LIKE 👍
Freya POV: Hindi ko mapigilan ang mapalunok habang nakapalibot ang matipunong braso ni Alexander sa bewang ko. Gusto kong iiwas ang mga mata ko dahil hindi ko matagalan ang titig niya pero hindi ko magawa. Naalala ko bigla ang pamilyar na pakiramdam na umiikot sa aking sikmura, mga alaalang noon na magkasama kaming dalawa… alaala ng pakiramdam sa tuwing magkakadikit ang aming balat. Pamilyar na pakiramdam na hindi na dapat maalala pa… pakiramdam na hindi na dapat balikan. Ganitong-ganito ang spark na nararamdaman ko noon sa tuwing magkasama kami. ‘Gusto kong kutusan ang sarili ko. Ano ba ‘tong iniisip ko. Bakit bigla kong iisipin ang mga… masaya ngunit mapait na alaalang ‘yon… bakit? Ako ang unang umiwas ng tingin. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi bago ngunit delikado… kailangan kong isipin ang aking puso… hindi pwede na hayaan kong mahipnotismo akong muli ng maganda niyang mga mata. Kailangan kong itatak sa aking isip na ang lalaking kaharap ko ay may asawa na. Nanlaki ang a
Sumandal si Alexander sa pader sa labas ng kwarto ni Freya. Tumingala siya at ilang beses na bumuga ng hangin. Kung titingnan ay mukha siyang kalmado sa harapan ng babae pero kabaliktran iyon ng tunay niyang nararamdaman. Nang makita niya ang paghihirap niti, ang hinanakit, at galit para sa kanya ay para siyang sinikmuraan. Sobrang laki ng impact ng ginawa niya kay Freya. “Damn.” Napasabunot si Alexander sa buhok niya. Kapag naaalala niya ang luhaan nitong mukha ay nasasaktan siya. Kailangan na talaga niyang ituwid ang pagkakamaling nagawa noon upang makabawi siya at mabuo ang pamilya nila. Nang tumunog ang cellphone ni Alexander ay agad niya itong sinagot. Ang driver niyang si Ted ang tumatawa. “Hello, Sir Alexander, nakita ko si ma’am Olivia, nasa hospital din siya. Mukhang sinundan niya tayo kanina, Sir.” Napamura si Alexander. May hinala siyang may balak na naman ang babaeng ‘yon na ipahiya si Freya para makakuha ng sipatya mula sa iba. Nagmamadali na pinuntahan ni Alexa
Napahinto sa tangkang pagpasok sina Raven at David ng marinig mula sa loob ang malakas na pag iyak ng kanilang kaibigan. Sumenyas naman agad si Raven sa binata, na agad nitong nakuha ang ibig sabihin. Binuhat nito si Rose upang ilayo. “Tito David, why is my mommy crying?” Inosenteng tanong ni Rose. “Masakit kasi ang tummy ni Mommy, kaya umiiyak siya.” Pagsisinungaling ni David sa kanyang inaanak. Hinala ng lalaki ay umiiyak ang si Freya dahil kay Alexander, na siyang naghatid dito sa hospital kanina. Bumuga ng hangin si Raven bago sumunod sa dalawa para bigyan ng oras si Freya na ilabas ang lahat ng sama ng loob at hinanakit. Tamang-tama gutom na rin sila kaya naman nagpunta muna sila sa restaurant para kumain. Lunch break naman niya ngayon. Padadalhan nalang niya ng takeout food si Freya mamaya. “Sa tuwing bumabalik ako galing business trip, laging nasasaktan si Freya. Tsk… ayaw pa kasi akong sagutin. Mahal na mahal ko naman siya.” Bumaling ang binata kay Rose. “Baby, sabihin
“Congratulations, pare! Makakalaya ka na rin sa wakas. Ilang taon ka rin nakulong sa pagsasama niyo, Olivia. Ano ang plano mo ngayon?” Binaba ni Alexander ang hawak na baso pagkatapos lagukin ang laman nitong alak. “I will pursue Freya to be mine again. This time, wala ng makakapigil sa akin… kahit magulang ko pa.” Sagot niya kay Tony. “Sasabihin mo ba sa kanya ang totoo? Kung gusto mong mapadali ang pagbalik niya sayo, diba dapat malaman niya muna ang totoong dahilan kaya ka nagpakasal kay Olivia?” Natigilan si Alexander sa tanong ni Bruce, pero agad din umiling ang lalaki. “Hindi na kailangan, pare. Ayokong balikan ako ni Freya dahil lang naaawa siya sa akin. Ang gusto ko… mahalin niya ulit ako katulad noon.” “Pare, nakakalimutan mo yata. May anak na si Freya. Hanggang ngayon nga ay hindi mo pa rin kilala kung sino ang lalaking pinalit niya sayo after ninyong maghiwalay. What if mahal niya pa ang lalaking ‘yon kaya hindi pa siya nakikipagrelasyon sa iba?” Nilagyan ng alak n
