Salamat po GEMS 💎 at RATE🫶✨
Alexander POV: Limang araw ng mainit ang ulo ko at hindi makapagtrabaho ng maayos. Wala ako sa tamang huwisyo. Maski ang trabaho ko ay hindi ko na natatapos. Hindi mawala sa isip ko si Freya. May alaalang lumilitaw sa isip ko na niyakap ko siya. Damn! Mukhang panaginip lang ‘yon. Sa kagustuhan kong makasama siya kung ano-ano na ang lumilitaw sa isip ko. “Damn… what?!” Halos maglabasan ang ugat ko sa leeg sa sobrang galit ng marinig ang sumbong ng driver kong si Ted. “P-Pasensya na, Sir. H-hindi ko ginusto na papuntahin doon si ma’am Freya. Pero mapilit si Ma’am Olivia. B-binantaan niya ako na tatanggalin sa trabaho kung hindi ako susunod sa kanya.” Napakadilim ng mukha ko nang lumabas ako ng kotse. Sa loob ng limang taon namin na pagiging mag-asawa ay ngayon lamang ako pumunta sa working place ni Olivia. Lahat ng madaanan ko ay takot na napaiwas sa dilim ng aura ko. Galit na galit ako kay Olivia ngayon. Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niyang pagpapahiya kay Freya. “Al
Alexander POV: “Mommy!” “R-Rose! A-anak!” Umiiyak na tumakbo agad si Freya para salubingin si Rose ng makita ito. Agad na nag-unahan sa pagtulo ang luha sa maganda nitong mukha. Banaag ang labis na pag-aalala nito para sa anak. “D-Diyos ko akala ko ay may nangyari na sayo. Pinag-alala mo si mommy.” Naphikbi si Rose ng makita ang luhaang mukha ng kanyang ina. “S-Sorry po, mommy… sorry po pinag-alala po kita… h-hindi ko na po uulitin…. Huhuhu… sorry po, mommy, dahil naging bad girl po ako. N-nagsisisi na po ako, dahil po sa akin kaya umiiyak ka! Sorry po, mommy…” Habang nakayakap si Freya kay Rose ay hindi ko maiwasan na tingnan ang kalagayan niya. Wala pang ilang oras na nawawala ang anak nito pero para na nitong napabayaan ang sarili ng ilang araw. Namamaga ang mata ni Freya at magulo ang buhok. Kapansin-pansin din ang paos na boses nito. Mukhang kanina pa ito umiiyak. Mukha itong miserable. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang paninitig sa nakakaawa
Freya POV: Akmang aalis na ako ng magsalita siya. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang mga sinabi niya… na alam ko na puro kasinungalingan lang. “I know I hurt you, Freya. Believe me… that was the last thing I wanted to do. Pero maniwala ka, sa pagkakataong ito ay hindi ko na babaliin ang mga sinabi ko.” Ang matiim na tingin sa akin ni Alexander ay may determinasyon. “Hindi na kita sasaktan… gagawin ko ang lahat para patunayan sayo na walang halong kasinungalingan ang mga sinabi ko.” “That was the last thing that you could do?” Nag-aapoy sa galit ang mga mata ko. “K-kung gano’n bakit mo ako sinaktan?” That hits him. He couldn’t even utter a word. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang nakapinid ang labi. See? Wala siyang masabi dahil sinungaling siya! Manloloko at walang puso! Puno ng pait na tumingin ako sa kanya. “B-bakit ko nga ba sinasabi pa ito. May asawa ka na… nakatali ka na sa iba. This matters has nothing to do with us anymore. Let’s forget this conve
Freya POV: Bago pumasok sa Evans Building ay nagsuot ako ng sumbrero at mask na palagi kong baon sa kotse ko. Hindi ako tanga para ipakita sa publiko ang pagpunta ko sa building ng mga Evans at hayaan na pagpiyestahan ng media ang mukha ko. “Ma’am, may appointment po ba kayo kay Sir Evans?” Magalang na tanong sa akin ng receptionist habang sinisilip ang mukha ko. “Ahm… wala.” “Naku, pasensya na po pero hindi ko kayo pwedeng papasukin—“ nagulat ito ng ilapag ko ang mga boxes na harapan nito. Dahil sa pesteng mga boxes na ‘to ay namamawis pari ang kasingit-singitan ko sa bigat nito. “Look, miss. Hindi ko kailangan pumunta ng mismong office niya. Balak ko lang iwan itong mga boxes ng cherry at sobreng ito sa dito para ipaalam sa kanya na hindi ko gusto ang ginagawa niya. Pakisabi sa CEO ninyong hambog na tigilan na ako.” “A-ah… m-ma’am…” namumutlang nakatingin ito sa likuran ko kaya lumingon ako. “S-Sir Evans…” Alexander stood behind me straight, wearing a black suit accentuated
