Share

25. Pinagsisisihang mahalin ka

Alexander POV:

“Mommy!”

“R-Rose! A-anak!” Umiiyak na tumakbo agad si Freya para salubingin si Rose ng makita ito. Agad na nag-unahan sa pagtulo ang luha sa maganda nitong mukha. Banaag ang labis na pag-aalala nito para sa anak. “D-Diyos ko akala ko ay may nangyari na sayo. Pinag-alala mo si mommy.”

Naphikbi si Rose ng makita ang luhaang mukha ng kanyang ina. “S-Sorry po, mommy… sorry po pinag-alala po kita… h-hindi ko na po uulitin…. Huhuhu… sorry po, mommy, dahil naging bad girl po ako. N-nagsisisi na po ako, dahil po sa akin kaya umiiyak ka! Sorry po, mommy…”

Habang nakayakap si Freya kay Rose ay hindi ko maiwasan na tingnan ang kalagayan niya. Wala pang ilang oras na nawawala ang anak nito pero para na nitong napabayaan ang sarili ng ilang araw. Namamaga ang mata ni Freya at magulo ang buhok. Kapansin-pansin din ang paos na boses nito. Mukhang kanina pa ito umiiyak.

Mukha itong miserable.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang paninitig sa nakakaawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status