🫶
3rd person POV: Sa Evans mansion; walang tigil sa pag iyak si Olivia, namamaga na ang mata nito. Sa tuwing naiisip niya na magkakahiwalay sila ni Alexander ay para siyang mamamatay sa sakit. “Iha, tumahan ka na. Hayaan mong ako ang umayos at gumawa ng paraan para maayos ang pagsasama ninyo ng aking anak.” “P-Pero m, mommy, it’s been five years subalit wala pa ring pagbabago ang pakikitungo niya sa akin. H-hindi ko na alam ang gagawin ko…” lalo niyang pinag-igihan ang pag iyak para mas lalo na maging kaawa-awa sa matanda. Dito magaling si Olivia, ang kunin ang loob ng mag-asawa upang makakuha ng simpatya. Sa loob ng limang taon na pagsasama ni Alexander ay naging napakabuti ng magulang ng kanyang asawa, lalo na ang biyenan niyang babae. Lahat ng kanyang naisin ay kanyang nakukuha, lahat ng kanyang sabihin ay pinapaniwalaan nito ng walang halong pagdududa. Kaya naman ang pakiramdam niya ay siya pa ang anak ng mga ito kaysa sa kanyang asawa. “Marami pang panahon para maayos ang
3rd person POV: Puno ng otoridad na lumakad si Vina Evans palapit sa front desk ng Wilson’s Building. Kapansin-pansin ang aura nitong mapagmataas, na napansin ng mga empleyadong naroon. “Nasaan si Freya Davis? Ilabas ninyo siya dahil nais ko siyang makausap!” Nakilala agad ng lahat ang babae, ito si Vina Evans, mula sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Biglang paggalang, siya ay bahagyang yumukod sa matanda. “Good morning, madam. May appointment ho ba kayo kay ma’am Davis, madam?” Sarkastikong natawa ang matanda, nakapaloob sa tawang iyon ang pagkairita sa tanong ng receptionist sa kanya. “Bakit kailangan ko pa nang appointment para lang kausapin ang katulad niya? Do you know who I am?” Marami na ang bali-balita na masama ang ugali ng matandang babae, mapagmataas, at matapobre. Batid iyon ng karamihan, subalit hindi pa rin makapaniwala ang mga naroon na kanila itong masasaksikhan. “Bingi ka ba? I said, I want to talk to Freya Davis. Where is she? It’s a simple question,
Freya POV: Kanina pa napapailing si Raven habang pinapakinggan ang kwento ko tungkol sa pagsulpot ni Alexander sa mismong araw ng date ko. Narito kami ngayong dalawa sa isang Coffe Shop. Pagkatapos ng trabaho ay saglit na nagkita kami bago siya sumalang sa operation schedule niya. “My god, Freya, it’s a sign!” Lalong hindi maipinta ang aking mukha sa sinabi niya. “Sign of what? Of being jerk. Well, tama ka. Siya naman itong lapit nang lapit sa akin pero kung pagsalitaan ako ng kanyang ina ay parang ako pa ang linta.” Sumimsim ng ice coffe si Raven. “Ano ang kinalaman ng malditang ina ng ex mo? Don’t tell me tinawagan ka niya para sabihin na ‘layuan mo ang anak ko’ hahaha—“ nasamid ito sa aking sunod na sinabi. “Hindi niya ako tinawagan, kundi pinuntahan niya ako mismo sa office ko.” “Really?” Aniya ng makabawi. “Bigla tuloy akong kinabahan para sayo. Alam naman natin ang ugali ng matandang ‘yon. Oo, makapangyarihan ang pamilya nila. Pero kung umasta naman ay parang pag aar
Alexander POV: “Damn!” Mura ko pagkatapos ng usapan namin ni Bruce. Limang taon na pero wala pa ring balita sa pinapahanap ko? Pati ang taong nasa likod ng pananakit kay Freya ay hindi rin mahanap. Muli akong napamura. Ang paghahanap sa kanila ay parang paghahanap ng butil ng bigas sa dayami. Napakahirap. This is the first time I have had difficulty finding something like this. It's like they know my every move. And it’s frustrating me. “Come in.” Ani ko nang makarinig ako ng katok. “Sir, nasa ibaba si Ma’am Vina, hinihintay ka.” Kumunot ang noo ko. Ano ang ginagawa niya dito? Hindi naman siguro narito ang matanda upang sampalin lamang ako. “I’ll coming.” Yumuko ang babae pagkatapos marinig ang matipid kong sinabi, bago magalang na umalis. Gano’n na lamang ang pagtataka ko nang masalubong ang mga kasambahay ko na may inaakyat na mga maleta at mga gamit. Nagsalubong nang tuluyan ang aking kilay ng makita ang marami pang gamit sa ibaba. “Stop it,” hinawakan ko ang driv
