HINDI naiwasan ni Ray si Shannon na tumalon mula sa swing at pabalyang yumakap sa kanya. "Hey, what are you doing?" Nakangiting kinarga niya ang dalagita at ibinalik sa swing. "I thought you go with Athrun.""I asked him if I can come but he told me to stay here." Sumimangot ito.Tumango siya at inugoy ang swing."Ray, I think Papa's mad at me." Himutok ng dalagita."Mad at you? What makes you say that?""He never talked to me since we arrived yesterday.""He's just too busy. Athrun doesn't talk to you either even if he had ample free time.""It's different. Athrun is sick and he needs rest.""But it doesn't mean he can't talk. Why would you want to talk to Papa, anyway?" He pinched her pretty upturned nose.She giggled. "I would like to ask him that I 'll stay here with Athrun.""You do have the guts to tell me you wanted to be with him than going back with me to America? Hindi ko alam na ayaw mo na pala akong makasama." Pangongonsensya niya rito."No! It's nothing like that. Athru
MARAHANG pinisil ni Ray ang balikat ni Athrun. Tumingin sa kanya ang kapatid. A faint smile formed on his lips. Nakikita niya ang pagod sa asul nitong mga mata at naalala ang pag-uusap nila ng ama noong nagdaang gabi. Goodness! How can he ever do what his father told him? Just thinking of making Athrun hate him is tearing him apart. Hindi niya kayang saktan ang kapatid. Athrun loves their beautiful princess so much."Are you okay?" tanong niyang nag-aalala.Tumango lamang ito at binawi ang paningin. Ipinukol sa malawak na race course. It's obvious he is not okay, but then, forcing him to go home now will be useless. He would never listen."I saw both of them practicing the other day. They're pretty good." Nagbukas siya ng mapag-uusapan para aliwin ito."They're both skilled riders." Sang-ayon ng binatilyo. "I want them to win this debut competition.""You're quite fond of them," komento niya."They're good people. In spite of their past, they fought hard and tried their best to recove
MAY kausap sa telepono si Zedrick nang pumasok si Ray. His father gestured for him to sit down on the couch and wait. Tumango siya at tinungo ang mahabang corner sofa.Limang minuto pa at natapos din ang pakikipag-usap ng Papa niya sa kliyente. Agad itong bumaling sa kanya."You wanna discuss something?" tanong nito."Yeah," tumayo siya."Must be very important that it had to bring you here. You hated this place if memory serves.""I'll do what you want. But in one condition." Lumapit siya sa desk at dinampot ang picture frame na naglalaman ng picture nilang tatlo nina Athrun at Shannon."Name it." Naniningkit ang mga mata ni Zedrick. He knew his father never ever liked to be manipulated by stupid conditions."Let me marry Shannon when she grew up. Ibigay mo siya sa akin," he declared."You're crazy," napapailing na sabi ni Zedrick."You know me. Hindi ko gagawin ang gusto mo kung wala akong mapapala." Nakipagsukatan siya sa ama. Hindi niya mabasa kung anong nasa isip nito ng mga sand
AGAD natanaw ni Safhire si Ray. Nakasandal ito sa hood ng sasakyan at kumakaway sa kanya. On his other hand is a bouquet of white roses. Nginitian niya ang binata at kinawayan din. Pati mga kaibigan at kasamahan niyang nurses sa hospital ay nakikikaway pa."Sigurado ka bang walang kapatid 'yang fiancé mo? Kahit na hindi kasing-guwapo niya okay na basta't sweet at thoughtful," kinikilig na sabi ni Mariloue na alam niyang malaki ang crush kay Ray. Minsan natutuwa siya na naiinis. Sa hospital na iyon ang daming attracted sa binata, kahit 'yong may mga asawa na gusto pa rin magpapansin at panay ang pa-cute tuwing pumupunta roon si Ray o kaya'y sinusundo siya."Wala nga. Only child siya," sagot niya. Kahit ang alam niya ay may kapatid si Ray at nasa ibang bansa."No wonder, napunta sa kanya lahat ng kaguwapuhan at kagandahan ng kanyang mga magulang. Tapos pinag-isa kaya hayan ang resulta, nakakabaliw," sabat ng baklang si Nikko.Ngumiti si Ray sa kanila. Nagtilian ang mga kasamahan ni Saf
