“JUST wait for me.”Matapos sabihin iyon ay biglang padabog na sumara ang pinto ng kwarto ni Lalaine, senyales na galit na lumabas na ang lalaki.Kumabog ang dibdib ni Lalaine, medyo pinagsisihan niya dahil palagi siyang nagagalit sa lalaki. Alam naman niyang walang mabuting maidudulot sa kan'ya kung gagalitin niya ang lalaki.Pero dahil tao lang naman siya, may damdamin at nasasaktan ay hindi niya maiwasang makipagtalo sa lalaki lalo pa't lagi siya nitong minamaliit.Dahil masakit pa rin ang kanyang puson at ayaw naman niyang payagan ni Knives na lumabas ay ipinasya niyang matulog na lang. Sana lang hindi mamantsahan ng kanyang regla ang kobre-kama nang sa gayon ay hindi na kailangang palitan pa dahil kapapalit lang naman nito.Hindi malaman ni Lalaine kung gaano katagal siyang nakatulog nang muling padabog na bumukas ng pinto ng kanyang kwarto. Matapos niyon ay humagis sa kama ang isang malaking plastic at tumapon ang laman niyon sa kanyang harapan.Pupungas-pungas na bumangon si La
“WILL you thank me with your lips?”Nanigas si Lalaine sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng kaharap. At bago pa siya makasagot ay inunat ni Knives ang braso at hinila siya, dahilan para mapaupo siya sa kandungan nito.“That's the first time I bought that thing for a girl. I also massaged your belly for a long time. Sa tingin mo ginawa ko iyon ng libre?” tanong ng lalaki na ang mainit na hininga nito ay tumatama sa punong-tenga ni Lalaine kaya nakaramdam siya ng tensyon.“K-Kung gano'n, ano naman ang gusto mong gawin ko para makapagpasalamat?” kinakabahang tanong ni Lalaine.“I prefer to do something more than just say thank you,” nakangising sagot ni Knives sabay turo sa kanyang labi. Nakuha na kaagad ni Lalaine kung ano ang gusto nitong mangyari ng mga sandaling iyon. Nagbigay na ito ng paghiwatig noon tungkol sa bagay na iyon nang kung anu-anong mga tricks pa ang ginagawa nito. Bigla-bigla ramdam ni Lalaine ang pag-init ng buo niyang mukha dahil sa naisip.“How about trying
NANG mga sumunod na araw, naging busy si Knives at ni hindi ito nagpakita sa Debonair ng ilang araw, ganoon din sa Dawson Residence. Walang ideya si Lalaine kung saan ito nagpunta dahil hindi naman sila nakikialam sa buhay ng isa't-isa. Purong sex lang ang namamagitan sa kanila at bukod sa bagay na iyon ay wala na. Naging komportable si Lalaine habang wala ang lalaki lalo na kapag nasa kompanya siya. Nakakakilos siya ng maayos at hindi nag-aalala na baka muli siyang ipatawag ni Knives sa pribadong opisina nito at makaisip na naman ng kung anong bagay. Kinatanghalian, habang nagpapahinga sa employees lounge dahil katatapos lang niyang kumain ng lunch ay lumapit sa kanyang mesa si Ms. Ayah, ang kanilang team leader. “Lalaine, tingnan mo si Mr. Dawson, napakagwapo!” tila kinikilig na bulalas ni Ms. Ayah saka ipinakita sa kan'ya ang cellphone na hawak. Nakita ni Lalaine na tungkol iyon sa business news flash, kung saan si Knives ay um-attend ng ribbon cutting ng bagong pasinayang D
"EXCUSE me, Miss. 'Di ba Ikaw ang bumangga sa akin?" kunot-noong tanong ni Lalaine sa babae. "What the hell? I bumped you?" Nakataas ang mga kilay na pinagmasdan siya ni Leila si Lalaine na para bang isang joke ang sinabi nito. “Why would I bumped into you? Alam mo ba ang halaga nga clothes, bag, at shoes ko? Even your one year's salary is not enough to buy them. Will I purposely bump into someone like you to get my clothes dirty?” Hindi namang maiwasang magtaka ni Lalaine dahil sa atake nito. Ang tinatanong lang naman niya ay kung bakit siya nito binangga pero kung anu-ano na ang pang-iinsultong sinabi nito sa kan'ya. Dahil ayaw nang makipagtalo pa ni Lalaine sa babae kaya prinangka na lang niya ito. "May surveillance camera ang Debonair. Dahil ayaw mong umamin, p'wede tayong mag-request para i-review ang cameras." Sarkastikong tumawa naman si Leila sa narinig. "You have a lot of power, don't you? Ang isang poor na intern, magre-request para i-review ang camera? Are you an idi
