Axel's POVHINATID ko lang ako sa asawa ko ng tingin habang papalabas sila ng office kasama ang secretary ko. Pero isang panauhin ang hindi ko inaasahan na papasok.Ang anak o long lost son ng traydor kong tiyuhin. Why? Dahil ganid siya sa pera, lahat gagawin para lang sa pera, kahit pa ikasama ng pamilyang pinagkakautangan iya ng loob at nagbigay sa kanya ng magandang buhay.At ito namang anak nito na anak sa labas, ay hindi maipaikakailang nananalaytay ang traydor na dugo mula sa ama nito. Siya si Harold Lim. Papalapit ito sa executive table ko at feeling close na umupo ito sa visitor's chair sa harap ko at naka de kwatro."What do you want?" Cold kong sabi habang, ipinagpapatuloy ko ang pagbabasa ng mga papeles na pipirmahan ko."Ang ganda pala ng asawa mo," bagkos ay sagot nito.Napatigil ako sa narinig ko, hindi ko alam kung bakit pero biglang umakyat ang dugo ko sa ulo. Kumuyom ang mga palad ko."Don't you ever touch my wife, Harold! Or else you will pay 10 folds." Banta ko sa k
Nang dahil sa nangyari mas lalong humigpit ang security sa mansion. Nagtawag na rin si Axel ng mga high skilled body guards para mapanatili ang kaligtasan namin. Bawat sulok ng villa ay may nakabantay, mga de armas ang mga gwardiya. Bantay sarado bawat tarangkahan, walang natutulog.Hindi ko akalain na mangyayari ang ganitong pangyayari. Halos hindi ako makatulog matapos ang insidenting iyon. Who would've thought naman 'di ba na pwede pala naming ikapahamak ang pagiging mayaman.Naisipan kong tumawag sa bahay para kamustahin ang magulang ko, para naman akong nabunutan ng tinik ng sabihin ng katulong sa hindi pa nakakauwi sina mommy. Ibig sabihin malayo sila sa panganip, I hope so. Grabeng bakasyon naman ng lovers na iyon. Uuwi lang raw ang mga ito pag kailangang kailangan si dad sa office. Tumatawag naman daw ito at kinukumusta ang bahay. Nakasimangot pa ako ng hindi ko man lang narinig na kinukumusta ako ng magulang ko. Grabe naman talagang tiniis nila ako, nakaka disappointed. Nai
Third Person POVGusto pa sanang umiyak ni Erica pero dahil sa sakit na nararamdaman ay wala ng luha ang lumabas pa, tuyo na ang namumugtong mata ng lumabas sa building na iyon.Lulan na siya ng kotse sa mga sandaling iyon. Nakatoon lang ang mga namumugtong mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Minsan pa ng tanungin siya ni Jessie, pero ngiti lang ang isinasagot niya. Ngiting hindi niya alam kung gumuhit ba sa labi niya. Kahit naman masakit ang ginawa ni Axel ayaw pa rin naman nitong masira ito kaya itatago niya pa rin ang nangyari. Gano'n niya ito ka mahal, hindi mali gano'n siya hibang at tanga dahil nagawa pa rin niyang protektahan ito.Nakaramdam ng pag baliktad ng sikmura si Erica. Actually, kaninang umaga pa niya iyon naramdaman pero pinipigilan niya lang."Jessie, ihinto mo muna ang sasakyan..." aniya ng marahil hindi na mapigilan ang pagkasuka.Agad namang tumalima ang driver nito, paghinto ng sasakyan ay mabilis pa sa alas kwatro itong lumabas nang sasakyan. Buti na lang at
