Share

Chapter 2

Penulis: TheExplorerPink
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-14 09:13:40

Tarantang-taranta si Erica habang pinagmamasdan ang screen ng phone. Nasa Sent folder na talaga... walang duda. Sa sobrang kaba, napasabunot siya sa sarili habang paikot-ikot sa maliit niyang apartment.

“Shit, shit, shit!”

Hindi puwedeng makita 'yon ni Maxwell. Kahit suplado at demanding ang boss niyang 'yon, hindi niya kayang harapin si Maxwell kung sakaling makita nito 'yung picture.

Wala na siyang choice. Kailangan niyang pumunta sa bahay ni Maxwell.

Pagdating niya sa village, kabado na siya agad. Buti na lang may access siya sa gate—madalas naman siyang sinusundo ni Maxwell dito noon para sa mga late meetings o business dinners. Kilala na rin siya ng guard.

Muntik na siyang madulas sa damuhan habang palihim na umaakyat sa gilid ng bahay. Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya roon. Ilang ulit na rin siyang inutusan ni Maxwell na magdala ng mga documents sa loob, minsan kahit madaling-araw pa.

Pero ngayon, ibang mission ang dala niya.

Napatingin siya sa second floor. Bukas ang bintana ng kwarto. Mula roon, may ilaw na umaagos papalabas, at alam niyang nandoon si Maxwell.

"Please, sana tulog siya!" nagmamakaawang bulong niya sa sarili.

Mabilis pero maingat siyang umakyat gamit ang steel trellis sa gilid. Inabot siya ng ilang hakbang bago tuluyang marating ang bintana. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at pumasok, halos walang ingay.

Mainit sa loob ng kwarto. Malamlam ang ilaw, at amoy alak sa hangin.

Napalunok si Erica.

Nakahiga si Maxwell sa kama. Nakapatong ang isang braso sa noo, at ang isa’y nakalawit sa gilid ng kama. Boxer shorts lang ang suot, at wala nang iba. Pawisan ang dibdib, matipuno ang katawan—taas baba ang dibdib habang mahimbing na natutulog.

Napaatras siya nang bahagya. Hindi niya inasahan ‘to. Never pa niya nakita si Maxwell nang ganito ka… bare.

"Focus, Erica Hindi ka narito para tumitig!"

Lumapit siya sa bedside table. Wala roon ang phone. Nilibot niya ang paningin. Sa desk? Sa sahig? Sa drawer?

"Bakit wala? Nasaan ba ang cellphone niya?"

Napatingin siya sa kama… at doon niya nakita. Nakalapat sa kama ang phone—nadadaganan ni Maxwell.

Dahan-dahan siyang lumapit. Umupo sa gilid ng kama, halos hindi humihinga. Kinakabahan pero determinado.

Maingat niyang inabot ang cellphone, pilit hinihila mula sa ilalim ng tagiliran nito. Halos makuha na niya, pero—

Bigla siyang niyakap ni Maxwell.

Napasinghap siya. Amoy alak ang hininga nito. Lasing.

“Ugh—Sir Maxwell!” bulong niya, pero hindi siya pinakawalan.

Nahiga siya sa kama nang mas lalo siyang idiin ni Maxwell sa yakap. Naramdaman niya ang init ng balat nito sa braso niyang nakadikit. Nakapikit pa rin ito, humihilik ng mahina.

Hindi siya makagalaw. Parang natutulog ito pero mahigpit ang kapit. Mabilis ang tibok ng dibdib niya.. hindi niya alam kung dahil sa kaba o sa ibang bagay.

Biglang nahulog ang phone sa pagitan nila habang sinusubukan niyang hawakan ito kanina. Ramdam ni Erica ang lamig ng screen sa tagiliran ng tiyan niya, pero hindi niya maabot dahil nakadikit siya kay Maxwell.

Dahan-dahan niyang iginalaw ang balikat niya, umaasang kakalas si Maxwell sa yakap. Sa halip, napahinga pa ito nang malalim, at nadulas ang mukha nito—ngayon ay nasa mismong leeg na niya ang ilong ng boss niya.

