Alexander POV: Pagkaparada ko ng aking kotse ay agad akong bumaba. Narito ako ngayon sa Evans Mansion. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking ama kaya ako narito ngayon. “Si dad?” Napalunok si manang ng makita ako. Siya ang pinakamatandang kasambahay dito sa mansion, ang isa sa mga nagpalaki sa akin. “Sir Alexander, ano ang ginagawa mo dito? Mainit ang ulo ni ma’am Vina simula pa kahapon, baka mapag-initan ka na naman niya ng ulo.” Natahimik ang matanda at agad na yumuko ng makita ang among babae, kasunod ang asawa nito. I clench my fist when I saw Olivia in the corner. Mukhang alam ko na kung bakit ako pinatawag ngayon. Nagtataas-baba ang dibdib ni Vina, hindi maipinta ang mukha nito, ang mga mata ay nanlilisik tanda na ito ay galit na galit. *pak Pumaling ang mukha ko nang makatikim ng malakas na sampal mula sa aking madrasta. Ang matandang kasambahay ay agad na napalayo sa takot na ito ay madamay. “You let your wife alone on your house because of a woman?! Ha
Alexander POV: “A-alexander, mag-usap tayo, please!” Nang marinig ni Oliver ang pagmamakaawa ni Olivia ay dumilim ang mukha ng lalaki sa galit. Tumalikod ito at dumura sa lupa at medyo lumayo. “Wala na tayong dapat pag-usapan, Olivia. Hindi na magbabago ang pasya ko at dapat alam mo kung bakit.” Nang makasakay ako ng kotse ay agad ko itong pinaandar papalayo. Nang tumawag si Bruce ay agad ko itong sinagot. “Alexander, may kailangan kang malaman. Naalala mo ‘yong bangkay na nakita? Yung lalaking nakatakas? Wala siyang tama ng bala sa balikat. Ang sabi ng mga tauhan ko ay sigurado sila na tinamaan sa balikat ang lalaking iyon habang patakas. Hindi ba kaduda-duda na bigla nalang may lalabas na bangkay na suspect sa nangyari pero hindi naman pala siya ang lalaking hinahanap natin?” Napapreno ako bigla. “Ibig mo bang sabihin ay sinadya ang paglitaw ng bangkay para lituhin ang imbestigasyon?” “Gano’n na nga, pare.” Kumuyom ang kamao ko sa sagot ni Bruce. “Ang pagkakamali nila, h
3rd person POV: Sa Evans mansion; walang tigil sa pag iyak si Olivia, namamaga na ang mata nito. Sa tuwing naiisip niya na magkakahiwalay sila ni Alexander ay para siyang mamamatay sa sakit. “Iha, tumahan ka na. Hayaan mong ako ang umayos at gumawa ng paraan para maayos ang pagsasama ninyo ng aking anak.” “P-Pero m, mommy, it’s been five years subalit wala pa ring pagbabago ang pakikitungo niya sa akin. H-hindi ko na alam ang gagawin ko…” lalo niyang pinag-igihan ang pag iyak para mas lalo na maging kaawa-awa sa matanda. Dito magaling si Olivia, ang kunin ang loob ng mag-asawa upang makakuha ng simpatya. Sa loob ng limang taon na pagsasama ni Alexander ay naging napakabuti ng magulang ng kanyang asawa, lalo na ang biyenan niyang babae. Lahat ng kanyang naisin ay kanyang nakukuha, lahat ng kanyang sabihin ay pinapaniwalaan nito ng walang halong pagdududa. Kaya naman ang pakiramdam niya ay siya pa ang anak ng mga ito kaysa sa kanyang asawa. “Marami pang panahon para maayos ang
