LIKE 👍 COMMENT 💬
“David, nakakahiya naman sa inyo. Sigurado ka ba na ayos lang na dito muna kami ng anak ko?” Tanong ni Freya habang nililibot ng tingin ang isang modular house na nasa harapan. Narito sila ngayon bahay-bakasyunan ng pamilya ni David nito sa probinsya. Pansamantala ay dito na muna sila titira ni Rose. Tumigil muna siya sa pagtatrabaho upang pagtuunan ang kaligtasan nilang mag ina. Tumikhim si David, napansin na Freya na parang pinagpapawisan ito at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Parang may kakaiba sa kilos ng binata. “O-oo naman, Freya. Feel free to use this house. Sabi nga niya—i mean, sabi ko nga… pwedeng-pwede kayo dito ni Rose. Malakas kayo sa kanya… este sa akin hehe.” Kumunot ang noo ni Freya. “May problema ba, David? Napansin ko kasi parang hindi ka mapakali at pinagpapawisan ka? Masama ba ang pakiramdam mo?” Tinawag ni Freya si Raven. “Tingnan mo nga ‘tong si David, mukhang hindi maganda ang pakiramdam.” Siniko ni Raven si David at lihim na pinanlakihan ito ng ma
Maagang gumising si Freya upang magwalis sa bakuran na halos mapuno ng mga tuyog dahon. Bukod sa naglalakihang mga puno, mga nagtataasang damo ay wala na siyang ibang makita na mga iba pa. Wala man lang mga halaman upang magbigay ng magandang view sa kapaligiran. Mukhang napabayaan ng module house na ito. Kumunot ang noo ni Freya ng makitang bukas ang bintana ng katabing bahay. Mukhang nari’yan na ang kapitbahay niya na magsisilbing tourguide niya sa lugar. Pagkatapos ni Freya magwalis ay nagluto na siya ng almusal para kay Rose. At bilang pagbati at paggalang ay nagluto siya ng pasobrang pancake para ihatid sa kapitbahay niya. “Eat well, anak. Sandali lang ha, ihahatid ko lang ‘to sa kabila.” Paalam ni Rose sa anak. Dala ang platong may laman na pancake ay kumatok si Freya sa katabing-bahay niya. Dahil matagal magbukas ng pinto ang kapitbahay niya ay nagbaba na muna siya ng tingin sa ibaba ng pinto. Sakton pagkabukas nito ay bumungad sa kanya ang maputi at malaking paa. “Good
Hindi magawang sumagot ni Alexander dahil tama si Freya. Naging matapang ito noon para sa kanya. Nagagawa nitong ngumiti sa kabila ng pasaring ng kanyang ina at ibang tao… nagagawa nitong tumingin sa kanya na para bang hindi ito nasasaktan… tiniis at kinaya lahat ni Freya noon… samantalang siya ay naging isang malaking duwag. “Hindi ko kailangan ng duwag na katulad mo. Hindi ka namin kailangan sa buhay namin ng anak ko, Alexander… hindi ko kailangan ng lalaking may asawa na balak pang sirain ang reputasyon ko. Kung inaakala mo na mabobola mo ako para maging mistress mo ay nagkakamali ka! Mas gugustuhin kong tumandang walang asawa kaysa ang pumatol sa may asawa at maging kabet ng hudas na kagaya mo— s-sandali, ano bang ginawa mo?!” Ani Freya ng biglang hilahin ni Alexander ang kanyang kamay. “B-bitiwan mo nga ako—“ Hindi mapigilan ni Freya ang lalong maluha ng isuot ni Alexander sa kamay niya ang pamilyar na singsing sa kanyang daliri. Hindi niya makakalimutan ang singsing na ito. I
Napangiwi si Freya ng makitang wala ng laman ang refrigerator nila. Wala na siyang maluluto mamaya. Kailangan na niyang mamili. “Mommy, saan po tayo pupunta?” Tanong ni Rose habang sinusubukan niyang paandarin ang kotse niya. Shit! Kanina pa ‘to inaayos ni Freya pero hindi pa rin gumagana ang makina. Pilit na ngumiti siya sa anak sa kabila ng pagkabanas niya. “Pupunta tayo sa bayan, Rose. Kailangan natin mamili.” “Talaga po, mommy? Pwede po ba natin isama si daddy uncle?” Tumabingi ang ngiti ni Freya. “Ah, kasi, princess, hindi pwede. Busy kasi siya at maraming ginagawa.” Palusot niya. “Hindi ako busy, ah. Sino ang nagsabi sayo?” Tanong ni Alexander na nagtataas-baba pa ang dalawang kilay sa kanya. Pinaningkitan ito ng mata ni Freya para bantaan, ngunit mukhang hindi nakuha ng lalaki ang pahiwatig niya. Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya pati sa anak niya. Bumaling si Alexander sa bata. “Hindi ako busy, Rose. Kaya pwede akong sumama.” Lalong naningkit ang mata ni Freya sa ini
