Share

46. Moved

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2024-08-05 16:43:28
“David, nakakahiya naman sa inyo. Sigurado ka ba na ayos lang na dito muna kami ng anak ko?” Tanong ni Freya habang nililibot ng tingin ang isang modular house na nasa harapan. Narito sila ngayon bahay-bakasyunan ng pamilya ni David nito sa probinsya. Pansamantala ay dito na muna sila titira ni Rose. Tumigil muna siya sa pagtatrabaho upang pagtuunan ang kaligtasan nilang mag ina.

Tumikhim si David, napansin na Freya na parang pinagpapawisan ito at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Parang may kakaiba sa kilos ng binata.

“O-oo naman, Freya. Feel free to use this house. Sabi nga niya—i mean, sabi ko nga… pwedeng-pwede kayo dito ni Rose. Malakas kayo sa kanya… este sa akin hehe.”

Kumunot ang noo ni Freya. “May problema ba, David? Napansin ko kasi parang hindi ka mapakali at pinagpapawisan ka? Masama ba ang pakiramdam mo?” Tinawag ni Freya si Raven. “Tingnan mo nga ‘tong si David, mukhang hindi maganda ang pakiramdam.”

Siniko ni Raven si David at lihim na pinanlakihan ito ng ma
SEENMORE

LIKE 👍

| 11
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   47. Naging duwag

    Maagang gumising si Freya upang magwalis sa bakuran na halos mapuno ng mga tuyog dahon. Bukod sa naglalakihang mga puno, mga nagtataasang damo ay wala na siyang ibang makita na mga iba pa. Wala man lang mga halaman upang magbigay ng magandang view sa kapaligiran. Mukhang napabayaan ng module house na ito. Kumunot ang noo ni Freya ng makitang bukas ang bintana ng katabing bahay. Mukhang nari’yan na ang kapitbahay niya na magsisilbing tourguide niya sa lugar. Pagkatapos ni Freya magwalis ay nagluto na siya ng almusal para kay Rose. At bilang pagbati at paggalang ay nagluto siya ng pasobrang pancake para ihatid sa kapitbahay niya. “Eat well, anak. Sandali lang ha, ihahatid ko lang ‘to sa kabila.” Paalam ni Rose sa anak. Dala ang platong may laman na pancake ay kumatok si Freya sa katabing-bahay niya. Dahil matagal magbukas ng pinto ang kapitbahay niya ay nagbaba na muna siya ng tingin sa ibaba ng pinto. Sakton pagkabukas nito ay bumungad sa kanya ang maputi at malaking paa. “Good

    Last Updated : 2024-08-05
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   48. Simula

    Hindi magawang sumagot ni Alexander dahil tama si Freya. Naging matapang ito noon para sa kanya. Nagagawa nitong ngumiti sa kabila ng pasaring ng kanyang ina at ibang tao… nagagawa nitong tumingin sa kanya na para bang hindi ito nasasaktan… tiniis at kinaya lahat ni Freya noon… samantalang siya ay naging isang malaking duwag. “Hindi ko kailangan ng duwag na katulad mo. Hindi ka namin kailangan sa buhay namin ng anak ko, Alexander… hindi ko kailangan ng lalaking may asawa na balak pang sirain ang reputasyon ko. Kung inaakala mo na mabobola mo ako para maging mistress mo ay nagkakamali ka! Mas gugustuhin kong tumandang walang asawa kaysa ang pumatol sa may asawa at maging kabet ng hudas na kagaya mo— s-sandali, ano bang ginawa mo?!” Ani Freya ng biglang hilahin ni Alexander ang kanyang kamay. “B-bitiwan mo nga ako—“ Hindi mapigilan ni Freya ang lalong maluha ng isuot ni Alexander sa kamay niya ang pamilyar na singsing sa kanyang daliri. Hindi niya makakalimutan ang singsing na ito. I

