Third Person POV
Gusto pa sanang umiyak ni Erica pero dahil sa sakit na nararamdaman ay wala ng luha ang lumabas pa, tuyo na ang namumugtong mata ng lumabas sa building na iyon.Lulan na siya ng kotse sa mga sandaling iyon. Nakatoon lang ang mga namumugtong mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Minsan pa ng tanungin siya ni Jessie, pero ngiti lang ang isinasagot niya. Ngiting hindi niya alam kung gumuhit ba sa labi niya. Kahit naman masakit ang ginawa ni Axel ayaw pa rin naman nitong masira ito kaya itatago niya pa rin ang nangyari. Gano'n niya ito ka mahal, hindi mali gano'n siya hibang at tanga dahil nagawa pa rin niyang protektahan ito.Nakaramdam ng pag baliktad ng sikmura si Erica. Actually, kaninang umaga pa niya iyon naramdaman pero pinipigilan niya lang."Jessie, ihinto mo muna ang sasakyan..." aniya ng marahil hindi na mapigilan ang pagkasuka.Agad namang tumalima ang driver nito, paghinto ng sasakyan ay mabilis pa sa alas kwatro itong lumabas nang sasakyan. Buti na lang at talahiban ang gilid ng daan, free siyang ilabas roon lahat. Sana pwede na lang ipasamang lumabas ng puso niya na wasak na wasak."Are you okay, maam?" Buong pag aalalang tanong ni Jessie. Tango lang ang sinagot nito rito, at sumuka ulit ."You're not feeling well, maam Erica.""I'm, ok Jessie lets go," aniya ng mahimasmasan, pero laglag ang mga balikat niya dahil nanghihina siya. Nakaparada rin ang dalawa pang kotse sa gilid ng daan kasunod ng kotse nila.Papasok na sana sila sa sasakyan ng may biglang humintong isang puting van sa gilid ni Erica.Taka siyang napatitig rito, pero ng magbukas ang Van ay agad sumikbo ang kaba niya. Lalo na at may dalang mga armas ang iilang mga kalalakihan na lumabas roon. Sa pagkakataong iyon nakatutuk na sa kanila ang baril. Agad namang bumunot ng baril si Jessie at itinutok rin sa kanila. Gano'n din ang mga nakasunod sa kanilang Anim na body guards ng makalabas ito.Napahawak si Erica kay Jessie. Nanginginig ang mga kamay nito na animo nag ye yelo sa lamig. Katapusan na niya, y'on ang nasa isip niya."What do you want?" Matigas na tanong ni Jessie sa mga armadong lalaki . Nakabonit pa ang mga ito. Itunuro nila ang gawi ni Erica. Kaya napasoksok ang babae sa likuran ni Jessie, napakapit pa siya sa suot nitong Amerikana."Get inside the car, maam," utos ni Jessie rito, nakatotuk pa rin ang baril sa mga ito.Bahagyang umatras si Erica para sana pumasok sa kotse, pero isang malamig na bakal ang lumapat sa sintido nito. Na mas lalong nagpanginig ng kalamnan niya. "J-jessie..." nanginig na sambit nito. Nakilala niya ang lalaking tumutok sa kanya ng Baril. Isa iyon sa mga bodyguard nya. "What? You traitor!" Sigaw ni Jessie ng lumingon sa gawi ni Erica. At doon itinuon ang baril."D-david, kasabwat mo sila?" Kahit sa kabila ng takot na nararamdaman ni Erica sa mga sandaling iyon ay nagawa pa rin niyang itanong iyon.Narinig niya lang ang pag ngisi nito. Ipinulupot ng lalaki ang braso nito sa leeg ni Erica habang nakatotok pa rin ang baril sa sentido ng nanginginig na babae. Napapapikit na lamang si Erica, kung kataposan na niya ngayon, sana naman sa langit dalhin ang kaluluwa niya. Ang saklap naman talaga ng buhay niya."'Wag na 'wag mong subukang lumaban Jessie or elses pasasabugin ko ang ulo ng amo mo!" Paninindak nito. Muling naglandas ang luha ni Erica dahil sa takot."Shit, David! You will pay for this!" Galit na sabi ni Jessie, naguguluhan ang isip niya wala siyang magawa para iligtas ang amo niya. Hawak siya ng mga kalaban, at sa oras na may gawin siya, sigurado siyang masasaktan nila si Erica. Kaya wala siyang nagawa kun'di ang hayaan si David.Hinila si Erica na lalaki patungo sa puting van at ipinasok siya roon. At bago pa man pumasok ang mga armadong kalalakihan sa loob ng van ay nagpaulan ito ng putok, buti na lang