“Dahan- dahan lang ang gawin niyang pagbuhat sa kaniya.” bilin ni Andrei sa ilang tauhan ni Zake na tumulong sa kanila upang isakay si Vena sa isang chopper na pagmamay- ari lang din ni Zake.Nilubos- lubos na niya ang ginawa niyang paghingi ng tulong kay Zake. Mula sa pagpapahiram nito ng chopper, mga tauhan nito at ang islang pagdadalhan niya kay Vena. mabuti na lamang at may ganuong pag- aari ang kaibigan niya dahil napakalaking tulong nito sa kaniya.Hindi na niya kailangan pang problemahin kung saan nga niya dadalhin si Vena. alam niyang labis na magagalit sa kaniya ito kapag nagising na ito pero ayos lang iyon. Mas maganda na lang na magalit ito sa kaniya kaysa ang mapahamak naman ito. Bago nga siya bumalik kanina sa bahay ng kaibigan ni Vena na si Sam upang isagawa na nga ang kanilang plano ay dumaan na muna siya sa ospital upang magpaalam sa ama nito.Mabuti na lamang at ang bantay sa ospital ng mga oras na iyon ay ang pangalawang anak nito na si Luke kaya malaya silang nakapa
Biglang napayakap sa sarili si Vena dahil sa kakaibang lamig na bumalot sa buong katawan niya. Nanghihina pa rin ang katawan niya ng mga oras na iyon at halos hindi niya maimulat ang kaniyang mga mata.Rinig niya ang malakas na hangin na nagmumula sa labas na dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng pagkaginaw ng mga oras na iyon. Agad niyang kinapa ang kumot sa kaniyang paanan kung saan ay mabilis niyang inabot iyon at ibinalot sa kaniyang buong katawan upang kahit papano ay mabawasan naman ang pagkaginaw na kaniyang nararamdaman.Nakapikit pa rin siya at pinapakinggan ang paligid, may naririnig siyang paghampas ng alon sa dalampasigan at mga huni ng ibon.Hampas ng alon sa dalampasigan? Bigla niyang natanong sa kaniyang isip at pagkatapos ay mabilis na napamulat ng mata at napabalikwas mula sa kaniyang kinahihigaan. Sumalubong sa kaniyang paningin ang maliwanag nang paligid at silid na hindi naman siya pamilyar. Bigla siyang napahawak sa kaniyang ulo ng wala sa oras at pagkatapos ay
Naghila ng upuan si Mario at pagkatapos ay naupo. Kasalukuyan ng kumakain ng umagahan ang dalawa niya pang kapatid na sina Thirdy at ang bunsong si Ceazar. Tahimik lamang ang mga itong kumakain kaya tahimik na lang din naman siyang sumandok ng kaniyang kakainin.Pagkasandok niya nga ay mabilis siyang nag- umpisang kumain. Halos mapapikit siya dahil sa sarap ng pagkain na nakahain sa kaniyang harapan ng mga oras na iyon. Noong hindi pa siya nagpapanggap bilang si Vin ay halos sumasapat lamang ang kinikita niya noon para sa pang- araw araw na gastusin nila ng kaniyang pamilya.Oo mayroon na siyang asawa at may dalawang anak na halos ilang buwan na rin niyang hindi nakikita dahil nga sa pagpapanggap na ginawa niya. Dahil nga sa nagpa- opera siya ng kaniyang mukha ay hindi siya pwedeng magpakita sa mga ito kahit na sobrang miss na miss na niya ang mga ito dahil kahit naman magpakita siya ay tiyak na hindi naman siya makikilala ng mga ito dahil sa iba na nga ang mukha niya.Para nga hindi
Ilang oras matapos nilang mag- usap ni Andrei ay hindi na niya ito nakita pang muli. Pagkatapos kasi nilang magkasagutan ay umakyat sa silid kung saan siyang nagising kanina at nagkulong at pagkalipas ng ilang oras ay tyaka naman may kumatok sa pinto na akala niya ay si Andrei na ngunit hindi naman pala.Ang napagbuksan niya nang mga oras na iyon ay isang may edad na babae na sa tantiya niya ay mga nasa edad kwarenta na. Nginitian siya nito kaya agad din naman siyang nagpaskil ng isang nahihiyang ngiti ng mga oras na iyon.“Kanina pa kita hinhintay na bumaba para kumain sana kaso hanggang ngayon hindi ka pa bumababa kaya sinadya na kita rito.” sabi nito sa kaniya.Nagulat naman siya dahil sa sinabi nito ng mga oras na iyon. Hindi niya alam na may kasama pala sila ni Andrei doon dahil hindi naman niya ito nakita kanina. O hindi niya lang napansin dahil sa pagmamadali niya kanina? Hindi niya na alam kung ano ang sagot sa tanong niya.“Ah, ano po kasi…” magdadahilan sana siya para hindi
