ALAM ni Lalaine ang programang iyon ng St. Claire University, na kung saan taon-taon ay namimili sila ng scholar na ipadadala sa abroad para makapag-aral. Walang gagastusin ang mag-aaral na ipadadala roon dahil sagot ng university ang lahat expenses. Pagkatapos naman ng isang taon pag-aaral, siguradong may naghihintay na magandang kompanya sa mag-aaral na iyon. Ang pag-aaral abroad ay nagsisilbing steppingstone ng mga mag-aaral dahil tiyak na ang pagkakaroon ng magandang kompanya na magpapasukan. Walang estudyante ang hindi papangarapin na mapabilang sa oportunidad na iyon. Sa katunayan, iyan ang naging motivation ni Lalaine para magsumikap sa pag-aaral. Pero ngayong nasa harapan na niya ang oportunidad ay nag-aalinlangan siya.Paano na lang ang kanyang kapatid? Sino ang mag-aalaga at titingin dito habang wala siya?“Thank you, Troy. Pag-iisipan ko,” sagot ni Lalaine sa kausap.Hindi naman inaasahan ni Troy na iyon ang isasagot ni Lalaine. Sandali siyang natigilan bago nagsalita, “O
HINDI masyadong nakakain si Lalaine ng dinner ng gabing iyon. Hindi rin niya alam kung paano sasabihin kay Ms. Ayah na magkakilala sila ng boyfriend nito, o mas tama bang h'wag na lang. Sa tuwing pinagmamasdan niya kasi si Ms. Ayah ay nangingislap ang mga mata nito at puno ng pagmamahal habang nakatingin kay Benjamin. Narinig din niya sa kanyang mga katrabaho na nagsasama na sa iisang bubong ang mga ito. Pero dahil birthday ni Ms. Ayah ng araw na iyon, nagdesisyon si Lalaine na huwag sirain ang masayang araw nito at ipagpabukas na lang ang nais niyang sabihin dito. Sa kalagitnaan ng kasiyahan, ay nagdesisyon na si Lalaine na magpaalam na uuwi kay Ms. Ayah at sa mga kasamahan. Nagdahilan na lang siya na hindi maganda ang kanyang pakiramdam at kailangan niyang magpahinga nang maaga. Nang marating ni Lalaine ang hagdan pababa sa lobby ng naturang hotel, isang pamilyar na pigura ang nabistahan niya mula sa malayo. Ang lalaki ay nakasuot ng itim na long-sleeve shirt, maganda ang tindi
“SO, ang dahilan ba kung bakit tumakbo ka no'ng makita mo ako ay dahil ba sa babaeng kasama ko? O dahil sa nagseselos ka?” Umiwas ng tingin si Lalaine at saka sumagot, “I-Isa lang 'tong kasunduan sa pagitan natin kaya hindi ako magseselos. P-Pero may prinsipyo ako na kapag nagkaroon ka na ng girlfriend, ayaw kong maging third party sa relasyon niyo...” paliwanag ni Lalaine sa kaharap na hindi ito tinitingnan sa mga mata. “B-Bukas na bukas din, aalis na ako. B-Babayaran ko na lang ang natitirang utang ko, pero wala pa akong malaking pera kaya—” Naputol ang pagsasalita ni Lalaine nang bigla siyang halikan ng lalaki. Katulad ng parati nitong ginagawa, marahas ang paraan nito ng paghalik. S********p at kinakagat din nito ang kanyang labi na para bang gusto siyang lagutan ng hininga. Namula ang buong mukha ni Lalaine at saka itinaas niya ang kanyang kamay para itulak ito habang humihikbi. Ngunit tulad ng dati ay hindi man lang ito natinag mas daliri nito. Makalipas ang ilang sandali, h
HABANG nasa balcony at naninigarilyo, isang tawag ang natanggap ni Knives. Nang makitang mula iyon sa kanyang daddy ay kumunot ang kanyang noo.“Yes, dad?” tanong n'ya mula sa kabilang linya.“Knives! What did you say to Ms. Sierra, why did she come home crying?” tanong ng kanyang daddy sa baritonong tinig.Umangat ang gilid ng labi ni Knives. Mukhang nagsumbong na ang babaeng 'yon sa kanyang daddy. Well, sino ba namang gugustustuhin ang babaeng'yon? Masyado itong liberated to think na first time lang nilang nagkita para sa blind date ay niyakap na siya nito. At marahil kaya ito umiiyak dahil sinabihan n'ya itong ayaw n'ya ng babaeng liberated.“Nothing, dad.”“You don't like her?” “She's too liberated. She can't play the role of being the young lady of the Dawson Family,” diretsang saad ni Knives.Natahimik naman si Kennedy Dawson sa narinig. Ang pamilyang tulad nila ay mas pinahahalagahan ang kanilang reputasyon, higit kaninuman. Kaya kung pakakasalan ng kanyang anak ang tulad n
