HINDI na pinakinggan pa si Benjamin ni Knives Dawson, sa halip ay nilampasan lang siya nito at nagtuloy-tuloy patungo sa lobby ng naturang building. Mayamaya pa'y dalawang security guard ng Debonair ang lumapit kay Benjamin at binuhat siya nito at inihagis sa kalsada. Pinagtitinginan siya ng mga taong naroroon pero walang pakialam si Benjamin sa kahihiyan na iyon. Ang importante sa kan'ya ay h'wag makansela ang engagement nila ni Olivia dahil tiyak niyang katapusan na niya kapag hindi iyon matuloy. Nahihirapan man dahil sa sakit ng katawan na nararamdaman, pumikit na bumangon si Benjamin at saka dinukot ang cellphone sa suot niyang coat. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang hindi iyon nabasag. Mabilis siyang nagtungo sa contacts at hinanap ang pangalan ni Olivia at tinawagan. Matapos ng ilang pag-ring ay sumagot din ito. “Yes, babe?” tanong ni Olivia sa kabilang linya. “Babe, help me!” ——— Matapos ang insidente kaninang umaga, naging maayos ang umaga ni Lalaine sa
NANG makabalik sa opisina ay katakot-takot na papuri ang sinabi ni Ms. Ayah kay Elijah sa kanilang mga kasamahan. Paulit-ulit din nitong sinasabi na naiinggit daw ito sa kan'ya.“Lalaine, bakit ba hindi ako nagkaroon ng childhood sweetheart na katulad ng kuya mo na guwapo at napakabait?” tanong ni Ms. Ayah na bakas sa mukha ang inggit.“I think he likes you,” dagdag pa ng team leader na sinang-ayunan naman ng kanyang mga katrabaho.Mabilis namang umiling si Lalaine at nagpaliwanag. “H-Hindi naman sa gano'n. Mabait siya sa lahat,” ani Lalaine saka alanganing ngumiti.Hindi kailan man pumasok sa isipan ni Lalaine na maaaring magkagusto sa kan'ya si Elijah. Sino ba siya? Wala lang siya kumpara sa taas ng antas nito sa buhay. Oo, aaminin niyang ang tulad nito ang papangarapin ng lahat pero hindi siya. Kahibangang maituturing ang pangarap na iyon para sa kan'ya, isa pa'y hindi pa siya nahihibang.Ngumiti naman ng mapanukso si Ms. Ayah. “Okay, okay. Naiintindihan ko,” ani Ms. Ayah.Hindi nam
NANIGAS si Lalaine dahil sa kanyang narinig. “Bakit mo naman ipapakita 'yon sa iba?” hindi makapaniwalang tanong ni Lalaine sa lakaki. “At bakit naman hindi? Sa agreement, ako ang gumagawa ng rules.” Hindi na mapigilan pa ni Lalaine ang pag-aalipustang nararamdaman, kaya tumulo ang kanyang luha na para bang perlas. Umiiyak niyang pinagmasdan ang kaharap saka nanginginig ang labi na nagsalita, “B-Bakit mo ba ginagawa 'to sa'kin?” Nang dumako ang tingin ni Knives sa nanginginig na labi ng babae ay lihim siyang napamura. Kahit kailan talaga ay napakadali niyang mawalan ng kontrol sa sarili kapag kaharap niya ang babae. “Being obedient is your duty as my woman.” Matapos sabihin iyon ay muli niyang hinawakan sa baba si Lalaine ay walang sabi-sabing hinalikan ito sa labi. Mapusok ang paraan ng paghalik ni Knives sa babae na sinamahan pa ng mahinang pagkagat, na para bang sa pamamagitan niyon ay pinarurusahan niya ito. Subalit isang malakas na lagabog ang nanggaling sa pinto, at
