“Hija huwag ka ng masyadong umiyak. Kanina ka pa umiiyak.” sabi sa kaniya ni Ate Lorna. Sa wakas ay nalaman na rin niya ang pangalan nito, sa totoo lang ay kanina pa nga siya umiiyak at dinala na rin siya nito sa sala upang kahit papano ay matingnan- tingnan siya nito. Kahit kasi gusto na niyang tumigil sa pag- iyak ay ayaw ng kaniyang mga mata. Isa pa ay alam niyang namumugto na ito dahil sa sobrang pag- iyak niya.Kanina pa siya kino- comfort ni ate Lorna na wala namang may gustong mangyari ng lahat ng iyon kundi iyon na talaga ang nakatadhanang mangyari ngunit sarado ang isip niya. Kung sana ay hindi siya dinala doon ni Andrei upang ikulong ay may posibilidad sana na naiwasan nila ang ganuong pangyayari. Kung sana ay naroon siya sa tabi ng kaniyang ama.Narinig niya ang pagbuntung- hininga nito na nasa kaniyang tabi at pagkatapos ay inabot nito ang remote ng tv at binuksan. Kaya ito nasa tabi niya ay dahil kanina pa siya nito pinipilit na kumain na hanggang sa mga oras na iyon ay
Napakuyom ang mga kamay ni Andrei ng mabasa ang mga headline ng balita dahil sa pinakalat na fake news ng impostor na Vin. sa lahat ng social media platforms ay laganap ang issue tungkol kay Vena at samut- saring mga masasamang komento ang lahat ng kaniyang nababasa.Sa totoo lang ay hindi niya alam na ganito ang magiging resulta ng lahat at mukhang hindi pa maganda ang kinalabasan. Hinid niya lubos akalain na maiisip ng mga ito ang ganuong sitwasyon para siraan si Vena at kung tutuusin ay halos lahat ng tao ay maniniwala sa mga binitawang salita ng impostor na iyon dahil nga hindi talaga nagpakita si Vena hanggang sa huling araw ng burol ng Daddy nito.Dahil mainit din ang issue ay pati siya ay nadadamay dahil alam na ng press na siya ay asawa ni Vena at halos hindi na rin siya makakilos ng malaya dahil simula paglabas pa lamang niya ng bahay ay may nakabuntot na kaagad na mga reporter sa kaniya hanggang sa pagpasok niya ng kaniyang opisina.Dalawang araw nga lang pagkatapos maiburol
“Kung sino man ang nagtakas sa matandang iyon noong gabing iyon ay napakagaling niya at masasabi kong napakabait niya dahil sa ginawa niya ay napadali ang ating trabaho.” masayang saad ng kaniyang boss na nakaupo sa tabi ni Cathy.Nanatiling walang imik si Cathy sa tabi nito at maging siya ay hindi umimik. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin niya rito.“Gusto kitang puriin Mario dahil sa magaling na pag- arte mo lalo na sa harap ng mga reporters. Sa unang pagkakataon ay napahanga mo ako.” natutuwang saad nito na ikinangiti niya.Kitang- kita niya ang kasiyahan sa mukha nito ng mga oras na iyon at hindi talaga nito maitago na talaga namang masaya talaga ito dahil sa nangyari. Isa pa ay tama lang naman na matuwa ito dahil ginagawa naman niya talaga ang best niya para mapaniwala niya ang lahat na si Vena nga ang may pakana ng lahat ng iyon.“Salamat boss.” sagot niya at pagkatapos ay napatanong. “Anong plano mo sa kapatid niya na parang ayaw pang maniwala sa mga sinabi ko? Mukhan
Ilang araw na ang nakakalipas nang mawala ang ama ni Vena at hindi pa rin bumabalik doon si Andrei. Upang makabalita siya ng nangyayari sa labas ng islang iyon ay nanunuod na lamang siya ng mga balita para kahit papano ay maging updated siya at nang araw nga na iyon napabalita na tuluyan na ngang inihatid ang kaniyang ama sa huling hantungan nito.Labis siyang naghihinagpis dahil hanggang sa huling sandali ay hindi niya nakasama ang knaiyang ama o ni kahit nagbigay man lang respeto rito dahil hanggang sa mga oras na iyon ay nakakulong pa rin siya sa islang iyon. Idagdag pa na itinuturing na siyang prime suspect sa pagkamatay ng kaniyang ama kahit na wala naman talaga siyang kinalaman sa mga iyon.Halos ilang araw na siyang walang maayos na tulog dahil palagi lang siyang umiiyak. Halos hindi rin siya nagkakakain at kung titingnan ang itsura niya sa salamin ay masasbi niyang pumayat siya dahil sa sobrang pag- aalala niya sa kaniyang ama.Ngayon ay inaalala niya ang mga kapatid niya at a
Napakunot ang noo ni Mario habang nakasakay siya ng kaniyang sasakyan. Pauwi na sana siya ngunit tumawag ang kaniyang boss at sinabing makipagkita raw siya rito sa bahay ni Cathy. Gusto sana niyang magpahinga dahil napakarami ng knaiyang ginawa sa kaniyang opisina dahil sa ilang araw na hindi niya halos pananatili sa opisina dahil nga sa pagkamatay ng matandang iyon ngunit dahil nga utos ng boss niya na makipagkita siya ay wala siyang magagawa kundi ang sumunod na lamang rito.Ilang metro pa nga lang ang natatakbo ng kaniyang sasakyan ng bigla na lamang niya naramdaman ang pagka- flat ng kaniyang gulong at mabuti na lamang at mabilis siyang nakapag- preno. Ipinark niya sa gilid ng daan ang knaiyang sasakyan at pagkatapos ay mabilis na lumabas ng sasakyan upang tingnan ang kaniyang gulong.Napailing na lamang siya nang makita na hindi lang isang gulong niya ang flat kundi dalawa pa sa harap. Hindi siya makapaniwalang napaupo upang tingnan ang mga ito, halos tuwing aalis naman siya ay c
“Ano?” tanong nito at biglang nagsalubong ang mga kilay.Dahil sa ekspresyon ng mukha nito ay mukhang may hindi na naman magandang nangyari at hindi niya alam kung tungkol saan iyon. Nanatili siyang nakatitig rito at pagkatapos ay nakinig lamang sa mga susund na sasabihin nito.“Paano yun nangyari?” kunot na kunot ang noo nitong tanong sa kausap nito.Sa pakiwari niya ay mukhang si Mario na ang kausap nito dahil sa tono ng boses nito. Mukhang sa wakas ay nagawa na nitong silipin ang cellphone nito. Napahilot ito ng sentido at pagkatapos ay muling bumalik sa loob ng kaniyang bahay, ang plano nitong pag- alis na sana kanina ay hindi na nito nagawa pa dahil nga sa may tumawag na rito.Sinundan niya lamang ito ng tingin at sumunod rito.“Wala bang nakakita?” tanong nito sa kausap at kitang- kita niya ang pagkuyom ng isa sa mga kamay nito at halos maglabasan din ang mga ugat nito sa noo, tanda na nagpipigil na naman ito ng galit. Mukhang may hindi na naman talaga magandang nangyari, sana
“Ano hindi ka pa rin ba magsasalita?” tanong ni Finn sa impostor na Kuya ni Vena.Hinawakan niito ang buhok nito at pagkatapos ay pinatingin sa kaniya. Putok na ang labi nito at may bitak na rin sa kilay nito dahil sa mga suntok na ginawa ni Finn rito. Ni kahit na katiting na awa ng mga oras na iyon ay wala siyang maramdaman para rito.Kulang pa ang mga iyon sa mga ginawa nito sa kapatid ni Vena na totoong Vin. bigla niyang nakita ang unti- unting pagguhit ng ngiti sa mga labi nito at pagkatapos ay nauwi sa pagtawa nito.“Wala kayong makukuhang impormasyon sa akin at isa pa, gusto kong malaman ninyo na patay na ang tunay na Vin.” tumawa ito. “Itinapon namin siya sa dagat kahapon at hinayaang magpalutang- lutang sa dagat habang wala ng buhay panigurado akong pinagpyestahan na siya ng mga pating—”Hindi na nito natapos pang sinasabi dahil siya na mismo ang sumuntok rito. Galit na galit siya ng mga oras na iyon dahil sa kaniyang naririnig. Proud na proud pa ito sa ginawa nitong krimen at
Hindi maiwasan na hindi mapakuyom ang mga kamay ni Andrei pagkalabas nila ng silid kung saan naroon ang impostor na kuya ni Vena. Ayaw nitong magsalita at nananatiling nakatikom ang bibig, sa itsura nito ay mukha talagang wala itong balak na sabihin kung sino ang amo nito.Pero dahil sa hawak nila ang cellphone nito ay kailangan lang nilang ipa- track sa mga tauhan ni Finn kung sino ang lalaking tinawagan nila kanina na ang nakapangalan lang ay boss. Gamit ang numero nito ay masisiguro nila kung sino ito at kung nasaan ito.“Malalaman din natin kung sino ang may pakana nito. Huwag ka ng masyadong mag- alala.” sabi ni Zake sa kaniya ngunit napabuntung- hininga lamang siya.“Oo nga, ilang oras lang ay mat- track din nila kung sino ang boss nito.” dagdag naman ni Finn. “Ang pinakamabuti mo munang gawin sa ngayon ay magpahinga kana lang muna dahil baka naman magkasakit ka. Halos hindi ka na yata natutulog.” sabi nito sa kaniya.Napapikit naman siya at pagkatapos ay napasandal sa upuan at
KARGA NI MAXENE si Jeydon at si Jayden naman ay karga ni Dorie. Ang mga bagahe nila ay hila-hila nila sa kabila nilang mga kamay. Nagpahatid lang sila sa kanilang driver sa may airport. Mabuti na lang at may kakilala si Maxene kung saan ay agad silang naka-secure ng ticket paalis ng bansa at hindi na nila kailangan pang maghintay.Maaga pa para sa kanilang flight ngunit sinabi niya kay Dorie na doon na lang sila magpalipas ng oras nila kaysa maghabol sila ng oras mamaya at pumayag naman ito kaya naroon na sila sa may airport. Tumambay na muna sila sa waiting area ng airport. Bilang paghahanda sa kanilang flight ay naghanda sila ng mga pwedeng kainin ng dalawa para hindi mag-iiyak ang mga ito. Idagdag pa na may dala din silang mga laruan para kahit papano ay malibang ang mga ito.Sumandal na muna siya sa kanyang kinauupuan at napabuntung-hininga. Panigurado sa lugar na iyon ay malabong magkita silang dalawa ng lalaking iyon. Napakabilis lang ng paghahanda na ginawa nila dahil halos is
MALAKAS ANG TIBOK ng puso ni Maxene habang nag-iimpake siya ng mga gamit nilang mag-iina. Kaunti lang din naman ang kailangan nilang iimpake dahil nga ang ibang gamit nila ay hindi pa rin nailalabas mula sa dala nilang mga maleta dahil nag-apura nga din siya na umalis para sa kasal ng kaibigan niyang si Vena.Idagdag pa na mabuti na lang at mayroon siyang katulong sa pag-iimpake na si Dorie. Hindi na niya rin kailangan pang problemahin ang mga anak niya dahil hindi naman gaanong makukulit ang mga ito. Kaya nga lang ay iniisip niya kung ano na naman ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kaniya lalo pa at umalis na lang siya basta na walang sinasabi sa mga ito.Napabuntung-hininga siya. Kahit na gusto niyang maka-bonding ang mga ito ngunit natatakot siya na isugal ang mga anak niya. Baka mamaya ay mabanggit ng mga ito ang tungkol sa mga anak niya sa harap ng lalaking iyon at maisip nito kaagad na may nabuo silang dalawa noong gabing iyon.Kahit na gaano pa kalakas ang loob niya na harap
AGAD NA lumayo muna si Finn kina Zake para nga sagutin ang tawag ni Beatrice ang kanyang girlfriend. Hindi niya akalain na tatawag ito ng mga oras na iyon. Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang magsalita ay narinig na niya ang tinig ni Beatrice sa kabilang linya. “Baby, will you come pick me up at the airport later?” malambing na tanong nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya bigla nang ma-realize niya ang sinabi nito, sunduin? Sa airport? Bakit? Uuwi na ba ito ng bansa? Hindi ba at ang sabi nito ay mga next month pa ito uuwi? Bakit parang napaaga yata? “Baby, are you still there?” muli nitong tanong sa kaniya nang hindi niya magawang sumagot sa tanong nito.“Ah, yes. Bakit parang napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba next month pa?” hindi niya naiwasang itanong dito dahil sa gulat na rin niya.Sa kabilang banda ay napanguso naman si Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Finn. “hindi ka ba masaya baby na umuwi na ako? Hindi mo ba
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.