    Last Updated : 2024-08-05
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   49. Bonding

    Napangiwi si Freya ng makitang wala ng laman ang refrigerator nila. Wala na siyang maluluto mamaya. Kailangan na niyang mamili. “Mommy, saan po tayo pupunta?” Tanong ni Rose habang sinusubukan niyang paandarin ang kotse niya. Shit! Kanina pa ‘to inaayos ni Freya pero hindi pa rin gumagana ang makina. Pilit na ngumiti siya sa anak sa kabila ng pagkabanas niya. “Pupunta tayo sa bayan, Rose. Kailangan natin mamili.” “Talaga po, mommy? Pwede po ba natin isama si daddy uncle?” Tumabingi ang ngiti ni Freya. “Ah, kasi, princess, hindi pwede. Busy kasi siya at maraming ginagawa.” Palusot niya. “Hindi ako busy, ah. Sino ang nagsabi sayo?” Tanong ni Alexander na nagtataas-baba pa ang dalawang kilay sa kanya. Pinaningkitan ito ng mata ni Freya para bantaan, ngunit mukhang hindi nakuha ng lalaki ang pahiwatig niya. Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya pati sa anak niya. Bumaling si Alexander sa bata. “Hindi ako busy, Rose. Kaya pwede akong sumama.” Lalong naningkit ang mata ni Freya sa ini

    Last Updated : 2024-08-08
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   50. Bonding part 2

    Habang tumatagal na nakadikit si Freya sa katawan ni Alexander ay unti-unti niyang naaalala ang ganitong pakiramdam. Pakiramdam niya ay safe siya. Nang muling huminto ang lalaki para hayaan ang kanilang anak na tingnan ang mga hay0p na kanilang madaanan ay hindi niya mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Hindi man alam ni Alexander na anak niya si Rose ay nakikita niya na talagang magaan ang loob nito sa kanilang anak. “Daddy uncle, look! Ang laki po ng carabao!” manghang turo ni Rose sa kalabaw sa daan. Talagang maganda ang mga tanawin sa lugar na ito. Hindi lang dahil sa kagubatan, pinapaganda din ng mga tanim at hayop sa paligid ang kapaligiran. Tahimik at presko din ang hangin dito. Malayong-malayo sa maynila na puro pulosyon. “Did you like what you see, Rose?” tanong ni Alexader sa anak. “Yes po, daddy uncle. I like it here na po. Akala ko po no’ng una scary pero hindi po pala. Daddy uncle, pwede po ba tayong bumali dito bukas? Gusto ko pa pong makakita ng maraming

    Last Updated : 2024-08-08
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   51. Babies

    “Sige, uuwi na ako. Basta kung may kailangan kayo ni Rose, masabi lang kayo sa akin.” sabi ni Alexander bago umalis. Sinundan ni Freya ng tingin ang lalaki. Hindi man lang nito hinintay ang pasalamat niya bago umalis. Inisip ba ng lalaking ‘yon na wala siyang balak magpasalamat dito? Bumuntong’hininga si Freya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinabol niya ito. “Alexander!” nang lumingon ito ay napalunok si Freya. Iniwas niya ang tingin. “S-Salamat nga pala sa pagsama sa amin ni Rose. g-gusto mo bang magkape muna? I-ipagtitimpla kita.” wala naman sigurong masama sa pag alok ng kape dito. Hindi mapigilan ni Alexander ang mapangiti. “Well, that sounds good. Sino ba ako para tanggihan ang masarap na kape ni Freya.” Hindi mapigilan ni Freya ang mapairap kaya naman natawa ito. Nang makapasok sa bahay ay agad na yumakap si Rose sa bewang nito. “Daddy uncle, dito ka na po ba titira? Magsisimula na kayong gumawa ng little babies ni mommy?” Muntik ng madapa si Fre

    Last Updated : 2024-08-09
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   52. Bakit?