NANG makauwi si Lalaine sa Dawson Residents, wala pa ang lalaki. At dahil mag-isa lang siya sa suite ay ipinasya muna niyang mag-shower. Habang nagliligo, nadiskubre ni Lalaine niya na mayroon siyang buwanang-dalaw. Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam niya kanina pa. Matapos makaligo ay nakita ni Lalaine na mayroong nakahandang pagkain sa dining table, na marahil ay ihinanda ng kanilang housekeeper habanng nasa banyo siya. Kapag mayroon siyang menstruation, walang gana kumain si Lalaine kaya naman mga prutas lang ang ginalaw niya sa mga pagkaing iyon. Nang makaramdam ng busog ay kaagad na rin siyang nag-asikaso para matulog.Hindi na rin nag-drawing pa si Lalaine ng kanyang mga drafts sa gabing iyon, sa halip ay maaga siyang nahiga at nakatulog nang mahimbing.Sa kalagitnaan ng gabi, umihip ang malamig na simoy ng hangin. Umangat nang dahan-dahan ang comforter ni Lalaine kay naman nagising siya. Ngunit bago pa siya makahuma ay sinakop na ng lalaki ang kanyang mga labi.“Hmmm~” pa
“JUST wait for me.”Matapos sabihin iyon ay biglang padabog na sumara ang pinto ng kwarto ni Lalaine, senyales na galit na lumabas na ang lalaki.Kumabog ang dibdib ni Lalaine, medyo pinagsisihan niya dahil palagi siyang nagagalit sa lalaki. Alam naman niyang walang mabuting maidudulot sa kan'ya kung gagalitin niya ang lalaki.Pero dahil tao lang naman siya, may damdamin at nasasaktan ay hindi niya maiwasang makipagtalo sa lalaki lalo pa't lagi siya nitong minamaliit.Dahil masakit pa rin ang kanyang puson at ayaw naman niyang payagan ni Knives na lumabas ay ipinasya niyang matulog na lang. Sana lang hindi mamantsahan ng kanyang regla ang kobre-kama nang sa gayon ay hindi na kailangang palitan pa dahil kapapalit lang naman nito.Hindi malaman ni Lalaine kung gaano katagal siyang nakatulog nang muling padabog na bumukas ng pinto ng kanyang kwarto. Matapos niyon ay humagis sa kama ang isang malaking plastic at tumapon ang laman niyon sa kanyang harapan.Pupungas-pungas na bumangon si La
“WILL you thank me with your lips?”Nanigas si Lalaine sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng kaharap. At bago pa siya makasagot ay inunat ni Knives ang braso at hinila siya, dahilan para mapaupo siya sa kandungan nito.“That's the first time I bought that thing for a girl. I also massaged your belly for a long time. Sa tingin mo ginawa ko iyon ng libre?” tanong ng lalaki na ang mainit na hininga nito ay tumatama sa punong-tenga ni Lalaine kaya nakaramdam siya ng tensyon.“K-Kung gano'n, ano naman ang gusto mong gawin ko para makapagpasalamat?” kinakabahang tanong ni Lalaine.“I prefer to do something more than just say thank you,” nakangising sagot ni Knives sabay turo sa kanyang labi. Nakuha na kaagad ni Lalaine kung ano ang gusto nitong mangyari ng mga sandaling iyon. Nagbigay na ito ng paghiwatig noon tungkol sa bagay na iyon nang kung anu-anong mga tricks pa ang ginagawa nito. Bigla-bigla ramdam ni Lalaine ang pag-init ng buo niyang mukha dahil sa naisip.“How about trying
NANG mga sumunod na araw, naging busy si Knives at ni hindi ito nagpakita sa Debonair ng ilang araw, ganoon din sa Dawson Residence. Walang ideya si Lalaine kung saan ito nagpunta dahil hindi naman sila nakikialam sa buhay ng isa't-isa. Purong sex lang ang namamagitan sa kanila at bukod sa bagay na iyon ay wala na. Naging komportable si Lalaine habang wala ang lalaki lalo na kapag nasa kompanya siya. Nakakakilos siya ng maayos at hindi nag-aalala na baka muli siyang ipatawag ni Knives sa pribadong opisina nito at makaisip na naman ng kung anong bagay. Kinatanghalian, habang nagpapahinga sa employees lounge dahil katatapos lang niyang kumain ng lunch ay lumapit sa kanyang mesa si Ms. Ayah, ang kanilang team leader. “Lalaine, tingnan mo si Mr. Dawson, napakagwapo!” tila kinikilig na bulalas ni Ms. Ayah saka ipinakita sa kan'ya ang cellphone na hawak. Nakita ni Lalaine na tungkol iyon sa business news flash, kung saan si Knives ay um-attend ng ribbon cutting ng bagong pasinayang D
