MAGKAKASUNOD lamang na dumating sa peak ng Mt. Melendres sina Vhendice at Ray. Tulad ng napagkasunduan pagpatak ng alas-siete ay gagawin nila ang race. "Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung ano ang sudden death match?" tanong ni Vhendice."There's no need for that. Kahit hindi ako professional racer sa mountain pass, naiintindihan ko naman kung ano iyan.""Alright, let's start in three minutes.""Vhendice, will you give me a favor?""Like what?"Hinugot ni Ray ang wallet at kinuha sa loob ang isang picture. Ibinigay kay Vhendice. "She is my fiancée. Safhire Magdalene. If anything bad will happen to me in this race, I want you to protect her. I'm sending into your e-mail some of the relevant accounts about her personal background.""Why me?""Sa iyo ko lang siya pwedeng ipagkatiwala.""Are you planning to lose this match? Huwag kang magkakamali. Sinabi ko na sa iyo, kapag sinadya mong magpatalo, may kalalagyan ka sa akin.""Ang bilis gumana ng utak mo. I said just in case.""You cert
MULA SA kanyang silid ay natagpuan ni Safhire ang sarili sa open-garden sa likod ng mansion. Hindi niya alam kung paano siya nakarating doon matapos ang mahabang kwento ni Vhendice na gumulantang ng labis sa kanya. Kinikilabutan pa rin siya sa mga rebelasyon. Hindi niya ubos-maisip na sina Athrun at Ray ay biological brothers. Na ginustong mamatay ni Ray para mabuhay si Athrun. Sa dinami-rami ng bahagi ng katawan nito na pwede, ang puso pa ang napili nitong ibigay sa kapatid. Ang puso nito kungsaan sa mahabang panahon ay siya lamang ang laman at inaalagaan. Ngunit ngayon ay kasalukuyang tumitibok sa loob ng katawan ng ibang lalaki. Sa lalaki na minsan niyang inalagaan at ginising mula sa mahimbing na pagkakatulog.Huminto ang dalaga at niyakap ang sarili. Pinahid ang mga luhang nanlandas sa pisngi. Hindi niya kayang tumigil sa pag-iyak hanggang sa niyakap siya ng panlalamig. Kahit papaano ay nauunawaan niya kung bakit mas pinili ni Ray na isakripisyo ang kinabukasan nito kasama siya.
"WHAT'S GOING ON DOWN THERE?" tanong ni Athrun sa piloto. Mababa lamang ang lipad nila para matanaw nila ng mas malinaw ang paligid mula sa himpapawid at napansin ng binata na may nangyayaring kasiyahan sa sentro ng isa sa mga nayong sakop ng San Antonio Municipal."Narinig ko po na may kapistahan bukas. Baka nagkakaroon po sila ng palaro sa plaza," sagot ng piloto na parehas nilang narinig sa suot na headphones."Bumaba tayo."Si Safhire ay curious rin na nakatingin sa ibaba at excited na makita kung anong nangyayari.Naghanap ang piloto ng lugar na pwedeng lumapag ang helicopter. Nagpaikot-ikot muna sila at sa malawak na open ground sa harap ng civic center, bumaba ang helicopter. Maraming tao, bata at matanda sa plaza at sa iba't ibang mga palaruan sa perya ang nagtakbuhan papunta sa kinaroroonan nila."Here," inabot ni Athrun sa kanya ang kamay nito para tulungan siyang bumaba."Thank you," kumapit siya sa binata at ngumiti ng tipid."Chairman," lumapit sa kanila ang piloto na bum
NASA Makati ang apartment ni Safhire. Mas malapit sana mula sa airport. Pero naisip ng dalaga na baka may ibang nakatira na sa unit niya kaya niyaya na lamang niya si Athrun na doon na sila tumuloy sa condo unit ni Ray. May kalayuan ang biyahe lalo't mahigpit ang traffic. Halos nakatulugan na ng binata ang pagkainip nang dumating sila sa pupuntahan.Huminto ang sasakyan nila nang humarang ang guard. Binuksan ni Safhire ang bintana sa tapat niya at binati ang guwardiya. Agad siya nitong nakilala. Sumenyas ito na tumuloy sila. Umusad ang sasakyan papasok ng basement ng condominium.Mula sa underground parking ay sumakay sila ni Athrun sa elevator paakyat ng 35th floor. Hindi na niya halos napansin na hawak na naman ng lalaki ang kamay niya. Komportable na rin siya sa init na nagmumula sa palad nito na para bang matagal na niyang nakasanayan iyon. Saglit silang nagkakatitigan habang palabas ng elevator.Nilandas nila ang pasilyo. Siya na ang nagpatiuna at hinahatak si Athrun. Nang tingna