at alerto ang mga bodyguard at walang tinamaan.Napapamura pa si Jessie ng makita ang papalayong Van. Pinaputukan nila ito pero wala ng nagawa ang paghahabol ng bala dahil tuluyan na itong nakalayo. Mabilis na pumasok siya sa kotse at sinundan ang papalayong Van. Gano'n rin ang mga kasamahan nito, sigurado siyang malilintikan sila ni Axel.Dunukot nito ang cellphone mula sa bulsa at dinail ang telepono sa opisina ni Axel, habang mabilis na nagmaneho. Nang walang sumagot ay sa mismong Cellphone na nito ito tumawag. "I'm sorry sir, we failed in our mission. Maam Erica got carried away by our opponents," malungkot na report ni Jessie kay Axel. Isang malulutong na mura ang narinig nito sa kabilang linya.."Paano nangyari iyon, I thought you were the most skilled bodyguard, that's why I hired you. But what happened now? Wala kayong nagawa!?" Sigaw ng kabilang linya "I'm sorry sir, but you hired a traitor, one of the bodyguards is a spy. But don't worry we're following them." "Just make sure you will get Erica back, Jessie. Make sure of it." "Yes sir." Wala ng nakuhang sagot si Jessie mula sa kabilang linya dahil pinutol na ito.Napakuyom si Jessie sa kanyang kamao. Galit na galit siya sa mga dumukot kay Erica, sa mahabang panahon na pagbabantay niya rito ay napalapit na ang loob niya rito. Mabait itong tao. Kinakausap siya nito kahit pinagbabawal sa kanila ang pakikipag-usap kung hindi naman mahalaga. Kaibigan na rin ang turing ng amo sa kanya, kaya gano'n na lang ang galit niya. Kaya naman ay mariin niyang inapakan ang accelerator ng sasakyan para mapabilis pa ang takbo nito. Pero napamura ito ng muntik na sana nitong maabotan ang sasakyan ng nagpaputok ng armalite ang mga armadong lulan ng Van. Nagpa ikis ikis ang Takbo ng sasakyan niya ng pumutok ang gulong niyon. Marahil ay tinamaan ng bala ang gulong. ****Erica POV Napapasigaw ako sa bawat putok ng armas ng lalaking nasa gilid ko. Nakakabingi ang putok na iyon, nakakatakot, nakakawala ng pag asa. Marahil ay sinusundan ako ni Jessie, dios ko naman ano ba itong nangyayari. Napasulyap ako kay David na nasa kabilang side ko. Hayop na'to traydor pala ito. Diretso lang ang tingin nito sa harap ng Van."Hayop ka, David traydor ka. Pagbabayaran mo ito kapag nakatakas ako dito. I will make sure you will pay for this 10 folds!" Tudo sigaw ko habang hinahampas ko siya gamit ang nakatali kong dalawang kamay."Matulugin nyo nga 'yang babaeng 'yan ang ingay," anang driver ng Van.Papatayin na ba nila ako para hindi na ako mag ingay?"Ah," 'Yon ang lumabas sa bibig ko matapos sinuntok ako sa sikmura ng isang lalaki. Hindi ako makahinga dahil sa suntok nito at namimilipit ako sa sakit, nakaawang lang bibig ko. Hanggang sa magdilim ang paningin ko at tuluyan na ngang nawala sa karimlan. ****Axel's POVShut! Nababaliw ako sa kakaisip, habang minamaneho ang sasakyan ko, matapos dumating sa akin ang balitang dinukot si Erica. This is all my fault. Shit!Matapos niya kaming mahuli kanina at matapos kong marinig lahat ng sinabi niya, ay sinakal ko ang malanding babae na bigla na lang pumasok sa Opisina ko at hinalikan ako. She is Stephanie, my ex-fiancee, matapos ko siya makitang nakikipaglandian sa ibang lalaki ay nag hiwalay kami, 2 years ago. At ngayon ay babalik ito para manggulo.Sa kasamaang palad ay nahuli pa iyon ni Erica. She didn't even let me explain everything at ngayon paano ko maipapaliwanag sa kanya gayong nasa bingit ng kamatayan ang babaeng pinakamamahal ko. Noon paman.Oo. Noon paman mahal ko siya. Masaya ako no'ng nalaman ko na siya pala ang mapapangasawa ko, at siya ang babaeng ipinagkatiwala sa akin ng Hermés clan, na mamahalin at poprotektahan ko mula sa kalaban ng pamilya niya at pamilya namin. Pero binigo ko ang pangako ko sa mga magulang niya, dahil hindi ko siya na protektahan ngayon. Ako