Umaalingaw- ngaw ang malakas na music sa loob ng bar. Halos hindi na magkarinigan ang mga nasa loob kung hindi magsisigawan. Ang iba ay nagsasayaw sa dance floor at ang iba naman ay may ginagawa ng kababalaghan sa madilim na bahagi ng bar na iyon. Siya ang nag- aya sa mga kaibigan niya na mag bar sila pero siya yung hindi nag- eenjoy. Sino ba naman ang mag- eenjoy kung siya lang ang walang partner. Kanina pa nga siya kinakantyawan ni Samantha na makipagkilala na sa mga boys pero hindi niya pinakinggan. Well, marami na rin naman ang napansin niyang nakatingin sa kaniya pero kahit isa ay wala pa siyang nakitang type niya. Hindi naman siya basta- bastang pumapatol sa mga lalaki no. May ilang lalaki na rin ang lumapit sa kaniya pero wala talaga. Hindi niya trip ang mga nakikita niya at nakailang cocktail na rin siya pero matino pa naman ang utak niya. Kaya lang, ang isa niyang kaibigan ay kanina pa nasa gitna ng dance floor at ilang lalaki na ang nakasayaw. Ewan niya ba sa kaibigan ni
Napapahilot si Andrei sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon habang nakatingin sa monitor ng kaniyang computer kung saan ay paulit- ulit pa niyang binasa ang nakasulat doon. Sumasakit na rin ang kaniyang ulo dahil pilit niyang inaanalisa ang mga iyon. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nababasa. Paano nangyari ang bagay na iyon? Wala siyang kaide- ideya sa mga pangyayaring ganuon at hindi niya talaga inaasahan iyon. Nagulantang na lamang siya dahil nagpatawag ng board meeting ang isa sa investor ng kompanya ng kaniyang ama kung saan ay dumalo siya t doon nga niya nalaman ang lahat. Lumong- lumo siya dahil sa nalaman niya mgunit wala na siyang magawa pa. Ang kompanyang pinaghirapan ng kaniyang ama ng mahigit labin- limang taon ay malapit ng mawala sa kanila. Ang 85 percent share holder kasi ay ibang tao na at hindi niya alam kung sino ito dahil nakatago ang pagkakakilanlan nito. Ang 5 percent ay kay Mr. Delgado na plano na ring ibenta ito sa kaniya ngunit wala siyang perang malaki
Ilang katok sa pinto ang nagpagising kay Vena. Awtomatiko niyang tinakpan ang kaniyang tenga para marinig ang walang sawang pagkatok ng kung sino man s aknaiyang pinto.Who the hell is that? Inis na sambit niya sa kaniyang isip. Kasarapan pa lamang ng tulog niya ay iniistorbo na siya. Wala naman siyang lakad sa araw na iyon kaya hindi niya alam kung bakit may katok ng katok sa kaniyang pinto.Ilang sandali pa nga ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kaniyang silid. Gising na siya pero hindi pa nakadilat ang kaniyang mga mata. Nananatili pa rin itong nakapikit hanggang sa narinig na lamang niya ang isang tinig.“Maam Vena dumating na po si Sir Vin.” Nang marinig niya ang sinabing iyon ni Manang Sela ay kaagad na napamulat siya ng kaniyang mata at pagkatapos ay napabangon sa kaniyang kama at mabilis na tumayo at lumabas ng kaniyang silid. Halos takbuhin pa nga niya ang pababa ng hagdan sa sobrang excited niya. Paano ba naman dumating na ang Kuya Vin niya. Apat silang magkakapatid a
