good morning po;)
Ilang katok sa pinto ang nagpagising kay Vena. Awtomatiko niyang tinakpan ang kaniyang tenga para marinig ang walang sawang pagkatok ng kung sino man s aknaiyang pinto.Who the hell is that? Inis na sambit niya sa kaniyang isip. Kasarapan pa lamang ng tulog niya ay iniistorbo na siya. Wala naman siyang lakad sa araw na iyon kaya hindi niya alam kung bakit may katok ng katok sa kaniyang pinto.Ilang sandali pa nga ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng kaniyang silid. Gising na siya pero hindi pa nakadilat ang kaniyang mga mata. Nananatili pa rin itong nakapikit hanggang sa narinig na lamang niya ang isang tinig.“Maam Vena dumating na po si Sir Vin.” Nang marinig niya ang sinabing iyon ni Manang Sela ay kaagad na napamulat siya ng kaniyang mata at pagkatapos ay napabangon sa kaniyang kama at mabilis na tumayo at lumabas ng kaniyang silid. Halos takbuhin pa nga niya ang pababa ng hagdan sa sobrang excited niya. Paano ba naman dumating na ang Kuya Vin niya. Apat silang magkakapatid a
Nakabihis na nga si Vena ng lumabas siya ng knaiyang silid. Siniguro niyang maganda ang kaniyang itsura at maging ang kaniyang damit. Ewan niya ba, sa dami ng lalaking nagkagusto sa kaniya ay tanging ang lalaking iyon lamang talaga ang bumihag sa puso niya. Kabaliktaran nga lamang iyon ng napakadaming lalaking pumipila para sa atensiyon niya dahil siya naman ang pumipila para sa atensiyon nito.Kung ibang lalaki lang ito ay siguradong tuwang- tuwa na sa atensiyong ibinibigay niya rito pero ang isang iyon ay matigas talaga. Halos hindi siya nito pansinin at kung hindi pa niya ito kulitin ay hindi pa siya nito tatapunan ng tingin. Hindi niya tuloy alam kung anong kulang sa kaniya para mapansin nito. Matangos naman ang ilong niya, makapal ang pilk- mata niya at maganda ang korte ng labi niya. Maganda rin ang shape ng mukha at masasabi niyang maganda naman siya.Sexy din naman siya dahil maganda ang hubog ng katawan niya. Idagdag pa na may laman naman ang pang- upo niya. Bigla siyang napa
Habang nakaupo si Vena sa loob ng opisina ni Andrei ay hindi niya maiwasang mapaisip kung saan kaya siya nito dadalhin para sa date nila. Hindi niya maiwasang ma- excite dahil kapag naiisip niya pa lang ito ay kinikilig na siya. Hindi niya talaga lubos akalain na ma- iinlove siya rito. Doon niya napatunayan na totoo pala talaga ang love at first sight dahil ito ang nangyari sa kaniya. Unang kita niya pa lang dito ay tumigil na kaagad ang mundo niya na tila ba ito na lamang ang nakikita niya. Akala niya ay sabi- sabi lang noon ang sinasabi nila na kapag nakita mo daw yung taong mahal mo ay mag- islow motion ang galaw ng paligid mo at parang may kung anong mga liwanag ang makikita mo na nakapaligid sa kaniya pero napatuyan niyang totoo nga talaga ang lahat ng iyon at hindi sabi- sabi lang. Akala niya din noon ay wala talagang lalaking makakapagpatibok ng puso niya dahil napakarami ng lalaki ang sumubok na masungkit ang pag- ibig niya, though nakailan na rin naman siya ng boyfriend pero
Napa- buntung hininga si Vena at pagkatapos ay napamura sa kaniyang sarili. Its been hours since she waiting at hanggang sa mga oras na iyon ay hndi pa rin ito dumarating. Napapikit siya. Sumasakit na rin ang puwet niya ng mga oras na iyon dahil sa sobrang tagal na niyang nakaupo. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin niya nang mga oras na iyon. Ito ang unang beses na naghintay siya para sa isang tao tapos ay hindi ito dumating. Habang nakapikit ay biglang pumasok sa imahe niya ang nakangising mukha ng sekretarya ni Andrei kung saan ay kaagad siyang napamulat. Siguradong pagtatawanan lang siya nito. Dinukot niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Hindi niya hahayaang masayang ang lakad niya at ang porma niya ng mga oras na iyon. Hindi na siguro ito darating. Siguro nga ay may importante itong nilakad dahil kahapon ay medyo mukhang problemado ito. Kaagad niyang idinial ang number ng kaibigan niyang si Maxene. Aayain niya na lamang itong lumabas tutal naman ay ilang linggo n