pa ang naging dahilan ng lahat ng ito. At kaya lang naman gano'n ang pakikitungo ko sa kanya dahil, sinabi niya na Hinding hinďi siya maiinlove sa akin. Nasaktan ako do'n, at kung maari ayaw ko na lang umasa sa pakikitungo niya kaya gano'n. Pero lintik naman ang tanga ko.Nagdial ako sa cellphone ko at tinawagan si Harold, alam kong ang hayop na iyon ang may pakana nito. Pagbabayaran niyang lahat ng ito. Ilang beses akong napahampas sa manibela dahil sa galit na nararamdaman ko lalo na ng hindi sagutin ng gag* ang tawag ko.Tumawag ulit si Jessie at sinabing hindi nila naabutan ang kalaban dahil binaril nito ang gulong ng mga sasakyan nila at na disgrasya sila, may tama rin ang ibang bodyguard. You will pay for this Harold, I will make sure mabubulok ka sa bilanggoan this time! **Na ireport ko na sa mga autoridad ang nangyari. Pati kay General Mac Gareth, para matunton ang pinagdalhan nila kay Erica. Iningatan ko na hindi umabot ang nangyari sa magulang ni Erica, dahil may sakit sa puso ang Mommy nito. Baka ikapahamak pa nito ang nangyaring pagdukot sa Anak nila.***Erica's POVNagising ako sa hindi familiar na kwarto. Ipinasyal ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwartong inuukupahan ko. its all white, may maliit na sink roon na may salamin sa wall nito at may toilet bowl. May maliit na mesa na may plato na tinatakpan sa ibabaw. Parang bilangguan ang silid na iyon. May Cctv rin sa gilid ng kisame na nakatutok sa akin. Functional iyon dahil may nakikita ang minsanang maliit na toldok na pula na kumikislap.May bakal na pintuan roon, kaya tinungo ko iyon. Hindi ko alam kong saan ang lock doon dahil plain lang ang pintong iyon. Sinapak sapak ko ang pinto. "Let me out of here!" sigaw ko ng paulit ulit pero hindi yata ako naririnig.Lumingon ako sa may uluhan ng kama, sa itaas niyon ay may maliit na bintana kasya ako roon pero may naka rehas na bakal . Pumatong ako sa kama para makita ko ang labas. Pero parang nawalan ako ng pag-asa na may makakita sa akin dahil puro pader lang ang nando'n. Umupo na lang ako sa kama habang yakap yakap ang mga tuhod ko, kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa akin.Napapaiyak na lang ako.Tumingala ako para makita ang CCTV, naalala ko ang ginawa namin ni Jessie na takpan ang Cctv. Kaya mabilis akong naghanap ng pwedeng itakip, dumako ang paningin ko sa punda ng unan. Mabilis ko iyong kinuha saka tumayo. Hinila ko ang upuan para gawing patungan, hindi naman mataas ang kinalalagyan ng CCTV kaya abot ko iyon. Pagkatapos ay bumaba ako't naghanap nang pwedeng gawing panlaban. Kinuha ko ang takip ng pinggan at sinilip ang laman. Sunny side up egg, hotdog at kanin ang laman niyon. Wala man lang kutsara, advance mag-isip ang mga criminal na nasa likod ng pandurukot sa akin.Narinig kong nag unlock ang pinto, kaya mabilis akong tumungo sa higaan at pumatong roon.Dahan dahang bumukas ang pinto, iniluwa roon si David kaya napatayo ako. "David," sambit ko sa pangalan nito.Ngumisi lang ito, pero abot sa mata ang ngiti nito."Patawad maam Erica pero kailangan kong gawin ito. Hawak ako sa leeg ng boss dito, hostage niya ang pamilya ko."Nabigla naman ako sa sinabi ni David. "You don't need to do this david. Pwede mo namang ereport ito sa mga pulis," sabi ko pa."Mas lalong malalagot ako kapag ginawa ko iyon!" Tiim bagang sabi niyon.Napapakuyom na lang ako. Napakahayop naman ng taong nasa likod nito. Inilagay ni David ang isang lunch box sa mesa na hindi ko man lang namalayan na bit bit nito. Meron ding bottled water at isang paper bag na hindi ko alam kong anong laman.Saglit pa itong tumingala sa kinalalagyan ng CCTV at walang kahirap hirap na inabot ang nakatakip na punda roon at initsa sa akin. Umalis na ito ng wala man lang sinasabi, ay nilock ang pinto. Mabilis kong tinungo ang mga nilagay