*Erica POV*Napatayo ako, sinasabi ko na nga ba."Yes honey, it's me," anito na dahan dahang lumapit sa akin. Naasiwa ako sa mga ngisi nitong nakakaluko."Hayop ka Harold!" sigaw ko."Oh. Relax, I won't hurt, not now." Habang palapit ito ng palapit ay paatras naman ako ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil isang malamig na wall na ang lumapat sa likod ko. Ikinulong niya ako sa kanyang dalawang braso na inilapat sa wall. "You're still beautiful, Erica," anito, habang titig na titig sa mga mata ko. A monster! Nagulat ako ng bigla na lang nitong inamoy ang leeg ko. Kaya naitulak ko siya saka sinampal. Napahawak siya sa kanyang baba, animo na disaline iyon dahil inayos ayos niya pa iyon. Saka humalakhak na parang demonyo, nakatingala pa ito. Maya maya ay nag iba ang expression ng mukha nito ng ibalik sa akin, nanlilisik ang mga mata.Nakakatakot ang mga titig niya, para itong sinapian ng masamang espirito. Ikinagulat ko ang susunod niyang ginawa, hinawakan ng malaki
Erica's POV Isang linggo ulit ang lumipas wala pa ring nagligtas sa akin. Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na nandito pq rin ako. Wala man lang bang nakapag report na nawawala ako, do my parent know about what happen? Ang saklap naman nito parang wala namang nagmamahal sa akin eh. Kinapa ko ang tiyan ko ramdam ko ang maliit na umbok sa puson ko, saka bumuntong hininga. Hindi ako makapag-isip ng maayos kong paano ako tatakas. Sino bang makakatakas dito sa lugar na 'to? Araw araw nanghihina ang katawan ko, dahil sa kakasuka. Kawawa naman ang anak ko wala man lang siyang vitamins sa nakukuha sa akin. Napahagulhul pa ako, ng walang makapang pag-asa. Napatigil ako ng biglang nag unlock ang pinto. Gaya ng karaniwan kong ginagawa ay hinihintay ko ang taong luluwa roon. Napatayo ako ng si Harold ang naroon. Nasa likuran nito si David at ang dalawang lalaking hindi ko kilala. Lumapit si Harold sa akin, bumalik ako pagkakaupi at nanatili lang sa posisyon kong naka upo sa kama habang hin
Erica's POV "Men, alam niyo na ang gagawin," anang Harold matapos makuha ang attache case na kaninay bit bit ni Axel.Napapaligiran kami ng mga armadong kalalakihan na tauhan ni Harold, nakatutuk ang mga armalite nila sa amin. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Axel. Kaya napa siksik na lang rin ako sa malapad na dibdib nito at mahigpit ko rin siyang yakap. "I love you Erica. Mahal na mahal." Narinig kong bulong ng asawa ko. Napaiyak ako sa narinig ko, hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon. Pero kung mamatay man ako ngayong araw na'to, masaya akong mamamatay, dahil sa narinig ko. Sunod sunod na putok ang narinig ko, napapikit ako, at pigil ang hininga ko. Katapusan na namin. "Tumakas na kayo sir Axel!" Sigaw ni David. Gulat kami pareho ni Axel ng maghiwalay dahil buhay pa kami at walang tama ng bala. Nakita ko pa ang ilang mga tauhan ni Harold na nakahandusay sa lupa. At may ilang mga naka unipormeng mga sundalo nakikipagbarilan sa mga armadong tauhan ni Harold.
