WALANG nagawa si Lalaine kundi sundin ang ipinag-uutos ni Mr. Evans. Nagsalin siya ng wine sa baso at ibinigay sa lalaki, ngunit sa halip na abutin iyon at nginisihan lang siya nito at tinanong, “Is this your first time, little girl?" Awtomatikong namula ang mukha ni Lalaine sa tanong niyang iyon kaya naman humalakhak si Knox. Sa tingin niya ay hindi nababagay ang tulad nito sa ganoong lugar, sa halip ay pag-aaral ang inaatupag nito dahil mukha itong menor de edad. Sinulyapan ni Knox ang kaibigang si Knives na tila ba walang pakialam sa nangyayari at abala lang sa pagtingin sa MacBook nito. “Give that to Knives Dawson. He's the special guest," utos niya kay Lalaine. Ang okasyon na iyon ay welcome party na ipinahanda ni Knox at Eros para sa bagbabalik ni Knives sa Pilipinas matapos ng isang-taong pamamalagi nito sa California, pero ang ungas niyang kailangan ay tila wala namang pakialam. Well, he's used to Knives' behavior because he's been like that ever since they were in colleg
NOONG dalagita pa si Lalaine, takot na takot siya sa kanyang nanay sa t'wing nakainom ito. Simula kasi ng yumao ang kanilang tatay ay nag-umpisa na itong magbisyo. Pag-uwi nito sa bahay galing sa inuman ay sinasaktan sila nitong magkapatid lalo na kung talo ito sa sugal. Ginagawa naman niya ang lahat para protektahan ang kapatid. Ang lahat ng mga latay, mga kurot, mga suntok, at sabunot na para kay Luke ay sinasalo niya dahil hindi niya kayang makita ang kapatid niyang nasasaktan dahil doble ang balik nito sa kanya. Kaya naman para kay Lalaine, ang alak ay tulad ng isang lason na sumisira sa katinuan ng isang tao.Ngunit walang pagpipilian si Lalaine, dahil sa tuwing naaalala niya ang nakababatang kapatid na nakikipaglaban para sa buhay nito ay nasasaktan siya. Handa siyang gawin ang lahat para kay Luke kahit pa ikapapahamak niya ito.Lakas loob na dinampot ni Lalaine ang bote, nagsalin sa baso, saka nakatikom ang labi na sumimsim ng alak. Ngunit masyadong minaliit ni Lalaine ang esp
KAHIT lango na sa alak, hindi pa rin nakalimutan ni Lalaine ang humingi ng pera dahil sa ginawa nitong pag-inom bagay na lalong nagpainit sa kanyang ulo. Ngunit ayaw niyang makipagtalo pa sa lasing dahil alam niyang walang saysay iyon, kaya naman sinabing niyang, “Are you really not going to let me go?” tanong niya sa malamig ngunit seryosong tinig.Mabilis namang umiling si Lalaine bilang sagot. Alam niyang langong-lango na siya sa alak subalit hindi niya hahayaag umalis ang lalaki nang hindi siya nababayaran.Ngumisi si Knives sa sinabi ng babae saka walang sabi-sabing binuhat niya ito, dahilan naman pala mapatili si Lalaine, “Ay! S-Saan mo a-ako d-dadalhin?!” nauutal na tanong ni Lalaine nang maramdaman ang braso ng lalaki na pumulupot sa kanyang bawyang.Tila naman batang paslit na kinarga ni Knives si Lalaine sa kanyang balikat at tinungo ang pinto palabas sa lounge. Ni hindi man lang nito ininda ang bigat ng babae na para bang isa lang itong papel.Ang lahat ng naroon ay hindi n
NGUMUSO si Lalaine saka walang anu-ano'y hinalikan ang labi ni Knives ng may halong pagmamakaawa, "Asawa ko, huwag mo akong iwan..."Nanigas ang katawan ni Knives sa pagkabigla at napaisip, 'Does this little girl know what she's doing?' isip-isip niya saka sinubukang itulak si Lalaine pero nabigo siya.He raised his hand and tried to full her away but she struggled even harder. She didn't even know how to do it. She just pecked and nibbled on his lips and chin awkwardly. What Lalaine is doing can't even be called a kiss because he's just tickled by what she's doing. "What to seduce me?" tanong ni Knives sa babae at saka pinisil ito sa baba at pinaningkitan.Kilala ni Knives ang kanyang sarili. Malakas ang kanyang self-control pagdating sa mga ganoong bagay subalit nang mga sandaling iyon hindi niya kayang pigilan ang udyok ng damdamin. Ang bawat ugat sa katawan ay naghuhumiyaw na patulan ang panunukso ng pilyang babae."Ugh..." mahinang daing ni Lalaine nang maramdaman ang mahigpit n
KAGABI nang i-utos ni Knives sa kanyang mga kasambahay na asikasuhin si Lalaine ay sa halip na sa guests room dalhin ang babae, doon ito dinala sa kanyang kwarto. Ayaw pa naman niya ng amoy ng ibang tao sa kanyang kama dahil mayroon siyang mysophobia, kaya wala siyang choice kundi sa guest room matulog. Nagpunta lang siya sa sariling kwarto para mag-shower dahil nakasanayan na niya, at nawala sa kanyang isipan na naroon pala ang babae.“You really have no self awareness,” mayamaya pa'y saad ni Knives na nakatingin sa pang-ibabang bahagi niya.Nang sundan ni Lalaine ang pinagmamasdan ng lalaki ay huli na nang mapagtanto niyang kumalas pala ang tali ng suot niyang bathrobe at lumantad ang hubad niyang katawan. Sa matinding kahihiyan ay mabilis na hinablot ni Lalaine ang comforter saka ibinalot sa kanyang katawan. Tumaas naman ang gilid ng labi ni Knives habang nakatingin kay Lalaine. Tila napagkamalan ng kanyang mga kasambahay na babae niya ito kaya matapos itong linisan kagabi ay bath
