Kimberly Ann MartinezKaarawan ngayon ng amo namin na si Don Balthazar. Lahat kami pina papunta sa kanyang mansion. Kaya pumunta kami ni Karillo ngayon. As usual, si Kyla na naman ang maiwan sa bahay. Inaya kong sama na lang sa amin ngunit ayaw naman niya dahil naka-stress daw na dalhin si Kj kung saan. Tama naman ito, sobrang likot ni Kj kapag dinala mo sa isang mataong lugar. Kaya hinayaan ko na lang maiwan siya dito. "Sige, saglit lang kami doon. Magpapakita lang kami para naman hindi nila isipin iba tayo sa kanila," sabii ko kay Kyla."Naku, ate. Mag-enjoy kayo doon te, wag nyo kaming aalahanin dito," sabi naman ni Kyla. "Sige. Mag-ingat kayo rito ha? Wag kayong magbubukas ng pinto kapag hindi kami ang dumating," bilin ko pa sa kanya. "Opo," sagot ni Kyla. "Sige, alis na kami," sabi ko sa kanya. "Karillo! Tayo na para maka uwi agad tayo," tawag ko sa isang kapatid ko. "Parating na," sagot nito mula sa kwarto namin. Nasa kwarto din kasi ang mga gamit ni Karillo. Pero sa
Kimberly Ann Martinez"Ate, si kuya Jonathan ba talaga yon?" Tanong ni Karillo. Naglalakad na kami ngayon pauwi ng bahay."Siya nga yon. Kilalang-kilala ko siya." sagot ko sa kanya."Anong gagawin natin ngayon? Aalis na lang ba tayo?" Tanong ni Karillo sa akin. "Hindi naman niya tayo namukhaan kanina kaya nasisiguro ko, hindi niya tayo kilala," sabi ko sa kanya. "Sana nga ate, sana nga." Dalangin ni Karillo. Nang makarating sa bahay ay di na kami kumatok. Sigurado akong tulog na ang anak ko at si Kyla. Kinuha ni Karillo ang isang manipis na kahoy sa gilid at ipinasok sa gilid ng pinto upang mabuksan ang pakasirado sa loob. Nang mabuksan ay agad kaming pumasok sa loob. Nadagnat ko si Kyla at Kj na natutulog na sa higaan namin. Nagbihis na lang ako ng damit pantulog at tumabi sa anak ko. Si Karillo na ang bahalang magsarado ulit ng bahay namin. Kinabukasan, maaga kaming nagising tulad ng nakasanayan namin. Tulong-tulong kami sa mga gawaing bahay. Hindi kasi pwedeng si Kyla lang a
Kimberly Ann MartinezTulala lang ako habang nakatingin kay Kj na kumakain ng kamote. Ang isip ko kasi ay lumilipad sa ama niya. Mag-iisang linggo na matapos niya akong komprontahin doon sa tubuhan kung ako nga ba si Kimberly. Mabuti na lang at walang sinuman sa mga kasamahan ko ang naghihinala kung ano nga ba ang pinag usapan namin ni Jonathan. Hindi ko na rin ito nabanggit kina Karillo at Kyla dahi ayaw ko na pati sila ay kakabahan din. "Nanay, kain," aya sa akin Kj at sunubuan ako. Sinubo ko naman ang kamote na iniumag niya sa akin. "Hmmm, sarap," sabi ko sa kanya. Inabutan ko siya ng gatas niya dahil nakalimutan na niyang inumin to. "Salamat, nanay," sabi ng anak ko. "Walang anuman. Sige, kain ka pa para maging healthy pa," sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala si Kyla namamalengke habang si Karillo naman ay inaya ng mga kasamahan na kaedaran niya na mamasyal sa lungsod. Kaya kaming dalawa lang ni Kj ang naiwan sa bahay. Ang totoo ay i
Kimberley Ann MartinezNaging usap-usapan ng lahat ang bagong may-ari. Parang pamilyar daw sa kanila ang mukha ni Jonathan. "Alam nyo parang nakita ko na talaga ang mukha ni sir Jonathan," sabi ng isang kasamahan ko."Oo nga. Hindi kaya taga dito din siya dati?" tanong naman siya. "Hindi eh, parang may nakita akong kamukha niya," sabi ni Aling Rita na ikalaki ng mata ko. Madalas kasing nakikita ni aling Rita si Kj. Wag naman sana na maghihinala ito sa anak ko. Baka ito na talaga ang katapusan ko. Matatapos na talaga ang pagpapanggap ko kapag malaman nila yon.Nasa tubuhan na kaming lahat ng biglang may humintong sasakyan sa tapat namin. Lahat napaangat ng tingin sa bagong dating. Kinakabahan ako ng makitang bumaba si Jonathan mula sa driver's seat nito. May kasama itong isang babae na bumaba mula sa front seat. Hindi naman siya masyadong kagandahan pero maputi nga lang. Napataas ang kilay ko dahil iba na naman ang babae na ito. Nasaan ang asawa niya? Bakit hindi ito ang kasama