3rd person POV: Puno ng otoridad na lumakad si Vina Evans palapit sa front desk ng Wilson’s Building. Kapansin-pansin ang aura nitong mapagmataas, na napansin ng mga empleyadong naroon. “Nasaan si Freya Davis? Ilabas ninyo siya dahil nais ko siyang makausap!” Nakilala agad ng lahat ang babae, ito si Vina Evans, mula sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Biglang paggalang, siya ay bahagyang yumukod sa matanda. “Good morning, madam. May appointment ho ba kayo kay ma’am Davis, madam?” Sarkastikong natawa ang matanda, nakapaloob sa tawang iyon ang pagkairita sa tanong ng receptionist sa kanya. “Bakit kailangan ko pa nang appointment para lang kausapin ang katulad niya? Do you know who I am?” Marami na ang bali-balita na masama ang ugali ng matandang babae, mapagmataas, at matapobre. Batid iyon ng karamihan, subalit hindi pa rin makapaniwala ang mga naroon na kanila itong masasaksikhan. “Bingi ka ba? I said, I want to talk to Freya Davis. Where is she? It’s a simple question,
Freya POV: Kanina pa napapailing si Raven habang pinapakinggan ang kwento ko tungkol sa pagsulpot ni Alexander sa mismong araw ng date ko. Narito kami ngayong dalawa sa isang Coffe Shop. Pagkatapos ng trabaho ay saglit na nagkita kami bago siya sumalang sa operation schedule niya. “My god, Freya, it’s a sign!” Lalong hindi maipinta ang aking mukha sa sinabi niya. “Sign of what? Of being jerk. Well, tama ka. Siya naman itong lapit nang lapit sa akin pero kung pagsalitaan ako ng kanyang ina ay parang ako pa ang linta.” Sumimsim ng ice coffe si Raven. “Ano ang kinalaman ng malditang ina ng ex mo? Don’t tell me tinawagan ka niya para sabihin na ‘layuan mo ang anak ko’ hahaha—“ nasamid ito sa aking sunod na sinabi. “Hindi niya ako tinawagan, kundi pinuntahan niya ako mismo sa office ko.” “Really?” Aniya ng makabawi. “Bigla tuloy akong kinabahan para sayo. Alam naman natin ang ugali ng matandang ‘yon. Oo, makapangyarihan ang pamilya nila. Pero kung umasta naman ay parang pag aar
Alexander POV: “Damn!” Mura ko pagkatapos ng usapan namin ni Bruce. Limang taon na pero wala pa ring balita sa pinapahanap ko? Pati ang taong nasa likod ng pananakit kay Freya ay hindi rin mahanap. Muli akong napamura. Ang paghahanap sa kanila ay parang paghahanap ng butil ng bigas sa dayami. Napakahirap. This is the first time I have had difficulty finding something like this. It's like they know my every move. And it’s frustrating me. “Come in.” Ani ko nang makarinig ako ng katok. “Sir, nasa ibaba si Ma’am Vina, hinihintay ka.” Kumunot ang noo ko. Ano ang ginagawa niya dito? Hindi naman siguro narito ang matanda upang sampalin lamang ako. “I’ll coming.” Yumuko ang babae pagkatapos marinig ang matipid kong sinabi, bago magalang na umalis. Gano’n na lamang ang pagtataka ko nang masalubong ang mga kasambahay ko na may inaakyat na mga maleta at mga gamit. Nagsalubong nang tuluyan ang aking kilay ng makita ang marami pang gamit sa ibaba. “Stop it,” hinawakan ko ang driv
3rd person POV: Walang tigil ang pagluha ni Olivia habang sakay nang sasakyan pabalik sa mga Evans mansion. Nang makarating ay agad siyang sinalubong ng mag-asawang Vina at Alexis. “Iha, ano ang nangyari? Gabing-gabi na, bakit ka bumalik dito?” Tanong ni Vina. Ang inaasahan ng ginang ay magkasama ito at ang anak na si Alexander dahil sa kanya mismo galing ang gamot na pinalagay ng manugang sa inumin ng asawa nito. “M-mommy! S-Si Alexander, a-ayaw niya talaga sa akin! I-iniwan niya ako mag isa sa bahay. Umalis siya dala ang mga gamit niya! N-nagmumukha na akong tanga kakahabol sa kanya! Ano ba ang dapat kong gawin para h-hindi niya ako iwan? Mommy, daddy, tulungan ninyo ako… h-hindi ko na alam ang gagawin ko… naaawa na ako sa sarili ko…” walang patid na pagluhang na pakiusap ni Olivia sa dalawang matanda. Sobrang nasasaktan si Olivia ngayon, hindi makapaniwala sa kanyang nalaman, idagdag pa ang muling paglayo ni Alexander sa kanya. Katulad ng palagi nitong ginagawa—iniwan siya
