DAKONG alas-tres ng hapon ay bumaba si Safhire para maghanda ng snacks. Inabutan niya sa sala si Vhendice na nakahiga sa mahabang sofa at natutulog. Habang nakabukas ang tv at ipinapalabas ng live ang laro ng US versus Germany sa American Footbal League. Dinampot ng dalaga ang remote control na nasa ibabaw ng centerpiece at pinatay ang tv. Saglit siyang nahinto nang makita ang newspaper na nakapatong sa dibdib nito. He must have read it.Nagsikip ang dibdib niya. Hindi pa rin siya nakabawi dahil sa nalaman. Hirap siyang maniwala kahit nakabandera na sa harap niya ang katotohanan. Bakit ba siya nasasaktan? Bakit kumikirot ang puso niya? Bakit ba naging si Athrun pa?Pumihit siya at nagtungo ng kusina. Kanina pa niya napansin na wala si Eddie. Umalis kaya ito? Kasalo pa nila ito kanina sa tanghalian. Kinuha ng dalaga ang apron sa sabitan sa gilid ng fridge at isinuot. Nilabas niya mula sa refrigerator ang food container, laman ang mga binalatang saging. Isinalang niya sa stove ang fryin
"AALIS ka?" tanong ni Vhendice kay Safhire na inabutan niyang nakabihis na at nag-aayos ng sarili sa harap ng tokador."Pupunta ako ng simbahan," sagot nito.Pinanood niya ang dalaga. Masama pa rin kaya ang loob nito dahil sa nangyari kahapon?"I'll take you there?""No, I can manage. May lakad ka rin 'di ba?"Tumango siya. "May pupuntahan kami ni Eddie sa San Antonio Municipal."Sinulyapan siya nito. Tinungo niya ang closet. Kumuha ng maisusuot at nagbihis na rin. He gave her a blinding smile when he catches her staring at him. She smiled sweetly in return and looked away with her face blushing like a naughty little girl caught in an act. He can't help thinking, maybe she has no idea how beautiful she is and how her beauty makes his heart trembles. But he's glad she's not upset anymore. Kagabi hindi siya nito kinibo. Dahil lamang sa mapangahas na halik. Huminga ng malalim ang lalaki. He could still feel the softness of her lips against his mouth. And the pleasing moist of her tongue
NAGISING si Safhire ng madaling araw. Nauuhaw siya. Bumangon ang dalaga. Sinipat ang kanyang tabi. Wala doon si Vhendice. Saan kaya natulog ang lalaki? Bumaba siya ng kama at lumabas ng kwarto. Dapat pala ay nagdala na siya ng tubig bago siya natulog. Dumadalas na itong nagigising siya dahil sa uhaw.Habang naglalakad sa maluwang na pasilyo ay napansin niyang bukas pa rin ang ilaw sa guest room. Gising pa ba si Vhendice? Silipin kaya muna niya. Hindi nakasarang mabuti ang pinto. Sumilip muna siya. Pero walang tao sa loob. Ang naroon lang ay ang laptop ni Vhendice na nasa ibabaw ng isang glass table. Nilakihan niya ang awang ng pintuan at pumasok. Nasaan kaya ang lalaki?Walang kama sa loob ng silid. Ngunit may mahabang sofa sa isang sulok. Puno ng iba't ibang kagamitan. Mga musical instruments. Electric guitar, drum set, piano at bass guitar. May bookcases na puno ng libro. Mga sports equipment at body-building tools. Sa isang bahagi ng silid, sa dingding na salamin na may lamat ay na
PUMASOK sa guest room si Vhendice kasama si Eddie na nakabuntot sa kanya. Tumuloy ang binata sa glass table at sinilip ang laptop. Kinalikot. May inabot na disk si Eddie at isinaksak niya iyon sa player. Tiningnan ang laman."Kumusta sa capital? Still no sign of movement yet?" tanong niya sa kasamang lalaking nakatayo sa kanyang likuran at nanonood."Walang pagbabago. Kanina may nahuling spy ng resistance sina Vic pero pinakawalan din agad ng chairman.""That's the problem. Athrun is really too soft. Hindi ko mahulaan kung anong nasa isip niya. We need drastic measures in order to restrain these people. Those crazy fools, hintayin nilang magbanggaan kami at lalamunin ko silang lahat ng buhay.""Hangga't walang orders mula sa chairman, hindi kami pwedeng kumilos.""Never mind. Just continue your surveillance and inform the other groups to stay put. I'll give you further instructions as soon as I'm done gathering the essentials. I'm almost there and once I've had it, I'll take down the