NANG makita ni Knives ang frustrations sa mukha ni Lalaine ay lihim siyang napangiti. He will not allow her to just leave him after using him. He will not let the woman get away from him easily. He can pamper her, pero iyon ay kung magiging masunurin ito sa kan'ya. Gayunpaman, dahil napasaya naman siya nito, sa oras na maghiwalay sila ay bibigyan n'ya ito ng pera na sasapat hanggang sa pagtanda nito. “Bakit ba kasi hindi ka na lang sumunod sa gusto ko? Pinaiiral mo ang katigasan ng ulo mo,” sarkastikong saad ni Knives sa nakayukong babae. “H-Hindi pa ba sapat ang ginagawa kong pagsunod sa'yo?” naiiyak na tanong ni Lalaine. Nalaman niyang maging successful ang operation ni Lola Mathilde at mapapawalang-bisa na rin ang kasal nila sa mga susunod na araw. Iyon kasi ang usapan nila ni Knives, na sa oras na tapos na ang operasyon ng matanda ay saka sila maghihiwalay. Subalit paano naman ang kasunduan nila ng lalaki? Ayaw niyang maging kabit sa oras na magkaroon ito ng stable relati
NANG makarating ng mansyon ay kaagad sinalubong si Lalaine ng mayor-doma na si Nanay Delya. Sinamahan siya ng matanda papunta sa kwarto kung nasaan nagpapahinga sa Lola Mathilde. Nang makapasok sa kwarto ay nakita ni Lalaine ang matanda na nakaratay sa malaking kama. Ang dating mamula-mula nitong pisngi ay naging maputla, gayon din ang katawan nito na sumobra ang pagkapayat. Patakbong lumapit si Lalaine sa matanda na nagising noong pumasok siya. Masuyo itong nakangiti at bakas sa mukha ang saya nang makita si Lalaine. Ginagap ni Lalaine ang payat na kamay ng matanda at naiiyak na pinagmasdan ito. “K-Kumusta ka, lola? M-May masakit ba sa'yo?” nag-aalalang tanong ni Lalaine na pumiyok pa dahil sa pagpipigil ng iyak. “Ikaw talagang bata ka, okay lang si lola. Huwag kang umiyak dahil pumapangit ang maganda mong mukha, hija,” nagbibiro tugon naman ng matanda habang marahang hinahaplos ang kamay niyang nakahawak dito. Hindi na tuloy napigilan pa ni Lalaine ang pagtulo ng kanyang lu
“WHAT?! She's the bitch that Kuya Knives married?!” “Ms. Olivia, itigil mo na ang pagtawag kay Ms. Lalaine ng gan'yan. Baka marinig ka ng iyong lola, siguradong magagalit siya sa'yo. Kailangan mo ring maging maingat sa bawat sasabihin mo at ikikilos mo kapag nariyan si Young Master kung ayaw mong magalit siya sa'yo.” Sinubukan ni Nanay Delya na pakalmahin si Olivia pero hindi pa rin tumigil ang babae. Sa natuklasan ay tila mas lalo itong nagalit kaya palihim na lang na umiling-iling si Nanay Delya sa kamalditahan ng babae. “Ms. Lalaine, maiwan ko muna kayo dahil ipaghahanda ko pa ng foot bath si Madam Mathilde,” pagpapaalam ni Nanay Delya. “Sige po, Nanay Delya. Naunahin na po muna ninyo ang dapat n'yong gawin,” nakangiting namang tugon ni Lalaine. Nang makaalis ang matanda ay muling bumanat ng patutsada si Olivia. “Bitch! Everyone here knows you planned this marriage! 'Di ka gusto ni Kuya Knives! Pinaglalaruan lang n'ya kaya 'wag kang magpakampante! You're just a lowly girl