Raven POV: “Nasaan na ba ang dalawang ‘yon?” Kanina pa ako paikot-ikot dito sa mall kakahanap kina Rose at Mike. Nalingat lang ako saglit, nawala na ang dalawa. Siguro ay naghahabulan na naman sila. Nakilala lang namin si Mike sa playground kung saan madalas namin ipasyal ni Freya si Rose. Palagi siyang kalaro doon ng inaanak kong si Rose. At kanina nga, nakita namin siya na umiiyak… nagugutom daw siya. Kaya naisipan ko na isama siya sa pagpunta namin dito ni Rose. Wala na siyang magulang kaya naman walang maghahanap sa kanya. Hays… mukhang pagiging tita-ninang nalang talaga at pag-aalaga ng mga bata ang role ko sa buhay. Wala na ngang love life, haggard pa… “Teka… boses iyon ni Mike, ah.” Ani ko ng marinig ang boses ni Mike. Parang umiiyak pa yata ito. Dali-dali akong tumakbo para sundan kung nasaan banda ang boses na pinanggagalingan ng kanyang iyak. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Olivia, kasama ang ina ni Alexnader. Nagsusumigaw sa karangyaan ang
“Aling Fatima, nasaan ho si Frank?” Tanong niya pagkadating niya. Ngayong araw kasi ay may usapan silang magkikita. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumatawag at nagtetext kaya nagtataka siya, at pumunta na siya dito. “Naku, Hazel, hindi ba niya nasabi sayo? Umalis siya at pumunta ng Germany… ahm, sa Canada yata. Ah basta nagpunta siya ng ibang bansa,” hindi sigurado na sabi nito. Kumunot ang noo niya. “Ibang bansa?” “Oo. Bakit, hindi ba talaga niya nasabi sayo?” Nang umiling siya ay nagtaka din ito, “Hayaan mo at tatawagan ko siya agad para ipaalam na nandito ka. Kanina lang ay halatang excited siya. Ang sabi niya pa nga ay pupuntahan ka niya,” Pupuntahan? Bigla tuloy siyang kinabahan. Kahit si Aling Fatima ay hindi ito makontak. Bakit kaya? Wala sanang nangyaring masama sa nobyo niya. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ate Sharie at kuya Yael niya. “Ate, kuya!” “Hazel!” Yumakap agad si ate sa kanya, maging ang kuya niya. “Napadalaw kayo,” “Siyempre n
Alam niya kasi na hindi titigil ang papa niya at sila Yassie kung hahayaan niya ang nga ito. Noong isang araw ay may sumubok na sagasaan siya at nalaman niyang si Yassie ang gumawa nito. Sumusobra ang babaeng iyon! Dahil hindi safe kung pupunta siya doon ng mag-isa ay nagsama siya ng mga bodyguards. Hindi naman sila natagalan sa biyahe dahil nasa Maynila lang ang mga ito. “Dapat ipakulong mo na ang babaeng iyon, Hazel. Delikado siya. Paano kung sa sunod ay magtagumpay na siyang saktan ka?” Naaawa na tumingin ito sa kanya. “Kahit ang papa mo ay napakasama ng ugali. Hindi ko talaga akalain na pamilya mo sila!” Pagbubunga pa ng kaibigan niya. Pagdating nila ay agad na bumaba sila ng sasakyan ni Toni kasama ang mga bodyguards na kasama niya. Kumunot ang noo ni Hazel ng makita si Mr. Mendoza, pero ng kumurap siya ay bigla itong nawala. Mukhang namamalikmata lang siya. “Tara na,” kumapit si Toni sa braso niya. Habang sakay sila ng elevator ay kinuha niya ang cellphone at tinawa