Nakabihis na nga si Vena ng lumabas siya ng knaiyang silid. Siniguro niyang maganda ang kaniyang itsura at maging ang kaniyang damit. Ewan niya ba, sa dami ng lalaking nagkagusto sa kaniya ay tanging ang lalaking iyon lamang talaga ang bumihag sa puso niya. Kabaliktaran nga lamang iyon ng napakadaming lalaking pumipila para sa atensiyon niya dahil siya naman ang pumipila para sa atensiyon nito.Kung ibang lalaki lang ito ay siguradong tuwang- tuwa na sa atensiyong ibinibigay niya rito pero ang isang iyon ay matigas talaga. Halos hindi siya nito pansinin at kung hindi pa niya ito kulitin ay hindi pa siya nito tatapunan ng tingin. Hindi niya tuloy alam kung anong kulang sa kaniya para mapansin nito. Matangos naman ang ilong niya, makapal ang pilk- mata niya at maganda ang korte ng labi niya. Maganda rin ang shape ng mukha at masasabi niyang maganda naman siya.Sexy din naman siya dahil maganda ang hubog ng katawan niya. Idagdag pa na may laman naman ang pang- upo niya. Bigla siyang napa
Habang nakaupo si Vena sa loob ng opisina ni Andrei ay hindi niya maiwasang mapaisip kung saan kaya siya nito dadalhin para sa date nila. Hindi niya maiwasang ma- excite dahil kapag naiisip niya pa lang ito ay kinikilig na siya. Hindi niya talaga lubos akalain na ma- iinlove siya rito. Doon niya napatunayan na totoo pala talaga ang love at first sight dahil ito ang nangyari sa kaniya. Unang kita niya pa lang dito ay tumigil na kaagad ang mundo niya na tila ba ito na lamang ang nakikita niya. Akala niya ay sabi- sabi lang noon ang sinasabi nila na kapag nakita mo daw yung taong mahal mo ay mag- islow motion ang galaw ng paligid mo at parang may kung anong mga liwanag ang makikita mo na nakapaligid sa kaniya pero napatuyan niyang totoo nga talaga ang lahat ng iyon at hindi sabi- sabi lang. Akala niya din noon ay wala talagang lalaking makakapagpatibok ng puso niya dahil napakarami ng lalaki ang sumubok na masungkit ang pag- ibig niya, though nakailan na rin naman siya ng boyfriend pero
Napa- buntung hininga si Vena at pagkatapos ay napamura sa kaniyang sarili. Its been hours since she waiting at hanggang sa mga oras na iyon ay hndi pa rin ito dumarating. Napapikit siya. Sumasakit na rin ang puwet niya ng mga oras na iyon dahil sa sobrang tagal na niyang nakaupo. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin niya nang mga oras na iyon. Ito ang unang beses na naghintay siya para sa isang tao tapos ay hindi ito dumating. Habang nakapikit ay biglang pumasok sa imahe niya ang nakangising mukha ng sekretarya ni Andrei kung saan ay kaagad siyang napamulat. Siguradong pagtatawanan lang siya nito. Dinukot niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Hindi niya hahayaang masayang ang lakad niya at ang porma niya ng mga oras na iyon. Hindi na siguro ito darating. Siguro nga ay may importante itong nilakad dahil kahapon ay medyo mukhang problemado ito. Kaagad niyang idinial ang number ng kaibigan niyang si Maxene. Aayain niya na lamang itong lumabas tutal naman ay ilang linggo n
Nilalaro niya sa kaniyang kamay ang hawak niyang baso. Habang pinapaikot niya ito sa kaniyang kamay ay hindi naman maiwasang gumana ng utak niya. Nag- iisip siya kung ano nga ba ang dapat gawin ni Maxene. Kailangan niyang tulungan ito na gumawa ng paraan at mag- isip ng solusyon sa problema nito, isa pa ay kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyari ito rito.Siya ang nag- aya sa kanila na mag- bar kaya dapat lang na hindi siya umalis doon na hindi man lang sinisigurado kung maayos ba itong makakauwi sa bahay nito. Nasilaw kasi siya sa kapogian ni Andrei kaya nakalimutan niya ng isipin ang kaibigan niya. Wala na kasi siyang ibang inisip nang gabing iyon kundi kung paano siya mapapalapit sa lalaking iyon.Napa- buntung hininga siya at pagkatapos ay napapikit at muli ding napamulat dahil may pumasok na ideya sa kaniyang isip. Ibinaba niya ang hawak niyang baso at pagkatapos ay nilingon si Maxene na tulala pa rin sa kaniyang tabi.“Max, what if ayain mo siyang mag- date kayo? Romantic d
