Hello guys! Unang-una sa lahat, kumusta po kayo? Maraming-maraming salamat sa pagsuporta ninyo at pagbibigay ng gift. Hindi ko na po kayo maisa-isa pero maraming salamat po talaga. Sana po ipagpatuloy ninyo lang ang pagbabasa dahil marami pa po akong pasabog na ilalabas. Kapit lang po. Iyon lang. TO GOD BE THE GLORY! ( ◜‿◝ )♡
“HINDI ako magpapakasal. And if you don't want to be a laughingstock in front of the guests, cancel this engagement...” Nang marinig ang salitang iyon mula kay Knives ay awtomatikong namula ang mga mata ni Gwyneth at saka naiiyak na nagsalita, “H-Honey, ano bang sinasabi mo?”“Walang kwenta ang mga sinasabi mo!” galit na galit na saad ni Kennedy sa kanyang anak. “You came to me and said you wanted to marry Gwyneth. But in a flash, you suddenly changed your mind and didn't want to get married?”“My mind was not clear at that time so I agreed just to fulfill Gwyneth's wish,” malamig na saad ni Knives. “But now I've come to my senses. I no longer intend to keep that promise.”Sa galit ni Kennedy sa katigasan ng ulo ng anak ay malakas niyang naihampas ang tungkod sa marmol na sahig. “It's not up to you to decide. If I have to tie you up now, I will!”Hindi nagpakita ng takot si Knives sa kanyang ama ng mga oras sa iyon. Sa halip puno ng determinasyon ang kanyang mga mata habang nakatingi
“LALAINE is my wife. I will never let anyone touch her!” Napalitan ang madilim na anyo ang kaninang nag-aalalang mukha ni Gwyneth matapos marinig ang pag-amin na iyon mula kay Knives. Hindi n'ya akalain na maririnig iyon mula sa bibig nito.‘Wife? Kung gano'n, ano ako para sa kan'ya?’ Iyon ang tanong na umuukilkil sa isipan ni Gwyneth. Knives promised to marry her, but why does he consider Lalaine his wife? Nakaramdam ng galit si Gwyneth ng mga sandaling iyon at palihim naikuyom ang mga kamao. No way! She should be the only woman in Knives Dawson's life. She alone has the right to be his wife and no one else!“Ingrato!” galit na galit na sigaw ni Kennedy sa kanyang anak. “Kung nabubuhay lang ang mommy mo, tiyak na hindi n'ya papayagan ang ginagawa mo!”Alam na alam ni Kennedy na ang kahinaan ng kanyang anak ay ang mommy nito, kaya sa t'wing kailangan niyang palambutin ang anak ay ito ang ginagawa niyang sangkalan.Pero sa pagkakataong iyon, hindi ito gumana kay Knives.“Don't brin
UMAGA na nang magising si Lalaine subalit wala pa ring Knives ang dumating. Nakakabinging katahimikan lang ang sumalubong sa kan'ya ng mga sandaling iyon. Hindi rin mapakali si Lalaine, at sa kanyang puso ay para bang may kung anong gumugulo. Kaya naman kahit hindi masyadong pinag-isipan ay nagpasya siyang umalis ng Dawson Residence. Pero bago iyon, tinawagan muna niya si Mr. Miller at nagpatulong kung papaano magpa-schedule ng bisita sa Manila City Jail kung saan nakakulong ang kanyang ina-inahang si Ursula. May mahalaga lang siyang gustong itanong sa babaeMatapos ng pag-uusap, dumiretso na si Lalaine sa piitan at pumirma ng visiting form saka dumiretso sa visiting area kung saan naghihintay si Ursula habang nakaposas ang mga kamay at may bantay na isang pulis.Nang makita si Lalaine ay naging excited ang ekspresyon ni Ursula sa kulubot na mukha. “Anak ko, mabuti naman at ligtas ka!” bulalas kunwari ng may-edad na babae na halos umabot sa tenga ang lapad ng pagkakangiti.Naikuyom n
SA ISANG coffee shop naghihintay si Lalaine para sa taong kakatagpuin niya. Hindi niya akalain na sa dami ng pinagdaanan nito sa China ay makakabalik pa rin ito ng buhay at makakasama ang pamilya nito.Habang malayo na naglalakbay ang isipan, isang babaeng nakasuot ng itim na sumbero at itim na face mask ang lumapit sa mesa kung saan naghihintay si Lalaine. At bagaman simple lang ang suot nitong denim pants at long-sleeve ay kitang-kita pa rin ang magandang pigura ng katawan nito.Nang makita ni Lalaine ang mga mata nito ay tuluyan nang tumulo ang kanyang luha. Hindi siya makapaniwala na nakatayo ngayon sa harapan niya si Veronica.“I-Ikaw na ba talaga 'yan, Veronica?” umiiyak na tanong ni Lalaine sa babae. Tumango naman ito bilang sagot kaya sa labis na tuwa ni Lalaine ay napalundag siya sa babae at niyakap ito nang mahigpit.“A-Akala ko wala ka na... Sobrang saya ko talaga dahil makaligtas ka nang gabing 'yon...” umiiyak na saad ni Lalaine.Maging si Veronica ay umiiyak din ng mga
KAAGAD na nakatawag si Veronica ng ambulance at mabilis na nadala si Lalaine sa ospital. Pagdating sa emergency room, tinanong siya ng residence doctor kung ano ang naging sanhi ng pagkawalan nito ng malay. “H-Hindi ako sure, doc. Sa tingin ko over fatigue—”Naputol ang sana'y sasabihin ni Veronica nang may baritonong boses ang sumingit sa kanilang usapan. “Ms. Chavez?” Nilingon ni Veronica ang tumawag sa kanyang pangalan at nakita niyang si Doc Eros iyon na isa rin sa mga residence doctor ng naturang hospital.Lakas-loob na hinubad ni Veronica ang suot na face mask niya at hinarap ang binatang doktor. “D-Doc Eros, tulungan mo ang kaibigan ko,” nag-aalalang sagot ni Veronica sabay turo kay Lalaine.Kunot-noong pinagmamasdan naman ni Eros ang babaeng walang malay na nakahiga sa hospital bed. Maputla ang labi at mukha nito ng mga oras na iyon.“What happen to her?”Napilitan si Veronica na tanggalin ang suot na face mask para makapagsalita ng maayos at maintindihan ng doktor ang sasa
“KUNG 'di ako nag-donate ng liver kay Uncle Kennedy, hindi sana ako na-coma at naratay sa kama ng matagal...”Habang sinasabi iyon ay sinikap ni Gwyneth na maging kaawa-awa sa harapan ni Knives nang sa gayon ay mapapayag n'ya ito sa gusto niya.“Three years of my life were wasted because of the coma. Then what did I gain? You'll leave me in the end,” dagdag pa niya.Matiim na tumitig si Knives sa babae bago sinabing, “Bukod sa engagement, lahat ng kondisyon ay kaya kong ibigay sa'yo. Pag-isipan mong maigi.”Nang makitang muling aalis si Knives ay mabilis na nagsalita si Gwyneth. “I don't want anything else. All I want is for you to support me someday when I need you.”Buong pagtataka naman pinagmasdan ni Knives. Hindi n'ya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.“After I woke up from the coma, many people laughed at me because they said I was worthless because of my condition. Pati ang pamilya ko ay naging usap-usapan sa lugar namin. So please, for the sake of our friendship ov
MALALAKI ang bawat hakbang ni Lalaine at gustong makaalis kaagad sa lugar na iyon. At dahil wala sa tamang wisyo, paghakbang niya ay kinapos iyon at dumulas sa baitang ng hagdan. Umikot ang paningin ni Lalaine subalit isang matipunong braso ang humapit sa kanyang baywang at sumalo sa tiyak na pagkahulog. “What are you doing? Bakit 'di ka tumitingin sa inaapakan mo?” singhal ng baritonong boses ng lalaki. Nang makitang si Knives iyon ay nagpumiglas si Lalaine at ginustong makawala sa bisig ng lalaki, bagaman mabilis ang tibok ng kanyang puso. Pinukol ni Knives ng masamang tingin ang babae at tinakot. “Kapag kumilos ka pa, hahayaan na malaglag d'yan sa hagdan,” malamig na babala niya. “K-Kaya kong maglakad kaya bitiwan mo ko,” sagot naman ni Lalaine na hindi maitago ang galit sa tono. Subalit nagbingi-bingihan lang si Knives at kinarga ang babae patungo sa parking lot ng ospital. Dahil magaan si Lalaine ay parang papel lang siyang kinarga papasok sa loob ng sasakyan. Inupo niya ito
