HINDI inasahan ni Olivia na nakita pala ng pinsan niyang si Knives ang lahat ng nangyari kaya naman takot na takot siya. “K-Kuya Knives, she's the one who hurt me! Besides... nilandi n’ya si Benjamin that why I hit her!” pagdadahilan pa ni Olivia. “Do you have evidence that she flirted with Benjamin?” tanong ni Knives sa pinsan. Hindi niya pinaniniwalaan si Lalaine, pero alam niyang hindi mabuting tao si Benjamin at mahal na mahal ito ng kanyang pinsan. Alam ni Knives na usap-usapan sa kanilang lugar na babaero si Benjamin at kalat na kalat iyon, pero hangga't hindi ito gumagawa ng ikasasira ng kanilang engagement ay hindi niya ito pakikialaman. Tila naman namutla si Olivia ng mga sandaling iyon, “The guidance counselor told me. Why would he lie?” Nang marinig iyon, may idea na si Knives kung ano ang nangyayari, “In that case, you just hit her without a proof?” “Kuya Knives, why do we need a proof? Look at her! She looks like a coquettish woman!” pang-iinsulto pa ni Olivia
ISA PA sa inaalala ni Lalaine, hindi niya nababasa ang isip ni Knives. Baka mamaya ay sinusubukan lang siya nito nang sa gayon ay mabaliktad nito ang sitwasyon at siya ang lumabas na nag-umpisa ng gulo. Naisip din ni Lalaine na kaysa gumawa siya ng gulo, mas praktikal kung hihingi siya ng pera sa mga ito para sa danyos na ginawa sa kanya at sa kanyang trabaho. “H-Hindi na kailangan. Bayaran mo na lang ako dahil sa ginawa ninyong magkakaibigan,” saad ni Lalaine. Nakahinga naman nang maluwang si Olivia sa sinabi ni Lalaine, saka tiningnan ang pinsan nang may panunuya, “Kuya Knives, look at her. She prefers to ask for money. What a leech!” Bumuntong-hininga naman si Lalaine at sinabing, “Ms. Olivia, kung sa palagay mo ay argabyado ka, tatawag na lang ako ng pulis.” “You!” Naniningkit ang mga mata ni Olivia sa galit subalit wala naman siyang magawa dahil kaharap niya si Knives. Ayaw niyang suwayin ang lalaki dahil natatakot siyang i-cancel nito ang engagement nila ni Benjamin. “I
PAGDATING sa hospital ay kaagad ipinahubad ng doktor ang suot na long sleeve ni Lalaine, at dahil tanging manipis na sando lang ay pang-ilalim niya kaya lumantad ang kanyang katawan puno ng galos at pasa. Maging sa leeg at mukha niya ay mayroon ding mga galos at kalmot na hindi maitago dahil bahagya na itong namamaga.Madilim naman ang anyo ni Knives habang nakatingin sa mga ito. Hindi niya akalain na ganoon pala ang pinsala na tinamo ng babae mula aa kanyang pinsan at sa mga kasama nito.Ang doktor na sumusuri kay Lalaine ay may edad na, na sa tingin niya ay naglalaro sa forty-five hanggang fifty years old. Nang makita nito ang itsura ni Lalaine ay kumunot ang noo nito saka nagtanong, “Sino ang may gawa nito sa'yo, hija?”“May nakaalitan lang po ako, dok,” ani Lalaine habang muling isinusuot ang damit na hinubad.Nang mapansin ng doktora na naroon si Knives at nakatayo na may madilim na mukha at seryosong anyo ay niyuko si Lalaine ng manggagamot at bumulong, “Ang lalaki bang ito ang
DAHIL sa narinig ay nakangiting hinaplos ni Elijah ang ulo ni Lalaine at masuyong sinabi, “I’m so proud of you, Lalaine...”Bahagya namang nailang si Lalaine sa ginawa ng lalaki. Twenty years old na siya pero itinuturing pa rin siya nitong bata. “Salamat, Doc Elijah,” nakangiti turan ni Lalaine.“Mauna na ako. Magkita na lang tayo kapag may free time ako. Gusto ko ring makita si Luke,” saad pa nito na sinagot naman ni Lalaine nang marahang pagtango.Sinundan na lang ng tingin ni Lalaine ang likuran ng papalayong lalaki habang inaalala ang nangyari noon sa Paco. Isang beses, umuwi ang kanyang nanay na mainit ang ulo dahil talo ito sa sugal. Nanghihingi ito ng pera sa kanya pero dahil wala siyang maibigay kaya binugbog sila nitong magkapatid. Ginawa ni Lalaine ang lahat para saluhin ang pananakit ng kanyang nanay na dapat ay para sa kanyang kapatid, subalit naging masama ang lagay ni Luke noon dahil nang malingat siya ay ang nakababatang kapatid niya ang inatake nito. Nasapul ng kahoy s