Isang putok ng baril, ang umalingawngaw sa abandonadong building na pinaglagyan sa akin ni Harold. Napasigaw ako sa putok ng baril, nakita ko si Harold na nakatutok ang baril sa gilid ko. Nag aapoy ang mga mata nito sa galit, at nakangising parang demonyo ang mga labi nito. Hindi ko mapigilan ang panginginig, isang putok pa ang ginawa nito, napapikit pa ako. Hanggang sa maramdaman ko ang isang katawan ng tao na bumagsak sa gilid ko. Nakadapa na ito at naliligo ng sariling dugo. Sunod sunod ang paghinga ko sa nasaksihan ko. Napaatras ako, pero natigil ako ng makilala ang nakadapang lalaki. "Erica!" Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng building. Binalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan ni Harold pero wala na iyon doon. Muli kong binalik ang tingin ko sa lalaking nakahandusay sa harap ko. Hindi na iyon nakadapa dahil at this time nakatihaya na ito at mulat ang mga mata, at may tama ng bala ang noo ito. Ang mukha nito ay puno ng dugo. Lumakas pa lalo ang kalabog ng puso ko. No! No
Axel's POV Abala ako sa pagrereview ng mga papeles na nakatambak sa mesa ko. Isang linggo ko na rin itong hindi nagagalaw at ngayon lang ito magagalaw dahil ngayon ang deadline. Kaya tudo tutok ako sa mga papeles isa isa. Hindi naman pwedeng permahan ko ng hindi ko nababasa, kung pwede lang sana, dahil sabik na rin akong makita ang asawa ko at naiwan ko pa naman siyang wala pang malay kanina. Baka mas lalong magtampo iyon sa akin. Napatigil ako sa ginagawa ko, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam pero masaya ako kahit na sinusungitan niya ako.Kailangan kong bilisan ito dahil, aaminin ko na sa kanya ang lahat. Kung gaano ko siya ka mahal. Ang corny ko pero totoo naman kasi, mas lalo ko siyang gustong makita araw-araw. Kung pwede lang oras oras nasa tabi niya lang ako, kaso ang sungit. Sabi ni Mommy Yza, gano'n daw talaga kapag buntis, baka nga raw maging kamukha ko ang mga anak ko dahil pinaglilihian ako ng asawa ko.Napapailing na lang ako sa isiping iyon, I can't believ
Two years later… "AHHHH!" nagulat ako sa isang tili na umalingaw-ngaw sa loob ng bahay nila Edward. Kakapasok ko pa lang sa bakuran nila. Balak ko kasi silang dalawin at para ibigay na rin pasalubong namin galing paris. Tili iyon ni Edward, ah. "Mommy, si Daddy Ed iyon. Ano kayang nangyari?" tanong ng anak kong si Xelarie. Manilis na kaming pumasok sa loob ng bahay upang usisain ang nangyayari. "Ate," gulat na sambit ni Edward ng makita ako. Pawis na pawis siya at namumutla. "A-anong nangyari, Ed?" "Edward!" sigaw ni Cathy. "Ed?" "M-Manganganak na si Cathy," aniya sa malambot na boses saka kinagat pa ang kuko. Mukhang tensyunado siya. "Oh, tapos? Bakit mo iniwan?" "K-kasi…" Narinig na naman namin ang sigaw ni Cathy. "Doc Edward, pumutok na po ang panubigan ni Cathy. Baka bata na po ang susunod no'n," imporma ni Nurse Jean. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. "Ano pa bang ginagawa niyo? Dalhin niyo na sa ospital!" bulyaw ko sa katangahan nila. Mangangana
"S-SIGURADO KA BA?" tanong ko sa kaniya nang pareho na kaming nasa kuwarto at wala ni isang saplot sa katawan. Napapikit ako nang ilapat niya ang kaniyang mainit na palad sa balikat ko pababa sa braso ko. He even kissed my shoulder na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Mga boltaheng nabubuhay sa kaugatan ko sa bawat halik at haplos niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko hindi ako humihinga. Tila isang tensyon para sa akon ang kaganapang ito. "Yes, I am dead sure," aniya sa paos na boses. Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo ko. "P-pero baka…" naputol ko ang sasabihin ko dahil tila kinapos na naman ako sa hininga ng dumako ang malambot niyang labi sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang mapaungol. Napalunok ako para ituloy ang sasabihin ko. "Mabuntis ulit ako." Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa sinabi ko nang tinigil niya ang ginagawa niya. Minulat ko ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata naming kapwa nag-aapoy dahil sa paghahangad sa makamundong pagnanasa