nito sa lamesa, at ang paper bag. Dalawang set ng damit ang laman niyon at duster pa.Bumagsak ang panga ko, may panty roon at bra na mumurahin. Ibinalik ko sa lagayan ang mga iyon.Tiningnan ko pa ang nakalagay sa Lunch box. Napangiwi ako sa amoy ng laman niyon, na pinagtaka ko namn. I cup rice at pritong isda lang naman iyon pero napatakbo ako sa maliit na lababo at nagsususuka roon. Na akala ko pa hindi na matatapos.Kahit sukang suka ako ay kinuha ko ang isda at tinapon sa labas ng bintana. Nilagay ko ang kanin sa tinakpang pagkain kanina. At initapon ang Lunchbox dahil dumikit ang amoy roon.Matapos ay humiga ako at nakatutok lang ang mga ko sa maputing kesami. Tumulo ang luha ko sa kabilang mata."Panaginip ba 'to?" tnong ko sa sarili ko. Naalala ko pa ang nangyari kanina sa opisina ng asawa ko na mas lalong nagpa hikbi sa akin. Lord ba't naman ganito, bakit kailangang pagsabayin naman? Hindi ko na tuloy alam kong aling emosyon ang paiiralin ko. Ang sakit ng nararamdaman ko o ang takot na baka bigla na lang sumabog ang ulo ko. Ayaw ko pang mamatay lord. Gusto ko pang makita ang magulang ko.Pinahid ko ang luha kong naglandas. Hinahanap kaya ako ni Axel? Kahit na, may mahal na siyang iba? Paano kong wala na siyang pakialam sa akin? At least naman 'di ba wala ng sagabal sa kanila.Oh, baka ang babaeng iyon ang may pakana nito. Gusto na nila akong mawala sa landas nila para maging masaya sila at naging malaya.Napabangon ako sa naisip ko. "Nooo! Magiging masaya na sila. Anong mangyayari sa akin sa bilangguan na ito?" Hindi ko mapigilang isatinig iyon.Napatigil ako sa pag-iyak ng nag unlock ulit ang pinto. Bumukas iyon, inaabangan ko ang kung sino man ang iluluwa roon.After a second ay nanlalaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko ng makilala ang taong iniluwa sa bakal na pintuang iyon. Nakangisi ito na animo, siyang siya na makita ako."I-ikaw?!"*Erica POV*Napatayo ako, sinasabi ko na nga ba."Yes honey, it's me," anito na dahan dahang lumapit sa akin. Naasiwa ako sa mga ngisi nitong nakakaluko."Hayop ka Harold!" sigaw ko."Oh. Relax, I won't hurt, not now." Habang palapit ito ng palapit ay paatras naman ako ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil isang malamig na wall na ang lumapat sa likod ko. Ikinulong niya ako sa kanyang dalawang braso na inilapat sa wall. "You're still beautiful, Erica," anito, habang titig na titig sa mga mata ko. A monster! Nagulat ako ng bigla na lang nitong inamoy ang leeg ko. Kaya naitulak ko siya saka sinampal. Napahawak siya sa kanyang baba, animo na disaline iyon dahil inayos ayos niya pa iyon. Saka humalakhak na parang demonyo, nakatingala pa ito. Maya maya ay nag iba ang expression ng mukha nito ng ibalik sa akin, nanlilisik ang mga mata.Nakakatakot ang mga titig niya, para itong sinapian ng masamang espirito. Ikinagulat ko ang susunod niyang ginawa, hinawakan ng malaki
Erica's POV Isang linggo ulit ang lumipas wala pa ring nagligtas sa akin. Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na nandito pq rin ako. Wala man lang bang nakapag report na nawawala ako, do my parent know about what happen? Ang saklap naman nito parang wala namang nagmamahal sa akin eh. Kinapa ko ang tiyan ko ramdam ko ang maliit na umbok sa puson ko, saka bumuntong hininga. Hindi ako makapag-isip ng maayos kong paano ako tatakas. Sino bang makakatakas dito sa lugar na 'to? Araw araw nanghihina ang katawan ko, dahil sa kakasuka. Kawawa naman ang anak ko wala man lang siyang vitamins sa nakukuha sa akin. Napahagulhul pa ako, ng walang makapang pag-asa. Napatigil ako ng biglang nag unlock ang pinto. Gaya ng karaniwan kong ginagawa ay hinihintay ko ang taong luluwa roon. Napatayo ako ng si Harold ang naroon. Nasa likuran nito si David at ang dalawang lalaking hindi ko kilala. Lumapit si Harold sa akin, bumalik ako pagkakaupi at nanatili lang sa posisyon kong naka upo sa kama habang hin