    “Loko talaga…” kanina pa si Freya bubulong-bulong habang naghuhugas ng plato. Hindi mawala ang inis at pamumula ng mukha niya. “Ay kabayo!” napahawak si Freya sa dibdib ng pagpihit niya paharap ay nasa harapan na niya si Alexander. “Thank you for today, Freya. It’s a joyous day for me.” ani Alexander na may nakapaskil na ngiti sa labi. Tumalikod si Freya upang iwasan ang tumingin sa mukha ni Alexander. Lalong namula ang pisngi niya at palakas nang palakas ang tibok ng puso niya. “H-Hindi mo kailangan magpasalamat, Alexander. Isipin mo nalang na bayad ko sa paghatid mo sa amin ang pagpapakain ko sayo ngayong gabi dito sa bahay— “I’m not talking about the dinner. I was talking about me… being with the two of you. Masaya akong kasama ko kayo ngayong araw.” putol ni Alexader kay Freya. Hindi niya maitago ang kasiyahan sa mukha… Hindi mapigillan ni Freya ang mapangiti. Ang saya marinig na naging masaya si Alexander na kasama sila ni Rose. Humarap siya kay Alexander at ngumiti. “

    Last Updated : 2024-08-09
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   53. The truth

    Tumingala si Alexander sa langit, nasa mukha niya ang pait habang inaalala ang balitang halos magpadurog sa puso niya noon. Hanggang sa hindi ng lalaki namalayan na kinakain na siya ng matinding galit at sakit. Nagbaba si Alexander ng tingin at tumingin sa kanya ng puno ng luha at pagmamahal ang mga mata. “Believe me, Freya. Napakasaya ko dahil ikakasal na tayong dalawa.” nagsimulang magbara ang lalamunan ni Alexander. “I couldn’t even sleep that time because of excitement. P-Pero sinira ng balitang ‘yon ang lahat ng kasiyahan sa puso ko. K-Kinain ako ng takot… natakot akong matali ka sa akin at hindi makabangon.” Nanlalabo ang paningin ni Freya. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. Nagsimulang mabasag ang boses ni Alexander. “The first thing that came into my mind was you. P-Paano ka kapag nawala ako? P-Paano ka kapag naiwan ka sa pamilya ko?” hindi gusto ni Alexander na umiyak. Nakakabawas ito sa pagkalalaki pero hindi niya mapigilan. Sumasabay sa patak

    Last Updated : 2024-08-09
  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   54. Init part-1

    Walang pagsidlan ang saya nila Freya at Alexander habang magkahawak ang kamay na naglalakad papasok ng bahay. Basang-basa na silang dalawa. “Dito ka lang, ikukuha kita ng tuwalya—“ hindi pinatapos ni Alexander si Freya na magsalita. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. “Alexander, basang-basa na tayo… baka magsakit tayo nito. Pwede mo naman ako yakapin mamaya.” “Hayaan mo muna akong yakapin ka. I missed hugging you like this.” Napangiti Freya at saka gumanti ng yakap. Maski din naman siya ay namiss ang mga yakap at halik ni Alexander. Natakot lang siya aminin dahil kumplikado pa ang sitwasyon. Pero ngayon na nalaman na niya ang totoo… wala ng bawal at pagpipigil pa. Pagkatapos magbihis ay nagtimpla si Freya ng kape para sa kanilang dalawa. Habang sumisimsim siya ng kape ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Hindi niya inaakala na darating ang sandali na magiging masaya pa silang muli ni Alexander kasama ang kanilang anak. “You’re smiling.” Puna nito. “Ikaw din naman, ah.”

    Last Updated : 2024-08-10

Latest chapter

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   397. WAKAS ♥️

    “Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   396.

    Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   395.

    [Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   394.

    Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   393.

    Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   392.

    “Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   391.

    Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   390.

    “Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel

  • SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY   389.

    Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k

DMCA.com Protection Status