AT the CEO'S office.Matapos kausapin ni Leila ang secretary niya tungkol sa isang bagay, ay mabilis na rin niyang pinatay ang tawag at marahang binuksan ang nakasarang pinto na yari sa antique wood.Kaagad nasulyapan ni Leila ang gwapong lalaki na nakatalikod na nakaupo swivel chair sa harap ng mamahaling desk. Ang malapad nitong balikat at likod ay humakahab sa suot nitong black executive suit. Nag-uumapaw din sa sex appeal at punong-puno ng intimidating aura. Ilang mga babae ba ang hindi lalambot ang tuhod sa tuwing kasama ito?Leila sway her hips as she walked towards Knives. “Knives, it's daddy's birthday next month. I handed the invitation letter to Uncle Kennedy but he said that I should give it to you personally. I really had no intention of disturbing you at the office,” kaagad na bungad ni Leila sa lalaki.Last time kasi, sinabihan siya ng lalaki na huwag nang magpunta sa kompanya kahit kailan. Kaya naman kaagad niyang sinabi ang dahilan ng kanyang pagpunta niya roon para
“NATATAKOT ka bang malaman kung gaano ka-passionate si Knives sa'kin?” tanong pa ni Leila na hindi tumitigil sa mga patutsada.Marahan pang hinaplos ni Leila ang kanyang collarbone gamit ang sariling kamay upang ipakita ang mapulang marka doon na mula sa pagkakakurot niya kanina sa sarili.Parang naduduwal at gustong masuka ni Lalaine ng mga sandaling iyon. Paalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip at muling humarap sa babae. “Kung gano'n, ano naman ang ginawa n'yo roon?” tanong kunwari ni Lalaine sa kaharap.Iyon naman ang pinakahihintay ni Leila na mangyari, ang papaniwalaan ang kaharap na mayroon talagang namagitan sa kanila ni Knives.“Ano pa ba sa tingin mo? Of course...”Gamit ang dalawang daliri ay hinipo ni Leila ang pang-ibaba niya saka kunwari ay hiyang-hiya na nagsalita, “I said no, but there is no way. Knives was too enthusiastic, and of course, I couldn't stand him so I granted his wish.”Ang buong akala ni Leila ay magiging miserable ang itsura ng babaeng kah
HABANG naghahanda pauwi, nag-vibrate ang cellphone ni Lalaine sa bulsa ng suot niyang palda. Nang kunin n'ya ito para tingnan ay nahintakutan siya nang mabasang si Knives iyon.“Hintayin mo ako sa basement floor.”Iyon ang laman ng maikling text message nito. Iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na nag-text ito sa kan'ya at hindi tumawag na madalas nitong ginagawa.Tuloy ay kung anu-ano na naman ang kanyang naiisip. Hindi kaya nagalit ito dahil nakipagsagutan siya kay Ms. Leila? Parurusahan ba siya nito?Nang tuluyang makauwi ay kaagad dumiretso si Lalaine sa bus stop. Hindi siya maglalakas-loob na makipagkita kay Knives sa loob ng kompanya. Sapat nang si Ms. Leila ang nakikita ng mga taong kasama nito. Ayaw niyang maging kaaway ng publiko at pati na rin ng mga empleyado sa Debonair na humahanga sa lalaki.Halos bente minutos nang makarating siya sa Dawson Residence. Nagtuloy-tuloy siya ng lakad papasok sa gusali hanggang sa makarating sa suite. Matapos pindutin ang code ng automate
HINDI sumagot ang babae sa tanong na iyon ni Knives kaya naman iniharap niya ang babae sa kan'ya, hinawakan sa magkabilang pulsuhan, at niyuko upang halikan ito sa labi nang mariin. Hindi pa siya nakuntento, sinamahan pa niya iyon ng mariing pagsipsip sa labi. Hindi naman makapanlaban si Lalaine sa ginagawang paghalik ng lalaki kaya ang tanging nagawa na lang niya ay punasan ang kanyang labi. Ramdam naman ni Lalaine na humigpit ang pagkakahawak ni Knives sa kanyang pulsuhan. Halatang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. “Do you hate me?” nakasimangot na tanong ni Knives habang hawak pa rin ang babae. Hindi naman maitago ni Lalaine ang galit sa lalaki at tinitigan niya ito ng masama. Bakit ba ayaw pa rin siya nitong tigilan? “Oo! Nakakadiri ka kaya 'wag mo akong hahalikan,” galit na wika niya. “Okay, I'll kiss you all over and you can throw yourself away,” anang lalaki na para bang baliwala lang ang galit na ipinapakita ni Lalaine. Sa galit ni Lalaine ay hindi niya mapigi
ISANG linggo...Dalawang linggo...Isang buwan...Anim na buwan...Siyam na buwan...Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay...Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya.Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact.Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news about Lalaine, but
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a
••••••DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya