nanggigigil ako sa sekretaryang yan!!!
Napa- buntung hininga si Vena at pagkatapos ay napamura sa kaniyang sarili. Its been hours since she waiting at hanggang sa mga oras na iyon ay hndi pa rin ito dumarating. Napapikit siya. Sumasakit na rin ang puwet niya ng mga oras na iyon dahil sa sobrang tagal na niyang nakaupo. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin niya nang mga oras na iyon. Ito ang unang beses na naghintay siya para sa isang tao tapos ay hindi ito dumating. Habang nakapikit ay biglang pumasok sa imahe niya ang nakangising mukha ng sekretarya ni Andrei kung saan ay kaagad siyang napamulat. Siguradong pagtatawanan lang siya nito. Dinukot niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Hindi niya hahayaang masayang ang lakad niya at ang porma niya ng mga oras na iyon. Hindi na siguro ito darating. Siguro nga ay may importante itong nilakad dahil kahapon ay medyo mukhang problemado ito. Kaagad niyang idinial ang number ng kaibigan niyang si Maxene. Aayain niya na lamang itong lumabas tutal naman ay ilang linggo n
Nilalaro niya sa kaniyang kamay ang hawak niyang baso. Habang pinapaikot niya ito sa kaniyang kamay ay hindi naman maiwasang gumana ng utak niya. Nag- iisip siya kung ano nga ba ang dapat gawin ni Maxene. Kailangan niyang tulungan ito na gumawa ng paraan at mag- isip ng solusyon sa problema nito, isa pa ay kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyari ito rito.Siya ang nag- aya sa kanila na mag- bar kaya dapat lang na hindi siya umalis doon na hindi man lang sinisigurado kung maayos ba itong makakauwi sa bahay nito. Nasilaw kasi siya sa kapogian ni Andrei kaya nakalimutan niya ng isipin ang kaibigan niya. Wala na kasi siyang ibang inisip nang gabing iyon kundi kung paano siya mapapalapit sa lalaking iyon.Napa- buntung hininga siya at pagkatapos ay napapikit at muli ding napamulat dahil may pumasok na ideya sa kaniyang isip. Ibinaba niya ang hawak niyang baso at pagkatapos ay nilingon si Maxene na tulala pa rin sa kaniyang tabi.“Max, what if ayain mo siyang mag- date kayo? Romantic d
Nagising si Vena na masakit ang ulo. Pagmulat niya ng kaniyang mata ay ibang silid ang kinamulat niya kaya bigla na lamang siyang napabalikwas mula sa knaiyang pagkakahiga at napatanong sa kaniyang sarili kung nasaan siya. Tyaka niya lang na- realize nang inikot niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Napahilot siya sa kaniyang sentido at pagkatapos ay napasandal sa head rest ng kama. Ang sakit ng ulo niya. Tyaka lang pumasok sa isip niya na itinuloy nga pala nilang uminom kahapon dahil nga gusto niya talagang damayan si Sam dahil sobrang nasasaktan ito. Nilingon niya ang orasan na nasa ibabaw ng drawer at napalaki ang kaniyang mga mata nang makita past twelve na ng tanghali. Well, hindi niya rin naman alam kung anong oras nga ba siya natulog kagabi sa sobrang kalasingan. Sa pagkakatanda nga niya ay hindi na rin umuwi si Maxene at sinamahan lang sila ni Sam doon. Pero ngayon at nagising siya ay wala na ang mga ito sa tabi niya. Napailing na lamang siya. Hindi man lang siya ginisi
Kahit masakit ang kaniyang ulo ay nagawa niya pa ring nakauwi. Mabuti na lang din at hindi siya nadisgrasya, kahit papano ay masasabi niyang swerte pa rin siya. Pagkatapat nga niya sa kanilang gate ay napansin niyang hindi iyon bukas at wala doon ang kanilang guard. Magbubusina sana siya kaso naisip niyang bumaba na lamang ng kotse at maglakad. Wala siyang pakialam kung nkaharang ang kotse niya sa gate. Bahala sila.Ilang sandali pa nga ay nakapasok na siya sa loob ng bakuran nila kung saan ay napansin niya ang ilang mobile car na nakaparada doon. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, idagdag pa na wala sa gate ang gwardiya nila. May nangyari ba? Nagtatakbo siya papasok ng bahay nila sa sobrang kaba at pagkatapos ay bumungad sa kaniya ang kaniyang mga kapatid na nakapaikot sa kanilang sala kasama ang ilang naka- unipormeng pulis. Naroon din ang kaniyang daddy.Ang lahat ng mata ay natuon sa kaniya ng mga oras na iyon. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang gulat nang makita siya. Kaagad namang
