GUMISING nang maaga si Caroline dahil may appointment siya ngayon sa kanilang wedding planner. She’s excited, somehow anxious over something. Iniisip niya kasi si Diego. They are not legally annulled or divorced, and now she’s getting married. There’s hesitation. Iniisip niya si Raven kung ano ang magiging reaksyon nito na nagdadalawang isip siya sa kasal nila.Habang nasa malalim na pag-iisip ay hindi namalayan ni Caroline ang pagbaba ng hagdan ni Raven. Nasa sala lang kasi siya at nakaupo sa sofa. Umupo ito sa tabi niya ngunit hindi niya pa rin namalayan ang pag-upo nito sa tabi niya. “Babe?” sambit ni Raven at kinalabit siya. Bumalik naman ito sa kanyang diwa at binaling ang attention sa kanya. “Babe, kanina ka pa ba d’yan?” mahinang tanong niya at isinandal ang ulo sa balikat nito.“Ngayon lang, Babe. You were in your deep thought kaya hindi mo ako namalayan,” tugon naman ni Raven. “Pasensya ka na, may iniisip lang.” Ngumiti naman si Raven at niyakap na lang siya. He knows exac
DIEGO was left speechless. He was surprised, matapos sabihin ni Caroline ang tungkol sa kanyang anak. Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon dahil tulala pa rin siya hanggang sa nakaalis na si Caroline sa cafeteria kung saan sila nagkita. Hindi pa rin mag-sink sa utak ni Diego na may anak silang dalawa ng dating asawa. Halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman. Masaya dahil may anak pala sila ni Caroline. Malungkot, dahil baka ayaw sa kanya ng kanyang anak. Kinakabahan, dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang anak. Hindi niya pa rin talaga lubos maisip na nagbunga pala ang nangyari sa kanila ng asawa siyam na taon na ang nakalilipas. Pero masaya siya dahil may anak siya kay Caroline. "May anak pala kami? At lalaki pa?" wala sa sariling salita habang nakatakip ang isang kamay sa bibig nito, habang nagpipigil na malakas ang kanyang boses. "Maya anak talaga kami ni Caroline? Hindi talaga siya joke, alam kung hindi nag-jo-joke si Caroline, and she's not prankin
“Hi! How are you, Kuya?” bungad ni Stiffany sa kalalabas lang na si Diego sa kanyang kwarto. Tila gulat naman ito ng makita ang kapatid. Kunot-noo naman si Diego, dahil kung mag-tanong ang kapatid na si Stiffany ay parang matagal silang hindi nagkita. “Good!” malamig na tugon ni Diego at dinaanan lang ang kapatid na nasa sala habang komportable na nakaupo sa sofa. Maliit lang kasi ang bahay ni Diego dahil siya lang naman ang nakatira. At hindi rin malayo ang bahay sa city. Mas prefer kasi ni Diego ang tahimik na tahanan. Lalo na ngayon na hindi na niya kasama si Caroline. “Good to hear that, Kuya.” kinakabahan naman na sagot ni Stiffany. A palinga-linga siya sa paligid ng sala. Unang beses niya kasing pumunta sa bahay ni Diego simula nung bumalik na ito. At hindi rin sila nag-uusap. Minsan kapag kasama ang dalawang kapatid na sj Harold at Kiefer. “Bakit ka pala napa rito? May nangyari ba?” tanong ni Diego ng makalabas na ito ng kusina. Habang nakasandal sa pader at hawak nito a
NUNG malaman ni Diego ang tungkol sa kanyang anak ay palihim siyang nag-imbestiga at inalam ang mga bagay-bagay tungkol kay Matthew. Masaya siya sa kanyang mga nalaman, at hindi makapag-antay na makilala ito. Pero lagi rin sumasagi sa isip niya na baka hindi siya kilalanin na ama ng anak. Na paano kung may galit itong nakatago sa puso niya, dahil sa pag-iwan sa kanya at sa mommy niya. Marami siyang what if. At natatakot rin siya.And this time sa kauna-unahang pagkakataon ay makakaharap na niya ang anak. Grabe ang kanyang pagsisisi na kanyang nararamdaman nang makita ang anak na masayang tumakbo papalapit sa kanya. Kumakabog ang dibdib sa sobrang saya ng kanyang puso. Kung hindi lang San niya tinakasan ang kanyang utang ay masaya at buo sana ang kanyang pamilya. Pero dahil sa kanyang katangahan ay mas pinili niya ang magtago at lumayo sa kanyang asawa. Nagdusa pa ang asawa dahil sa kanyang ginawa. “Daddy," sigaw ni Matthew habang papalapit kay Diego. Parang hinugutan ng matatalim n