Erica's POV "Men, alam niyo na ang gagawin," anang Harold matapos makuha ang attache case na kaninay bit bit ni Axel.Napapaligiran kami ng mga armadong kalalakihan na tauhan ni Harold, nakatutuk ang mga armalite nila sa amin. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Axel. Kaya napa siksik na lang rin ako sa malapad na dibdib nito at mahigpit ko rin siyang yakap. "I love you Erica. Mahal na mahal." Narinig kong bulong ng asawa ko. Napaiyak ako sa narinig ko, hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon. Pero kung mamatay man ako ngayong araw na'to, masaya akong mamamatay, dahil sa narinig ko. Sunod sunod na putok ang narinig ko, napapikit ako, at pigil ang hininga ko. Katapusan na namin. "Tumakas na kayo sir Axel!" Sigaw ni David. Gulat kami pareho ni Axel ng maghiwalay dahil buhay pa kami at walang tama ng bala. Nakita ko pa ang ilang mga tauhan ni Harold na nakahandusay sa lupa. At may ilang mga naka unipormeng mga sundalo nakikipagbarilan sa mga armadong tauhan ni Harold.
Isang putok ng baril, ang umalingawngaw sa abandonadong building na pinaglagyan sa akin ni Harold. Napasigaw ako sa putok ng baril, nakita ko si Harold na nakatutok ang baril sa gilid ko. Nag aapoy ang mga mata nito sa galit, at nakangising parang demonyo ang mga labi nito. Hindi ko mapigilan ang panginginig, isang putok pa ang ginawa nito, napapikit pa ako. Hanggang sa maramdaman ko ang isang katawan ng tao na bumagsak sa gilid ko. Nakadapa na ito at naliligo ng sariling dugo. Sunod sunod ang paghinga ko sa nasaksihan ko. Napaatras ako, pero natigil ako ng makilala ang nakadapang lalaki. "Erica!" Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng building. Binalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan ni Harold pero wala na iyon doon. Muli kong binalik ang tingin ko sa lalaking nakahandusay sa harap ko. Hindi na iyon nakadapa dahil at this time nakatihaya na ito at mulat ang mga mata, at may tama ng bala ang noo ito. Ang mukha nito ay puno ng dugo. Lumakas pa lalo ang kalabog ng puso ko. No! No
Axel's POV Abala ako sa pagrereview ng mga papeles na nakatambak sa mesa ko. Isang linggo ko na rin itong hindi nagagalaw at ngayon lang ito magagalaw dahil ngayon ang deadline. Kaya tudo tutok ako sa mga papeles isa isa. Hindi naman pwedeng permahan ko ng hindi ko nababasa, kung pwede lang sana, dahil sabik na rin akong makita ang asawa ko at naiwan ko pa naman siyang wala pang malay kanina. Baka mas lalong magtampo iyon sa akin. Napatigil ako sa ginagawa ko, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam pero masaya ako kahit na sinusungitan niya ako.Kailangan kong bilisan ito dahil, aaminin ko na sa kanya ang lahat. Kung gaano ko siya ka mahal. Ang corny ko pero totoo naman kasi, mas lalo ko siyang gustong makita araw-araw. Kung pwede lang oras oras nasa tabi niya lang ako, kaso ang sungit. Sabi ni Mommy Yza, gano'n daw talaga kapag buntis, baka nga raw maging kamukha ko ang mga anak ko dahil pinaglilihian ako ng asawa ko.Napapailing na lang ako sa isiping iyon, I can't believ
Erica's POV"Successful ba ang pang aakit ko sayo?" tanong ko sa asawa ko ng minsang namasyal kami sa farm ng umagang iyon.Isang buwan na rin ang lumipas simula ng mangyari ang incedenteng iyon sa opisina nito. Umuwi na rin kami sa mansion dahil namiss ko ang ambiance ng hacienda. Mukhang nasanay na ako rito. Kapuna puna na rin ang paglaki ng tiyan ko, dahil kahit tatlong buwan pa lang ang tiyan ko ay klaro na. Kambal ba naman ang namamahay rito. "Hindi mo naman kailangang, akitin ako, dahil noon pa man akit na akit na ako sa'yo." Nakangiti nitong saad. Kaya napahinto ako sa paglalakad. Nangunot ang noo ko, saka ngumiti. "Talaga?" Sa loob ng isang buwan naging tahimik ang buhay namin. Pero ngayon ko lang sinubukang ungkatin ang nararamdaman nito sa akin. Marahan itong tumango, saka niyakap ako."I can't believed it na ang babaeng pinangarap ko dati ngayon ay kapiling ko na at magiging nanay pa ng mga anak ko," anito habang panay ang halik nito sa noo ko.Itinulak ko siya dahil