"Lord, bakit naman ganito?" nangiyak ngiyak niyang bulong.

Ramdam niya ang init ng hininga nito sa balat niya, at kahit anong pilit niyang wag pansinin, hindi niya mapigilan ang kilabot na dumaan sa batok niya. Mabilis ang tibok ng puso niya—hindi lang sa kaba kundi sa halong gulat at... ibang bagay na ayaw niyang pangalanan.

Hanggang sa biglang gumalaw si Maxwell.

Napapitlag siya. Akala niya gigising na ito, pero hindi—bagkus, mas lalo pa siyang hinila, at ngayon, ang hita ng lalaki ay nakapatong na rin sa legs niya.

“Max—” hindi na niya tinuloy. Wala rin namang mararating kung gigisingin niya ito.

Inipon niya ang lakas ng loob. Kailangan niyang makuha ang phone.

Maingat niyang iginalaw ang isang kamay pababa, sinubukang damputin ang cellphone sa pagitan ng katawan nila.

Ramdam niya ang tibok ng puso ni Maxwell, at sa lapit nila ngayon, pakiramdam niya’y wala nang hangin sa pagitan nila

Finally, nahawakan niya ang phone. Hinugot niya ito ng dahan-dahan, ingat na ingat. Nang makuha niya, agad siyang sumilip sa screen.

May lock.

“Puta, napakamalas ko naman!" napamura siya sa isip. 

Bago pa man makagalaw si Erica, biglang may narinig siyang boses mula sa ibaba.

“Bakit naman nalasing nang ganito si Maxwell?” tanong ng babae, kausap ang kasambahay.

Napasinghap si Erica.

Si Violet iyon!

Halos malaglag ang puso niya sa kaba. Agad siyang napalingon kay Maxwell na, sa awa ng langit, ay tulog pa rin.

Narinig niyang sumagot ang kasambahay. “Naparami lang po ng inom, Ma’am. Baka stress lang sa trabaho."

May sinabi pa ang kasambahay, pero hindi na ‘yon narinig ni Erica nang tuluyang bumukas ang pintuan ng kwarto.

Agad siyang lumuhod at sumuot sa ilalim ng kama. Masikip. Madilim. Amoy kahoy at alikabok. Pero mas pipiliin niya ‘to kaysa makita siya ni Violet sa loob ng kwarto ng fiancé nito.

Nasipat niya ang paa ni Violet... nakasuot ng mamahaling stilettos na may pulang takong. Umiikot ito, papalapit sa kama.

“Ang gwapo mo talaga kahit natutulog, love,” ani Violet, punong-puno ng lambing ang boses.

Akala niya ay magtatagal pa roon si Violet, pero sumilip lang pala. Maya-maya lang ay narinig niya ang yapak ng takong na unti-unting lumalayo. Bumukas muli ang pinto. Muling nagsara.

Mabilis siyang lumabas mula sa ilalim ng kama, habol ang hininga, at basang-basa ng pawis ang likod.

Hinubad niya ang blazer na suot niya at pinampunas sa mukha niya. Pagkatapos, agad niyang hinanap ang cellphone.

Pero—

“Nasaan ‘yung phone?!”

Tiningnan niya ang bedside table. Wala. Tinapik niya ang kama. Wala rin. Binaligtad niya ang unan. Wala.

Lumunok siya, at nanlaki ang mata.

"K-Kinuha ni Violet...?"

Napaatras siya sa pagkakatayo. Napasandal sa dingding. Nanginginig ang kamay niya.

Mas lalo na siyang nalintikan!

**

Walang tulog at may malalaking itim sa gilid ng mga mata, nakaupo si Erica sa sulok ng pantry habang walang tigil na chine-check ang cellphone. Naghihintay siya ng tawag o text mula sa boss niyang si Maxwell—kung sakaling nagsumbong na si Violet tungkol sa nudes. Pero alas otso na, parang walang nangyari.

