Nagmukmok maghapon si Vena sa silid niya pagkatapos niyang malaman. Akala niya ay wala na siyang kahit na anumang nararamdaman pa para kay Andrei ngunit laking pagkakamali niya. Narinig niya lang ang sinabi ng kasama niya kanina na akala niya ay ang Sheena na iyon ang makakatuluyan nito ay agad na siyang nasaktan kahit na hindi naman nito direktang sinabi sa kaniya na minahal nito iyon, pero alam niya na kahit hindi nito sinabi iyon sa kaniya ay alam niyang minahal nito ito dahil hindi naman ganun ang sasabihin nito kung hindi.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maamin sa sarili niya na mahal niya pa rin ito kahit na sobrang sasakit na ng mga salitang binibitawan niya rito. Kanina niya pa rin iniisip kung ano na kaya ang nangyari sa kaniyang ama dahil hindi niya naman mahanap ang kaniyang cellphone.Nakaligo na nga rin siya at handa nang lumabas dahil nagugutom na siya. Anong oras na ng mga oras na iyon at kanina pa siya tinatawag ng babae na bumaba upnag kumain ngunit
Muling napaangat ang ulo ni Andrei nang may marinig siyang katok sa kaniyang pinto. Napakarami niyang inaasikaso dahil maging ang mga trabaho ni Vena ay siya na rin ang gumagawa. Ibinilin niya sa kaniyang sekretarya na kung pwede sana ay huwag na muna siyang magpapasok ng kahit sino sa opisina niya.Pero ngayon nga ay may narinig syang katok sa pinto at hindi niya alam kung sino na naman iyon. Wala sana siyang balak tumigil sa kaniyang ginagawa ngunit baka ang impostor na naman iyon. Hinintay niya ang pagpasok nito kahit na hindi siya sumagot.Ilang sandali nga lang ay mabilis na pumasok si Cathy. Kanina pa ito tawag ng tawag sa kaniya at hindi niya iyon sinasagot. Wala talaga siyang balak na sagutin iyon dahil wala siyang oras sa panloloko nito sa kaniya. Masyado siyang maraming inaasikaso at iniintindi para pag- aksayahan niya pa ito ng oras.Naglakad ito patungo sa harap ng lamesa niya at kaagad niyang napansin ang hawak nito na tila pagkain. Oo nga pala, hindi pa nga pala siya kum
“Mukhang paniwalang- paniwala talaga ang mokong na iyon an buntis ka talaga ah.” ngising saad ni Mario kay Cathy.Nasa bahay na naman niya ang mga ito dahil kailangan na daw nilang planuhin ang isang bagay at hindi niya pa alam kung ano iyon. Ang alam lang niya ay may importante na naman silang pag- uusapan. Wala pa doon ang pinaka- boss nila dahil may dinaanan pa daw ito kaya silang dalawa pa lang ni Mario ang naroon. Kaagad niyang ipinagmalaki rito ang ibinigay sa kaniya ni Andrei na pera na dalawampung- libong piso.“Syempre. Sa galing ko ba namang umarte.” ngising sagot niya rin dito.Hindi naman talaga sila magkakilala ni MArio noon ngunit dahil nga sa ginawang plano nila ng boss nila ay nagkakilala sila. Nakilala lang din niya ang boss nila sa malayo pang probinsiya kung saan ay kinuha siya nito na personal assistant nito sa mga bagay- bagay pero hindi siya nakikita ng mga taong kasama niya ito.“Ipagpatuloy mo lang yan at nang matuwa naman sayo ni boss. Isa pa ay para matapos n
Alas sais na ng gabi at apurang- apura si Andrei na lumabas ng kaniyang opisina. Balak niya sanang mag- overtime para kahit papano ay mabawasan man lang ng kahit kaunti pa ang mga nakatambak na papeles na nasa ibabaw ng lamesa niya ngunit nagbago ang lahat nang bigla na lamang tumawag si Finn sa kaniya na dahilan ng pagbabago ng plano niya.Paano ba naman kasi ay nakabalik na ng Pilipinas si Mr. Smith at hawak na ito ng mga tauhan ni Finn. kasalukuyan itong nasa bahay ni Finn sa may storage room nito at ikinulong nila doon.Ilang minuto rin ang kaniyang ginugol sa pagmamaneho upang makarating sa bahay ni Finn dahil halos may kalayuan ito sa kaniyang kompanya. Mabuti na lang at maaasahan talaga ang kaibigan niya sa mga bagay na iyon. Magaling nga din pala itong maghack ng mga computer at may security agency pala ang pamilya nito na siyang pinamamahalaan nito iba pa ang iba nilang business na iniwan ng ama nito.Pagkarating nga niya sa tapat ng bahay ng kaniyang kaibigan ay may naghihin