Nilalaro niya sa kaniyang kamay ang hawak niyang baso. Habang pinapaikot niya ito sa kaniyang kamay ay hindi naman maiwasang gumana ng utak niya. Nag- iisip siya kung ano nga ba ang dapat gawin ni Maxene. Kailangan niyang tulungan ito na gumawa ng paraan at mag- isip ng solusyon sa problema nito, isa pa ay kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyari ito rito.Siya ang nag- aya sa kanila na mag- bar kaya dapat lang na hindi siya umalis doon na hindi man lang sinisigurado kung maayos ba itong makakauwi sa bahay nito. Nasilaw kasi siya sa kapogian ni Andrei kaya nakalimutan niya ng isipin ang kaibigan niya. Wala na kasi siyang ibang inisip nang gabing iyon kundi kung paano siya mapapalapit sa lalaking iyon.Napa- buntung hininga siya at pagkatapos ay napapikit at muli ding napamulat dahil may pumasok na ideya sa kaniyang isip. Ibinaba niya ang hawak niyang baso at pagkatapos ay nilingon si Maxene na tulala pa rin sa kaniyang tabi.“Max, what if ayain mo siyang mag- date kayo? Romantic d
Nagising si Vena na masakit ang ulo. Pagmulat niya ng kaniyang mata ay ibang silid ang kinamulat niya kaya bigla na lamang siyang napabalikwas mula sa knaiyang pagkakahiga at napatanong sa kaniyang sarili kung nasaan siya. Tyaka niya lang na- realize nang inikot niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Napahilot siya sa kaniyang sentido at pagkatapos ay napasandal sa head rest ng kama. Ang sakit ng ulo niya. Tyaka lang pumasok sa isip niya na itinuloy nga pala nilang uminom kahapon dahil nga gusto niya talagang damayan si Sam dahil sobrang nasasaktan ito. Nilingon niya ang orasan na nasa ibabaw ng drawer at napalaki ang kaniyang mga mata nang makita past twelve na ng tanghali. Well, hindi niya rin naman alam kung anong oras nga ba siya natulog kagabi sa sobrang kalasingan. Sa pagkakatanda nga niya ay hindi na rin umuwi si Maxene at sinamahan lang sila ni Sam doon. Pero ngayon at nagising siya ay wala na ang mga ito sa tabi niya. Napailing na lamang siya. Hindi man lang siya ginisi
Kahit masakit ang kaniyang ulo ay nagawa niya pa ring nakauwi. Mabuti na lang din at hindi siya nadisgrasya, kahit papano ay masasabi niyang swerte pa rin siya. Pagkatapat nga niya sa kanilang gate ay napansin niyang hindi iyon bukas at wala doon ang kanilang guard. Magbubusina sana siya kaso naisip niyang bumaba na lamang ng kotse at maglakad. Wala siyang pakialam kung nkaharang ang kotse niya sa gate. Bahala sila.Ilang sandali pa nga ay nakapasok na siya sa loob ng bakuran nila kung saan ay napansin niya ang ilang mobile car na nakaparada doon. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, idagdag pa na wala sa gate ang gwardiya nila. May nangyari ba? Nagtatakbo siya papasok ng bahay nila sa sobrang kaba at pagkatapos ay bumungad sa kaniya ang kaniyang mga kapatid na nakapaikot sa kanilang sala kasama ang ilang naka- unipormeng pulis. Naroon din ang kaniyang daddy.Ang lahat ng mata ay natuon sa kaniya ng mga oras na iyon. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang gulat nang makita siya. Kaagad namang
Napakusot si Vena ng kaniyang mata nang marinig niya ang pagtunog ng alarm niya. Nag- set talaga siya ng alarm niya para magising siya dahil kailangan niyang masilayan ang kapogian ng lalaking minamahal niya. Ilang araw na rin ang nakakalipas ng huli niyang nakita nag mukha nito kaya kailangan na niya itong makita. Ilang sandali pa ay inabot na niya ang alarm clock na walang tigil sa pagtunog at pagkatapos ay pinatay iyon. Bumangon na rin siya mula sa kaniyang pagkakahiga ng mga oras na iyon at pagkatapos ay napahikab. Inaantok pa siya pero kailangang- kailangan niya talaga itong makita. Isa pa ay kung matutulog pa siya ay mapupurnada na naman ang plano niya. Mabilis siyang bumaba na ng kaniyang kama. Hindi siya pwedeng pumalya sa pinaplano niya. Kung hindi niya ito makuha sa sntong dasalan ay kukuhanin niya ito sa santong paspasan. Natitiyak siyang magtatagumpay siya sa knaiyang pinaplano. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. —-------------------- Tapos na si