"EXCUSE me, Miss. 'Di ba Ikaw ang bumangga sa akin?" kunot-noong tanong ni Lalaine sa babae. "What the hell? I bumped you?" Nakataas ang mga kilay na pinagmasdan siya ni Leila si Lalaine na para bang isang joke ang sinabi nito. “Why would I bumped into you? Alam mo ba ang halaga nga clothes, bag, at shoes ko? Even your one year's salary is not enough to buy them. Will I purposely bump into someone like you to get my clothes dirty?” Hindi namang maiwasang magtaka ni Lalaine dahil sa atake nito. Ang tinatanong lang naman niya ay kung bakit siya nito binangga pero kung anu-ano na ang pang-iinsultong sinabi nito sa kan'ya. Dahil ayaw nang makipagtalo pa ni Lalaine sa babae kaya prinangka na lang niya ito. "May surveillance camera ang Debonair. Dahil ayaw mong umamin, p'wede tayong mag-request para i-review ang cameras." Sarkastikong tumawa naman si Leila sa narinig. "You have a lot of power, don't you? Ang isang poor na intern, magre-request para i-review ang camera? Are you an idi
“ANONG sabi mo? Hindi ikaw ang lalaking 'yon?” naguguluhang tanong ni Keiko at saka lumapit sa lalaki.“Yes. You heard right. He's my missing twin brother who was adopted by Mr. Zhou,” pag-uulit ni Seiichi.“K-Kaya pala iba ang kutob ko nang kausap ko s'ya. Feeling ko, ibang Seiichi ang kasama ko. 'Yun pala, tama ako ng hinala.” Nasagot na ang katanungan iyon sa isip Keiko. Kaya pala ibang-iba ito sa Seiichi na kilala niya dahil kakambal ito ng lalaki. Pero bakit hindi n'ya alam ang tungkol sa bagay na 'yon? Pero kahit gano'n, thankful pa rin siya dahil hindi si Seiichi na kaibigan niya ang gumawa ng bagay na iyon sa kan'ya. Dahil hinding-hindi n'ya talaga mapapatawad ang lalaki pag nagkataon.“Saka na muna ang pagtatanong, Keiko. Tumakas na tayo habang busy pa ang mga tauhan ng matandang 'yon,” ani Seiichi saka mabilis na hinila si Keiko palabas sa kwarto at maingat na binaybay ang mahabang hallway kung nasaan ang daan patungo sa exit ng mansyong iyon.Nang dalhin si Seiichi sa luga
TAHIMIK at maingat na pinasok ni Liam at Kairi ang isang three-storey building kung saan nagtatago si Hachi. Gamit ang hidden microphone at earpiece na nagsisilbing komunikasyon ng grupo ay hinalughog nila ang gusali. At dahil hindi inaasahan ng mga naroon ang kanilang pagdating ay nabulaga subalit sa halip na matakot ay kaagad na nagpaputok ang mga ito.“Team, sa second floor kayo. Kami naman ang aakyat sa third floor,” utos ni Liam sa mga tauhan sa kabilang linya.“Okay, Sir. Copy!” Si Kairi at Liam ay magkasama sa pagtungo sa ikatlong palapag ng gusali. Kabi-kabilaan na ang palitan ng putok na maririnig sa paligid, senyales na nagpang-abot na ang dalawang grupo.Maingat at maliksi ang kilos ng dalawang lalaki na para bang sanay na sanay na sa ganoong trabaho. Bawat sulok at kanto na kanilang nadadaanan ay masusi nilang ginagalugad habang ang iba pa nilang mga tauhan ay nakasunod sa kanilang likuran.Hanggang sa isang putok ng baril ang pumailanlang sa paligid na nagpatigil sa dala