“I THINK Kuya Knives, she came here with bad intentions. Poor grandma... I'm sure this bitch did something to make Grandma Mathilde lose consciousness...”Nagpanggap pa si Olivia na kunwari ay naiiyak at muling nagsalita, “You should teach her a lesson, Kuya Knives! Don't let him get out of here unpunished!” muling sulsol ni Olivia sa kanyang pinsan.Humarap si Lalaine kay Olivia ng buong tapang at saka dinipensahan ang sarili sa paninira nito. “W-Wala akong ginagawa kay Lola Mathilde! Tinulungan ko lang siya—”“That's enough!” putol ni Knives sa sinasabi ni Lalaine. Tinitigan siya ni Knives na parang bang nakapatay siya ng tao. “Kapag may nangyaring masama kay Lola Mathilde, mananagot ka sa'kin,” mariing banta pa ni Knives.Mayamaya'y dumating na ang family doctor at nurse na may dalang stretcher. Marahang binuhat ng mga ito ang walang malay na matanda upang ilipat.Samantala, kasunod naman ng doctor si Nanay Delya na siyang nakasaksi sa lahat. Bakas sa mukha ng matanda na nahintaku
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip
NINE MONTHS LATER...“BABY! I'm here in okay? Please calm down! Kaya mo 'yan. Malapit nang dumating si Doc Ivy!” natatarantang bulalas ni Knives habang nag-aalalang nakatingin sa asawang nakahiga sa delivery room at hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Pawis na pawis na ito at namumutla ang mukha ng mga sandaling iyon tanda na nahihirapan ito.“Sobrang sakit na, Knives! 'Di ko na kaya! Parang mamamatay na 'ko!” bulalas ni Keiko habang umiiyak. “Bakit ba kasi ang tagal ng doktor na 'yon?!” Napakasakit na ng tiyan ni Keiko at pakiramdam n'ya ay malapit nang lumabas ang kanyang anak sa sinapupunan. Pero bakit wala pa rin ang OB niya? Saan ba ito nagpunta?“P-Papunta na si Doc Ivy, baby. 'Wag ka nang magalit, baka mapaano ka pa pati si baby,” pagpalakalma ni Knives sa asawa pero siya naman itong abot-langit ang kaba para sa kanyang mag-ina.Ito ang unang beses na matutunghayan niyang isilang ng pinakamamahal niyang asawa ang bunso nilang anak. Noong isilang kasi nito ang kambal ay wala s
“SHIT! Bakit pa kasi ngayon nangyari 'to?”Naiinis na tumingin si Seiichi sa babaeng kasama n'ya sa presinto ng mga sandaling iyon. Isang oras na lang ay mag-uumpisa na ang kasal ni Keiko at Knives pero heto't nasa harap siya ng mga pulis at paulit-ulit na nagpapaliwanag.“Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin na ikaw talaga ang nanghipo sa'kin para matapos na? Pare-pareho tayong male-late nito eh. May pupuntahan pa ako,” inis na sabi ng babae kay Seiichi.“Oo nga naman, Sir. Bakit ayaw mo pang aminin nang matapos na? Mukhang pareho pa kayong may lakad, oh?” sabat naman ng pulis investigator na kaharap nila ng mga sandaling iyon.Marahas na bumuntong-hininga si Seiichi saka tumingin sa wrist watch. Wala siyang dalang kotse dahil coding iyon kaya naman nag-bus na lang siya. Hindi na siya sumabay sa mag-aamang Inoue dahil may kailangan pa siyang daanan sa opisina. “Look, Miss. I don't have time for this,” sagot ni Seiichi saka tumayo na at humarap sa investigator saka dumukot ng calling ca