NANLALAKI ang mga mata at hindi makapaniwala si Lalaine sa narinig kay Knives, dahilan para hilahin niya ang damit sa suot at ibalot ang sarili.Lihim namang napangisi si Knives habang nakatingin sa babae. Napakagaling talagang magpanggap nito sa inosente sa harapan niya.Matiim niyang pinagmasdan ang si Lalaine habang nakaarko ang makakapal niyang kilay. “Gusto mo bang ako na ang maghubad n'yan para sa'yo?” “A-Ayoko...” saad naman nito na mangiyak-ngiyak.Pumalatak naman si Knives habang napapailing. Wala siya sa mood para sabayan ang kaartehan nito kaya marahas niyang hinila ang babae sa braso papalapit sa kanya. Sa lakas niyon ay napasubsob pa ito sa kanyang hita. Sandaling natigilan si Knives pero pilit niyang nilabanan ang kakatwang pakiramdam na umahon sa kanyang kaibuturan, at saka walang anu-ano'y hinubad ang damit na suot ng babae at basta na lang ihinagis sa kung saan.Sa takot naman ni Lalaine ay nagpupumiglas siya at pilit bumangon mula sa pagkakasubsob sa mga hita nito
KUNG hindi sana nakita ni Knives ang eksena kanina, madadala na naman sana siya ng mapanlinlang na ekspresyon ng babae. Napakagaling nitong magpaikot ng tao sa mga palad, at hindi na siya magugulat na isa ang Lola Mathilde niya sa napaikot ng babae.Madilim ang anyo ni Knives nang buksan ang lock ng kotse saka muling bumaling kay Lalaine. "And one more thing, until our marriage is not annulled, I don't want you to flirt with another man."Natigilan si Lalaine nang marinig ang sinabi ng lalaki, at nakaramdam nang matinding pagka-insulto. Para siyang sinampal nito nang harap-harapan dahil sa binitiwan nitong salita. Ano ba ang dahilan nito para sabihan siya ng ganoon? Ni hindi nga siya lubusang kilala ng lalaki subalit kung makapagsalita ito ay para bang alam nito ang tunay niyang pagkatao. "Mr. Dawson, naghihintay na lang tayo na mai-proseso ang ating annulment paper, pero hindi mo na ako kailangan pang paalalahanan ng mga dapat kong gawin o hindi dapat gawin," matapang na wika ni Lal
NANG mga sumunod na araw ay naging abala si Lalaine sa paghahanap ng naaangkop na kompanya kung saan siya maaaring mag-apply ng internship. At dahil hindi tinanggap si Lalaine noong mag-apply siya sa National Museum Of Fine Arts, dahil na rin sa koneksyon ng kanilang guidance counselor sa namamahala rito, kung saan-saan nagpasa si Lalaine ng kanyang credentials.Ngunit halos lahat ng kompanya na in-apply-an ni Lalaine ay hindi siya natatanggap sa kadahilanang hindi niya rin alam. Iniisip na lang niyang marahil ay marami ring tulad niyang estudyante ang naghahanap ng kompanya na mapapasukan dahil required iyon sa kanilang kurso at sa iba pa.Nais ng kanilang eskwelahan na magkaroon sila ng experience sa isang kompanya habang nag-aaral para mas madagdagan ang kaalaman nila, hindi lang sa paaralan kundi maging sa tunay na buhay.Sa huli, hindi na rin namili si Lalaine ng kompanya na pinagpapasahan ng kanyang credentials, dahil kahit na pipitsuging kompanya ay sinubukan na niya para lang
KASUNOD ni Knives na bumaba sa sasakyan ay isang magandang babae na elegante ang pustura, may malaking suso at maumbok na puwit, at higit sa lahat ay maganda ang kurba ng katawan. Kung ikukumpara ni Lalaine ang sarili, para siyang prutas na bubot pa. Nang bumaling ang babae kay Knives at nagsalita ay napakalambing ng boses nito na tila ba nang-aakit.Lihim na nakaramdam ng hiya si Lalaine dahil sa nakita. Siya itong pinaalalahanan ni Knives na huwag makipagrelasyon sa ibang lalaki hangga't hindi pa natatanggap ang kanilang annulment paper, pero ito naman ay kung sinu-sinong babae ang kasama. Sa katunayan, ilang araw din siyang hindi makatulog nang maayos dahil sa takot, pero kalaunan ay naisip niyang galit ito sa kanya at malamang ay ayaw siya nitong makita kaya bakit nito magsasayang pa ito ng oras na gantihan siya?“Shall we?” nakangiting tanong ni Elijah kay Lalaine.Bumalik naman sa wisyo si Lalaine saka tumango sa lalaki at yumuko upang hindi siya makita ni Knives. Hangga't maaa
ISANG linggo...Dalawang linggo...Isang buwan...Anim na buwan...Siyam na buwan...Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay...Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya.Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact.Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news about Lalaine, but
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!”Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!”“Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya.Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long.Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni Keiji ang