Alexander POV: Pagkaparada ko ng aking kotse ay agad akong bumaba. Narito ako ngayon sa Evans Mansion. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking ama kaya ako narito ngayon. “Si dad?” Napalunok si manang ng makita ako. Siya ang pinakamatandang kasambahay dito sa mansion, ang isa sa mga nagpalaki sa akin. “Sir Alexander, ano ang ginagawa mo dito? Mainit ang ulo ni ma’am Vina simula pa kahapon, baka mapag-initan ka na naman niya ng ulo.” Natahimik ang matanda at agad na yumuko ng makita ang among babae, kasunod ang asawa nito. I clench my fist when I saw Olivia in the corner. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinatawag ngayon. Nagtataas-baba ang dibdib ni Vina, hindi maipinta ang mukha nito, ang mga mata ay nanlilisik tanda na ito ay galit na galit. *pak Pumaling ang mukha ko nang makatikim ng malakas na sampal mula sa aking madrasta. Ang matandang kasambahay ay agad na napalayo sa takot na ito ay madamay. “You let your wife alone on your house because of a woman?! Ha
Alexander POV: “A-alexander, mag-usap tayo, please!” Nang marinig ni Oliver ang pagmamakaawa ni Olivia ay dumilim ang mukha ng lalaki sa galit. Tumalikod ito at dumura sa lupa at medyo lumayo. “Wala na tayong dapat pag-usapan, Olivia. Hindi na magbabago ang pasya ko at dapat alam mo kung bakit.” Nang makasakay ako ng kotse ay agad ko itong pinaandar papalayo. Nang tumawag si Bruce ay agad ko itong sinagot. “Alexander, may kailangan kang malaman. Naalala mo ‘yong bangkay na nakita? Yung lalaking nakatakas? Wala siyang tama ng bala sa balikat. Ang sabi ng mga tauhan ko ay sigurado sila na tinamaan sa balikat ang lalaking iyon habang patakas. Hindi ba kaduda-duda na bigla nalang may lalabas na bangkay na suspect sa nangyari pero hindi naman pala siya ang lalaking hinahanap natin?” Napapreno ako bigla. “Ibig mo bang sabihin ay sinadya ang paglitaw ng bangkay para lituhin ang imbestigasyon?” “Gano’n na nga, pare.” Kumuyom ang kamao ko sa sagot ni Bruce. “Ang pagkakamali nila, h
3rd person POV: Sa Evans mansion; walang tigil sa pag iyak si Olivia, namamaga na ang mata nito. Sa tuwing naiisip niya na magkakahiwalay sila ni Alexander ay para siyang mamamatay sa sakit. “Iha, tumahan ka na. Hayaan mong ako ang umayos at gumawa ng paraan para maayos ang pagsasama ninyo ng aking anak.” “P-Pero m, mommy, it’s been five years subalit wala pa ring pagbabago ang pakikitungo niya sa akin. H-hindi ko na alam ang gagawin ko…” lalo niyang pinag-igihan ang pag iyak para mas lalo na maging kaawa-awa sa matanda. Dito magaling si Olivia, ang kunin ang loob ng mag-asawa upang makakuha ng simpatya. Sa loob ng limang taon na pagsasama ni Alexander ay naging napakabuti ng magulang ng kanyang asawa, lalo na ang biyenan niyang babae. Lahat ng kanyang naisin ay kanyang nakukuha, lahat ng kanyang sabihin ay pinapaniwalaan nito ng walang halong pagdududa. Kaya naman ang pakiramdam niya ay siya pa ang anak ng mga ito kaysa sa kanyang asawa. “Marami pang panahon para maayos ang
3rd person POV: Puno ng otoridad na lumakad si Vina Evans palapit sa front desk ng Wilson’s Building. Kapansin-pansin ang aura nitong mapagmataas, na napansin ng mga empleyadong naroon. “Nasaan si Freya Davis? Ilabas ninyo siya dahil nais ko siyang makausap!” Nakilala agad ng lahat ang babae, ito si Vina Evans, mula sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Biglang paggalang, siya ay bahagyang yumukod sa matanda. “Good morning, madam. May appointment ho ba kayo kay ma’am Davis, madam?” Sarkastikong natawa ang matanda, nakapaloob sa tawang iyon ang pagkairita sa tanong ng receptionist sa kanya. “Bakit kailangan ko pa nang appointment para lang kausapin ang katulad niya? Do you know who I am?” Marami na ang bali-balita na masama ang ugali ng matandang babae, mapagmataas, at matapobre. Batid iyon ng karamihan, subalit hindi pa rin makapaniwala ang mga naroon na kanila itong masasaksikhan. “Bingi ka ba? I said, I want to talk to Freya Davis. Where is she? It’s a simple question,