“SAPAT na ba 'yan para masabi mong seryoso ako?”Na-estatwa si Lalaine sa kinauupuan habang palipat-lipat ang tingin sa singsing at sa mukha ng lalaki. At bagaman may kadiliman ang loob ng kotse at kitang-kita naman niya ang mga mata ng lalaki na tila ba kasing kislap ng mga bituwin.“I've been preparing it for a long time. I really intended to give it to you last night but something unexpected happened,” muling saan ni Knives sa mahinang boses.Alam ni Knives na ayaw ni Lalaine ng mga bagay na masyadong extravagant. Tulad na lang ng diamond necklace na ibinigay niya noon. Sinabi nitong wala namang okasyon para suotin iyon. Ang expensive diamond ring na isa sa pinakamahal na singsing sa mundo ang balak sana niyang ibigay kay Lalaine, pero isinuko n'ya ang idea na 'yon at pinalitan ng isang simple pero rare na uri ng rose gold ring. At first glance, it may seem simple, but in the eyes of someone who knows how to appreciate expensive jewelry, they know how rare it is.Sobrang bilis ng
NANG sumunod na araw, dahil day-off ni Lalaine sa trabaho ay nagpasya silang mag-asawa na dumalaw sa lumang mansyon para makita si Lola Mathilde. Matagal tagal na ring hindi nakikita ito ni Lalaine kaya naman miss na miss na niya ang matanda.Nang malaman naman iyon ni Lola Mathilde ay kaagad itong nagpaluto ng masasarap na pagkain sa mga kasambahay. Na-miss na kasi niya ang dalawa niyang apo at nang malamang dadalawin siya nito ay parang bigla siyang sumigla.“Nakahanda na ba ang lahat ng mga pagkain, Delia? Tumawag na ang apo ko. Paparating na raw sila,” masayang-masaya na wika ni Lola Mathilde sa mayor doma ng mansyon.“Opo, Madam Mathilde,” sagit naman ni Nanay Delia.“Mabuti. O siya sige, salubungin mo na si Knives at Lalaine,” saad pa ng matanda.Ilang sandali pa nga'y dumating na ang dalawa, masayang sinalubong ni Lola Mathilde ang mga mag-asawa. Hindi lang iyon, base sa nakikita n'ya ay gumaganda na ang samahan ng dalawa. Kitang-kita niya kasi kung paano alalayan ni Knives at
FROM the balcony where he was standing, Knives clearly saw Lalaine enter the banquet hall. He suddenly remembered what his wife had said this morning, that her boss was taking her to a cocktail party. Pero wala siyang idea na iisang party lang pala ang kanilang pupuntahan. In-invite siya roon ni Mr. Guzman, isa sa mga investors ng Dawson Group at isa ring art collector.Mula nang magpakilala si Lalaine at si Mr. Montero sa isa't-isa ay hindi na naalis ang tingin ni Knives sa dalawa. Partikular na kay Mikael Montero na iyon na isa sa mga sikat na art collector. Kating-kati na siyang puntahan si Lalaine dahil ayaw niya sa paraan kung paano tingnan ni Mikael Montero ang kanyang asawa. Pero dahil hindi naman n'ya maiwan-iwan si Mr. Guzman ay maghintay na lang siya ng pagkakataon.Nang magpaalam na si Mr. Montero sa kanyang asawa ay doon lang napalagay ang kanyang loob. Habang kausap si Mr. Guzman ay panaka-naka siyang sumusulyap sa direksyon ng kanyang asawa na nakapwesto sa isang sulok a