“KUNG ganoon, nagpapanggap lang ang lalaking iyon?” tanong ni Kennedy kay Kenji na ang tinutukoy ay ang tauhan nitong si Seiichi Sazaki na kailan lang ay napapansin daw nitong kakaiba ang ikinikilos.Nagkita ang dalawa sa isang private office ni Kennedy Dawson upang pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ni Keiko at ang death threat na natanggap ni Liam para kay Knives Dawson.“What exactly did you notice about him that made you say that, Mr. Inoue?” naninigurong tanong ni Kennedy sa kausap.“I know Seiichi very well because he's my best friend,” sagot naman ni Kairi. “Ibang-iba siya sa Seiichi ko kilala ko. They may look alike but there's still something different about him.”Tumango-tango si Kennedy sa mga narinig. Maging si Liam na tahimik na nakikinig ay naniniwala rin sa sinasabi ng kaharap. Hindi malabo iyon lalo pa't hindi basta-bastang tao ang kalaban ng kanilang pamilya, tiyak na gagawin ng mga ito ang lahat para makpaghiganti.“And who do you think that man is? Did he have plas
“WE meet again, Lalaine Aragon...”Nanigas ang katawan ni Keiko sa narinig. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon, kilalang-kilala niya...Narinig niyang dahan-dahang naglakad papalapit sa kinaroroonan niya at naramdaman niyang huminto ito sa tapat niya.“Ang buong akala ko, pagkatapos ng walong-taon ay hindi na tayo magkikita, Lalaine...” anang lalaki saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Ipinilig ni Keiko ang pisngi at para bang diring-diri sa lalaking hindi nakikita. Pero nakapiring man ang mga mata, hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking ito ay ang lalaking inakala niyang patay na...Si Elijah Montenegro.“Walang-hiya ka! Buhay ka pa palang hayop ka! Ang akala ko nasa impiyerno ka na, hayop ka!” bulalas ni Keiko sa lalaki.Napangisi naman si Elijah sa narinig. Mukhang talagang tumatak siya sa pagkatao ng babae dahil hanggang ngayon ay boses pa lang niya ay kilalang-kilala na nito.“You lived a happy life. You had children with Knives Dawson. What if your children suffe
“SABI n'ya sa'kin, dadalaw lang s'ya sa hospital pero hindi na siya bumalik. Nag-aalala na ako...”“K-Kung gano'n, nawawala talaga siya?” tanong ni Veronica na muling umahon ang takot sa dibdib. “Nag-report na ba kayo sa pulis?”“Yes, of course. Two days na siyang nawawala at wala kaming idea kung nasaan siya,” sagot naman ni Seichii sa mga ito.“Did she say who she was last with the night before she disappeared?" tanong ni Eros sa lalaki.“W-Wala siyang sinabi dahil ang paalam niya, sa hospital daw siya mag-i-stay...”Sabay na nagkatinginan si Eros at Veronica. Mukhang tama nga ang kutob ng huli tungkol sa maaaring sinapit ni Keiko. It's possible that someone kidnapped her and took her somewhere, which is why she still hasn't returned home. Mayamaya pa'y nahinto ang pag-uusap ng mga ito nang dumating si Kennedy Dawson at si Liam. Kunot-noong lumapit ang mga ito sa dalawang doktor na nag-uusap, at dahil hindi naman nito personal na kilala si Seiichi kaya hindi nito pinansin ang lalak
“WHERE'S Keiko? I want to see her...”Lahat ay nagulat nang sabihin iyon ni Knives, partikular si Gwyneth na literal na nakanganga ng mga oras na iyon. Buong akala niya ay magkakaroon ng amnesia si Knives at magtatagumpay na siya sa plano. But she was wrong. Even in death, Knives would never forget that woman!“T-Tatawagan ko s'ya...” prisinta ni Veronica. Wala pa kasing kahit isang pamilya ni Knives at Keiko ang naroon kaya nagprisinta na siyang tawagan ang kaibigan nang sa gayon ay malaman nito ang good news.Mula kay Eros ay lumipat ang tingin ni Knives sa babaeng doktor. Hindi niya makilala ang doktor pero marahil ay kaibigan ito ni Keiko kaya tumango siya.Mabilis na lumabas si Veronica sa loob ng ICU at kaagad na tinawagan ang cellphone ni Lalaine. Pero kumunot ang kanyang noon nang marinig mula sa kabilang linya na out of coverage ang linya nito. “Bakit nakapatay ang cellphone n'ya?” kunot-noong ni Veronica sa sarili saka muling kinontak ang number ng kaibigan, pero tulad kan