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
IKINURAP-KURAP ni Lalaine ang mata at tumambad sa kan'ya ang isang engrandeng kisame. At kahit bahagya pang nanlalabo ang kanyang paningin, alam niyang wala siya sa hospital o kaya naman sa Dawson Residence. Naroon siya sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kan'ya at unang beses lang niya nakita.Bumalikwas ng bangon si Lalaine nang biglang maalala ang mga nangyari. Bakit siya naroon? Anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon?Malinaw pa sa kanyang alaala ang lahat bago siya mawalan ng malay. Matapos makita ang eksenang iyon sa pagitan ni Knives at Gwyneth ay mabilis siyang tumakbo palabas ng nightclub. Hindi siya nagpatinag kahit napakalakas pa ng buhos ng ulan, sinugod niya iyon habang humagulhol.Tumakbo siya nang tumakbo na para bang mayroong humahabol sa kan'ya. Subalit bigla na lang umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya nawalan ng malay ay isang lalaki ang sumalo sa kan'ya...Ang assistant ni Mr. Inoue!Luminga-linga si Lalaine sa paligid. Malakas ang kutob niyang naroon siya s
SA ISANG iglap, nawala si Lalaine sa paningin ni Knives. Gulong-gulo siya sa nangyari. Ano ba ang nangyari? Bakit nasa kwarto siya at kasama si Gwyneth? Ang huling natatandaan lang n'ya ay nagpapakalango siya sa alak kasama ang isang babae.Bumalikwas ng bangon si Knives at doon lang n'ya napansin na naka-brief lang pala siya. Si Gwyneth na nasa tabi niya at nakatakip ng kumot ay tulad din niyang walang suot na damit. Posible kayang may nangyari sa kanila ng babaeng ito?Imposible! Kahit lasing na lasing siya ay hinding-hindi n'ya papatulan si Gwyneth. Isinusumpa n'ya iyon. But why can't he remember what happened? Or maybe it was all just a ploy to break up things between him and Lalaine? Nanginginig sa galit na isinuot ni Knives ang pantalon at saka sinugod si Gwyneth noon na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari. Nagdilim ang kanyang paningin kaya umibabaw siya rito at sinakal ng dalawang kamay ang leeg nito na para bang gusto na itong lagutan ng hininga. “What did you do to
“NAGAWA mo ba nang maayos ang ipinatatrabaho ko?” tanong ni Gwyneth sa babaeng kaharap na si Maggie.“Of course! Nilagyan ko ng mataas na dosage ng drugs pampatulog ang drinks n'ya kaya sure akong kahit sampalin mo ang gagóng 'yan, 'di agad magigising,” nakangising sagot naman ni Maggie.“Okay, good,” ani Gwyneth sabay abot ng puting sobre na naglalaman ng pera. “'Wag na 'wag mong ipagkakalat ito, kundi papatayin kita,” pagbabanta pa niya sa babae.Umismid naman si Maggie. “Oo na,” aniya. “But in fairness, he's a hottie. Kung 'di mo lang bet ang lalaking 'yon, baka—”“Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo?” naniningkit ang mga matang ni Gwyneth sa kaharap.Kaagad naman nitong itinikom ang bibig at muwestra na parang zipper na isinasara iyon. “Umalis ka na. I still need to do something.”“Okay, bye bye!” nakangisi namang paalam naman ni Maggie habang ipinapaypay ang sobre na naglalaman ng malaking halaga ng pera.Napangiti si Gwyneth saka tumingin kay Knives na noon ay mahimbing a
••••••DUMIRETSO na ng uwi si Lalaine matapos maisara ang deal kay Mr. Inoue. Ang bilin kasi ni Mrs. Tupaz, sa oras na ma-aprubahan na ni Mr. Inoue ang gagawing project sa kompanya ay makakauwi na siya at bukas na lang siya mag-report sa trabaho.Dahil maaga pa, minabuti ni Lalaine na dumaan sa supermarket para bumili ng rekado sa lulutuin niyang Braised Pork ribs. Gusto niyang ipagluto si Knives kahit na alam niyang hindi maganda ang naging pagtatalo nila kagabi dahil nais niyang magkaayos silang mag-asawa.Nakapagdesisyon na si Lalaine. Gagawin niya ang lahat para matanggap ni Knives na anak nito ang kanyang ipinagbubuntis. Nasaktan man siya ng sobra dahil sa gusto nitong ipalaglag ang kanilang anak, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para sa asawa. Isa pa, naniniwala siyang maaaring nagkamali lang ang doktor na sumuri sa asawa n'ya. Kaya ang balak n'ya ay kakausapin n'ya ito nang masinsinan at hihikayatin muling magpatingin sa ibang doktor. Bukod doon, imumungkahi din niya