Erica's POVNaka blindfold ako habang akay akay ako ng asawa ko, nang makababa kami sa sasakyan. May surprise raw ito sa akin. Nakaka excite naman, galing kasi ako kina mommy, pumasyal ako kasi na miss ko sila gano'n rin naman sila sa akin. Nagulat ako ng sunduin ako nito saka sinabing may surprise ito, nang nangalahati na kami sa nilalakbay namin ay piniringan na niya ang mata ko. May pa surprise surprise pang nalalaman 'to, kinilig naman ako syempre. "Dahan dahan." Narinig kong sabi nito ng pauupuin na niya ako. Gusto ko nang tanggalin ang blindfold talaga, kaya lang bilin nito na, do not! Until he say so daw. Nakaka-excite naman itong mga makulo ng asawa ko."Hon, kinakabahan ako sa ginagawa mo," sabi ko pa ng makaupo. "Just relax. I will make sure magugustuhan mo 'to." Ramdam ko ang excitement sa boses nito. "Dapat lang, dahil kung hindi naku kukutusan talaga kita," Mabiro ko pang tugon.Wala na akong narinig pa mula rito, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagluwang ng pa
Mapusok ang halik nitong tinanggap ko. Tinunton narin ng kamay nito ang ilalim ng soot kong dress. Hinaplos nito ang gitna ng hita ko ng mas lalong nagpainit sa akin. I feel so wet down there, dahil sa ginagawa nito. Naglakbay pa ang labi nito sa leeg ko, wala akong ibang nagawa kun'di namnamin ang kakaibang sensayon na hatid ng ginagawa nito. Mumunting mga ungol pa ang hindi ko mapigilang kumawala sa bibig ko. Isa isa ng hinubad ni Axel ang soot ko at kinarga ako nito papunta sa mallit na kwarto sa opisina niya at maingat akong nilapag roon."Sandali, what about na babies?" Sabi ko, ang inaalala ko ay baka matamaan ang anak namin. Ang haba pa naman ng ano… dios ko.Simula no'ng incedente kasi ay ngayon lang ulit namin gagawin ito. Kaya hindi nakapagtataka kung hayuk na hayuk na si Axel sa laman. Syempre count me in."Remember, the doctor said it's okay," sabi nito, nang tumingin sa akin. I saw his eyes burning with desire and I know he also sees in me what I've seen on him.Tumang
Two years later… "AHHHH!" nagulat ako sa isang tili na umalingaw-ngaw sa loob ng bahay nila Edward. Kakapasok ko pa lang sa bakuran nila. Balak ko kasi silang dalawin at para ibigay na rin pasalubong namin galing paris. Tili iyon ni Edward, ah. "Mommy, si Daddy Ed iyon. Ano kayang nangyari?" tanong ng anak kong si Xelarie. Manilis na kaming pumasok sa loob ng bahay upang usisain ang nangyayari. "Ate," gulat na sambit ni Edward ng makita ako. Pawis na pawis siya at namumutla. "A-anong nangyari, Ed?" "Edward!" sigaw ni Cathy. "Ed?" "M-Manganganak na si Cathy," aniya sa malambot na boses saka kinagat pa ang kuko. Mukhang tensyunado siya. "Oh, tapos? Bakit mo iniwan?" "K-kasi…" Narinig na naman namin ang sigaw ni Cathy. "Doc Edward, pumutok na po ang panubigan ni Cathy. Baka bata na po ang susunod no'n," imporma ni Nurse Jean. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. "Ano pa bang ginagawa niyo? Dalhin niyo na sa ospital!" bulyaw ko sa katangahan nila. Mangangana