“TALAGA bang ayaw mong tantanan ang dalawang 'yon, Gwen? She's no longer the Lalaine you knew before. Do you think she'll let you bully her?”Gwyneth glared at the man. Why does Eros always side with that slut when he's her friend? “Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan ang hitad na 'yon, huh? In case you forgot, I'm your friend and not that bitch!” inis na bulalas niya sa lalaki.Bumuntong-hininga si Eros. Talagang napakahirap paliwanagan ng babaeng 'to dahil sarado lagi ang isip. “Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Of course, I'm concerned about you because I'm your friend. But I won't tolerate your wrongdoings.”“Wrongdoings? Really?” nandidilat ang mga matang tanong ni Gwyneth. “Siya itong sinampal ako ng maraming beses! Tapos ako pa ang mali?” “Knives and I had a good relationship before that woman came! He even promised to marry me, didn't he? But everything went sour because of that bitch!” bulalas pa ni Gwyneth na nanlilisik ang mga mata sa galit.“But he never loved you and you
“WHAT if Knives dies, is there a chance you'll come back to me?”Napakunot-noo si Keiko sa sinabing iyon ng lalaki. “A-Ano bang sinasabi mo?” naguguluhang tanong niya. Pansin din niyang parang iba ang aura ni Seiichi ng mga sandaling iyon. May kakaiba sa mga mata nito habang nakatitig sa kan'ya na hindi niya mawari. Pakiramdaman niya ay ibang-iba ito sa Seiichi na matagal na niyang kilala. “Nothing,” umiling-iling na sagot ni Seiichi. “By the way, l pumasok ka na sa loob. I'll just wait for you outside,” dagdag pa nito saka tumalikod na.“Okay...”Hindi na pinansin pa ni Keiko ang kakaibang kilos na iyon ni Seiichi saka dumiretso na siya sa loob upang makita ang lalaking mahal. Naupo siya sa tabi nito at hinaplos ang mukha nitong bahagya nang tinutubuan bigote at balbas.“Gumising ka na, mahal ko. Miss na miss ka na namin. Hinihintay ka na namin ng mga bata...” masuyong wika ni Keiko saka kinuha ang kamay nito at hinalikan. Namuo ang luha sa kanyang mga mata pero pinigilan niyang pu
SI SEIICHI, binatilyo pa lang ay nasa poder na ni Kenji. Anak ito ng isa mga mga tauhan niya na napatay noong magkagulo sa pagitan niya at kalaban sa negosyo. As far as he knew, he had a brother, but he had never seen him. According to the information he had gathered, Mr. Zhou had adopted the young man and had no news of his whereabouts.Siya na ang tumayong ama-amahan kay Seiichi at sinuportahan niya ito sa pag-aaral hanggang kolehiyo. Mabait na bata ito ay kahit kailan ay hindi siya binigyan ng sakit ng ulo. Nang matapos ito ng masteral sa law ay ito ang naging corporate lawyer niya sa sariling kompanya. Matalino ito at magaling na abogado kaya naman wala siyang naging problema sa kanyang negosyo pagdating sa legal matters.Naging kaibigan din ito ng mga anak niya, lalong-lalo na si Kairi dahil halos hindi nalalayo ang edad ng mga ito. Bukod doon, sa iisang university sa abroad nag-aral ang mga ito kaya naman parang kapatid na ang turingan ng dalawa.Malaki rin ang tiwala ni Kenji k