Katulad kanina ay muli na naman itong natahimik. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito at kung sumama ba ang loob nito. Pero wala pa naman siyang sinasabi na sa kaniya ipinangalan ng kaniyang ama ang lahat.“Vena ano namang batayan niya sa pagsasabi nun? Isa pa ay lagi mo namang nakikita at nakakasama sa bahay si Kuya Vin diba? Tapos naniniwala ka sa mga ganyang bagay?” seryosong tanong nito sa kaniya.Sa mga oras na iyon ay bigla siyang naguluhan at bigla siyang napatanong sa kaniyang sarili kung tama nga ba ang kaniyang Daddy? “Pero Ceazar—”“Vena baka pinapaniwala ka lang nila at baka mamaya sinasadya na siraan talaga si Kuya Vin. ano ka ba naman Vena.” sabi nito.“Pero, pero Ceazar pinagtangkaan nila ang buhay ni Andrei at ni Daddy—”“Yan, isa pa yang lalaking yan Vena e. Simula nang mapalapit ka diyan sa lalaking iyon ay naging ganyan na ang buhay mo. isa pa ay bakit naman pagtatangkaan ang buhay ni Daddy at ng lalaking iyon? Mamaya ay pinapaniwala ka lang nila at nag- usap
Naalimpungatan si Vena nang marinig niya ang pag- ring ng kaniyang cellphone. Wala siyang ideya kung anong oras na ng mga sandaling iyon. Awtomatiko naman siyang napatakip ng kumot sa knaiyang ulo dahil wala siyang planong sagutin ang tawag. Wala siyang pakialam kung sino pa iyon isa pa ay antok na antok siya. Ngayon lang siya ulit nakatulog ng ganun kahimbing pagkatapos na maisugod sa ospital ang kaniyang ama. Bumabawi pa lamang siya ng kaniyang puyat sa totoo lang at isa pa ay doon lang siya talagang nakakapagpahinga kapag natutulog siya sa dami ng iniintindi nya nitong mga nakaraang araw.Paniguradong titigil din ang pag- ring nito kapag hindi niya iyon sinagot. Napapikit siya ng mariin ng tuluyan na ngang mamatay ang pag- ring at matutulog na sana siyang muli nang muli na naman niyang narinig ang pag- ring ng kaniyang cellphone. Pangalawang tawag na iyon ng kung sinumang tumatawag sa kaniya at nasisiguro niyang importante nga iyon dahil hindi naman tatawag ang isang tao ng paulit-
Pinanuod ni Sam ang pagbagsak ni Vena sa harapan niya ngunit bago pa man ito bumagsak sa sahig ay mabilis naman na gumalaw si Andrei upang saluhin ito sa kamay nito. Napabuntung- hininga na lamang siya habang nakatutok pa rin ang mga mata niya kung paano nito kinarga ang kaibigan niya at hindi niya din maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya pumayag sa gusto nito.Ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig ni Andrei.“Salamat at pasensiya ka na talaga.” sabi nit at pagkatapos ay tumitig sa kaniyang mga mata. “Ipinapangako ko sayo na hinding- hindi ko na siya sasaktan pang muli.” paniniyak nito sa kaniya na ikinatango na lamang niya at pagkatapos ay sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na nga itong makaalis.Ilang minuto pa nga ang lumipas ay tuluyan na niyang narinig ang pag- andar ng kotse nito at alam niyang aalis na ang mga ito. Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Napasandal din siya sa kaniyang kinuupuan
“Dahan- dahan lang ang gawin niyang pagbuhat sa kaniya.” bilin ni Andrei sa ilang tauhan ni Zake na tumulong sa kanila upang isakay si Vena sa isang chopper na pagmamay- ari lang din ni Zake.Nilubos- lubos na niya ang ginawa niyang paghingi ng tulong kay Zake. Mula sa pagpapahiram nito ng chopper, mga tauhan nito at ang islang pagdadalhan niya kay Vena. mabuti na lamang at may ganuong pag- aari ang kaibigan niya dahil napakalaking tulong nito sa kaniya.Hindi na niya kailangan pang problemahin kung saan nga niya dadalhin si Vena. alam niyang labis na magagalit sa kaniya ito kapag nagising na ito pero ayos lang iyon. Mas maganda na lang na magalit ito sa kaniya kaysa ang mapahamak naman ito. Bago nga siya bumalik kanina sa bahay ng kaibigan ni Vena na si Sam upang isagawa na nga ang kanilang plano ay dumaan na muna siya sa ospital upang magpaalam sa ama nito.Mabuti na lamang at ang bantay sa ospital ng mga oras na iyon ay ang pangalawang anak nito na si Luke kaya malaya silang nakapa