Habang tumatagal na nakadikit si Freya sa katawan ni Alexander ay unti-unti niyang naaalala ang ganitong pakiramdam. Pakiramdam niya ay safe siya. Nang muling huminto ang lalaki para hayaan ang kanilang anak na tingnan ang mga hay0p na kanilang madaanan ay hindi niya mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Hindi man alam ni Alexander na anak niya si Rose ay nakikita niya na talagang magaan ang loob nito sa kanilang anak. “Daddy uncle, look! Ang laki po ng carabao!” manghang turo ni Rose sa kalabaw sa daan. Talagang maganda ang mga tanawin sa lugar na ito. Hindi lang dahil sa kagubatan, pinapaganda din ng mga tanim at hayop sa paligid ang kapaligiran. Tahimik at presko din ang hangin dito. Malayong-malayo sa maynila na puro pulosyon. “Did you like what you see, Rose?” tanong ni Alexader sa anak. “Yes po, daddy uncle. I like it here na po. Akala ko po no’ng una scary pero hindi po pala. Daddy uncle, pwede po ba tayong bumali dito bukas? Gusto ko pa pong makakita ng maraming
“Sige, uuwi na ako. Basta kung may kailangan kayo ni Rose, masabi lang kayo sa akin.” sabi ni Alexander bago umalis. Sinundan ni Freya ng tingin ang lalaki. Hindi man lang nito hinintay ang pasalamat niya bago umalis. Inisip ba ng lalaking ‘yon na wala siyang balak magpasalamat dito? Bumuntong’hininga si Freya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinabol niya ito. “Alexander!” nang lumingon ito ay napalunok si Freya. Iniwas niya ang tingin. “S-Salamat nga pala sa pagsama sa amin ni Rose. g-gusto mo bang magkape muna? I-ipagtitimpla kita.” wala naman sigurong masama sa pag alok ng kape dito. Hindi mapigilan ni Alexander ang mapangiti. “Well, that sounds good. Sino ba ako para tanggihan ang masarap na kape ni Freya.” Hindi mapigilan ni Freya ang mapairap kaya naman natawa ito. Nang makapasok sa bahay ay agad na yumakap si Rose sa bewang nito. “Daddy uncle, dito ka na po ba titira? Magsisimula na kayong gumawa ng little babies ni mommy?” Muntik ng madapa si Fre
“Loko talaga…” kanina pa si Freya bubulong-bulong habang naghuhugas ng plato. Hindi mawala ang inis at pamumula ng mukha niya. “Ay kabayo!” napahawak si Freya sa dibdib ng pagpihit niya paharap ay nasa harapan na niya si Alexander. “Thank you for today, Freya. It’s a joyous day for me.” ani Alexander na may nakapaskil na ngiti sa labi. Tumalikod si Freya upang iwasan ang tumingin sa mukha ni Alexander. Lalong namula ang pisngi niya at palakas nang palakas ang tibok ng puso niya. “H-Hindi mo kailangan magpasalamat, Alexander. Isipin mo nalang na bayad ko sa paghatid mo sa amin ang pagpapakain ko sayo ngayong gabi dito sa bahay— “I’m not talking about the dinner. I was talking about me… being with the two of you. Masaya akong kasama ko kayo ngayong araw.” putol ni Alexader kay Freya. Hindi niya maitago ang kasiyahan sa mukha… Hindi mapigillan ni Freya ang mapangiti. Ang saya marinig na naging masaya si Alexander na kasama sila ni Rose. Humarap siya kay Alexander at ngumiti. “
Tumingala si Alexander sa langit, nasa mukha niya ang pait habang inaalala ang balitang halos magpadurog sa puso niya noon. Hanggang sa hindi ng lalaki namalayan na kinakain na siya ng matinding galit at sakit. Nagbaba si Alexander ng tingin at tumingin sa kanya ng puno ng luha at pagmamahal ang mga mata. “Believe me, Freya. Napakasaya ko dahil ikakasal na tayong dalawa.” nagsimulang magbara ang lalamunan ni Alexander. “I couldn’t even sleep that time because of excitement. P-Pero sinira ng balitang ‘yon ang lahat ng kasiyahan sa puso ko. K-Kinain ako ng takot… natakot akong matali ka sa akin at hindi makabangon.” Nanlalabo ang paningin ni Freya. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. Nagsimulang mabasag ang boses ni Alexander. “The first thing that came into my mind was you. P-Paano ka kapag nawala ako? P-Paano ka kapag naiwan ka sa pamilya ko?” hindi gusto ni Alexander na umiyak. Nakakabawas ito sa pagkalalaki pero hindi niya mapigilan. Sumasabay sa patak