Napapikit ng mariin si Cathy nang bigla na lamang siyang makarinig nang malakas na sigaw kasabay nun ay ang pagkabasag ng kagamitan sa sahig. Hindi siya kaagad nag- angat ang kaniyang ulo at hindi siya nagmulat ng kaniyang mga mata dahil naunahan na siya ng takot.“Shit! Shit! Shit!” sigaw nito.Pareho sila ni Mario na hindi umimik. Nasa bahay niya ang mga ito at hindi niya alam ang dahilan kung bakit ito ganuon. Pagkaratin na pagkarating pa lang nila ay galit na galit na ito kahit na wala pa naman itong sinasabing kahit ano.Sa katunayan nga niya ay sinalubong niya itong may ngiti sa kaniyang mga labi ngunit nang makita niya na masama ang timpla nito ay bigla siyang pumormal. Sa mukha pa lang kasi nito ay alam na niyang galit ito at may hindi na naman magandang nangyari.“Bwisit! Nasaan na kaya ang babaeng iyon?!” inis na saad nito at pagkatapos ay padabog na umupo sa tabi niya kaya napamulat siya ng kaniyang mga mata.Ang una niyang nakita ay ang kamay nito na may tumutulong dugo. A
Katulad nga ng inaasahan niya ay napakarami niyan naiwanan na mga trabaho sa kanyang mesa na kailangang- kailangan na niyang bigyan ng atensiyon. Kahit na busy siya sa kaniyang mga personal na buhay ay kailangan niya pa ring magtrabaho at pagtuunan ng pansin ang kompanya lalo na ng mga oras na iyon ay wala doon si Vena para asikasuhin ang ibang mga papeles.Kailangan niyang bilisan sa mga pagkilos at kailangang habang nagtatrabaho siya ay gumagalaw din siya para sa ikahahanap ng mastermind sa lahat ng nangyayari sa mga Silvestre. Nasisiguro niyang hindi na ito titigil kapag nalaman nitong nawawala si Vena.Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang bumukas ang kaniyang pinto na wala man lang siyang narinig na kahit na anumang katok kaya bigla siyang napatigil sa kaniyang ginagawa at nag- angat ng tingin sa pinto. Bahagya siyang nagulat nang makita ang lalaking nakatayo doon at unti- unting naglakad papasok sa opisina niya.Sa totoo lang ay inasahan na niya ang pagpapakita ng mga ito doon
“Ate pwede bang sabihin mo sakin ang tungkol sa sinabi mo kanina?” tanong ni Vena sa babaeng nasa harap niya at kumakain na rin.Hindi pa sana ito kakain ngunit pinilit niya ito na sabayan siya dahil nakakawalang gana namang kumain kung siya lang ang kakaing mag- isa. Kanina pa sila nag- umpisang kumain at halos patapos na siya. Hinihintay niya itong magkwento ngunit hindi niya naman ito mahintay kaya tinanong na lamang niya.Bigla naman itong napatigil sa pagkain at pagkatapos ay uminom ng tubig.“Talaga bang gusto mong malaman ang mga nangyari noon?” tanong nito sa kaniya.Tumango siya bilang sagot rito. Hindi niya alam kung ano ang kwento at talaga naman curious siya doon. Gustong- gusto niyang malaman kung ano iyon.Humugot muna ito ng malalim na buntung- hininga at pagkatapos ay nag- umpisa ng magkwento.“Ilang taon na ang nakalipas ay may dinala ritong dalaga si Sir Zake, ang may ari ng islang ito.” sabi nito.Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito.“Dinala? Anong
Nagmukmok maghapon si Vena sa silid niya pagkatapos niyang malaman. Akala niya ay wala na siyang kahit na anumang nararamdaman pa para kay Andrei ngunit laking pagkakamali niya. Narinig niya lang ang sinabi ng kasama niya kanina na akala niya ay ang Sheena na iyon ang makakatuluyan nito ay agad na siyang nasaktan kahit na hindi naman nito direktang sinabi sa kaniya na minahal nito iyon, pero alam niya na kahit hindi nito sinabi iyon sa kaniya ay alam niyang minahal nito ito dahil hindi naman ganun ang sasabihin nito kung hindi.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maamin sa sarili niya na mahal niya pa rin ito kahit na sobrang sasakit na ng mga salitang binibitawan niya rito. Kanina niya pa rin iniisip kung ano na kaya ang nangyari sa kaniyang ama dahil hindi niya naman mahanap ang kaniyang cellphone.Nakaligo na nga rin siya at handa nang lumabas dahil nagugutom na siya. Anong oras na ng mga oras na iyon at kanina pa siya tinatawag ng babae na bumaba upnag kumain ngunit