"GOOD morning, wifey. Gising ka na pala?"Natutulalang pinagmasdan ni Laine ang kanyang asawa. "Anong oras ka nakauwi?" tanong niya. "This early morning. I'm sorry, I didn't tell you I'd be late home,” hinging paumanhin naman ni Knives sa asawa."Ah..." tumatango-tangong saad ni Lalaine saka tumingin sa mga pagkaing nakahanda sa hapag. "Ikaw ang naghanda ng lahat ng ito?”"Sino pa ba?" tila proud na saad naman ni Knives sa asawa saka marahang pinisil ang pisngi nga asawa. "What do you think of me? Sex lang ang alam?"Bahagya namang naiiwas ni Lalaine ang sarili dahil pakiramdam n'ya ay para siyang napapaso sa t'wing hinahawakan ng asawa. Dumulog na siya sa mesa na puno ng masasarap na pagkain. Mayroong sausage, fried egg, fried rice, mixed vegetables at mixed fruits, at egg sandwich."Ang sarap naman nito," sinserong papuri ni Lalaine sa asawa matapos matikman ang mixed vegetables. "Hindi ko alam na may talent ka pala sa pagluluto,” hindi makapaniwalang turan ni Lalaine habang kumak
"DON'T ever touch Lalaine. Not even a strand of her hair..." Parang bombang sumabog si Gwyneth ng mga sandaling iyon. Kanina pa niya kinikimkim ang selos nang matunghayan kung gaano ito ka-affectionate sa babaeng 'yon. "Bakit ba gan'yan mo na lang protektahan ang babaeng 'yon? First, you sent Olivia abroad for that woman. And now you're threatening me? Are you really crazy about that woman, Knives?" hindi mapigilang bulalas ni Gwyneth sa lalaki. Nagdilim ang anyo ni Knives dahil sa mga narinig kay Gwyneth. Naniningkit ang mga mata niyang pinukol ito ng tingin. "And who are you to talk to me like that?" tanong niya kay Gwyneth sa malamig pa sa yelong tono. "You have no right to question what I do. She's not just any woman. She's my wife, so I'll make anyone who tries to hurt her pay dearly," saad ni Knives sa nakakatakot na tono. Nakagat ni Gwyneth ang pang-ibabang labi at pinipigilan ang sariling maiyak. Hindi niya matanggal sa sarili na ang lalaking pinakamamahal niya ay ma
"KUNG gano'n, bakit ayaw ka n'yang pakasalan? Twenty-years na kayong magkakilala. Dapat pinakasalan ka na n'ya bago ka pa magkasakit, 'di ba?" Lalong naging masama ang hilatsa ng mukha ni Gwyneth matapos marinig iyon kay Lalaine. This bitch really knows how to insult her. Akma na sanang magsasalita si Gwyneth ng pinutol iyon ng isang pagtawag mula sa labas ng banyo. "Gwen? Are you there?" Awtomatikong nanigas ang likod ni Lalaine nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakangisi siyang sinulyapan ni Gwyneth na para bang sinasabing sumunod siya palabas at tingnan kung gaano ka-sweet ang lalaki sa kan'ya. Minaobra ni Gwyneth ang wheelchair palabas ng banyo at nakita niyang nasa labas niyon si Knives at naghihintay. Walang kahit anong ekspresyon ang makikita sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa kan'ya. "Knives, why are you here?" malambing na tanong ni Gwyneth na sinadyang lakas ang boses nang sa gayon ay marinig na Lalaine na naroon pa rin sa loob ng banyo. "Your pe
KINABUKASAN, nagising si Lalaine na masakit ang balakang. Hindi n'ya alam kung dahil lang iyon sa magdamag na pakikipagtalík sa asawa o mayroon pang iba. Subalit hindi na iyon pinansin pa ni Lalaine at inisip niyang baka dahil lang iyon sa malapit na siyang magkaroon ng menstruation. Isa pa, kailangan niyang kumilos at magpunta sa shop ni Mrs. Tupaz dahil iyon ang unang araw niya sa trabaho at kailangan niyang pumasok ng maaga. Matapos makaligo at makapagbihis, ay umalis si Lalaine ng Dawson Residence na puno ng confidence. Ang art studio ni Mrs. Tupaz ay nasa sentro ng Maynila. May tatlong palapag iyon at ang disenyo ay agaw-pansin dahil yari ito sa salamin. Kaya mula sa labas ay kitang-kita ang mga paintings at drawings na naka-display sa studio na nagiging center of attraction. Alam ni Lalaine na galing sa mayamang pamilya ni Mrs. Tupaz. Mayroong clothing factory ang pamilya ni Mrs. Tupaz pero hindi n'ya gusto na manahin ang negosyong iyon kaya nagbukas siya ng sariling art s