3rd person POV: Walang tigil ang pagluha ni Olivia habang sakay nang sasakyan pabalik sa mga Evans mansion. Nang makarating ay agad siyang sinalubong ng mag-asawang Vina at Alexis. “Iha, ano ang nangyari? Gabing-gabi na, bakit ka bumalik dito?” Tanong ni Vina. Ang inaasahan ng ginang ay magkasama ito at ang anak na si Alexander dahil sa kanya mismo galing ang gamot na pinalagay ng manugang sa inumin ng asawa nito. “M-mommy! S-Si Alexander, a-ayaw niya talaga sa akin! I-iniwan niya ako mag isa sa bahay. Umalis siya dala ang mga gamit niya! N-nagmumukha na akong tanga kakahabol sa kanya! Ano ba ang dapat kong gawin para h-hindi niya ako iwan? Mommy, daddy, tulungan ninyo ako… h-hindi ko na alam ang gagawin ko… naaawa na ako sa sarili ko…” walang patid na pagluhang na pakiusap ni Olivia sa dalawang matanda. Sobrang nasasaktan si Olivia ngayon, hindi makapaniwala sa kanyang nalaman, idagdag pa ang muling paglayo ni Alexander sa kanya. Katulad ng palagi nitong ginagawa—iniwan siya
Raven POV: “Nasaan na ba ang dalawang ‘yon?” Kanina pa ako paikot-ikot dito sa mall kakahanap kina Rose at Mike. Nalingat lang ako saglit, nawala na ang dalawa. Siguro ay naghahabulan na naman sila. Nakilala lang namin si Mike sa playground kung saan madalas namin ipasyal ni Freya si Rose. Palagi siyang kalaro doon ng inaanak kong si Rose. At kanina nga, nakita namin siya na umiiyak… nagugutom daw siya. Kaya naisipan ko na isama siya sa pagpunta namin dito ni Rose. Wala na siyang magulang kaya naman walang maghahanap sa kanya. Hays… mukhang pagiging tita-ninang nalang talaga at pag-aalaga ng mga bata ang role ko sa buhay. Wala na ngang love life, haggard pa… “Teka… boses iyon ni Mike, ah.” Ani ko ng marinig ang boses ni Mike. Parang umiiyak pa yata ito. Dali-dali akong tumakbo para sundan kung nasaan banda ang boses na pinanggagalingan ng kanyang iyak. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita si Olivia, kasama ang ina ni Alexnader. Nagsusumigaw sa karangyaan ang
Freya POV: Hinilot ko ang sintido ko habang ako ay napapabuntong-hininga. Kasasabi lang sa akin ni Rina tumawag na naman daw si Alexander upang tanungin kung natanggap ko ba ang mga pinadala nito. ‘Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa pagpapadala ng kung ano-ano. Hindi talaga makaintindi ang lalaking ‘yon.’ Ano ba ang kailangan kong gawin para tantanan niya ako? “Ma’am, may dumating na naman na boxes ng cherry. I-uuwi mo ba?” “No, kung gusto mo ikaw nalang ang mag-uwi.” Tumayo na ako at naghandang umalis. “I’ll go ahead, Rina. Dadaanan ko pa si Rose sa school niya. I-finalize mo muna lahat ng inutos ko sayo bago I-surrender sa akin ang files.” Bago ako tuluyang lumabas ay sinulyapan ko muna ang ilang kahon ng cherries na pinadala ni Alexander. Hmmp. Akala yata niya madadaan niya ako pa cherry. Ang tigas ulo. Ilang beses ko pa ba kailangan sasabihin na hindi niya kailangan humingi ng tawad dahil wala naman akong balak patawarin siya. Naalala ko ang kinuwento
Freya POV: Hindi ko mapigilan ang mapalunok habang nakapalibot ang matipunong braso ni Alexander sa bewang ko. Gusto kong iiwas ang mga mata ko dahil hindi ko matagalan ang titig niya pero hindi ko magawa. Naalala ko bigla ang pamilyar na pakiramdam na umiikot sa aking sikmura, mga alaalang noon na magkasama kaming dalawa… alaala ng pakiramdam sa tuwing magkakadikit ang aming balat. Pamilyar na pakiramdam na hindi na dapat maalala pa… pakiramdam na hindi na dapat balikan. Ganitong-ganito ang spark na nararamdaman ko noon sa tuwing magkasama kami. ‘Gusto kong kutusan ang sarili ko. Ano ba ‘tong iniisip ko. Bakit bigla kong iisipin ang mga… masaya ngunit mapait na alaalang ‘yon… bakit? Ako ang unang umiwas ng tingin. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi bago ngunit delikado… kailangan kong isipin ang aking puso… hindi pwede na hayaan kong mahipnotismo akong muli ng maganda niyang mga mata. Kailangan kong itatak sa aking isip na ang lalaking kaharap ko ay may asawa na. Nanlaki ang a