“MAY I have your attention please?” mayamaya pa'y pakiusap ni Knives sa nagkakagulong guests and reporters. “I have an important announcement.”Nahinto ang lahat at natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Knives. Mayamaya pa'y muling bumaling ang lalaki kay Keiko at masuyong nagsalita. “May I?” ani Knives saka inilahad ang kamay.Puno ng pagtatanong ang mga mata ni Keiko pero hindi na siya nagtanong pa. Inabot niya ang palad sa nobyo at inalalayan siya nito patungo sa pinakagitna ng banquet hall. They slowly walked up to the mini stage where there were two chairs decorated with her favorite flower—the beautiful daisy. Pakiramdam ni Keiko ay para siyang prinsesa at si Knives naman ang makisig na prinsipe nang gabing iyon. Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso na para bang malakas itong binabayo.“K-Knives...ano ba ang nangyayari?” naguguluhang tanong ni Keiko nang hindi na siya makatiis pa.Matamis na ngumiti si Knives sa nobya saka ginagap ang kanyang kamay. “You'll find out late
“LADIES and gentlemen, the woman you'll meet today is none other than the woman I will marry...” Ngumiti nang matamis si Knives sa harap ng nagkikislapang mga camera bago binuksan ang nakasarang pinto. At gayon na lang ang pagkagulat at pagtataka ni Keiko nang sumalubong sa kan'ya ang nagkakagulong reporters. Nakakasilaw din ang flash ng mga camera nito na walang tigil sa pagkuha ng pictures. Keiko almost fell over as the media anchors and reporters rushed to approach her for an interview. Luckily, Knives quickly grabbed her by the waist and pulled her closer. “Are you Keiko Inoue, right? The CEO of K Fashion?” tanong ng babaeng reporter. “Ms. Inoue, paano kayo magkakilala ni Mr. Dawson? tanong naman ng isa pa. “How long have you and Mr. Dawson been in a relationship, Ms. Inoue?” “Ms. Inoue, anak ba ninyo ni Mr. Knives Dawson ang kambal?” Sunod-sunod ang tanong na iyon ng mga reporters kay Keiko habang panay ang kuha ng footage at pictures. Ang buong akala n'ya ay dinner da
TILA umaayon ang lahat para kay Knives at Keiko dahil sunod-sunod na magagandang pangyayari ang nangyayari sa kanilang buhay. Matapos tuluyang mawala sa kanilang landas si Mr. Zhou at Elijah, ay si Gwyneth at ang daddy naman nito ang sumunod na nahuli ng mga pulis. They discovered that Knives' mother died not from illness but from gradual poisoning caused by the drugs Gwyneth gave her. The Dawson and Chua families are close friends, which is why Gwyneth is also close to Knives' mom. Gwyneth took advantage of the woman's kindness, because her plan was to get her wealth. Even her being a kidney donor to Kennedy was just a show to win the old man's heart. Nagpapasalamat si Knives sa taong nagpadala sa kan'ya ng mga ebidensyang iyon. Hindi n'ya kilala kung sino ang may gawa nito pero malakas ang kutob niyang iyon ang doktor na kasabwat ni Gwyneth sa lahat. Marahil ay nakonsensya na ito sa mga maling nagawa kaya makalipas ang ilang taon na pagtatago ay gusto na nitong itama ang mga pagkak
SA WAKAS ay pinayagan na rin si Knives ni Eros na makauwi at sa bahay na tuluyang magpagaling. However, Eros strictly instructed him not to force himself to work or do anything strenuous and to continue taking the medication. Masayang-masaya si Kaiser at Kaori nang sa wakas ay makita nila ang kanilang daddy na matagal nilang hindi nakasama. Pero dahil bawal pa kay Knives ay magkikilos ay kinausap niya ang mga anak na sa oras na magaling na siya ay saka sila maglalaro. Naintindihan naman kaagad ng dalawang paslit ang kalagayan ng kanilang daddy ay nangako ang mga ito na hindi kukulitin ang ama at magpapakabait.“I miss you po, daddy.” Yumakap pa si Kaori pagkasabi niyon sa kanyang daddy. Napangiti naman si Keiko nang marinig iyon habang pinanonood ang mga ito. Mukhang Mama's boy ang anak nilang babae.Si Kaiser naman ay tila nahihiyang lumapit sa kanyang daddy at nakatayo lang ito sa isang tabi. Kaya nang mapansin ni Knives ang anak ay tinawag niya ito at inakbayan. “How about you,