"Impossible naman na hindi nila nakita 'yon..." bulong niya sa sarili, ninenerbyos habang pinipigilan ang kaba sa dibdib.

Wala sa sarili siyang naglakad papunta sa office. Sa bawat hakbang, pakiramdam niya ay mas lumalakas ang bulungan sa paligid. Halos lahat ng makasalubong niya ay napapatingin, may mga pasimpleng nag-uusap, at ang iba ay hindi maitago ang pilyong ngiti.

Napahinto siya. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sa sarili habang pinupunasan ang pisngi. Wala naman siyang nakita.

Pagdating sa floor ng department nila, ganoon pa rin ang reaksyon. Mas dumami pa ang titig, at mas halatang may alam ang mga tao.

"Bilib din ako sa fighting spirit mo, Erica," sambit ng officemate niyang si Ruby, na biglang sumulpot sa gilid niya. May halong awa at intrigue ang tono nito. "Biruin mo 'yun, pinag-fiesta ka na ng buong Pilipinas pero pumasok ka pa rin ngayon?"

Napakunot ang noo ni Erica. "Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"

Umirap si Ruby. "Wag ka na magmaang-maangan diyan. Normal lang naman na minsan nagpi-picture tayo na... alam mo na, proud sa sarili, sexy. Pero 'yung i-send mo pa kay Sir Maxwell? Ayan tuloy, nawala 'yung phone niya, kumalat 'yung nude mo."

Nanlamig ang batok ni Erica.

Hindi. Hindi iyon pwede.

Paanong mawawala ang phone ni Maxwell kung naroon lang naman iyon kagabi? Siguradong si Violet ang huling pumasok sa kwarto. Walang ibang nakalapit doon kundi siya.

Si Violet ang kumuha. Alam niya sa sarili niya.

Hindi na niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. Tahimik lang siyang nakatayo habang pilit kinakalmang ang sarili, pero unti-unting bumibigat ang dibdib niya.

Sira na ang reputasyon niya ngayon. At sa pagkakakwento ni Ruby, tila ba buong Pilipinas ay nakita na ang katawan niya. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar.

Tahimik siyang tumalikod kay Ruby, hindi na sumagot. Ayaw na niyang marinig pa ang mga susunod nitong sasabihin. Dumeretso siya sa hallway, walang lingon-lingon. Mabilis ang lakad niya papunta sa elevator, halos hindi makahinga.

Pero bago pa man siya makapasok, biglang bumukas ang pintuan.

Napatigil siya sa gulat.

Si Maxwell.

Nasa loob ito, hawak ang cellphone at nakasuot ng itim na turtleneck. Napatingin ito sa kanya. Sa isang iglap, nagkatinginan silang dalawa—at sa mga mata nito, nakita niya ang simpatya.

"Erica..." mahina ngunit malinaw ang pagkakabanggit ng pangalan niya. May pag-aalalang timpla sa boses nito habang humakbang palabas ng elevator, tila lalapitan siya.

Mabilis siyang tumakbo pababa ng hagdan, ni hindi na nagawang pindutin ang elevator button. Ayaw na niyang marinig ang kahit ano.

Buong linggo siyang umiiyak.

Nagkulong lang siya sa apartment, walang ibang ginawa kundi humilata, umiyak, at paulit-ulit sisihin ang sarili. Ni hindi na niya binuksan ang phone niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng pamilya niya, kahit pa si Mama, na araw-araw nagte-text at nagtatanong kung ayos lang siya.

Hindi na rin siya umaasa na may trabaho pa siyang babalikan. Wala na. Wala na rin siyang dignidad.

"Napakatanga ko... Hindi ko dapat ginawa ’yon. Hindi ko dapat pinicturan ang sarili ko ng gano’n..."

Napabuntong-hininga siya habang nakahiga sa sofa. Nakayakap sa throw pillow, namumugto ang mga mata.

Naalala niyang may TV pala. Baka kahit papaano, ma-distract siya.

Binuksan niya ito at mabilis na pinindot ang remote, hinanap ang Cartoon Network.