ALAS-DIYES na ng gabi nang makauwi si Knives. Subalit dahil pagkaligo ay sa study room naglagi si Lalaine ay walang naabutan ang lalaki sa master's bedroom.Kumabog ang kanyang puso. Natatakot siyang basta na lang itong umalis at muli siyang iwan. Knives searched the entire house until he reached the study room and peeked in. His heart was only silenced when he saw a small figure hunched over the table, busy drawing.Kaagad namang narinig ni Lalaine ang pagpasok ng lalaki kaya nilingon niya ito. Napangiti siya nang matamis nang makitang si Knives iyon, saka binitiwan ang hawak na lapis at sinalubong ang asawa.“Nakauwi ka na? Ang bilis naman,” kaswal na tanong ni Lalaine. Pero bago nagsalita ang lalaki ay ginawaran muna siya nito nang mahabang halik sa noo at labi.“Yup. Na-miss kasi kita,” sagot naman ni Knives matapos pakawalan ang labi ng asawa subalit yumakap ito ng mahigpit sa kanyang baywang. Namula naman ang mukha ni Lalaine saka isinubsob ang mukha sa dibdib ng asawa. “Ready
“HINDI ko na kailangan pang sagutin 'yan, Knives Dawson. Dahil mahal na kita bago mo pa ako mahalin...”Kumabog nang malakas ang dibdib ni Knives ng mga sandaling iyon. It was the first time he had heard such a confession and he felt like he wanted to jump from the overflowing joy in his heart.“Really? Mahal mo ako, matagal na?” naninigurong tanong niya kay Lalaine.Nahihiya namang tumango si Lalaine saka muling isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Masuyo namang hinawakan ni Knives ang babae sa baba nito upang muling magtama ang kanilang mga paningin. At kahit luhaan ang mga mata nito ng sandaling iyon, kitang-kita pa rin niya ang emosyon na nakapaloob sa mapupungay nitong mga mata.“Thank you for loving me, Lalaine Aragon, and forgive me for everything I have done wrong to you,” masuyong saad ni Knives saka walang sabi-sabing sinakop ang labi nito.Mabilis ding gumanti ng halik si Lalaine sa lalaking pinakamamahal. Walang pagsidlan ang saya sa kanyang dibdib dahil ganoon pala ang
“SAPAT na ba 'yan para masabi mong seryoso ako?”Na-estatwa si Lalaine sa kinauupuan habang palipat-lipat ang tingin sa singsing at sa mukha ng lalaki. At bagaman may kadiliman ang loob ng kotse at kitang-kita naman niya ang mga mata ng lalaki na tila ba kasing kislap ng mga bituwin.“I've been preparing it for a long time. I really intended to give it to you last night but something unexpected happened,” muling saan ni Knives sa mahinang boses.Alam ni Knives na ayaw ni Lalaine ng mga bagay na masyadong extravagant. Tulad na lang ng diamond necklace na ibinigay niya noon. Sinabi nitong wala namang okasyon para suotin iyon. Ang expensive diamond ring na isa sa pinakamahal na singsing sa mundo ang balak sana niyang ibigay kay Lalaine, pero isinuko n'ya ang idea na 'yon at pinalitan ng isang simple pero rare na uri ng rose gold ring. At first glance, it may seem simple, but in the eyes of someone who knows how to appreciate expensive jewelry, they know how rare it is.Sobrang bilis ng