"S-SIGURADO KA BA?" tanong ko sa kaniya nang pareho na kaming nasa kuwarto at wala ni isang saplot sa katawan. Napapikit ako nang ilapat niya ang kaniyang mainit na palad sa balikat ko pababa sa braso ko. He even kissed my shoulder na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Mga boltaheng nabubuhay sa kaugatan ko sa bawat halik at haplos niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko hindi ako humihinga. Tila isang tensyon para sa akon ang kaganapang ito. "Yes, I am dead sure," aniya sa paos na boses. Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo ko. "P-pero baka…" naputol ko ang sasabihin ko dahil tila kinapos na naman ako sa hininga ng dumako ang malambot niyang labi sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang mapaungol. Napalunok ako para ituloy ang sasabihin ko. "Mabuntis ulit ako." Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa sinabi ko nang tinigil niya ang ginagawa niya. Minulat ko ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata naming kapwa nag-aapoy dahil sa paghahangad sa makamundong pagnanasa
BUTI at naawat ko si Edward, pati na rin sarili ko. Kaya hindi natuloy ang init na namamagitan sa amin na muntik na ring maghatid sa amin sa pagkalimot. Naghanda na rin ako ng pananghalian dahil dito raw siya kakain. May dala rin siyang ulam kaya lang naiwan sa kotse niya. Na-excite daw siya masyado na makita ako kaya bulaklak lang ang bitbit niya.Napangiti ako, ngiting may kilig at galak. Kailan ko kaya matatanggap na totoo lahat ng ito. Para kasing panaginip lang, mahal ako ng taong mahal ko. Hindi lahat biniyayaan ng ganito, hindi lahat ng bakla papatol sa isang katulad ko. Tanggapin ko na kaya ngayon? Okay fine totoo 'to, this is the reality. I chuckled dahil sa mga naiisip ko. Tsk. Naiiling na rin ako sa kabaliwan ko."Mukhang masaya ka."Napapitlag ako dahil may baretonong boses na bigla na lang nagsalita sa likod ko. Agad naman akong lumingon."Nanggugulat ka, Edward," paninitang sabi ko saka pinanlakihan siya ng mata habang himas-himas ko ang dibdib ko.He smiled an
NAKALABAS na ako ng hospital isang linggo na ang lumipas. Masaya ako dahil unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko. Araw-araw din akong dumadalaw sa mga anak ko. Napaisip akong umupa ng bahay noong lumabas ako para sa matutuluyan ko. Hindi pa kasi ako handang sumama kay Edward. Not because galit ako sa kaniya o may tampo ako. Nahihiya lang ako sa kaniya. Noong sunduin nga niya ako sa hospital ay sa bahay pa sana niya ako itutuloy pero pinigilan ko siya. Pinilit niya akong tumira sa bahay niya pero hindi ako pumayag kasi nga 'di ba nahihiya pa ako. Hindi pa masyado gano'n kalakas ang loob ko. Kalaunan naman ay pumayag na rin siya na bumukod na muna ako, tinulungan nga niya akong maghanap ng apartment. Pero hindi niya gusto ang mga apartment na napupuntahan namin. Hanggang sa nagdesisyon siyang dito na lang ako sa condo niya. S'yempre hindi ako pumayag noong una dahil mas nakakahiya pero pinipilit niya ako. "Dito ka sa condo ko o doon ka sa mga unsafety apartments pero sasamah
PAGPASOK ko sa silid ni Cathy ay naabutan ko siyang tulog. Minsan lang ako nagpapakita sa kaniya dahil baka sumama ang loob niya kapag makita ako. Napangiti ako nang paglapit ko ay napansin ko na konti na lang ang mga prutas. Ibig sabihin kumakain na siya ng maayos. Napangiti ako. This is a signed of her progress sana magtuloy-tuloy na ito. Nakita ko na yakap-yakap niya ang ipad. Hindi niya raw ito binibitawan sabi ng mga nurse na tumitingin sa kaniya kaya hinayaan ko munang gamitin niya. Pero na-curios ako kung ano ang mga ginagawa niya sa ipad kasi sabi rin nila Nanay no'ng minsang dumalaw sila ay may kinakalikot daw si Cathy sa Ipad. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at dahan-dahang itinaas upang makuha ko ang aparato sa dibdib niya. Succes naman dahil nakuha ko nga na hindi siya nagigising. Pag-open ko pa lang sa screen ng ipad ay nakarehistro na sa screen saver ang naka-collage na larawan ng kuwadro. Napangiti ako nang makita ko ang mga pangalan na nakatapat sa larawa