MAGKAKASUNOD lamang na dumating sa peak ng Mt. Melendres sina Vhendice at Ray. Tulad ng napagkasunduan pagpatak ng alas-siete ay gagawin nila ang race. "Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung ano ang sudden death match?" tanong ni Vhendice."There's no need for that. Kahit hindi ako professional racer sa mountain pass, naiintindihan ko naman kung ano iyan.""Alright, let's start in three minutes.""Vhendice, will you give me a favor?""Like what?"Hinugot ni Ray ang wallet at kinuha sa loob ang isang picture. Ibinigay kay Vhendice. "She is my fiancée. Safhire Magdalene. If anything bad will happen to me in this race, I want you to protect her. I'm sending into your e-mail some of the relevant accounts about her personal background.""Why me?""Sa iyo ko lang siya pwedeng ipagkatiwala.""Are you planning to lose this match? Huwag kang magkakamali. Sinabi ko na sa iyo, kapag sinadya mong magpatalo, may kalalagyan ka sa akin.""Ang bilis gumana ng utak mo. I said just in case.""You cert
MULA SA kanyang silid ay natagpuan ni Safhire ang sarili sa open-garden sa likod ng mansion. Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon matapos ang mahabang kwento ni Vhendice na gumulantang ng labis sa kanya. Kinikilabutan pa rin siya sa mga rebelasyon. Hindi niya ubos-maisip na sina Athrun at Ray ay biological brothers. Na ginustong mamatay ni Ray para mabuhay si Athrun. Sa dinami-rami ng bahagi ng katawan nito na pwede, ang puso pa ang napili nitong ibigay sa kapatid. Ang puso nito kungsaan sa mahabang panahon ay siya lamang ang laman at inaalagaan. Ngunit ngayon ay kasalukuyang tumitibok sa loob ng katawan ng ibang lalaki. Sa lalaki na minsan niyang inalagaan at ginising mula sa mahimbing na pagkakatulog.Huminto ang dalaga at niyakap ang sarili. Pinahid ang mga luhang nanlandas sa pisngi. Hindi niya kayang tumigil sa pag-iyak hanggang sa niyakap siya ng panlalamig. Kahit papaano ay nauunawaan niya kung bakit mas pinili ni Ray na isakripisyo ang kinabukasan nito kasama siya.
"WHAT'S GOING ON DOWN THERE?" tanong ni Athrun sa piloto. Mababa lamang ang lipad nila para matanaw nila ng mas malinaw ang paligid mula sa himpapawid at napansin ng binata na may nangyayaring kasiyahan sa sentro ng isa sa mga nayong sakop ng San Antonio Municipal."Narinig ko po na may kapistahan bukas. Baka nagkakaroon po sila ng palaro sa plaza," sagot ng piloto na parehas nilang narinig sa suot na headphones."Bumaba tayo."Si Safhire ay curious rin na nakatingin sa ibaba at excited na makita kung anong nangyayari.Naghanap ang piloto ng lugar na pwedeng lumapag ang helicopter. Nagpaikot-ikot muna sila at sa malawak na open ground sa harap ng civic center, bumaba ang helicopter. Maraming tao, bata at matanda sa plaza at sa iba't ibang mga palaruan sa perya ang nagtakbuhan papunta sa kinaroroonan nila."Here," inabot ni Athrun sa kanya ang kamay nito para tulungan siyang bumaba."Thank you," kumapit siya sa binata at ngumiti ng tipid."Chairman," lumapit sa kanila ang piloto na bum
NASA Makati ang apartment ni Safhire. Mas malapit sana mula sa airport. Pero naisip ng dalaga na baka may ibang nakatira na sa unit niya kaya niyaya na lamang niya si Athrun na doon na sila tumuloy sa condo unit ni Ray. May kalayuan ang biyahe lalo't mahigpit ang traffic. Halos nakatulugan na ng binata ang pagkainip nang dumating sila sa pupuntahan.Huminto ang sasakyan nila nang humarang ang guard. Binuksan ni Safhire ang bintana sa tapat niya at binati ang guwardiya. Agad siya nitong nakilala. Sumenyas ito na tumuloy sila. Umusad ang sasakyan papasok ng basement ng condominium.Mula sa underground parking ay sumakay sila ni Athrun sa elevator paakyat ng 35th floor. Hindi na niya halos napansin na hawak na naman ng lalaki ang kamay niya. Komportable na rin siya sa init na nagmumula sa palad nito na para bang matagal na niyang nakasanayan iyon. Saglit silang nagkakatitigan habang palabas ng elevator.Nilandas nila ang pasilyo. Siya na ang nagpatiuna at hinahatak si Athrun. Nang tingna