[Hazel] Tinikman niya ang niluluto niya. Nang ma-satisfy siya sa lasa ay ngumiti siya. Pagkatapos utusan ang kasambahay na tawagin ang lolo niya ay naghain na siya. “Mukhang napakasaya mo ngayon, apo,” puna ng lolo niya ng makita ang malaking ngiti sa labi niya. “Siyempre po, lolo. Hindi lang po ako masaya dahil legal na kami ni Frank, masaya din po ako kasi pumayag ka nang magpakasal kami,” pagkatapos lagyan ng pagkain ang plato nito ay lumapit siya sa kanyang lolo at parang batang yumakap dito, “Thank you po talaga, lolo,” Kumalat ang halakhak nito sa buong dining area, “Ang totoo apo ay gusto kong bawiin ang mga sinabi ko,” “Lolo!” Lalong lumakas ang tawa nito, “Mawawala ka na kasi sa akin… at hindi pa ako handa,” Lumamlam ang mata niya ng marinig ang sinabi nito. “Matanda na ako ng makita ka. Sayang, kung noon pa sana kita natagpuan ay nagkasama tayo ng mas matagal. Ngayon malapit ka nang ikasal, mayron sa puso ko na pakiramdam na para akong nanakawan,” hinawakan ng lolo
Umiiyak na yumakap si Lolo sa kanyang lolo, “Lolo, maraming salamat po,” akala niya ay hindi sila agad matatanggap ni Frank ngunit mali siya, matatanggap pala agad silang dalawa ng lolo niya. Ang lahat ng worries niya nitong mga nakaraan ay tuluyan ng tinangay ng hangin, Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at puno ng pagmamahal na tumingin ito sa kanya, “Apo, patawarin mo si lolo. Inisip ko na gaganda ang buhay mo kaya ipinagkasundo kita, ganun din dati ang inisip ko ng ipagkasundo ko ang iyong ina. Inisip ko na para iyon sa inyo… hindi ko inisip ang nararamdaman ninyo,” “Nang dumating dito si Frank at sinasabi sa akin na nasa panganib ang buhay mo, saka ko lamang napagtanto ang mga maling nagawa ko… mali ako na ipagkasundo ka at pilitin ka katulad ng ginawa ko sa iyong ina,” tumulo ang luha ni Lolo, puno ito ng pagsisisi, “A-ako ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin… kung noong una palang sana ay nakinig na ako sa kanya at kina Arcellie… kung pinakinggan ko lang sana ang mg
Pagdating sa bahay, binuhat siya ni Frank papasok. Mahina niya itong tinampal sa braso. “Frank, kaya kong maglakad,” sabi niya rito, “Shhh. Paano ako makakapasok sa inyo kung wala akong dahilan,” sabi nito. Kahit na mabigat ang dibdib niya dahil sa mga nangyari kanina, hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi ng nito. Ginamit pa siyang dahilan para makapasok. Pagdating sa dala, naabutan nila si lolo Henry kasama sila Allan at Mr. Mendoza. Nang makita siya ni Aling Nita ay luhaan itong tumakbo para lumapit sa kanya at hawakan ang kamay niya. “Diyos ko! Mabuti naman at ligtas kang bata ka,” sabi nito na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha. Nang mapansin nito na buhat siya ni Frank ay lalo itong nag-alala, “Ranz! Dalhin natin sa ospital si Hazel, mukhang hindi maganda ang lagay niya,” pagkatapos ay bumaling ito sa kanya, “m-may sugat ka ba? M-may masakit ba sayo?” Umiling siya dito, “Wala po, Aling Nita. Nanghihina lang po ako dahil sa kakaiyak,” pagdadahilan niya. Tumikhim
“Sinungaling! Wag mo akong daanin sa mga kasinungalingan mo! Kilala ko si papa, hinding-hindi niya sasabihin iyan! Wala akong halaga sa kanya! Wala kaming halaga ng anak ko sa kanya!” Galit na singhal ni Arcellie. Hinablot niya ang mga papeles para umalis, pero bago iyon, nilingon muna nito si Hazel. “Hindi kayang baguhin ng mga salita mo ang lahat ng galit sa dibdib ko.” Sabi nito bago lumabas ng silid. Pinahid ni Hazel ang luha at tahimik na umiyak. Hindi natagal, nakarinig siya ng malakas na putukan sa labas, kaya takot na takot siyang tumakbo sa sulok ng silid at nanginginig na sumandal doon. Malakas siyang napatili ng biglang bumukas ang pinto. “F-frank…” agad siyang tumakbo at yumakap dito, at parang bata na umiyak siya sa dibdib nito. “Shhh, stop crying, baby. You’re safe now,” alo ng binata sa nobya. Umigting ang kanyang panga ng maramdaman na nanginginig ito. Halatang takot na takot ito. Humigpit ang yakap niya kay Hazel, ligtas na ito ngayon habang nasa bisig ni