Nagising si Vena na masakit ang ulo. Pagmulat niya ng kaniyang mata ay ibang silid ang kinamulat niya kaya bigla na lamang siyang napabalikwas mula sa knaiyang pagkakahiga at napatanong sa kaniyang sarili kung nasaan siya. Tyaka niya lang na- realize nang inikot niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Napahilot siya sa kaniyang sentido at pagkatapos ay napasandal sa head rest ng kama. Ang sakit ng ulo niya. Tyaka lang pumasok sa isip niya na itinuloy nga pala nilang uminom kahapon dahil nga gusto niya talagang damayan si Sam dahil sobrang nasasaktan ito. Nilingon niya ang orasan na nasa ibabaw ng drawer at napalaki ang kaniyang mga mata nang makita past twelve na ng tanghali. Well, hindi niya rin naman alam kung anong oras nga ba siya natulog kagabi sa sobrang kalasingan. Sa pagkakatanda nga niya ay hindi na rin umuwi si Maxene at sinamahan lang sila ni Sam doon. Pero ngayon at nagising siya ay wala na ang mga ito sa tabi niya. Napailing na lamang siya. Hindi man lang siya ginisi
HINDI ALAM NI Maxene kung ilang oras nang dilat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya makatulog. Nakailang ikot na rin siya sa kanyang higaan ngunit kahit na anong pilit niya sa sarili niya na matulog ay hindi ito nakikinig sa kaniya. Paano ba naman siya makakatulog ay anong oras na ngunit hindi pa rin umuuwi si Finn at hindi niya mapigilang isipin kung nasaan ito kahit na alam niyang wala siyang karapatan ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapigilan ang kanyang sarili.Ilang sandali pa ay nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili. “Bakit mo ba kasi siya iniisip ha?” pagalit niya sa kanyang sarili at pagkatapos ay marahang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. “Gumising ka nga Maxene! Hindi ka pa natutulog pero nananaginip ka na yata!” dagdag pa niya na parang isang baliw habang kinakausap ang sarili.Paano nga kasi ang gagawin niya kung kahit na ayaw niyang isipin ito ay naiisip niya ito. Nasaan kaya ito? Hindi kaya nagkita sila ng girlfriend nito at— umiling-iling siya at pilit
HINDI NAMAMALAYAN ni Finn ang oras at nang tingnan niya ang kanyang suot na relo ay alas sais na pala ng gabi. Nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita nga niya na madilim na pala sa labas. Napahilot siya sa kanyang sentido, sa dami ng iniisip niya at ginagawa ay masyado na siyang nalibang doon.Ilang sandali pa nga ay pinag-isipan niya pa kung uuwi na muna siya o didiretso na kay Beatrice. Pakiramdam niya ay gusto na niya kaagad umuwi lalo pa at may uuwian siyang mga anak niya. Kapag kinakarga niya ang mga ito ay nagiging masaya ang loob niya. Alam niya na masaya din ang mga ito katulad niya kaya ganun din siya.Pero dahil kakain lang naman sila ni Beatrice ay nagpasya na lang siya na doon na muna dumiretso. Mamaya na lang siya uuwi at didiretso na lang siya sa mga ito mamaya at siisguruhin niya na hindi siya magtatagal doon. Tumayo na siya mula sa kanyang upuan at isininop sandali ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa at pagkatapos ay tuluyan nang dinampot ang kanya