“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Finn sa kaniya nang makalabas na sila mula sa storage room.Hindi niya alam na nakasunod pala ito sa kaniya nang lumabas siya mula doon. Napabuntung- hininga na lamang siya at pagkatapos ay ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa sala ng bahay nito.“Hindi ko rin alam.” sagot niya rito na may katotohanan naman.Dahil sa hindi naman pala kilala ni Mr. Smith ang nag- utos ng lahat ng muntikan na niyang pagkamatay ay wala siyang maisip kung ano ang susunod na gagawin niya. Dahil rito ay mahihirapan talaga silang maghanap ng lead sa mastermind ng lahat.“Bakit hindi na lang natin pasundan ang impostor na lalaking iyon para malaman natin kung sino talaga ang kasabwat nito o kaya ay pwede naman natin siyang dukutin at pagkatapos ay paaminin na lang natin siya.” suhestiyon naman ni Finn sa kaniya.Napailing siya. Naisip na rin niya iyon nitong mga nakaraang araw pero may consequence iyon kapag ginawa nila iyon dahil hindi nila sigurado kapag ba nadakip nila it
Nagising si Vena na halos nanghihina ang buo niyang katawan, ramdam na ramdam niya rin ang kirot sa kaniyang tuhod ng mga oras na iyon dahil sa hindi niya malaman na dahilan. Ilang beses siyang napakurap at inaalala kung ano ba ang nangyari.Bigla siyang napabangon ng wala sa oras nang maalala niya ang nangyari. Napanood niya sa balita na ang kaniyang ama ay namatay dahil sa isang aksidente habang pauwi na sana sa bahay nila. Awtomatikong nag- init ang mga sulok ng mga mata niya ng oras na iyon at bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.Sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Wala ang Daddy niya na nagmamahal sa kaniya ng sobra. Wala ng magagalit sa kaniya kapag nakasuot siya ng maiksing damit at wala ng magpapangaral sa kaniya. Napahikbi siya, sobrang sakit na malaman na wala na ang Daddy niya at wala man lang siya sa tabi nito.Akala ba niya ang proprotektahan ito ni Andrei pero bakit? Bakit ganito ang nangyari? Parang may bikig sa lalamunan niya dahil sa matinding pa
“Hija huwag ka ng masyadong umiyak. Kanina ka pa umiiyak.” sabi sa kaniya ni Ate Lorna. Sa wakas ay nalaman na rin niya ang pangalan nito, sa totoo lang ay kanina pa nga siya umiiyak at dinala na rin siya nito sa sala upang kahit papano ay matingnan- tingnan siya nito. Kahit kasi gusto na niyang tumigil sa pag- iyak ay ayaw ng kaniyang mga mata. Isa pa ay alam niyang namumugto na ito dahil sa sobrang pag- iyak niya.Kanina pa siya kino- comfort ni ate Lorna na wala namang may gustong mangyari ng lahat ng iyon kundi iyon na talaga ang nakatadhanang mangyari ngunit sarado ang isip niya. Kung sana ay hindi siya dinala doon ni Andrei upang ikulong ay may posibilidad sana na naiwasan nila ang ganuong pangyayari. Kung sana ay naroon siya sa tabi ng kaniyang ama.Narinig niya ang pagbuntung- hininga nito na nasa kaniyang tabi at pagkatapos ay inabot nito ang remote ng tv at binuksan. Kaya ito nasa tabi niya ay dahil kanina pa siya nito pinipilit na kumain na hanggang sa mga oras na iyon ay