Biglang napayakap sa sarili si Vena dahil sa kakaibang lamig na bumalot sa buong katawan niya. Nanghihina pa rin ang katawan niya ng mga oras na iyon at halos hindi niya maimulat ang kaniyang mga mata.Rinig niya ang malakas na hangin na nagmumula sa labas na dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng pagkaginaw ng mga oras na iyon. Agad niyang kinapa ang kumot sa kaniyang paanan kung saan ay mabilis niyang inabot iyon at ibinalot sa kaniyang buong katawan upang kahit papano ay mabawasan naman ang pagkaginaw na kaniyang nararamdaman.Nakapikit pa rin siya at pinapakinggan ang paligid, may naririnig siyang paghampas ng alon sa dalampasigan at mga huni ng ibon.Hampas ng alon sa dalampasigan? Bigla niyang natanong sa kaniyang isip at pagkatapos ay mabilis na napamulat ng mata at napabalikwas mula sa kaniyang kinahihigaan. Sumalubong sa kaniyang paningin ang maliwanag nang paligid at silid na hindi naman siya pamilyar. Bigla siyang napahawak sa kaniyang ulo ng wala sa oras at pagkatapos ay
Naghila ng upuan si Mario at pagkatapos ay naupo. Kasalukuyan ng kumakain ng umagahan ang dalawa niya pang kapatid na sina Thirdy at ang bunsong si Ceazar. Tahimik lamang ang mga itong kumakain kaya tahimik na lang din naman siyang sumandok ng kaniyang kakainin.Pagkasandok niya nga ay mabilis siyang nag- umpisang kumain. Halos mapapikit siya dahil sa sarap ng pagkain na nakahain sa kaniyang harapan ng mga oras na iyon. Noong hindi pa siya nagpapanggap bilang si Vin ay halos sumasapat lamang ang kinikita niya noon para sa pang- araw araw na gastusin nila ng kaniyang pamilya.Oo mayroon na siyang asawa at may dalawang anak na halos ilang buwan na rin niyang hindi nakikita dahil nga sa pagpapanggap na ginawa niya. Dahil nga sa nagpa- opera siya ng kaniyang mukha ay hindi siya pwedeng magpakita sa mga ito kahit na sobrang miss na miss na niya ang mga ito dahil kahit naman magpakita siya ay tiyak na hindi naman siya makikilala ng mga ito dahil sa iba na nga ang mukha niya.Para nga hindi
Ilang oras matapos nilang mag- usap ni Andrei ay hindi na niya ito nakita pang muli. Pagkatapos kasi nilang magkasagutan ay umakyat sa silid kung saan siyang nagising kanina at nagkulong at pagkalipas ng ilang oras ay tyaka naman may kumatok sa pinto na akala niya ay si Andrei na ngunit hindi naman pala.Ang napagbuksan niya nang mga oras na iyon ay isang may edad na babae na sa tantiya niya ay mga nasa edad kwarenta na. Nginitian siya nito kaya agad din naman siyang nagpaskil ng isang nahihiyang ngiti ng mga oras na iyon.“Kanina pa kita hinhintay na bumaba para kumain sana kaso hanggang ngayon hindi ka pa bumababa kaya sinadya na kita rito.” sabi nito sa kaniya.Nagulat naman siya dahil sa sinabi nito ng mga oras na iyon. Hindi niya alam na may kasama pala sila ni Andrei doon dahil hindi naman niya ito nakita kanina. O hindi niya lang napansin dahil sa pagmamadali niya kanina? Hindi niya na alam kung ano ang sagot sa tanong niya.“Ah, ano po kasi…” magdadahilan sana siya para hindi
Pagkatapos nilang malaman na wala sa sariling silid si Vena ay inumpisahan nila itong hinanap sa buong bahay. Sinubukan din nila itong tawagan ngunit ring lang ng ring ang cellphone nito. Idagdag pa na ang kotse nito ay nasa bahay naman nila kaya sobrang pag- aalala ang naramdaman ng lahat ng tao ng mga oras na iyon.Trinack na rin nila ang location ng cellphone nito at natagpuan nila ito sa loob ng sasakyan nito. Sinubukan nilang tawagan ang kaibigan nito kung naroon ba si Vena ngunit ang sabi nito ay wala naman daw ito doon. Isa pa ay ibinilin nito na kapag may balita na raw sila tungkol rito ay balitaan din raw siya dahil bilang kaibigan ay nag- aalala rin ito sa kaibigan nito na agad naman niyang inoohan.“Baka naman nagpunta sa ospital.” saad ni Thirdy sa kaniya dahil kanina pa siya hindi mapakali at nagpapalakad- lakad sa harap nito.“Oo nga Ceazar kaya huwag ka ng mag- alala.” sabi naman ng Kuya Vin niya na nakaupo din sa tabi ni Thirdy.Hindi. Hindi siya kumbinsido na nagpunt