BUTI at naawat ko si Edward, pati na rin sarili ko. Kaya hindi natuloy ang init na namamagitan sa amin na muntik na ring maghatid sa amin sa pagkalimot. Naghanda na rin ako ng pananghalian dahil dito raw siya kakain. May dala rin siyang ulam kaya lang naiwan sa kotse niya. Na-excite daw siya masyado na makita ako kaya bulaklak lang ang bitbit niya.Napangiti ako, ngiting may kilig at galak. Kailan ko kaya matatanggap na totoo lahat ng ito. Para kasing panaginip lang, mahal ako ng taong mahal ko. Hindi lahat biniyayaan ng ganito, hindi lahat ng bakla papatol sa isang katulad ko. Tanggapin ko na kaya ngayon? Okay fine totoo 'to, this is the reality. I chuckled dahil sa mga naiisip ko. Tsk. Naiiling na rin ako sa kabaliwan ko."Mukhang masaya ka."Napapitlag ako dahil may baretonong boses na bigla na lang nagsalita sa likod ko. Agad naman akong lumingon."Nanggugulat ka, Edward," paninitang sabi ko saka pinanlakihan siya ng mata habang himas-himas ko ang dibdib ko.He smiled an
NAKALABAS na ako ng hospital isang linggo na ang lumipas. Masaya ako dahil unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko. Araw-araw din akong dumadalaw sa mga anak ko. Napaisip akong umupa ng bahay noong lumabas ako para sa matutuluyan ko. Hindi pa kasi ako handang sumama kay Edward. Not because galit ako sa kaniya o may tampo ako. Nahihiya lang ako sa kaniya. Noong sunduin nga niya ako sa hospital ay sa bahay pa sana niya ako itutuloy pero pinigilan ko siya. Pinilit niya akong tumira sa bahay niya pero hindi ako pumayag kasi nga 'di ba nahihiya pa ako. Hindi pa masyado gano'n kalakas ang loob ko. Kalaunan naman ay pumayag na rin siya na bumukod na muna ako, tinulungan nga niya akong maghanap ng apartment. Pero hindi niya gusto ang mga apartment na napupuntahan namin. Hanggang sa nagdesisyon siyang dito na lang ako sa condo niya. S'yempre hindi ako pumayag noong una dahil mas nakakahiya pero pinipilit niya ako. "Dito ka sa condo ko o doon ka sa mga unsafety apartments pero sasamah
PAGPASOK ko sa silid ni Cathy ay naabutan ko siyang tulog. Minsan lang ako nagpapakita sa kaniya dahil baka sumama ang loob niya kapag makita ako. Napangiti ako nang paglapit ko ay napansin ko na konti na lang ang mga prutas. Ibig sabihin kumakain na siya ng maayos. Napangiti ako. This is a signed of her progress sana magtuloy-tuloy na ito. Nakita ko na yakap-yakap niya ang ipad. Hindi niya raw ito binibitawan sabi ng mga nurse na tumitingin sa kaniya kaya hinayaan ko munang gamitin niya. Pero na-curios ako kung ano ang mga ginagawa niya sa ipad kasi sabi rin nila Nanay no'ng minsang dumalaw sila ay may kinakalikot daw si Cathy sa Ipad. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at dahan-dahang itinaas upang makuha ko ang aparato sa dibdib niya. Succes naman dahil nakuha ko nga na hindi siya nagigising. Pag-open ko pa lang sa screen ng ipad ay nakarehistro na sa screen saver ang naka-collage na larawan ng kuwadro. Napangiti ako nang makita ko ang mga pangalan na nakatapat sa larawa
