para siyang wala sa sarili niya.Pinilit niya namang tumango rito. “Oo, ayos lang ako Dorie. Huwag mo akong alalahanin.” sabi niya at pilit pang ngumiti para kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya dahil kahit na hindi nito sabihin na nag-aalala ito ay kitang-kita niya iy
PAGKATAPOS MAKIPAG- usap ni Maxene sa lalaking ama ng kanyang mga anak ay dumiretso siya sa silid na ibinigay para sa kaniya ng lalaki. Hindi na siya nito pinayagan pang umalis at sinabi na doon na muna sila titirang tatlo ng mga anak niya hanggang sa hindi pa nito naisasaayos ang lahat. Alam niya na wala na siyang takas pa mula rito kaya pumayag na lang siya. Pakiramdam niya ay lambot na lambot ang katawan niya at pagod na pagod siya kaya nahiga na lang siya at hindi niya namamalayan ay bigla na lang siyang nakatulog kaagad.Nang magising siya ay medyo madilim na ang silid at ang malamlam na ilaw na lang ang nakasindi sa tabi ng kama. Napakusot siya ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang isip bigla kung anong oras na ba at kung gaano na siya katagal na nakatulog.Ilang sandali pa ay tumayo na siya sa kama upang lumabas ng silid para rin hanapin ang kanyang mga anak kung nasaan na ang mga ito. Paglabas niya ay tahimik na sa buong kabahayan at dahil doon ay hindi niya maiwasang m