Pero habang nagbabrowse ng channel, isang eksena ang biglang umagaw ng pansin niya.

Isang live interview. Isang business news channel ang nakasalang.

Napatigil siya.

Nandoon si Maxwell. Nakaupo sa studio, kalmado ang postura, at seryosong nakaharap sa host habang iniinterview.

Nanatiling nakatitig si Erica sa screen, hawak pa rin ang remote pero hindi na niya magawang pindutin ulit. Gusto niyang ilipat. Pero parang hindi siya makagalaw.

Naglakad siya palapit sa TV, dahan-dahang naupo sa carpet. Sa kabila ng kaba sa dibdib, curious pa rin siya.

Then came the question.

"Sir Maxwell, isa ka sa pinaka-batang CEO ngayon sa industriya, but we can't help but ask—totoo bang may relasyon kayo ng secretary mo, si Erica Ramos? The same Erica na naging trending dahil sa... nude photo issue?"

Napalunok si Erica.

Hindi pa rin pala humuhupa ang issue. Hindi pa rin siya nilulubayan.

Pero saan naman galing ang issue na may relasyon sila ng boss niya?

Ngumiti si Maxwell.

"Girlfriend ko siya," anito, diretso, walang pag-aalinlangan. "Normal lang naman iyon sa magkarelasyon. It just so happened I lost my phone kaya kumalat ang photo."

Girlfriend?!

Nanlaki ang mata ni Erica. Napatakip siya sa bibig, parang hindi makapaniwala sa narinig.

"But I’m doing everything now to take that photo down," dagdag pa ni Maxwell. "And to protect her from any further damage."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • SEND TO THE WRONG HEART   Chapter 3

    Hindi alam ni Erica kung bakit ganon ang mga sinasabi ni Maxwell sa interview. Alam ng lahat sa kompanya na may fiancée ito, at iyon ang modelo na si Violet. Pero bakit nito sinabi na siya ang girlfriend?Tumunog ang pinto. May kumatok.Wala naman siyang inaasahang bisita. Lumapit siya, binuksan ang pinto—at halos malaglag ang puso niya nang makita kung sino ang nasa harap niya.Suot pa rin ni Maxwell ang itim na suit na ginamit niya kanina sa interview, bahagyang bukas ang polo sa may leeg, at halatang galing sa diretsong biyahe.“S-Sir… Maxwell… anong ginagawa mo… rito?”Hindi siya agad sinagot ni Maxwell. Tinitigan lang siya nito ng matagal."Pasok po kayo," anyaya niya nang hindi pa rin ito nagsasalita.Binuksan niya ng malaki ang pintuan at sumunod naman sa kanya si Maxwell papasok. Tumigil ito sandali malapit sa pinto, at walang sabi-sabing sinuyod ng tingin ang buong apartment—mula sa maliit na couch, hanggang sa lamesita na may mug ng kape at ilang nagkalat na papeles.Medyo

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-14
  • SEND TO THE WRONG HEART   Chapter 4

    "Max, malaking problema 'yan. Malamang malaman din 'yan ng daddy mo sooner or later," wika ng kaibigan ni Maxwell na si Doctor Ullysis, isang neurosurgeon, sabay shaking ng ulo.Nilagok ni Maxwell ang whiskey sa baso at humithit ng sigarilyo."Hindi nila malalaman. Sisiguraduhin ko."Nagbuntonghininga si Ullysis at tumungga ng beer mula sa bote. "Yung engagement niyo ni Violet, limang taon na. Bakit ngayon mo lang naisip na hindi mo pala kayang pakasalan siya?"Bakit nga ba..."Siguro ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob." At siguro rin, ayaw niya na mangyari sa relasyon niya ang nangyari sa magulang niya. Arranged marriage, at habang lumalaki siya, nakikita niya kung paano nahihirapan ang mommy niya. Walang pagmamahal, puro negosyo lang. At ayaw niya ng ganun.Gustong umuwi ni Maxwell pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, kung saan siya'y may naghihintay na asawa at dalawang anak. Kakain sila ng hapunan, mag-uusap, magkukulitan... Kabaligtaran ni Violet."But why her? What's