VILLAMANORNAKAHANDA na ang dalawang malalaking traveling bags ni Safhire na dadalhin ni Vhendice sa mansion. Kanina lang niya iniimpake ang mga gamit ng dalaga. Prior to the chairman's notice that Safhire is in Chrysanthemum mansion. Nakita raw ito nina Leih at Gabrylle sa kalye na nawalan ng malay-tao.Binitbit ng binata ang dalawang traveling bags at ibinaba sa sala. He's right, Safhire discovered the truth about his second identity. Nabasa nito ang documents na binigay ni Rajive. Damn! He missed her already. He missed her presence in every corner of the villa. And his worried for her, half to death.Lumabas ng villa si Vhendice at bumaba sa dalampasigan. Pagkatapos ng lahat, posibleng ayaw na siyang makita pa ni Safhire. She might decide to go back to Manila. It's all his fault. He got careless. Last night in the guest room, he smelled her moisturizing lotion and that hateful presence in the atmosphere. Umaalingasaw. Ngunit hindi niya pinansin."Damn!" Napamura ang lalaki at sinip
PUMANHIK ng sala sina Vhendice at Eddie dala ang dalawang malalaking traveling bags at iba pang gamit ni Safhire. Senenyasan ng binata ang kanyang bodyguard na itabi muna pansamantala sa isang sulok ang mga bagahe."Welcome back, Haydees!" Nag-echo sa buong living room ang maawtoridad na boses ni Athrun habang bumababa ng carpeted grand staircase. Along with him are Ghaile and Leih.Bahagyang ikiniling ni Vhendice ang ulo. "It's good to see you, chairman." He advanced forward."Good to see you too. I'm glad you're well and safe.""My apologies, Chairman. I wasn't able to visit you in Manila.""I've heard you're busy. It's nothing. You know, I've never expected to see you again clearly like this after being fell under the state of coma," wika ng chairman.Napatingin siya kina Ghaile at Leih na parehong nanonood lamang. Seryoso ang anyo ng dalawa lalong-lalo na si Leih na nanatiling nasa mga mata ang pinipigil na poot para sa kanya. Hindi pa rin pala siya nito napapatawad dahil sa pagka
MULA sa bumubukas na pinto ng bathroom ay iniluwal si Safhire na katatapos lamang nag-half bath. Nilapitan ng dalaga ang dalawang traveling bags na hinatid kanina ng head servant kasama na ang iba pa niyang gamit na dinala ni Vhendice. Binitbit niya ang isa sa mga iyon at dinala sa kama. Binuksan niya ang bag at tumambad sa kanya ang baril na ginamit niya sa firing lesson. Mayroon ding dalawang magazine ng bala at isang note. Kinuha niya ang baril, kinargahan ng bala at ibinaba sa kama. Sinilip niya ang note.Honey,Your firing lesson is not yet complete. Continue practicing and next time try the moving targets. If you still need my assistance, I'm just around."VhendiceWho needs his assistance? Kinuyumos ni Safhire ang papel. Ang lalaking iyon! Napakabalasubas!! Hindi man lang nag-sorry. Kumuha siya ng jeans mula sa bag at hanging blouse. At nagbihis. Nag-ayos siya ng sarili sa harap ng tokador. Maputla pa rin siya. Inabot niya ang make-up set at naglagay ng kunti sa kanyang mukha.
"I THINK THEY'RE HERE," pahayag ni Ray na nakatayo sa harap ng floor to ceiling window ng drawing room at nakasilip sa malawak na bakuran ng mansion. Apat na itim na van ang magkakasunod na dumating at huminto malapit sa malaking fountain sa gitna ng bakuran. Mula sa mga iyon ay nagsisipagbaba ang mahigit sa dalawampung kabataang lalaki na magkakaiba-iba ang sinusuot na school uniform."We'll wait for them here," sagot ni Athrun."Most of them were just kids. Hindi ako makapaniwala. You've brought them together within two years?" Pumihit si Ray at sumandal sa tinted glass window."Sapat lang ang panahong iyon. May tumulong din naman sa akin para mahanap ko sila. Ang iba ay referral mula sa Federal Bureau.""Lahat ba sila ay orphan?""Hindi. Ang iba sa kanila ay may mga magulang. They lived under difficult circumstances and some of them even went to a juvenile prison.""You know, you've done something amazing in your idle time here," komento ni Ray na humahanga sa nagawa ng bunsong ka