Treasure 💎
3rd person POV: Walang tigil ang pagluha ni Olivia habang sakay nang sasakyan pabalik sa mga Evans mansion. Nang makarating ay agad siyang sinalubong ng mag-asawang Vina at Alexis. “Iha, ano ang nangyari? Gabing-gabi na, bakit ka bumalik dito?” Tanong ni Vina. Ang inaasahan ng ginang ay magkasama ito at ang anak na si Alexander dahil sa kanya mismo galing ang gamot na pinalagay ng manugang sa inumin ng asawa nito. “M-mommy! S-Si Alexander, a-ayaw niya talaga sa akin! I-iniwan niya ako mag isa sa bahay. Umalis siya dala ang mga gamit niya! N-nagmumukha na akong tanga kakahabol sa kanya! Ano ba ang dapat kong gawin para h-hindi niya ako iwan? Mommy, daddy, tulungan ninyo ako… h-hindi ko na alam ang gagawin ko… naaawa na ako sa sarili ko…” walang patid na pagluhang na pakiusap ni Olivia sa dalawang matanda. Sobrang nasasaktan si Olivia ngayon, hindi makapaniwala sa kanyang nalaman, idagdag pa ang muling paglayo ni Alexander sa kanya. Katulad ng palagi nitong ginagawa—iniwan siya
Raven POV: “Nasaan na ba ang dalawang ‘yon?” Kanina pa ako paikot-ikot dito sa mall kakahanap kina Rose at Mike. Nalingat lang ako saglit, nawala na ang dalawa. Siguro ay naghahabulan na naman sila. Nakilala lang namin si Mike sa playground kung saan madalas namin ipasyal ni Freya si Rose. Palagi siyang kalaro doon ng inaanak kong si Rose. At kanina nga, nakita namin siya na umiiyak… nagugutom daw siya. Kaya naisipan ko na isama siya sa pagpunta namin dito ni Rose. Wala na siyang magulang kaya naman walang maghahanap sa kanya. Hays… mukhang pagiging tita-ninang nalang talaga at pag-aalaga ng mga bata ang role ko sa buhay. Wala na ngang love life, haggard pa… “Teka… boses iyon ni Mike, ah.” Ani ko ng marinig ang boses ni Mike. Parang umiiyak pa yata ito. Dali-dali akong tumakbo para sundan kung nasaan banda ang boses na pinanggagalingan ng kanyang iyak. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Olivia, kasama ang ina ni Alexnader. Nagsusumigaw sa karangyaan ang
Freya POV: Hinilot ko ang sintido ko habang ako ay napapabuntong-hininga. Kasasabi lang sa akin ni Rina tumawag na naman daw si Alexander upang tanungin kung natanggap ko ba ang mga pinadala nito. ‘Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagpapadala ng kung ano-ano. Hindi talaga makaintindi ang lalaking ‘yon.’ Ano ba ang kailangan kong gawin para tantanan niya ako? “Ma’am, may dumating na naman na boxes ng cherry. I-uuwi mo ba?” “No, kung gusto mo ikaw nalang ang mag-uwi.” Tumayo na ako at naghandang umalis. “I’ll go ahead, Rina. Dadaanan ko pa si Rose sa school niya. I-finalize mo muna lahat ng inutos ko sayo bago I-surrender sa akin ang files.” Bago ako tuluyang lumabas ay sinulyapan ko muna ang ilang kahon ng cherries na pinadala ni Alexander. Hmmp. Akala yata niya madadaan niya ako pa cherry. Ang tigas ulo. Ilang beses ko pa ba kailangan sasabihin na hindi niya kailangan humingi ng tawad dahil wala naman akong balak patawarin siya. Naalala ko ang kinuwento
Freya POV: Hindi ko mapigilan ang mapalunok habang nakapalibot ang matipunong braso ni Alexander sa bewang ko. Gusto kong iiwas ang mga mata ko dahil hindi ko matagalan ang titig niya pero hindi ko magawa. Naalala ko bigla ang pamilyar na pakiramdam na umiikot sa aking sikmura, mga alaalang noon na magkasama kaming dalawa… alaala ng pakiramdam sa tuwing magkakadikit ang aming balat. Pamilyar na pakiramdam na hindi na dapat maalala pa… pakiramdam na hindi na dapat balikan. Ganitong-ganito ang spark na nararamdaman ko noon sa tuwing magkasama kami. ‘Gusto kong kutusan ang sarili ko. Ano ba ‘tong iniisip ko. Bakit bigla kong iisipin ang mga… masaya ngunit mapait na alaalang ‘yon… bakit? Ako ang unang umiwas ng tingin. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi bago ngunit delikado… kailangan kong isipin ang aking puso… hindi pwede na hayaan kong mahipnotismo akong muli ng maganda niyang mga mata. Kailangan kong itatak sa aking isip na ang lalaking kaharap ko ay may asawa na. Nanlaki ang a
Sumandal si Alexander sa pader sa labas ng kwarto ni Freya. Tumingala siya at ilang beses na bumuga ng hangin. Kung titingnan ay mukha siyang kalmado sa harapan ng babae pero kabaliktran iyon ng tunay niyang nararamdaman. Nang makita niya ang paghihirap niti, ang hinanakit, at galit para sa kanya ay para siyang sinikmuraan. Sobrang laki ng impact ng ginawa niya kay Freya. “Damn.” Napasabunot si Alexander sa buhok niya. Kapag naaalala niya ang luhaan nitong mukha ay nasasaktan siya. Kailangan na talaga niyang ituwid ang pagkakamaling nagawa noon upang makabawi siya at mabuo ang pamilya nila. Nang tumunog ang cellphone ni Alexander ay agad niya itong sinagot. Ang driver niyang si Ted ang tumatawa. “Hello, Sir Alexander, nakita ko si ma’am Olivia, nasa hospital din siya. Mukhang sinundan niya tayo kanina, Sir.” Napamura si Alexander. May hinala siyang may balak na naman ang babaeng ‘yon na ipahiya si Freya para makakuha ng sipatya mula sa iba. Nagmamadali na pinuntahan ni Alexa
Napahinto sa tangkang pagpasok sina Raven at David ng marinig mula sa loob ang malakas na pag iyak ng kanilang kaibigan. Sumenyas naman agad si Raven sa binata, na agad nitong nakuha ang ibig sabihin. Binuhat nito si Rose upang ilayo. “Tito David, why is my mommy crying?” Inosenteng tanong ni Rose. “Masakit kasi ang tummy ni Mommy, kaya umiiyak siya.” Pagsisinungaling ni David sa kanyang inaanak. Hinala ng lalaki ay umiiyak ang si Freya dahil kay Alexander, na siyang naghatid dito sa hospital kanina. Bumuga ng hangin si Raven bago sumunod sa dalawa para bigyan ng oras si Freya na ilabas ang lahat ng sama ng loob at hinanakit. Tamang-tama gutom na rin sila kaya naman nagpunta muna sila sa restaurant para kumain. Lunch break naman niya ngayon. Padadalhan nalang niya ng takeout food si Freya mamaya. “Sa tuwing bumabalik ako galing business trip, laging nasasaktan si Freya. Tsk… ayaw pa kasi akong sagutin. Mahal na mahal ko naman siya.” Bumaling ang binata kay Rose. “Baby, sabihin
“Congratulations, pare! Makakalaya ka na rin sa wakas. Ilang taon ka rin nakulong sa pagsasama niyo, Olivia. Ano ang plano mo ngayon?” Binaba ni Alexander ang hawak na baso pagkatapos lagukin ang laman nitong alak. “I will pursue Freya to be mine again. This time, wala ng makakapigil sa akin… kahit magulang ko pa.” Sagot niya kay Tony. “Sasabihin mo ba sa kanya ang totoo? Kung gusto mong mapadali ang pagbalik niya sayo, diba dapat malaman niya muna ang totoong dahilan kaya ka nagpakasal kay Olivia?” Natigilan si Alexander sa tanong ni Bruce, pero agad din umiling ang lalaki. “Hindi na kailangan, pare. Ayokong balikan ako ni Freya dahil lang naaawa siya sa akin. Ang gusto ko… mahalin niya ulit ako katulad noon.” “Pare, nakakalimutan mo yata. May anak na si Freya. Hanggang ngayon nga ay hindi mo pa rin kilala kung sino ang lalaking pinalit niya sayo after ninyong maghiwalay. What if mahal niya pa ang lalaking ‘yon kaya hindi pa siya nakikipagrelasyon sa iba?” Nilagyan ng alak n
“David, ano ‘to, ha?” Galit na binagsak ni Freya ang files na dumating sa kanyang opisina kanina. “Akala ko ba pumapayag ka na hindi na natin kailangan makipag-cooperate sa Evans Company? Kung gano’n ay ano ito? We are going to cooperate with that… arghhh! No, I cannot!” “Look, Freya. This is not about you or him. It’s about our company. Hindi ko rin naman gusto na maka-trabaho si Alexander Evans because of what he did to you. But we must set aside our personal issues. Kailangan nating isipin ang kumpanya, ang ikauunlad nito.” Tumayo ang binata ang humawak sa balikat ni Freya. “Come to think of it. Evans Industry are well known when it comes to Artificial Intelligence business. We must grab this opportunity to cooperate on their company. We need them, Freya.” Nakahinga ng maluwag si David ng makitang kumalma na si Freya. “I’m sorry for being selfish, David. Tama ka kailangan natin makipag-partnership sa kanila for collaborate research and development. Arghh! Hindi ko lang talaga