Napakuyom ang mga kamay ni Andrei ng mabasa ang mga headline ng balita dahil sa pinakalat na fake news ng impostor na Vin. sa lahat ng social media platforms ay laganap ang issue tungkol kay Vena at samut- saring mga masasamang komento ang lahat ng kaniyang nababasa.Sa totoo lang ay hindi niya alam na ganito ang magiging resulta ng lahat at mukhang hindi pa maganda ang kinalabasan. Hinid niya lubos akalain na maiisip ng mga ito ang ganuong sitwasyon para siraan si Vena at kung tutuusin ay halos lahat ng tao ay maniniwala sa mga binitawang salita ng impostor na iyon dahil nga hindi talaga nagpakita si Vena hanggang sa huling araw ng burol ng Daddy nito.Dahil mainit din ang issue ay pati siya ay nadadamay dahil alam na ng press na siya ay asawa ni Vena at halos hindi na rin siya makakilos ng malaya dahil simula paglabas pa lamang niya ng bahay ay may nakabuntot na kaagad na mga reporter sa kaniya hanggang sa pagpasok niya ng kaniyang opisina.Dalawang araw nga lang pagkatapos maiburol
HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at
“AYOS ka lang ba?” muli niyang narinig na tanong nito at sa sumunod na sandali ay nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hawakan sa magkabila niyang balikat. Hinawakan din nito ang kanyang baba dahilan para magtama muli ang mga mata nito. Ang kanyang dibdib ay malakas pa rin ang pagtibok at natatakot siya na baka marinig nito iyon.Umawang ang kanyang bibig ngunit walang salita ang lumabas mula doon. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang baba ay nagdulot ng libo-libong boltaheng kuryente na kumalat sa buong katawan at pagkatao niya. Hindi siya makagalaw o ni matanggal ang kamay nito. Hindi niya rin maiiwas ang kanyang mga mata mula sa mata nito na para ba siyang hini-hipnotismo. Kapag tumagal pa siya sa harap nito ay baka kung ano na ang mangyari. Wala na siyang kontrol sa sarili niya dahil paulit-ulit niya namang sinasabihan ang isip niya na igalaw na ang kanyang mga paa ngunit wala iyong epekto.SA KABILANG banda ay napalunok si Finn habang nakatitig sa nakaawang nitong labi.
PAGKATAPOS NIYA LANG KUMAIN ay nagulat siya nang magsalita si Dorie habang inililigpit ang kanilang pinagkainang dalawa. “Siya nga pala ma’am Maxene, ibinilin ni sir Finn na pumunta ka raw sa study room pagkagising na pagkagising mo at may sasabihin daw siya sayo.” sabi nito.Nang marinig niya na naman ang pangalan ng lalaki ay hindi niya mapigilan na mapahinga ng marahas. Paano niya haharapin ang lalaking iyon mag-isa? Kaya niya ba na harapin ito pagkatapos ng lahat? Paano kung lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kaniya o paano kung sampalin siya nito?“Ma’am Maxene…” muling tawag sa kaniya ni Dorie na ikinabalik ng isip niya. “Okay lang ba kayo?” dagdag nitong tanong nang makita niyang para siyang wala sa sarili niya.Pinilit niya namang tumango rito. “Oo, ayos lang ako Dorie. Huwag mo akong alalahanin.” sabi niya at pilit pang ngumiti para kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya dahil kahit na hindi nito sabihin na nag-aalala ito ay kitang-kita niya iy
PAGKATAPOS MAKIPAG- usap ni Maxene sa lalaking ama ng kanyang mga anak ay dumiretso siya sa silid na ibinigay para sa kaniya ng lalaki. Hindi na siya nito pinayagan pang umalis at sinabi na doon na muna sila titirang tatlo ng mga anak niya hanggang sa hindi pa nito naisasaayos ang lahat. Alam niya na wala na siyang takas pa mula rito kaya pumayag na lang siya. Pakiramdam niya ay lambot na lambot ang katawan niya at pagod na pagod siya kaya nahiga na lang siya at hindi niya namamalayan ay bigla na lang siyang nakatulog kaagad.Nang magising siya ay medyo madilim na ang silid at ang malamlam na ilaw na lang ang nakasindi sa tabi ng kama. Napakusot siya ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang isip bigla kung anong oras na ba at kung gaano na siya katagal na nakatulog.Ilang sandali pa ay tumayo na siya sa kama upang lumabas ng silid para rin hanapin ang kanyang mga anak kung nasaan na ang mga ito. Paglabas niya ay tahimik na sa buong kabahayan at dahil doon ay hindi niya maiwasang m