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Niloko mo siya nang paulit-ulit, tapos gusto mo siyang balikan. Gusto mo siyang bawiin sa akin? Diego, look. Ang fiance ko ay hindi bagay na pwede lang bawiin kung kailan mo gusto. Tao siya, may nararamdaman at nasasaktan," Raven firmly said. “Mahal ko si Caroline, at hindi ko siya ibabalik sa ‘yo. At wala akong balak na ibalik siya sa ‘yo,” mariin na salita ni Raven. “Babalik siya sa akin, dahil mahal niya ako. She loves me for a decade, at hindi madali na kalimutan ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko na mahal pa rin ako ni Caroline. Na mahal pa rin ako ng asawa ko. Galit lang siya sa akin, kaya pilit siyang lumalayo," ani Diego na ipinaglalaban pa rin ang kanyang nararamdaman. Namumula na rin ang mukha nito sa pagpipigil ng kanyang galit. Natatawa na lang si Raven sa inasal ni Diego. “Matagal nang nawala ang pagmamahal niya sa ‘yo, Diego. Kung ako sa ‘yo, ayusin ko na lang ang buhay ko. At humingi ng tawad kay Caroline in public, and expose
GABI na nang makauwi si Dina. Tulog na ang lahat ng kanyang mga kasama sa bahay, at ang mommy naman niya ay nasa ibang bansa for business. Habang binubuksan ang pintuan ay may kakaiba siyang naramdaman. Na para bang may taong nakatingin sa kanya sa Hindi kalayuan. Naninindig ang kanyang balahibo at nagsisimula manginig ang kanyang kamay habang dahan-dahan na pinihit ang doorknob. Pagkabukas niya sa pintuan ay dali-dali niya itong ni-lock at sumilip pa siya sa bintana sa gilid ng pintuan. Nang wala naman siyang makita o nakakapanghinala na mga galaw ay umakyat na siya sa kanyang kwarto. Kinakabahan pa rin siya, pero pilit niyang pinapakalma ang sarili. “This is crazy," bulalas ni Dina sa sarili. Pabagsak siyang umupo sa sofa at ipinahinga ang sarili. Hindi mawala sa isip niya ang takot na kanyang nararamdaman kanina lang. “Bakit parang may tao talagang nakatingin sa akin kanina," usal niya sa sarili. “Maybe, I am just hallucinating dahil sa stress. I’ve been busy this past few days
MAAGA ngang bumalik si Diego sa mansyon ng mga Woodsman. Ngunit wala si Caroline at ang batang si Matthew, dahil may pasok sa trabaho at school ang dalawa. Pumasok si Caroline sa kumpanya ngayon dahil ilang araw din siyang hindi pumasok sa kumpanya. Pumasok si Caroline bilang empleyado sa W.Incorp. Dahil hindi pa siya handa na humawak ng kumpanya makalipas ang ilang taon. Gusto na muna niyang magsimula sa baba, bago i-ahon ang sarili paitaas katulad noon. Nasa pool si Raven ng dumating si Diego. Sinalubong naman agad si Diego ng matandang katulong. Pina-upo muna ng matanda si Diego sa sofa at pumunta ito sa likuran bahagi ng mansyon kung nasaan ang pool. Tinawag ng matanda si Raven na may bisita, at mukhang alam na agad ni Raven kung sino 'to."Dalhin mo s'ya dito, Manang. Thank you," saad ni Raven at lumusob sa tubig, at isang langoy lang ang ginawa nito upang maabot ang kabilang dulo ng pool. Maya-maya ay dumating na ang bisita na sinasabi ng matanda. Umalis si Raven sa tubig at h
HAPON na nang makauwi si Caroline. Nadatnan niya ang mag-ama sa sala na naglalaro. Naglalakad na rin kasi si Venus kaya may katuwaan na si Raven at nakikipaglaro na sa anak. Napangiti naman si Caroline at napawi ang pagod na kanyang nararamdaman kanina. Sinalubong naman ni Raven si Caroline ng yakap at halik sa labi. Nasa lapag lang si Venus naglalaro. Isinandal naman ni Caroline ang kanyang ulo sa dibdib nito dahil sa pagod. Hindi na kasi sanay si Caroline na gumawa ng report at humarap sa laptop buong araw. Hindi tulad noon na sanay siya sa trabaho. “Kumusta ka? You look tired? May gusto ko ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Raven at hinagod-hagod ang likod ni Caroline."Hindi na talaga sanay katawan ko sa trabaho sa kumpanya. Masakit ang likod ko kakaupo buong araw,” reklamo ni Caroline at ngumiwi pa ‘to dahil sa sakit ng likod. "Do you want me to give you a massage?" ani Raven. “Come here," biglang binuhat ni Raven si Caroline at dinala sa sofa.Marahan niyang nilapag si Caroline
“Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng lahat nang buksan ni Caroline ang pinto. Napaatras naman siya, tila nagulat sa dami ng mga taong nagkakantahan at nagpapalakpakan sa sala. Hindi naman maiwasan ni Caroline ang matuwa, dahil ang iba sa mga bisita ay mga empleyado niya. At kumpleto rin ang kanyang pamilya,.maliban Sa isang tao. Sa gitna ng lahat, si Raven ay nakangiti habang may hawak na ang bunso nilang anak na si Venus.“You thought we forgot, didn’t you?” Raven said with a teasing smile.Bago ang kaganapan, sobrang abala si Caroline sa kumpanya dahil nagkaproblema sila sa isang investor. Dahil sa tindi ng kanyang pagka-busy, hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala ang nakalipas, at maraming nangyari sa panahong iyon.Si Diego at Dina ay pumunta na sa ibang bansa para sa operasyon ni Diego. Masaya naman si Caroline dahil sa wakas ay magagamot na ang dati niyang asawa. Para kay Dina naman, magsisimula na ito ng negosyo sa ibang bansa. Tinulungan sila ni
Alam kong may konsensya pa rin si Dina hanggang ngayon, at ako rin naman. Hindi mawala sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Sobrang dinurog ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sa kanya. "Uhm... ano ba ang susunod nating hakbang? Paano natin mapapasaya si Caroline? Wala akong maisip na pwedeng gawin..." litong sabi ko. "Paano kung ayain natin sina Raven at Caroline mag-date? Sa tingin ko magandang ideya 'yun, di ba?" masiglang mungkahi ni Dina habang nag-iisip pa. "Sa tingin mo, okay lang sa kanya? Hindi kaya siya magalit?" tanong ko nang may pag-aalinlangan. Hindi ko rin kasi masyadong kilala si Caroline, lalo na't hindi naman kami nagtagal. Nakilala ko lang naman si Caroline noon nung sinabi sa akin ni Dad na siya ang papakasalan ko. Dahil sa maganda siya at napakamasipag na babae. Agad rin nahulog ang loob at puso ko sa kanya. Pero nagloko pa rin ako sa kanya. She's the perfect woman na sana, kaso isang akong tanga kaya ngayon wala na siya sa akin.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata, at agad na bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng ospital. Nakakasulasok ang amoy, at ayoko nito. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Kasama ko lang si Mamay kanina; baka naman naghahallucinate lang ako. Pero nasa kwarto lang talaga ako ngayon at hindi sa ospital. Ibinaling ko ang aking ulo sa kaliwa at tumingin sa paligid. Nasa ospital nga talaga ako. Pero anong ginagawa ko rito? "Babe, you're finally awake. Thank goodness," bungad na sabi ni Raven. "Pinag-alala mo ako. Sorry..." umiiyak na sabi ni Raven. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano ba ang problema? "Why are you crying?" mahina kong tanong. “Nasa ospital ka, babe. Hindi ka nagising kagabi, kaya nag-alala ako. Lahat kami nag-alala. Pasensya na, sorry kung napaiyak kita ulit.” “Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah...” tanong ko. “Mamay told me. Umiiyak ka raw, at sobrang sama ng loob ko. Alam ko kasi kung bakit ka umiiyak kahapon. Akala mo siguro may k