Jonathan McKinneySinadya kong magpapakain para trabahante dahil may hinala ako na si Kimberly talaga ang nagngangalang Berlyn. Pareho talaga sila ng physical appearance maliban na lang sa kulay ng balat at buhok. Pero lahat ng hinala ko ay biglang naglaho dahil sa lahat ng paborito ni Kimberly ay ayaw ni Berlyn. Idagdag pang nalaman ko na may anim na taong gulang na pala ito na anak. Sobrang nanghihinayang ako dahil akala ko siya na ang hinahanap ko. Ngunit hindi pala. "Kim, saan ka ba nagtatago? Please, magpakita ka naman," parang baliw na sabi ko habang naglalakad-lakad sa kalsada dito sa hacienda na binili ko kamakailan lang. Wala naman akong balak na bibilhin sana ito ng makita ko ito sa isang pahayagan na for sale. Ngunit parang may bumulong sa akin na bilhin ko siya. Maliban sa medyo mura ang halaga nito ay pwede din itong bahay bakasyunan kung sakali. Mag-isa na lang ako dito ngayon. Pinapabalik ko na ng Bacolod ang nakuha kung secretary kung saan siya ang magsusupervise kap
Kimberly Ann MartinezNanibago ako sa mga kasamahan ko. Ang tahimik nila ngayon. Nawala ang ingay nila na nagsisilbing musika ko sa araw-araw na nandito ako kasama nila. Pansin ko rin nag pasimpling tingin nila sa akin. Kaya napakunot ang noo ko. Gusto kong baliwalain ngunit parang may mali talaga. "Aling Rita, may nangyari ba?" tanong ko sa katabi kong si aling Rita. Umiwas naman siya ng tingin na mas lalong nagpakunot ang noo sa akin. "May problema ba?""Pasensya na dai Berlyn pero nagtatanong si sir Jonathan kung sino ka ba talaga," sagot niya sa akin. Kinakabahan naman ako sa nalaman. "Eh, anong sagot nyo?" tanong ko sa kanya. "Sinabi kong matagal ka na dito," sagot naman nito. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot niya ngunit mas namutla ako sa sunod niyang sinabi. "May pinakita siyang litrato sa amin. Kamukhang kamukha mo noong unang dating mo dito samin." "Wala ka na sigurong sinasabi na iba diba?" Tanong ko pa. "Tinanong din niya kung sino ang mga kapatid at sinabi kong
Kimberly Ann MartinezNagising ako na parang inuga-uga ang higaan namin. Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko anak ko na parang kinukombolsyon. Nataranta akong napabangon. "Anak… Anak!" Sigaw ko at niyugyog siya. Nakita kong namumuti ang mata niya at putlang-putla ito. "Kyla, gising!""Ate?" naalimpungatan ito dahil sa pag yugyug ko sa kanya. "Gisingin mo si Karillo, dali! Dalhin natin si Kj sa ospital!" natarantang bumangon ang kapatid ko at tumakbo sa labas. Binihisan ko kaagad si Kj matapos lumabas si Kyla. Di naman nagtagal ay bumalik ito kasama ang kapatid ko pang si Karillo. "Karillo, magbihis ka dali. Dalhin natin si Kj sa ospital."Agad naman silang tumalima sa utos ko. Nang matapos ay mabilis kaming lumabas ng bahay. Napansin kong may tinawagan si Karillo sa cellphone nito. Kung sino ito yon ang di ko alam. Lakad takbo ang ginawa namin para makarating agad sa kalsada. Sobrang aga pa kaya wala pa halos na sasakyan. Mabuti na lang at dumating ang isang kaibigan ni K
Kimberly Ann Martinez Tatlong araw na kami dito sa hospital. Tudo iwas ako na makausap si Jonathan. Kahit halos araw-araw naman siyang nandito. Kung ano-anong pagkain ang dinala niya na hindi naman mauubos ni Kj kaya ang resulta ay kami ni Kyla ang taga-ubos. Tulad ngayon may dala na naman siyang chowking take outs. Kahit ilang beses kong sinabi sa kanya na wag nang bumili ng kung ano-ano ay hindi ito nakinig. Rason niya pambawi daw niya sa mga panahong wala ito. "Wag na kasing kung ano-ano ang bibilhin mo. Di naman ito mauubos ng anak mo," sabi ko sa kanya. "Babe, para sa ating lahat yan," rason niya. "Mag-away na naman ba tayo? Ilang beses ko nang sinabi sayo na hindi na kailangan," giit ko sa kanya. "Bumabawi lang naman ako," rason niya. "Sa anak mo ikaw babawi pero sa amin hindi," sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi ko. "Just eat, please…" sabi niya. Napa buntong hininga na lang din ako. At di na siya pinansin pa. Wala rin namang mangyayari ka