Pagkatapos nilang malaman na wala sa sariling silid si Vena ay inumpisahan nila itong hinanap sa buong bahay. Sinubukan din nila itong tawagan ngunit ring lang ng ring ang cellphone nito. Idagdag pa na ang kotse nito ay nasa bahay naman nila kaya sobrang pag- aalala ang naramdaman ng lahat ng tao ng mga oras na iyon.Trinack na rin nila ang location ng cellphone nito at natagpuan nila ito sa loob ng sasakyan nito. Sinubukan nilang tawagan ang kaibigan nito kung naroon ba si Vena ngunit ang sabi nito ay wala naman daw ito doon. Isa pa ay ibinilin nito na kapag may balita na raw sila tungkol rito ay balitaan din raw siya dahil bilang kaibigan ay nag- aalala rin ito sa kaibigan nito na agad naman niyang inoohan.“Baka naman nagpunta sa ospital.” saad ni Thirdy sa kaniya dahil kanina pa siya hindi mapakali at nagpapalakad- lakad sa harap nito.“Oo nga Ceazar kaya huwag ka ng mag- alala.” sabi naman ng Kuya Vin niya na nakaupo din sa tabi ni Thirdy.Hindi. Hindi siya kumbinsido na nagpunt
Napapikit ng mariin si Cathy nang bigla na lamang siyang makarinig nang malakas na sigaw kasabay nun ay ang pagkabasag ng kagamitan sa sahig. Hindi siya kaagad nag- angat ang kaniyang ulo at hindi siya nagmulat ng kaniyang mga mata dahil naunahan na siya ng takot.“Shit! Shit! Shit!” sigaw nito.Pareho sila ni Mario na hindi umimik. Nasa bahay niya ang mga ito at hindi niya alam ang dahilan kung bakit ito ganuon. Pagkaratin na pagkarating pa lang nila ay galit na galit na ito kahit na wala pa naman itong sinasabing kahit ano.Sa katunayan nga niya ay sinalubong niya itong may ngiti sa kaniyang mga labi ngunit nang makita niya na masama ang timpla nito ay bigla siyang pumormal. Sa mukha pa lang kasi nito ay alam na niyang galit ito at may hindi na naman magandang nangyari.“Bwisit! Nasaan na kaya ang babaeng iyon?!” inis na saad nito at pagkatapos ay padabog na umupo sa tabi niya kaya napamulat siya ng kaniyang mga mata.Ang una niyang nakita ay ang kamay nito na may tumutulong dugo. A
Katulad nga ng inaasahan niya ay napakarami niyan naiwanan na mga trabaho sa kanyang mesa na kailangang- kailangan na niyang bigyan ng atensiyon. Kahit na busy siya sa kaniyang mga personal na buhay ay kailangan niya pa ring magtrabaho at pagtuunan ng pansin ang kompanya lalo na ng mga oras na iyon ay wala doon si Vena para asikasuhin ang ibang mga papeles.Kailangan niyang bilisan sa mga pagkilos at kailangang habang nagtatrabaho siya ay gumagalaw din siya para sa ikahahanap ng mastermind sa lahat ng nangyayari sa mga Silvestre. Nasisiguro niyang hindi na ito titigil kapag nalaman nitong nawawala si Vena.Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang bumukas ang kaniyang pinto na wala man lang siyang narinig na kahit na anumang katok kaya bigla siyang napatigil sa kaniyang ginagawa at nag- angat ng tingin sa pinto. Bahagya siyang nagulat nang makita ang lalaking nakatayo doon at unti- unting naglakad papasok sa opisina niya.Sa totoo lang ay inasahan na niya ang pagpapakita ng mga ito doon