[CAROLINE] Bumuhos na naman ang aking mga luha. Kakaayos lang namin, pero may nalaman na naman ako. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Gusto ko lang naman na maging maayos kami, kahit na pinagtaksilan nila ako. Pero bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsisinungaling? Bakit ganito? Agad akong pumasok sa kotse at humagulgol. Pilit kong inaayos ang lahat—sinubukan kong tanggapin at patawarin sila. Binigay ko ang gusto nila para maayos na. Kahit labag sa loob ko, ginawa ko, para kahit papaano'y maibsan ang bigat ng dinadala ko. Bakit ba ang hirap magpakatotoo? "Why do I have to experience this? Gusto ko nang maayos ang lahat sa amin, tapos bigla na lang malalaman ko na ang murderer ng asawa ko noon ay ang kabit niya pala? This is so frustrating!" Dapat ba akong maawa kay Diego? Pero siguro sapat na itong mga nalaman ko. Tama na ang kadramahan. Gusto nilang magsama, sige, hahayaan ko na sila sa buhay nila. Ibibigay ko na at magpopokus na lang ako sa buhay k
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Stiffany nang magkita silang dalawa sa hideout nila. Nagulat si Stiffany sa ginawa ni Dina, sa biglaang pagsampal na hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, sinampal din niya si Dina ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Nanlilisik ang kanilang mga mata, at tila konti na lang ay mag-aaway na sila at magdadambahan."Ano ba ang problema mo?" singhal ni Stiffany kay Dina."Ikaw! Kayo ng mga kuya-kuyahan mo! Ano ang ginawa ninyo kay Diego?" nanlilisik ang mga mata ni Dina habang nagsasalita.Inirapan ni Stiffany si Dina at tinalikuran ito. "He deserves to die," ani Stiffany. "Dahil sa ginawa niya, nawala sa amin ang lahat. Sinumbong niya kay Daddy kung ano ang ginawa namin nina Kuya. Kung tumahimik lang sana siya, hindi siya mapapahamak." Nanggigigil na sambit nito."Paano mo nagagawa 'yon sa kapatid mo? Hindi ba baliw na baliw ka kay Diego? Ano'ng kapahamakan ang ginawa ninyo sa kanya?" sigaw ni Dina. "Mabait si Diego sa inyo, paano ni
Dinala nina Raven at Caroline si Diego sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Kahit ayaw nitong magpadala sa ospital, dinala pa rin nila ito upang magamot din ang mga sugat niya. May bantay sa kwarto niya upang walang sinuman ang makapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kwarto ni Diego sa ngayon dahil sa nangyari. Nagsimula na rin mag-imbestiga ang mga pulis sa bahay ni Diego, at nagbigay na rin ng pahayag sina Raven at Caroline. Ayon kay Diego, ang mga kapatid niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Nagpaiwan si Caroline sa ospital upang bantayan si Diego, na hindi pa rin nagigising simula nang dinala nila siya roon. May nais ding malaman si Caroline. Gusto niyang maintindihan kung bakit laging sinasabi ni Diego na masakit ang kanyang ulo. Sinabi rin ni Raven na uminom si Diego ng pain reliever bago sila umalis ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na nang mahawakan niya ang ulo ni Diego at mapansin ang labis na pagkalagas ng buhok nito. Malakas ang kutob niya na
HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan."Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki
Natameme si Diego sa narinig. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, nanghina ang kanyang mga tuhod, at napaluhod siya. Hindi siya makapaniwala na ang kabit pala ang dahilan ng pagkawala ng panganay niyang anak—at kasalanan niya rin iyon. Isa siyang pabaya na asawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha, at sunod-sunod na nagsilabasan ang kanyang mga luha. Tahimik siyang napahagulgol habang ang kanyang mga kamay ay nasa mukha pa rin. Ngayon, mas lalo siyang nagsisisi dahil sa kanyang nagawa. Napakalaki ng kasalanan niya kay Caroline, at hindi katanggap-tanggap ang kanyang ginawa. "Patawad," humihikbing sabi ni Diego. "Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Kasalanan ko ang lahat," hagulgol niya. "Patawarin mo ako, Caroline. Labis kitang nasaktan. Napaka-gago kong tao—irresponsable, manloloko, sinungaling. Hindi mo deserve ang isang katulad ko. Nabigo akong maging lalaki para sa'yo, nabigo akong maging ama, at nabigo akong maging asawa. Pinabayaan kita, Caroline," pat