NAHILA SIYA MULA sa kanyang pag-iisip nang muli na namang may kumatok sa kanyang opisina. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang bumukas ang pinto at eksaktong nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niya si Beatrice na pumasok mula sa pinto. Natigilan siya sandali nang makita ito. Oo nga pala, dumating na ito. Para niyang nakalimutan bigla ang existence nito dahil kay Maxene.Agad na nalukot ang mukha ni Beatrice nang makita niya ang malamig na mga mata ni Finn na tumingin sa kaniya. Kagabi pa siya naghihintay ng tawag nito o kahit na isang text man lang para i-update sana siya kahit na hindi na siya suyuin nito ngunit wala siyang nahintay. Sobrang sama ng loob niya kaya naghintay pa siya ng maghapon ngunit wala talaga itong paramdam at dahil doon ay nagkusa na siyang pumunta sa opisina nito para siya na ang makipag-usap dahil mukhang wala itong planong kausapin siya.Ibinaba niya ang kanyang pride dahil gusto niya na hindi masira ang lahat ng pinagpaguran niya kahit na an
ALAS KWATRO na nang hapon nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Finn. Sa dami ng kanyang ginagawa at ng kanyang iniisip ay hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras. Napahilot na lang siya bigla sa kanyang sentido. “Pasok.” sabi niya sa tamad na tamad na paraan.Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay doon niya nakita na pumasok ang abogado niya. Oo nga pala. Nakalimutan niya na sinabi niya rito na mag-usap silang dalawa dahil hindi na niya kailangan pang maghabol. Ang tanging kailangan niya na lang na mapatunayan ay kung totoo ngang mga anak niya ang dalawa pero syempre, kahit na sigurado siya na anak niya na nga ang mga ito ay alam niya na hindi pa rin basta-basta maniniwala ang abogado.“Glad you're finally here attorney.” sabi niya at pagkatapos ay itinuro ang upuan sa harapan niya. “Please have a seat.”Ilang sandali pa ay umupo nga ito sa harap niya at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “So what is this all about Finn?” tanong nito kaagad sa kaniya. Nang sabihin niya kasi rito na
“So ang ibig mong sabihin kaya ka nagmamadaling umalis kahapon ay dahil sa nakita mo siya ulit pagkatapos ng ilang taon?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Sam.Tumango naman siya. “Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya doon. Isa pa, syempre gulat na gulat ako at takot na takot dahil nga may anak kami. Ang dami kong what ifs tapos natagpuan ko na lang yung sarili ko na tumatakbo palayo sa kaniya kahit na hindi ko pa man kayo nakaka-bonding ng matagal dahil halos kararating-rating ko lang kahapon diba tapos nakita ko siya…” sabi niya at napakagat-labi na lang.“Tapos, tapos anong nangyari? Paano kayo ulit nagkita? Hindi naman umalis si Finn kahapon ah.” sabi naman ni Vena na halos pipikit-pikit pa at napahikab pa.Hindi niya nga tuloy maiwasang hindi makonsensya lalo pa at katatapos lang ng kasal nito kahapon tiyak na dapat ay nagpapahinga pa ito dahil alam niya na pagod ito marahil sa nakakapagod na gabi sa piling ng asawa nito. Muli siyang napahugot ng mahabang bunton
“ANONG sabi mo? Totoo ba ito Maxene?” gulat na gulat na tanong ni Vena sa kaniya. Alas-diyes na nang umaga nang magising si Maxene. Wala na ang lalaki sa bahay nito dahil pumasok na raw ito sa opisina at ang mga anak niya naman ay ipinasyal ni Dorie na utos din ng lalaki. Sinabi lang sa kaniya iyon ng kasambahay na pinagtanungan niya.Dahil doon ay wala na siyang naisip pa na gawin kundi ang kontakin si Vena at sinabi sa kaniya na pupuntahan niya ito kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nila ni Andrei. Napayuko na lang siya at hindi nagsalita. “Bakit mo itinago ang totoo sa kaniya? Tyaka, sa dami ng lalaki si Finn pa talaga? Kailangan ka niyang panagutan!” gigil na sabi nito at hindi niya maiwasang matawa sa reaksyon nito. Akala niya pa naman ay pagagalitan siya nito ngunit mas nagalit pa ito sa lalaking iyon.Hindi niya namalayan na napatingin na pala ito sa kaniya. “Ano namang nginingiti mo diyan? May nakakatawa ba?” inis na sabi nito na dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo at