Napakusot si Vena ng kaniyang mata nang marinig niya ang pagtunog ng alarm niya. Nag- set talaga siya ng alarm niya para magising siya dahil kailangan niyang masilayan ang kapogian ng lalaking minamahal niya. Ilang araw na rin ang nakakalipas ng huli niyang nakita nag mukha nito kaya kailangan na niya itong makita. Ilang sandali pa ay inabot na niya ang alarm clock na walang tigil sa pagtunog at pagkatapos ay pinatay iyon. Bumangon na rin siya mula sa kaniyang pagkakahiga ng mga oras na iyon at pagkatapos ay napahikab. Inaantok pa siya pero kailangang- kailangan niya talaga itong makita. Isa pa ay kung matutulog pa siya ay mapupurnada na naman ang plano niya. Mabilis siyang bumaba na ng kaniyang kama. Hindi siya pwedeng pumalya sa pinaplano niya. Kung hindi niya ito makuha sa sntong dasalan ay kukuhanin niya ito sa santong paspasan. Natitiyak siyang magtatagumpay siya sa knaiyang pinaplano. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. —-------------------- Tapos na si
Napailing na lamang si Vena habang papunta sa kaniyang kotse. Kung hindi niya pa nakasalubong si Finn doon ay hindi niya malalaman na lumipat pala si Andrei ng tirahan e kung nagtaon sana ay di nasayang lang ang lakad niya. Napurnada sana ang plano niya ng gabing iyon.Sadyang nakaayon pa rin sa kaniya ang sitwasyon dahil hindi sinasadyang makasalubong niya si Finn. napapangiting sumakay siya ng kaniyang kotse. Dadaan muna siya sa bilihan ng kape para bumili at para doon niya ilalagay ang kaniyang nabili kanina. Hindi nga niya alam kung effective ba ito pero kailangan niyang sumugal.Wala namang mawawala kung susubukan niya at isa pa, gagawin niya ang lahat para hindi ito makatanggi sa kaniya. Sa sexy niyang iyon tatanggihan pa siya nito? Lalo na kung maghubad siya sa harap nito imposible namang takbuhan siya nito diba? Pero nasisiguro niyang tatakbuhan nga siya nito, pero pagbalik ay wala na din itong damit panigurado.Natawa na lamang siya sa kaniyang sarili dahil sa kung ano- anong
Ilang minuto nga lang ang nakalipas at pumarada na siya sa harap ng isa sa mga matatayog na building sa lugar na iyon. Mabuti na lang at medyo madilim na ang paligid. Dinampot na lamang niya ang kaniyang shades na nasa harap ng kaniyang kotse upang kahit papano ay mayroon siyang pantakip sa kaniyang mukha.Kinuha na rin niya ang kaniyang dala at pagkatapos ay lumabas na siya ng kaniyang kotse. Ilang sandali pa ay papasok na siya ng building kung saan taas noo siyang naglakad papasok sa loob ng gusali. Bago nga siya makapasok ay may guard sa harap kung saan ay nakabantay doon. Hindi naman siya nito sinita kundi tiningnan lang siya nito.Pagkapasok niya sa loob ay lobby kaagad ang bumungad sa kaniya kung saan ay naroon ang ilang staff. Nang pumasok siya ay eksaktong wala siyang kasabay na pumasok sa loob kaya ang tingin nila ay sa kaniya napako. Biglang nag- angatan ang kilay ng dalawang staff sa kaniya at pagkatapos ay kitang- kita talaga niya ang pagsuyod ng mga ito ng tingin sa kaniy
Napasandal si Vena sa dingding ng elevator habang nakatitig sa kaniyang repleksiyon na nasa kaniyang harapan at pagkatapos wala sa sariling napairap. Paano ba naman kasi iyon pa lamang ang unang beses niyang pumasok doon tapos ay ganuon na kaagad ang naging experience niya.Napakapangit kaagad ng bungad sa kaniya, ano kayang akala ng mga ito sa kaniya? Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil ayaw niyang ma- stress nang dahil sa mga taong kagaya ng iyon. Isa pa ay baka pumangit siya at sa halip na mahulog na ang loob sa kaniya ng tuluyan ni Andrei ay mas pandirihan lamang siya nito.Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng bumukas ang elevator at pagkatapos ay mabilis din naman siyang lumabas mula doon at pagkatapos ay kaagad niyang inilibot ang kaniyang paningin sa kaniyang paligid upang hanapin ang sinabing number ng room na tinutuluyan nga ni Andrei at mabilis niya din naman iyong nakita.Agad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niya ito ng tuluyan at pagkatapos a