“Ate pwede bang sabihin mo sakin ang tungkol sa sinabi mo kanina?” tanong ni Vena sa babaeng nasa harap niya at kumakain na rin.Hindi pa sana ito kakain ngunit pinilit niya ito na sabayan siya dahil nakakawalang gana namang kumain kung siya lang ang kakaing mag- isa. Kanina pa sila nag- umpisang kumain at halos patapos na siya. Hinihintay niya itong magkwento ngunit hindi niya naman ito mahintay kaya tinanong na lamang niya.Bigla naman itong napatigil sa pagkain at pagkatapos ay uminom ng tubig.“Talaga bang gusto mong malaman ang mga nangyari noon?” tanong nito sa kaniya.Tumango siya bilang sagot rito. Hindi niya alam kung ano ang kwento at talaga naman curious siya doon. Gustong- gusto niyang malaman kung ano iyon.Humugot muna ito ng malalim na buntung- hininga at pagkatapos ay nag- umpisa ng magkwento.“Ilang taon na ang nakalipas ay may dinala ritong dalaga si Sir Zake, ang may ari ng islang ito.” sabi nito.Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito.“Dinala? Anong
HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at
“AYOS ka lang ba?” muli niyang narinig na tanong nito at sa sumunod na sandali ay nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hawakan sa magkabila niyang balikat. Hinawakan din nito ang kanyang baba dahilan para magtama muli ang mga mata nito. Ang kanyang dibdib ay malakas pa rin ang pagtibok at natatakot siya na baka marinig nito iyon.Umawang ang kanyang bibig ngunit walang salita ang lumabas mula doon. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang baba ay nagdulot ng libo-libong boltaheng kuryente na kumalat sa buong katawan at pagkatao niya. Hindi siya makagalaw o ni matanggal ang kamay nito. Hindi niya rin maiiwas ang kanyang mga mata mula sa mata nito na para ba siyang hini-hipnotismo. Kapag tumagal pa siya sa harap nito ay baka kung ano na ang mangyari. Wala na siyang kontrol sa sarili niya dahil paulit-ulit niya namang sinasabihan ang isip niya na igalaw na ang kanyang mga paa ngunit wala iyong epekto.SA KABILANG banda ay napalunok si Finn habang nakatitig sa nakaawang nitong labi.
PAGKATAPOS NIYA LANG KUMAIN ay nagulat siya nang magsalita si Dorie habang inililigpit ang kanilang pinagkainang dalawa. “Siya nga pala ma’am Maxene, ibinilin ni sir Finn na pumunta ka raw sa study room pagkagising na pagkagising mo at may sasabihin daw siya sayo.” sabi nito.Nang marinig niya na naman ang pangalan ng lalaki ay hindi niya mapigilan na mapahinga ng marahas. Paano niya haharapin ang lalaking iyon mag-isa? Kaya niya ba na harapin ito pagkatapos ng lahat? Paano kung lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kaniya o paano kung sampalin siya nito?“Ma’am Maxene…” muling tawag sa kaniya ni Dorie na ikinabalik ng isip niya. “Okay lang ba kayo?” dagdag nitong tanong nang makita niyang para siyang wala sa sarili niya.Pinilit niya namang tumango rito. “Oo, ayos lang ako Dorie. Huwag mo akong alalahanin.” sabi niya at pilit pang ngumiti para kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya dahil kahit na hindi nito sabihin na nag-aalala ito ay kitang-kita niya iy
PAGKATAPOS MAKIPAG- usap ni Maxene sa lalaking ama ng kanyang mga anak ay dumiretso siya sa silid na ibinigay para sa kaniya ng lalaki. Hindi na siya nito pinayagan pang umalis at sinabi na doon na muna sila titirang tatlo ng mga anak niya hanggang sa hindi pa nito naisasaayos ang lahat. Alam niya na wala na siyang takas pa mula rito kaya pumayag na lang siya. Pakiramdam niya ay lambot na lambot ang katawan niya at pagod na pagod siya kaya nahiga na lang siya at hindi niya namamalayan ay bigla na lang siyang nakatulog kaagad.Nang magising siya ay medyo madilim na ang silid at ang malamlam na ilaw na lang ang nakasindi sa tabi ng kama. Napakusot siya ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang isip bigla kung anong oras na ba at kung gaano na siya katagal na nakatulog.Ilang sandali pa ay tumayo na siya sa kama upang lumabas ng silid para rin hanapin ang kanyang mga anak kung nasaan na ang mga ito. Paglabas niya ay tahimik na sa buong kabahayan at dahil doon ay hindi niya maiwasang m