“AYOS ka lang ba?” muli niyang narinig na tanong nito at sa sumunod na sandali ay nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hawakan sa magkabila niyang balikat. Hinawakan din nito ang kanyang baba dahilan para magtama muli ang mga mata nito. Ang kanyang dibdib ay malakas pa rin ang pagtibok at natatakot siya na baka marinig nito iyon.Umawang ang kanyang bibig ngunit walang salita ang lumabas mula doon. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang baba ay nagdulot ng libo-libong boltaheng kuryente na kumalat sa buong katawan at pagkatao niya. Hindi siya makagalaw o ni matanggal ang kamay nito. Hindi niya rin maiiwas ang kanyang mga mata mula sa mata nito na para ba siyang hini-hipnotismo. Kapag tumagal pa siya sa harap nito ay baka kung ano na ang mangyari. Wala na siyang kontrol sa sarili niya dahil paulit-ulit niya namang sinasabihan ang isip niya na igalaw na ang kanyang mga paa ngunit wala iyong epekto.SA KABILANG banda ay napalunok si Finn habang nakatitig sa nakaawang nitong labi.
PAGKATAPOS NIYA LANG KUMAIN ay nagulat siya nang magsalita si Dorie habang inililigpit ang kanilang pinagkainang dalawa. “Siya nga pala ma’am Maxene, ibinilin ni sir Finn na pumunta ka raw sa study room pagkagising na pagkagising mo at may sasabihin daw siya sayo.” sabi nito.Nang marinig niya na naman ang pangalan ng lalaki ay hindi niya mapigilan na mapahinga ng marahas. Paano niya haharapin ang lalaking iyon mag-isa? Kaya niya ba na harapin ito pagkatapos ng lahat? Paano kung lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kaniya o paano kung sampalin siya nito?“Ma’am Maxene…” muling tawag sa kaniya ni Dorie na ikinabalik ng isip niya. “Okay lang ba kayo?” dagdag nitong tanong nang makita niyang para siyang wala sa sarili niya.Pinilit niya namang tumango rito. “Oo, ayos lang ako Dorie. Huwag mo akong alalahanin.” sabi niya at pilit pang ngumiti para kahit papano ay mabawasan ang pag-aalala nito sa kaniya dahil kahit na hindi nito sabihin na nag-aalala ito ay kitang-kita niya iy
PAGKATAPOS MAKIPAG- usap ni Maxene sa lalaking ama ng kanyang mga anak ay dumiretso siya sa silid na ibinigay para sa kaniya ng lalaki. Hindi na siya nito pinayagan pang umalis at sinabi na doon na muna sila titirang tatlo ng mga anak niya hanggang sa hindi pa nito naisasaayos ang lahat. Alam niya na wala na siyang takas pa mula rito kaya pumayag na lang siya. Pakiramdam niya ay lambot na lambot ang katawan niya at pagod na pagod siya kaya nahiga na lang siya at hindi niya namamalayan ay bigla na lang siyang nakatulog kaagad.Nang magising siya ay medyo madilim na ang silid at ang malamlam na ilaw na lang ang nakasindi sa tabi ng kama. Napakusot siya ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang isip bigla kung anong oras na ba at kung gaano na siya katagal na nakatulog.Ilang sandali pa ay tumayo na siya sa kama upang lumabas ng silid para rin hanapin ang kanyang mga anak kung nasaan na ang mga ito. Paglabas niya ay tahimik na sa buong kabahayan at dahil doon ay hindi niya maiwasang m