MAY kausap pa sa cellphone si Jenni May nang pumasok si Vhendice sa suite ng dalaga sa Sky Garden. She was smiling sweetly to him. Sumenyas ito at tumango siya. Mabilis siyang napatawad ng fiancée matapos siyang magpaliwanag. Mababaw man ang kanyang dahilan mas mabuti na iyon kaysa sa magsinungaling. Nagtuloy sa terrace ng suite ang binata. Tanaw mula roon ang kakambal na gusali ng hotel. Ang Sky Garden Condominium. Buhat sa kanyang kinatatayuan ay makikita ang magkakatabing unit nila ng kapatid niyang si Ramses. Agad niyang napansin na nakabukas ang glass panel ng unit ni Ramses palabas ng terrace. Nakabalik na ba ito mula sa misyon? Halos two months din silang hindi nagkita. The Federal Bureau requested Ramses' assistance for a top investigation about the underground gang operating in New York. Hinugot ni Vhendice ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang kapatid. "The number you dial is currently out of service. Try your luck again later," sagot ng isang lalaki mula sa kabila
LAMPAS alas-dose na ng tanghali sila dumating sa Sta. Magdalena. Nagtanghalian sila pero hindi sa mamahaling restaurant kundi sa isang ordinaryong food junction lamang. Nakapagtatakang biglang dumami ang customers ng kainan nang pumasok sila. Duda siya kung pagkain ang ipinunta roon ng mga iyon ng iba at hindi ang mga kasama niyang mga Adonis. Nakakapagod maging escort ng mga pogi."Where are we going next?" tanong ni Athrun matapos silang kumain."Sa simbahan," sabi niya."Isn't it too early to get married?" biro ng binata.Tawanan sina Jrex at Airey. Kinurot niya ng pinong-pino sa tagiliran nito. Malapit lang ang simbahan mula sa food junction na pinasukan nila kaya naglakad na lamang sila."Ang gugwapo!""Mga artista ba sila?""Siguro."Napangiti siya sa mga naririnig na komento mula sa mga on-lookers na nadadaanan nila."Dito kami unang nagkakilala ni Ray. May Santacrusan noon at nanood kami ng nanay ko. Muntik akong mahagip ng taxi, mabuti na lang at dumating si Ray. Niligtas niy
LUMABAS ng bahay si Safhire para hanapin si Athrun. Nawala kanina ang binata pagkatapos ng hapunan at mag-aalas- diyes na ng gabi ay hindi pa rin ito bumabalik. Tinungo niya ang talyer. Naroon lang pala ito kasama sina Jrex at Airey. Natanaw niyang kinakausap nito ang isa sa mga nag-overtime na mekaniko ng talyer na kasalukuyang may kinukumpuning owner-type jeep. Lumapit siya."Ten o' clock na. Kailangan mo ng matulog. Sabi ni Mang Danny maaga kayong magsisimula bukas sa trabaho dahil maraming aayusin," sabi niya.Tumingin sa kanya si Athrun. "Nagkwento si Manong tungkol kay Ray."Tumango lang siya. Kaya pala buhos na buhos ito sa pakikinig. "Bukas na lang ninyo ituloy. Gabi na kasi. Matutulog ka na.""I'm not sleepy yet.""Inaabala mo si Mang Cardo sa ginagawa niya.""Ayos lang ako rito, Saf. Sinabi ko lang naman sa kanya kung anong mga ginagawa ni Ray noong nagtatrabaho dito," sabat ng mekaniko."Marami siyang ginagawa.""Sabi ko nga sa kanya, all-rounder iyon." Salo ni Mang Cardo.
KINAGABIHAN, pagkatapos ng hapunan at saglit na kwentuhan ay nagpaalam na si Athrun na magpapahinga ng maaga. Sinundan ni Safhire ang binata sa silid nito. "Gusto mo ng masahe?" "Libre?" biro nitong binuksan ang pinto ng guest room. "Babayaran mo ako roon sa kikitain mo sa shop." He chuckled. "Okay, let's try your prowess. Come in." Itinabi nito ang sarili. Pumasok siyang nakangiti. Dinig niya ang pagsara ng pinto sa likod niya. Naghubad ng t-shirt si Athrun at ibinuwal ang mabigat na katawan sa kama. Naligo na ito kanina bago ang hapunan. Hindi nito kinaya ang pangangati dahil sa grasa. Nag-umpisa siyang masahiin ang likod nito. "That feels great," ungol ng binata at bumalikwas. Kinabig siya pataob sa ibabaw nito. "But I want something sweet." "Abuso ka na. Masahe lang ang ibibigay ko sa iyo," ungot niyang napapabuntong-hininga. Ang puso niya, sasabog na sa kaba. "Let me go." Pero hindi ito nakinig at sa halip ay gumulong. Napunta siya sa ilalim. He was about to kiss her when