NAKATULALA lang ako sa kawalan habang nakahiga sa hospital bed na naka-recline. Iniisip ko kung ayos lang ba ang mga anak ko. Kung bakit nangyayari ang lahat ng pahirap na ito sa buhay ko. Pati mga anak ko na inosente nadamay. Pinahid ko ang luhang kumuwala mula sa mga mata ko. Gusto kong magalit sa mundo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil pabaya akong ina. Wala akong kwenta, ang hirap mabuhay. Minsan nagsisisi ako kung bakit pa ako nabuhay. "Anak Cathy, kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain eh. Kailangan mong magpalakas." Napalingon ako sa nagsalita saka bumaba ang tingin ko sa hawak niyang binalatang mansanas. Nag-iwas ako ng tingin. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko wala na akong sikmura. Hindi ako makaramdam ng gutom. "Busog po ako, Nanay Celia," sabi ko na lang out of respect. "Pero wala ka pang kinakain simula nang magising ka kahapon," anito. Bumuntonghininga ako saka umiling. Hindi naman niya ako pinilit. Napatingin ako sa
NAKATUNGHAY lang ako kay Cathy habang siya ay mahimbing na natutulog. Nasasaktan akong nakikita siya habang nakahiga sa hospital bed at may tubo sa bibig na nagsusuporta sa buhay niya. Everytime the monitor's beep natatakot ako dahil baka biglang mag-straight line na naman ito. Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Cathy at hinatid sa bibig ko saka hinalikan. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. On-duty ako para anytime na may mangyari ay nandito ako at p'wede akong makialam. Dumukwang ako para halikan ang noo niya saka muling umupo."Cathy, stay with me, please. Magpakatatag ka, nandito lang ako naghihintay sa 'yo. Sabik na akong marinig ang boses mo. Please, wake up," nagsimulang gumaralgal ang boses ko. Pero pinigilan kong mapaiyak. Alam kong naririnig niya ako, ayaw kong marinig niya na pinanghinaan ako ng loob."The kids are under monitoring, kailangan ka nila para lumakas ang loob nila. Kaya gumising ka na..." natigilan ako sa pagsasalita ng mari
"HANGGANG dito ka lang Doc Alcantara," pigil nang isang doctor ng maipasok si Cathy sa delivery room. "Please, Doctora Rodriguez, let me in," pagpupumilit ko habang may dalawang nurse na lalaki na nakahawak sa magkabila kong braso para mapigilan ako. "Alam mong hindi ka p'wede dito!" asik ni Doctora. "But I can't just stay outside. Hindi ako mapakali, please. Just this once," pagsusumamo ko. Tumulo na rin ang luha ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Cathy at sa mga anak ko. Mahina na ang pulso ni Cathy no'ng ipasok namin siya dito. Gusto kong pumasok para makasiguro na magiging maayos siya. Mababaliw ako sa kakaisip kapag dito lang ako sa labas. "Okay fine. Boys, let him in," she demand. Agad naman akong binitawan ng mga nurses at sinundan na si Doctora Rodriguez na papasok sa room. Binihisan na nila si Cathy. Nangingig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. Panay mura ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinabitan na si Cathy ng kung ano-anong
AKALA KO pagkatapos nilang mamanhikan sa bahay ay iiwan na nila kami. Pero spoiled brat nga talaga si Ate Erica kahit kuwarenta na. Paano ba naman kasi pinipilit niya ako na sumama na sa kanila pauwi. Pero kapag si Ate Erica na ang namilit mapipilitan ka talaga dahil hindi ka titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Kaya 'eto ako ngayon dalawang araw na kami sa mansion ng mga Hill sa syudad. Ayaw rin akong pabukurin, magrerenta na lang sana ako ng bahay pero ayaw rin niya. Gusto nila na nakikita ako lalo't alam nila na sa mga susunod na buwan mahihirapan ako sa pagbuntis ko dahil sobrang laki na talaga ng t'yan ko. Halos ayaw rin nila akong paggalawin. Napaka-over protective nila sa akin. Well, ayos lang din naman, hindi naman ako nagrereklamo. Because I'm happy to have them, they are my family and I know they're just thinking about my own good. Si Edward rin bumalik na sa pagtatrabaho. Hindi rin siya umuuwi sa sarili niyang bahay dahil gusto niya lagi niya akon