NAKATULALA lang ako sa kawalan habang nakahiga sa hospital bed na naka-recline. Iniisip ko kung ayos lang ba ang mga anak ko. Kung bakit nangyayari ang lahat ng pahirap na ito sa buhay ko. Pati mga anak ko na inosente nadamay. Pinahid ko ang luhang kumuwala mula sa mga mata ko. Gusto kong magalit sa mundo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil pabaya akong ina. Wala akong kwenta, ang hirap mabuhay. Minsan nagsisisi ako kung bakit pa ako nabuhay. "Anak Cathy, kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain eh. Kailangan mong magpalakas." Napalingon ako sa nagsalita saka bumaba ang tingin ko sa hawak niyang binalatang mansanas. Nag-iwas ako ng tingin. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko wala na akong sikmura. Hindi ako makaramdam ng gutom. "Busog po ako, Nanay Celia," sabi ko na lang out of respect. "Pero wala ka pang kinakain simula nang magising ka kahapon," anito. Bumuntonghininga ako saka umiling. Hindi naman niya ako pinilit. Napatingin ako sa
NAKATUNGHAY lang ako kay Cathy habang siya ay mahimbing na natutulog. Nasasaktan akong nakikita siya habang nakahiga sa hospital bed at may tubo sa bibig na nagsusuporta sa buhay niya. Everytime the monitor's beep natatakot ako dahil baka biglang mag-straight line na naman ito. Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Cathy at hinatid sa bibig ko saka hinalikan. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising. On-duty ako para anytime na may mangyari ay nandito ako at p'wede akong makialam. Dumukwang ako para halikan ang noo niya saka muling umupo."Cathy, stay with me, please. Magpakatatag ka, nandito lang ako naghihintay sa 'yo. Sabik na akong marinig ang boses mo. Please, wake up," nagsimulang gumaralgal ang boses ko. Pero pinigilan kong mapaiyak. Alam kong naririnig niya ako, ayaw kong marinig niya na pinanghinaan ako ng loob."The kids are under monitoring, kailangan ka nila para lumakas ang loob nila. Kaya gumising ka na..." natigilan ako sa pagsasalita ng mari
"HANGGANG dito ka lang Doc Alcantara," pigil nang isang doctor ng maipasok si Cathy sa delivery room. "Please, Doctora Rodriguez, let me in," pagpupumilit ko habang may dalawang nurse na lalaki na nakahawak sa magkabila kong braso para mapigilan ako. "Alam mong hindi ka p'wede dito!" asik ni Doctora. "But I can't just stay outside. Hindi ako mapakali, please. Just this once," pagsusumamo ko. Tumulo na rin ang luha ko, natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Cathy at sa mga anak ko. Mahina na ang pulso ni Cathy no'ng ipasok namin siya dito. Gusto kong pumasok para makasiguro na magiging maayos siya. Mababaliw ako sa kakaisip kapag dito lang ako sa labas. "Okay fine. Boys, let him in," she demand. Agad naman akong binitawan ng mga nurses at sinundan na si Doctora Rodriguez na papasok sa room. Binihisan na nila si Cathy. Nangingig ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya. Panay mura ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinabitan na si Cathy ng kung ano-anong
AKALA KO pagkatapos nilang mamanhikan sa bahay ay iiwan na nila kami. Pero spoiled brat nga talaga si Ate Erica kahit kuwarenta na. Paano ba naman kasi pinipilit niya ako na sumama na sa kanila pauwi. Pero kapag si Ate Erica na ang namilit mapipilitan ka talaga dahil hindi ka titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Kaya 'eto ako ngayon dalawang araw na kami sa mansion ng mga Hill sa syudad. Ayaw rin akong pabukurin, magrerenta na lang sana ako ng bahay pero ayaw rin niya. Gusto nila na nakikita ako lalo't alam nila na sa mga susunod na buwan mahihirapan ako sa pagbuntis ko dahil sobrang laki na talaga ng t'yan ko. Halos ayaw rin nila akong paggalawin. Napaka-over protective nila sa akin. Well, ayos lang din naman, hindi naman ako nagrereklamo. Because I'm happy to have them, they are my family and I know they're just thinking about my own good. Si Edward rin bumalik na sa pagtatrabaho. Hindi rin siya umuuwi sa sarili niyang bahay dahil gusto niya lagi niya akon