“David, ano ‘to, ha?” Galit na binagsak ni Freya ang files na dumating sa kanyang opisina kanina. “Akala ko ba pumapayag ka na hindi na natin kailangan makipag-cooperate sa Evans Company? Kung gano’n ay ano ito? We are going to cooperate with that… arghhh! No, I cannot!” “Look, Freya. This is not about you or him. It’s about our company. Hindi ko rin naman gusto na maka-trabaho si Alexander Evans because of what he did to you. But we must set aside our personal issues. Kailangan nating isipin ang kumpanya, ang ikauunlad nito.” Tumayo ang binata ang humawak sa balikat ni Freya. “Come to think of it. Evans Industry are well known when it comes to Artificial Intelligence business. We must grab this opportunity to cooperate on their company. We need them, Freya.” Nakahinga ng maluwag si David ng makitang kumalma na si Freya. “I’m sorry for being selfish, David. Tama ka kailangan natin makipag-partnership sa kanila for collaborate research and development. Arghh! Hindi ko lang talaga
Bumuntong-hininga si Alexander. Sobrang nagsisisi siya siya sa hindi pagpapakita ng effort no’n. Pero wala na siyang magagawa, babawi nalang siya. Tinitigan ng lalaki si Freya na tahimik na kumakain, hindi na siya nito tinapunan ng tingin. Mukhang masama pa rin ang loob nito. Pasimpleng tumingin si Freya sa kaharap. Nasamid siya ng makitang nakatingin si Alexander sa kanya. “A-anong tinitingin-tingin mo?” Nagkibitbalikat si Alexander bago sumagot. “Uhm, nothing.” Nothing daw? Lihim na umirap si Freya sa lalaki. Hindi naman mapigilan ni Alexander ang ngumiti. Unti-unti na siyang nasasanay sa kasungitan ni Freya. Habang kumakain ay tinitigan niya ang babae, kamukhang-kamukha talaga ito ni Rose. Angelic ang mukha, napakaganda. Gandang hindi niya malimutan. Nilapag ni Alexander ang utensils sa mesa. “Hindi ko kinakain ang dala mong mga pagkain noon dahil hindi ko sila gusto, Freya. In fact, I want to eat them. Heto na naman sila sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Nilapag ni
Tatlong oras ang tinagal ng operasyon kay Freya. Nang makita nina Alexander at David na lumabas si Raven sa OR ay nilapitan nila ito. “S-she is safe.” Masayang balita ni Raven. Kanina pa siya nagpipigil ng iyak habang inooperahan si Freya. Hindi na siya nagpigil ngayon, umiyak na siya nang umiyak habang nakayakap sa kaibigang si David. Sanay si Raven na mag-opera ng pasyente, ngunit iba pala kapag kakilala mo at mahalagang tao sayo ang nasa ilalim ng operasyon… doble ang pressure na naramdaman niya. Takot na takot siya kanina, lalo na nang makita niya kung gaano kalaki ang sugat sa ulo ni Freya. Pinigilan ni Raven si Alexander ng papasok sana ito sa kwarto. “Hindi ka pwedeng pumasok, Mr. Evans, prone sa bacteria si Freya kaya hindi pwedeng pumasok. Kailangan niya pang mailipat ng kwarto. Alam kong nag-aalala ka pero kailangan natin sumunod sa regulations ng hospital.” Nakakaunawa naman na tumango si Alexander. Naghintay siya na mailipat si Freya ng kwarto, nagpalit muna siya ng
Dumilim ang mukha ni Alexander. “Sana inisip niyo iyan bago kayo pumunta dito at nanggulo. Ngayon pumili ka, Olivia… pipirma ka ngayon sa divorce paper na ito o wala kang makukuha sa akin maski piso?” Nabigla sina Raven at David sa narinig. Kung gano’n ay divorce paper pala ang kailangan pirmahan ni Olivia. “Hindi ako papayag na maghiwalay kayong dalawa—ano ang ginagawa mo, Olivia?!” Nanlaki ang mata ni Vina ng makitang pinirmahan ito ng manugang. “P-Pasensya na, mommy. P-Pero kailagan ko ng pera… h-hindi biro ang isang bilyon.” “Tumigil ka!” Sinubukang agawin ni Vina ang divorce paper kay Olivia ngunit maagap itong inilayo ng babae. “Nahihibang ka na ba? Akala ko ba mahal mo ang anak ko? Olivia, mag isip ka bago magpadalos-dalos sa desisyon!” “Mommy, please! Pinipili ko lang kung ano sa tingin ko ay makikinabang ako sa ngayon kaya pakiusap huwag mo akong pakialamanan!” Desperadang inabot ni Olivia ang divorce paper kay Alexander. “Ito ang gusto mo, hindi ba? Pwes, ipagkak