Ang sakit ng ulo ni Hazel ng magising siya. Nilibot niya ang mata sa paligid, at nakita na nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Anong ginagawa ko dito?” Ang huli niyang natatandaan ay kasama niya si Aika sa loob ng sasakyan, tapos biglang may humarang na mga sasakyan sa daanan nila at sapilitan silang isinama. ‘Na-kidnapped kami!’ Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa pintuan, binuksan niya ito pero naka-lock ito mula sa labas. Naisip niya bigla si Aika. Hindi niya mapigilan na mag-alala dito. Kasama niya kasi ito ng madukot sila. Takot na umatras siya at umupo sa gilid ng kama, pumikit siya habang nanginginig sa takot. Bigla niyang naalala si Aika. Nasan kaya ito? Napasuksok siya sa sulok ng biglang bumukas ang pintuan. “Tita Arcellie?” Kung ganon ay ito pala ang nagpadukot sa kanila. “Mabuti naman at gising ka na, hindi na kita kailangan buhusan nitong malamig na tubig,” nilapag nito ang dalang balde na may lamang tubig sa gilid. “Dahil gising ka na, gu
“Ma’am, nasa baba ho si Sir Frank,” imporma kay Freya ni Inday, ang kanilang kasambahay. “Pakisabi na bababa na kami,” “Sige po, ma’am.” Sabi ng kasambahay at umalis na. “Ano kaya ang kailangan ng anak mo? Aba, himala at dumaan siya dito kahit hindi weekend.” sabi ni Freya na ikinatawa ng kanyang asawa na si Alexander. “Sa palagay ko ay may mahalaga siyang sadya dahil hindi niya dinaan sa tawag. Halika ka na at bumaba na tayo.” “Sabagay, tama ka,” Kasalukuyan silang nasa kwarto at naghahanda ng mga gamit dahil nagpasya silang sumama kina Rose sa Switzerland para magbakasyon na rin. Niyakag ni Alexander si Freya pababa. Habang pababa sila ng hagdan ay magkahawak sila ng kamay ng kanyang asawa. Naabutan nila si Frank sa sala na hindi mapakali, nang makalapit ay bume-so ito sa ina at bumati sa kanila. “Dad, I need your help,” sinabi agad nang binata ang pakay niya. “Dinukot si Hazel?!” Gulat na gulat naman si Freya, agad siyang nag-aalala sa dalaga. “Yes, mom. Si Arcel
Kinuha ni Aika ang kanyang cellphone ng tumunog ito. “Ate Aika, may nakakita kay kuya Spencer na dinukot siya!” Umiiyak na bungad sa kanya ng kapatid ni Spencer ng sagutin niya ang tawag. Walang namutawing salita sa labi ni Aika, nahulog ang cellphone sa nanginginig niyang kamay. “H-hindi…!!!” Bumalong ang luha sa mga mata niya, bago pa makapag-isip ng tama, nilapitan niya ang mommy niya. “Sa-saan mo dinala si Spencer?” Napahinto naman si Arcellie ng harangan siya ng anak. “What are you talking about, Aika—“ “Pwede ba, mommy! Wag ka nang magsinungaling! Someone saw Spencer kidnapped, a-alam kong ikaw ang gumawa noon sa kanya!” “Calm down, anak—“ “Paano ako kakalma kung pinadukot mo siya!” Luhaang sigaw ni Aika. Galit naman na sinunggaban ni Arcellie ang anak at dinala sa loob ng opisinq niya. “Wag kang gumawa ng gulo, Aika! Nasa opisina na tayo!” Hinila nang dalaga ang braso sa kanyang ina at luhaang tumingin dito, “Bakit? Dahil nahihiya kang marinig nila kung gaano ka k