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-14
  • SEND TO THE WRONG HEART   Chapter 1

    “Secretary Erica!”Narinig ni Erica ang malakas na paghampas ng palad ni Maxwell sa lamesa. Sa sobrang lakas, napatalon siya sa gulat. Napairap na lang siya habang nakaupo sa desk, saka tumayo nang mabigat ang kilos, halatang wala sa mood.“Hay naku, Erica, ano na naman bang ginawa mo?” pataray na tanong ni Rubiy, ang katrabaho niyang abala sa paglalagay ng blush on sa pisngi.Halos lahat naman ata ng CEO may anger issue, pero si Maxwell Villarama—ang boss ni Erica—tila laging galit sa kanya. Para bang sa mata nito, wala na siyang ginawang tama.Paano ba naman, eh sobrang clumsy niya. Para siyang magnet ng gulo. Kaya alam niyang isang maling galaw na lang, tuluyan na siyang matatanggal. Paulit-ulit na lang din niyang naririnig kay Maxwell ang banta: “One more mistake, you’re gone.”"Mr. Villarama," sabi niya pagkarating niya sa opisina ng boss. Tiningnan siya ni Maxwell mula ulo hanggang paa... matagal, parang binabasa ang pagkatao niya. Sana nga diretsuhin na lang siya nito. Mas gugu

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-14

Bab terbaru

  • SEND TO THE WRONG HEART   Chapter 2

    Tarantang-taranta si Erica habang pinagmamasdan ang screen ng phone. Nasa Sent folder na talaga... walang duda. Sa sobrang kaba, napasabunot siya sa sarili habang paikot-ikot sa maliit niyang apartment.“Shit, shit, shit!”Hindi puwedeng makita 'yon ni Maxwell. Kahit suplado at demanding ang boss niyang 'yon, hindi niya kayang harapin si Maxwell kung sakaling makita nito 'yung picture.Wala na siyang choice. Kailangan niyang pumunta sa bahay ni Maxwell.Pagdating niya sa village, kabado na siya agad. Buti na lang may access siya sa gate—madalas naman siyang sinusundo ni Maxwell dito noon para sa mga late meetings o business dinners. Kilala na rin siya ng guard.Muntik na siyang madulas sa damuhan habang palihim na umaakyat sa gilid ng bahay. Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya roon. Ilang ulit na rin siyang inutusan ni Maxwell na magdala ng mga documents sa loob, minsan kahit madaling-araw pa.Pero ngayon, ibang mission ang dala niya.Napatingin siya sa second floor. Bukas ang

  • SEND TO THE WRONG HEART   Chapter 1

    “Secretary Erica!”Narinig ni Erica ang malakas na paghampas ng palad ni Maxwell sa lamesa. Sa sobrang lakas, napatalon siya sa gulat. Napairap na lang siya habang nakaupo sa desk, saka tumayo nang mabigat ang kilos, halatang wala sa mood.“Hay naku, Erica, ano na naman bang ginawa mo?” pataray na tanong ni Rubiy, ang katrabaho niyang abala sa paglalagay ng blush on sa pisngi.Halos lahat naman ata ng CEO may anger issue, pero si Maxwell Villarama—ang boss ni Erica—tila laging galit sa kanya. Para bang sa mata nito, wala na siyang ginawang tama.Paano ba naman, eh sobrang clumsy niya. Para siyang magnet ng gulo. Kaya alam niyang isang maling galaw na lang, tuluyan na siyang matatanggal. Paulit-ulit na lang din niyang naririnig kay Maxwell ang banta: “One more mistake, you’re gone.”"Mr. Villarama," sabi niya pagkarating niya sa opisina ng boss. Tiningnan siya ni Maxwell mula ulo hanggang paa... matagal, parang binabasa ang pagkatao niya. Sana nga diretsuhin na lang siya nito. Mas gugu

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status