“LOOKS like you remembered...” Hindi naglakas-loob si Lalaine na aminin ang ginawa niya, sa halip muli siyang yumuko at mabilis na umiling saka nauutal na sumagot, “W-Wala, wala akong naaalala.” Knives knew that the woman was lying because she couldn't look at him. He thought she was a good liar but at that moment, she was so easy to read. He could clearly see the surprise, confusion, and embarrassment in her facial expression. “Kung gano'n, tutulungan kitang makaalala,” saad ni Knives na tila aliw na aliw saka itinuro ang sariling labi, “You bit me here, not only that, you—” “Tama na!” putol ni Lalaine sa lalaki na bahagyang tumaas ang boses, ngunit nang ma-realized ang ginawa ay lumambot ang kanyang tinig at mahinang bumulong, “I-I'm sorry, Mr. Dawson. H-Hindi ko sinasadya.” “Want to fix it with just one sorry?” “W-Wala akong pera.” Knives looked at her with amusement,“May katwiran ka.” Nakonsensya naman si Lalaine dahil sa sinabi. Siya na nga itong may kasalanan, si
NAKAHINGA nang maluwag si Lalaine nang marinig ang sinabi ng lalaki saka nagmamadaling naglakad papunta sa malaking kahoy na pinto. Nang mabuksan iyon ay kaagad siyang nagsuot ang lumang pares ng tsinelas na naroon at hindi isinuot ang sapatos na nakahanda para sa kanya.Umangat naman ang gilid ng labi ni Knives habang sinusundan ng tingin ang babaeng papalabas, ngunit agad din niyang ibinalik ang atensyon sa cellphone niyang nakapatong sa center table nang tumunog iyon. “Mr. Dawson, ang clue para sa Project X ay nawala na. Ayon sa nakuha kong report, ang patay na ang taong iyon, ” pagbabalita ng secretary niyang si Liam sa kabilang linya.Sumama naman ang mukha ni Knives nang marinig iyon, “Hayaan n'yong manatili ang mga tao roon para ituloy ang paghuhukay.”“Okay, Mr. Dawson,” sagot ni Liam, “By the way Mr. Dawson, kumikilos na ang Adler Family. Mukhang gusto na namang gumawa ng gulo.”Knives snorted, “Bantayan mo ang kilos nila.”“Okay, ako na ang bahala, Mr. Dawson,” sagot naman
“BITCH! Who told you to seduce my fiancé, Benjamin?!” malakas na sigaw ng babaeng nakasuot ng black Gucci dress at matalim ang tinging ipinupukol sa kanya.Nang marinig ang pangalan ni Lalaine ang pangalan ni Benjamin ay alam niyang si Olivia Dawson iyon, ang fiancé ng lalaki. Magpapaliwanag sana siya sa babae nang marinig niyang tinawag nito ang dalawang babae at nag-utos.“What are you waiting for? Beat up that bitch!” Mabilis na lumapit kay Lalaine ang dalawang babae nang marinig ang utos ni Olivia, saka sinampal siya sinabunutan. “You flirt!” sigaw ng isa habang sinasampal siya.“Who are you to steal Olivia's fiancé?!” saad naman ng isa habang hila-hila ang buhok niya.Pakiramdam ni Lalaine ay nangangapal na ang pisngi niya dahil sa malalakas na sampal, gayon din ang kanyang anit, kaya habang sinasaktan siya ng mga ito ay nagtangka siyang magpaliwanag.“Tama na please?” pakiusap ni Lalaine sa dalawa, “Nagkakamali kayo. Wala akong ginagawang masama—”Hindi na naituloy pa ni Lalai
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a
••••••DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya
LIHIM na napangiti si Kenji nang makita sa entrance ng restaurant si Lalaine Aragon. Matapos niyang pa-imbestigahan kay Detective Cruz ay tungkol sa whereabouts ng babae, nalaman niya ang mga impormasyon tungkol sa babae. Mula sa kung saan ito nakatira, family background, at kasalukuyang trabaho. According to Detective Cruz, the girl was registered by her father, Levi Aragon, with the National Statistics Office when she was five years old, the same age as his daughter Keiko when she was kidnapped. According to all hospital records, Lalaine Aragon has no birth record. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi nito tunay na magulang ang mga kinalakhan nito. Dahil doon, lalong lumakas ang kutob n'ya na ito na nga nawawala n'yang anak. Ang tanging kulang na lang n'ya para mapatunayan ang haka-haka ay magsagawa ng paternity test. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya niyang sa restaurant makipagkita sa dalaga. Nang sa gayon ay makakuha siya ng kahit sample ng laway nito sa basong ginamit