Muling napaangat ang ulo ni Andrei nang may marinig siyang katok sa kaniyang pinto. Napakarami niyang inaasikaso dahil maging ang mga trabaho ni Vena ay siya na rin ang gumagawa. Ibinilin niya sa kaniyang sekretarya na kung pwede sana ay huwag na muna siyang magpapasok ng kahit sino sa opisina niya.Pero ngayon nga ay may narinig syang katok sa pinto at hindi niya alam kung sino na naman iyon. Wala sana siyang balak tumigil sa kaniyang ginagawa ngunit baka ang impostor na naman iyon. Hinintay niya ang pagpasok nito kahit na hindi siya sumagot.Ilang sandali nga lang ay mabilis na pumasok si Cathy. Kanina pa ito tawag ng tawag sa kaniya at hindi niya iyon sinasagot. Wala talaga siyang balak na sagutin iyon dahil wala siyang oras sa panloloko nito sa kaniya. Masyado siyang maraming inaasikaso at iniintindi para pag- aksayahan niya pa ito ng oras.Naglakad ito patungo sa harap ng lamesa niya at kaagad niyang napansin ang hawak nito na tila pagkain. Oo nga pala, hindi pa nga pala siya kum
“Mukhang paniwalang- paniwala talaga ang mokong na iyon an buntis ka talaga ah.” ngising saad ni Mario kay Cathy.Nasa bahay na naman niya ang mga ito dahil kailangan na daw nilang planuhin ang isang bagay at hindi niya pa alam kung ano iyon. Ang alam lang niya ay may importante na naman silang pag- uusapan. Wala pa doon ang pinaka- boss nila dahil may dinaanan pa daw ito kaya silang dalawa pa lang ni Mario ang naroon. Kaagad niyang ipinagmalaki rito ang ibinigay sa kaniya ni Andrei na pera na dalawampung- libong piso.“Syempre. Sa galing ko ba namang umarte.” ngising sagot niya rin dito.Hindi naman talaga sila magkakilala ni MArio noon ngunit dahil nga sa ginawang plano nila ng boss nila ay nagkakilala sila. Nakilala lang din niya ang boss nila sa malayo pang probinsiya kung saan ay kinuha siya nito na personal assistant nito sa mga bagay- bagay pero hindi siya nakikita ng mga taong kasama niya ito.“Ipagpatuloy mo lang yan at nang matuwa naman sayo ni boss. Isa pa ay para matapos n
Alas sais na ng gabi at apurang- apura si Andrei na lumabas ng kaniyang opisina. Balak niya sanang mag- overtime para kahit papano ay mabawasan man lang ng kahit kaunti pa ang mga nakatambak na papeles na nasa ibabaw ng lamesa niya ngunit nagbago ang lahat nang bigla na lamang tumawag si Finn sa kaniya na dahilan ng pagbabago ng plano niya.Paano ba naman kasi ay nakabalik na ng Pilipinas si Mr. Smith at hawak na ito ng mga tauhan ni Finn. kasalukuyan itong nasa bahay ni Finn sa may storage room nito at ikinulong nila doon.Ilang minuto rin ang kaniyang ginugol sa pagmamaneho upang makarating sa bahay ni Finn dahil halos may kalayuan ito sa kaniyang kompanya. Mabuti na lang at maaasahan talaga ang kaibigan niya sa mga bagay na iyon. Magaling nga din pala itong maghack ng mga computer at may security agency pala ang pamilya nito na siyang pinamamahalaan nito iba pa ang iba nilang business na iniwan ng ama nito.Pagkarating nga niya sa tapat ng bahay ng kaniyang kaibigan ay may naghihin
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Finn sa kaniya nang makalabas na sila mula sa storage room.Hindi niya alam na nakasunod pala ito sa kaniya nang lumabas siya mula doon. Napabuntung- hininga na lamang siya at pagkatapos ay ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa sala ng bahay nito.“Hindi ko rin alam.” sagot niya rito na may katotohanan naman.Dahil sa hindi naman pala kilala ni Mr. Smith ang nag- utos ng lahat ng muntikan na niyang pagkamatay ay wala siyang maisip kung ano ang susunod na gagawin niya. Dahil rito ay mahihirapan talaga silang maghanap ng lead sa mastermind ng lahat.“Bakit hindi na lang natin pasundan ang impostor na lalaking iyon para malaman natin kung sino talaga ang kasabwat nito o kaya ay pwede naman natin siyang dukutin at pagkatapos ay paaminin na lang natin siya.” suhestiyon naman ni Finn sa kaniya.Napailing siya. Naisip na rin niya iyon nitong mga nakaraang araw pero may consequence iyon kapag ginawa nila iyon dahil hindi nila sigurado kapag ba nadakip nila it
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya. Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama. Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan. Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag s
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin