Isa pa ay tila ba pakiramdam nito ay welcome na welcome ito sa opisina niya samantalang alam naman nitong inis siya rito. Alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi niya ito kinakausap kaya siya na ang sumuko. Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay isinara ang kaniyang pinapasadahang report. Sumandal siya sa kaniyang upuan at napatitig rito.“What do you want?” nakakunot ang noong tanong niya rito at pagkatapos ay muli na namang napatitig sa mga galos nito. Nadi- distract siya habang nakatingin sa mga ito at hindi na niya magawang iiwas pa ang kaniyang tingin mula sa mga iyon. Bakit ba kasi may galos ang mga ito? Saan nito nakuha ang mga iyon? Teka, bakit ano bang pakialam niya rito? Hindi ba at galit siya rito pero bakit tila ba nag- aalala siya rito?Napapikit siya at pagkatapos ay napailing. Ano bang iniisip niya at ano bang pumasok sa utak niya at kung ano- ano ang iniisip niya. Nahilot tuloy siya ng kaniyang sentido ng wala sa oras ng mga oras na iyon. Epekto siguro iyon ng
Naiwan si Andrei na tulala sa loob ng opisina ni Vena. inasahan niya na iyon dahil alma niyang matigas talaga ang ulo nito at hindi it basta- basta makikinig sa kaniya. Akala pa naman niya ay madadaan niya pa ito sa magandang usapan ngunit nagkakamali pala siya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang pilitin itong umalis doon sa ayaw at sa gusto nito.Napalingon sa pinto kung saan lumabas ang galit na galit na si Vena. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung ano ang iniisip nito at kung ano ang tumatakbo sa isip nito o kung nagpaplano na ba ito ng gagawin nito. Nasisigur niya na hindi rin ito matatahimik dahil sa mga sinabi niya.Kailangan na niyang gumawa ng paraan upang maialis si Vena doon. Kung hindi ito mapakiusapan ng maayos ay wala na talaga siyang ibang pagpipilian pa kundi ang daanin ito sa sapilitan at sa wala na itong magagawa pa.Napabuntung- hininga na lamang sya at pagkatapos ay lumabas na ng silid na iyon.…Dumiretso sa cr si Vena at pagkatapos ay mabilis na pu
Katulad kanina ay muli na naman itong natahimik. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito at kung sumama ba ang loob nito. Pero wala pa naman siyang sinasabi na sa kaniya ipinangalan ng kaniyang ama ang lahat.“Vena ano namang batayan niya sa pagsasabi nun? Isa pa ay lagi mo namang nakikita at nakakasama sa bahay si Kuya Vin diba? Tapos naniniwala ka sa mga ganyang bagay?” seryosong tanong nito sa kaniya.Sa mga oras na iyon ay bigla siyang naguluhan at bigla siyang napatanong sa kaniyang sarili kung tama nga ba ang kaniyang Daddy? “Pero Ceazar—”“Vena baka pinapaniwala ka lang nila at baka mamaya sinasadya na siraan talaga si Kuya Vin. ano ka ba naman Vena.” sabi nito.“Pero, pero Ceazar pinagtangkaan nila ang buhay ni Andrei at ni Daddy—”“Yan, isa pa yang lalaking yan Vena e. Simula nang mapalapit ka diyan sa lalaking iyon ay naging ganyan na ang buhay mo. isa pa ay bakit naman pagtatangkaan ang buhay ni Daddy at ng lalaking iyon? Mamaya ay pinapaniwala ka lang nila at nag- usap
Naalimpungatan si Vena nang marinig niya ang pag- ring ng kaniyang cellphone. Wala siyang ideya kung anong oras na ng mga sandaling iyon. Awtomatiko naman siyang napatakip ng kumot sa knaiyang ulo dahil wala siyang planong sagutin ang tawag. Wala siyang pakialam kung sino pa iyon isa pa ay antok na antok siya. Ngayon lang siya ulit nakatulog ng ganun kahimbing pagkatapos na maisugod sa ospital ang kaniyang ama. Bumabawi pa lamang siya ng kaniyang puyat sa totoo lang at isa pa ay doon lang siya talagang nakakapagpahinga kapag natutulog siya sa dami ng iniintindi nya nitong mga nakaraang araw.Paniguradong titigil din ang pag- ring nito kapag hindi niya iyon sinagot. Napapikit siya ng mariin ng tuluyan na ngang mamatay ang pag- ring at matutulog na sana siyang muli nang muli na naman niyang narinig ang pag- ring ng kaniyang cellphone. Pangalawang tawag na iyon ng kung sinumang tumatawag sa kaniya at nasisiguro niyang importante nga iyon dahil hindi naman tatawag ang isang tao ng paulit-
Pinanuod ni Sam ang pagbagsak ni Vena sa harapan niya ngunit bago pa man ito bumagsak sa sahig ay mabilis naman na gumalaw si Andrei upang saluhin ito sa kamay nito. Napabuntung- hininga na lamang siya habang nakatutok pa rin ang mga mata niya kung paano nito kinarga ang kaibigan niya at hindi niya din maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya pumayag sa gusto nito.Ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig ni Andrei.“Salamat at pasensiya ka na talaga.” sabi nit at pagkatapos ay tumitig sa kaniyang mga mata. “Ipinapangako ko sayo na hinding- hindi ko na siya sasaktan pang muli.” paniniyak nito sa kaniya na ikinatango na lamang niya at pagkatapos ay sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na nga itong makaalis.Ilang minuto pa nga ang lumipas ay tuluyan na niyang narinig ang pag- andar ng kotse nito at alam niyang aalis na ang mga ito. Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Napasandal din siya sa kaniyang kinuupuan
“Dahan- dahan lang ang gawin niyang pagbuhat sa kaniya.” bilin ni Andrei sa ilang tauhan ni Zake na tumulong sa kanila upang isakay si Vena sa isang chopper na pagmamay- ari lang din ni Zake.Nilubos- lubos na niya ang ginawa niyang paghingi ng tulong kay Zake. Mula sa pagpapahiram nito ng chopper, mga tauhan nito at ang islang pagdadalhan niya kay Vena. mabuti na lamang at may ganuong pag- aari ang kaibigan niya dahil napakalaking tulong nito sa kaniya.Hindi na niya kailangan pang problemahin kung saan nga niya dadalhin si Vena. alam niyang labis na magagalit sa kaniya ito kapag nagising na ito pero ayos lang iyon. Mas maganda na lang na magalit ito sa kaniya kaysa ang mapahamak naman ito. Bago nga siya bumalik kanina sa bahay ng kaibigan ni Vena na si Sam upang isagawa na nga ang kanilang plano ay dumaan na muna siya sa ospital upang magpaalam sa ama nito.Mabuti na lamang at ang bantay sa ospital ng mga oras na iyon ay ang pangalawang anak nito na si Luke kaya malaya silang nakapa
Biglang napayakap sa sarili si Vena dahil sa kakaibang lamig na bumalot sa buong katawan niya. Nanghihina pa rin ang katawan niya ng mga oras na iyon at halos hindi niya maimulat ang kaniyang mga mata.Rinig niya ang malakas na hangin na nagmumula sa labas na dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng pagkaginaw ng mga oras na iyon. Agad niyang kinapa ang kumot sa kaniyang paanan kung saan ay mabilis niyang inabot iyon at ibinalot sa kaniyang buong katawan upang kahit papano ay mabawasan naman ang pagkaginaw na kaniyang nararamdaman.Nakapikit pa rin siya at pinapakinggan ang paligid, may naririnig siyang paghampas ng alon sa dalampasigan at mga huni ng ibon.Hampas ng alon sa dalampasigan? Bigla niyang natanong sa kaniyang isip at pagkatapos ay mabilis na napamulat ng mata at napabalikwas mula sa kaniyang kinahihigaan. Sumalubong sa kaniyang paningin ang maliwanag nang paligid at silid na hindi naman siya pamilyar. Bigla siyang napahawak sa kaniyang ulo ng wala sa oras at pagkatapos ay
Naghila ng upuan si Mario at pagkatapos ay naupo. Kasalukuyan ng kumakain ng umagahan ang dalawa niya pang kapatid na sina Thirdy at ang bunsong si Ceazar. Tahimik lamang ang mga itong kumakain kaya tahimik na lang din naman siyang sumandok ng kaniyang kakainin.Pagkasandok niya nga ay mabilis siyang nag- umpisang kumain. Halos mapapikit siya dahil sa sarap ng pagkain na nakahain sa kaniyang harapan ng mga oras na iyon. Noong hindi pa siya nagpapanggap bilang si Vin ay halos sumasapat lamang ang kinikita niya noon para sa pang- araw araw na gastusin nila ng kaniyang pamilya.Oo mayroon na siyang asawa at may dalawang anak na halos ilang buwan na rin niyang hindi nakikita dahil nga sa pagpapanggap na ginawa niya. Dahil nga sa nagpa- opera siya ng kaniyang mukha ay hindi siya pwedeng magpakita sa mga ito kahit na sobrang miss na miss na niya ang mga ito dahil kahit naman magpakita siya ay tiyak na hindi naman siya makikilala ng mga ito dahil sa iba na nga ang mukha niya.Para nga hindi
KARGA NI MAXENE si Jeydon at si Jayden naman ay karga ni Dorie. Ang mga bagahe nila ay hila-hila nila sa kabila nilang mga kamay. Nagpahatid lang sila sa kanilang driver sa may airport. Mabuti na lang at may kakilala si Maxene kung saan ay agad silang naka-secure ng ticket paalis ng bansa at hindi na nila kailangan pang maghintay.Maaga pa para sa kanilang flight ngunit sinabi niya kay Dorie na doon na lang sila magpalipas ng oras nila kaysa maghabol sila ng oras mamaya at pumayag naman ito kaya naroon na sila sa may airport. Tumambay na muna sila sa waiting area ng airport. Bilang paghahanda sa kanilang flight ay naghanda sila ng mga pwedeng kainin ng dalawa para hindi mag-iiyak ang mga ito. Idagdag pa na may dala din silang mga laruan para kahit papano ay malibang ang mga ito.Sumandal na muna siya sa kanyang kinauupuan at napabuntung-hininga. Panigurado sa lugar na iyon ay malabong magkita silang dalawa ng lalaking iyon. Napakabilis lang ng paghahanda na ginawa nila dahil halos is
MALAKAS ANG TIBOK ng puso ni Maxene habang nag-iimpake siya ng mga gamit nilang mag-iina. Kaunti lang din naman ang kailangan nilang iimpake dahil nga ang ibang gamit nila ay hindi pa rin nailalabas mula sa dala nilang mga maleta dahil nag-apura nga din siya na umalis para sa kasal ng kaibigan niyang si Vena.Idagdag pa na mabuti na lang at mayroon siyang katulong sa pag-iimpake na si Dorie. Hindi na niya rin kailangan pang problemahin ang mga anak niya dahil hindi naman gaanong makukulit ang mga ito. Kaya nga lang ay iniisip niya kung ano na naman ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kaniya lalo pa at umalis na lang siya basta na walang sinasabi sa mga ito.Napabuntung-hininga siya. Kahit na gusto niyang maka-bonding ang mga ito ngunit natatakot siya na isugal ang mga anak niya. Baka mamaya ay mabanggit ng mga ito ang tungkol sa mga anak niya sa harap ng lalaking iyon at maisip nito kaagad na may nabuo silang dalawa noong gabing iyon.Kahit na gaano pa kalakas ang loob niya na harap
AGAD NA lumayo muna si Finn kina Zake para nga sagutin ang tawag ni Beatrice ang kanyang girlfriend. Hindi niya akalain na tatawag ito ng mga oras na iyon. Hindi pa man niya naibubuka ang kanyang bibig upang magsalita ay narinig na niya ang tinig ni Beatrice sa kabilang linya. “Baby, will you come pick me up at the airport later?” malambing na tanong nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya bigla nang ma-realize niya ang sinabi nito, sunduin? Sa airport? Bakit? Uuwi na ba ito ng bansa? Hindi ba at ang sabi nito ay mga next month pa ito uuwi? Bakit parang napaaga yata? “Baby, are you still there?” muli nitong tanong sa kaniya nang hindi niya magawang sumagot sa tanong nito.“Ah, yes. Bakit parang napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba next month pa?” hindi niya naiwasang itanong dito dahil sa gulat na rin niya.Sa kabilang banda ay napanguso naman si Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Finn. “hindi ka ba masaya baby na umuwi na ako? Hindi mo ba
Mabilis pa sa alas kwatro na nakauwi si Maxene sa bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok niya agad doon ay agad ipina-lock ang gate at takot na takot na pumasok sa loob.Kaagad niyang hinanap ang kanyang mga anak na noon ay naglalaro pala sa silid sa itaas. Nang makita siya ni Dorie na pumasok ay bahagya itong nagulat. “Maam, na-nandito na po kayo kaagad? Hindi po ba at halos kaalis niyo lang?” tanong nito sa kaniya na puno ng pagtataka.Sinulyapan niya naman ito at pagkatapos ay tinanguan. “Oo, may nangyari kasi. At gusto ko sana Dorie na i-empake mo na ngayon din ang mga gamit ng dalawa. Aalis na ulit tayo ngayon din.” sabi niya rito.Kung kanina ay pagtataka lamang ang mababanaag sa mukha ni Dorie nang mga oras na iyon ay napalitan ito ng matinding pagkagulat. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig at pagkatapos ay isinara, marahil ay gusto nitong magtanong ngunit hindi na lamang nito itinuloy iyon at pagkatapos ay tumango sa kaniya at nagpaalam.Agad naman siyang lumapit sa kanyang mg
Hinalikan ni Maxene ang kanyang dalawang anak at pagkatapos ay nilingon niya si Dorie. “Ikaw na muna ang bahala sa kanila ha?” sabi niya rito. Mabilsi naman itong tumango sa kaniya. “Opo, maam makakaasa po kayo na aalagaan ko po sila.” sagot nito sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siya tumango at pagkatapos ay tumayo at lumabas na nang pinto at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may labas kung saan ay nakaabang na ang kotseng sasakyan. Iyon pa lang ang pangalawang araw niya na dumating sa bansa. Sa katunayan nga ay wala sana siyang planong umuwi ng Pinas kung hindi nga lang ikakasal si Vena kaya napilitan siyang umuwi para dumalo. Isa pa ay halos ilang taon na rin naman silang hindi nagkikita nito kaya madami rin naman silang kailangang pagkwentuhan. Kaya lang, nung nasa kalagitnaan na siya ng kanyang byahe ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic jam kaya halos dalawang oras siyang na-stuck sa traffic. Idagdag pa na lowbat na pala ang kanyang cellphone kaya hindi siya makatawag sa kan
NAPANGITI si Vena nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Halata rin sa kanyang mukha ang saya niya dahil sa araw na iyon ay muli silang ikakasal ni Andrei pero ngayon ay sa simbahan na kung saan ay dadalo ang lahat ng kaibigan at mga kakilala nila hindi katulad noong una nilang kasal na wala man lang silang kabisi-bisita. Habang nakatitig siya sa kanyang sarili ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil parang kailan lang ay hinahabol niya lamang si Andrei ngunit ngayon ay ikakasal na sila sa pangalawang pagkakataon. Idagdag pa na mayroon na rin silang anak ngayon na isang buwang gulang pa lamang. Walang salitang makakapaglarawan ng kasiyahang nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero ganun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot. Ikakasal siya pero hindi man lang nakita ng kanyang Kuya Vin kung gaano siya kasaya na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin at magmamahal sa kaniya. Noong panahong malaman niya na wala na ang Kuya Vin niya at hindi na nakita pa a
ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.